Linggo, Setyembre 6, 2026

SHARE THE TRUTH

 3,441 total reads

Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon (A)

Ezekiel 33, 7-9
Salmo 94, 1-2. 6-7. 8-9

Panginoo’y inyong dinggin,
huwag n’yo s’yang salungatin.

Roma 13, 8-10
Mateo 18, 15-20

o kaya
Misa para sa Pangangalaga sa Sangnilikha

Twenty-third Sunday in Ordinary Time (A) (Green)

UNANG PAGBASA
Ezekiel 33, 7-9

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Ezekiel

Ito ang sinasabi ng Panginoon:

“Ikaw, Tao, ang ginagawa kong bantay ng Israel; anumang marinig mo sa akin ay sabihin mo sa kanila bilang babala. Kapag sinabi ko sa taong masama na siya’y mamamatay at di mo ito ipinaabot sa kanya upang makapagbagong-buhay, mamamatay nga siya sa kanyang kasamaan ngunit pananagutan mo ang kanyang kamatayan. Ngunit kapag binabalaan mo ang masama gayunma’y hindi rin nagbagong-buhay, mamamatay siyang makasalanan ngunit wala kang dapat panagutan.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 94, 1-2. 6-7. 8-9

Panginoo’y inyong dinggin,
huwag n’yo s’yang salungatin.

Tayo ay lumapit
sa ‘ting Panginoon, siya ay awitan,
ating papurihan
ang batong kublihan nati’t kalakasan.
Tayo ay lumapit,
sa kanyang harapan na may pasalamat,
Siya ay purihin,
ng mga awiting may tuwa at galak.

Panginoo’y inyong dinggin,
huwag n’yo s’yang salungatin.

Tayo ay lumapit,
sa kanya’y sumamba at magbigay-galang,
lumuhod sa harap nitong Panginoong sa ati’y lumalang.
Siya ang ating Diyos,
tayo ay kalinga niyang mga hirang,
mga tupa tayong inaalagaan.

Panginoo’y inyong dinggin,
huwag n’yo s’yang salungatin.

Ang kanyang salita ay ating pakinggan:
“Iyang inyong puso’y
huwag patigasin, tulad ng ginawa
ng inyong magulang
nang nasa Meriba, sa ilang ng Masa.
Ako ay tinukso’t
doon ay sinubok ng inyong magulang,
bagamat nakita
ang aking ginawang sila’ng nakinabang.”

Panginoo’y inyong dinggin,
huwag n’yo s’yang salungatin.

IKALAWANG PAGBASA
Roma 13, 8-10

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma

Mga kapatid, huwag kayong magkaroon ng sagutin kaninuman, liban sa saguting tayo’y mag-ibigan; sapagkat ang umiibig sa kapwa ay nakatutupad sa kautusan. Ang mga utos, gaya ng, “Huwag kang mangangalunya, Huwag kang papatay, Huwag kang magnanakaw, Huwag kang mag-iimbot,” at ang alinmang utos na tulad ng mga ito ay nabubuo sa ganitong pangungusap, “Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili.” Ang umiibig ay hindi gumagawa ng masama kaninuman, kaya’t ang pag-ibig ang kabuuan ng kautusan.

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA
2 Corinto 5, 19

Aleluya! Aleluya!
Pinagkasundo ni Kristo
ang Diyos at mga tao;
kaya’t napatawad tayo.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 18, 15-20

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Kung magkasala sa iyo ang kapatid mo, puntahan mo siya at kausapin nang sarilinan. Kapag nakinig siya sa iyo, ang pagsasama ninyong magkapatid ay napapanauli mo sa dati at napapanumbalik mo siya sa Ama. Ngunit kung hindi siya makinig sa iyo, magsama ka pa ng isa o dalawang tao upang ang lahat ng pinag-usapan ninyo ay mapatunayan ng dalawa o tatlong saksi. Kung hindi siya makinig sa kanila, sabihin mo ito sa pagtitipon ng simbahan. At kung hindi pa siya makinig sa natitipong simbahan, ituring mo siyang Hentil o isang publikano.

“Sinasabi ko sa inyo: anumang ipagbawal ninyo sa lupa ay ipagbabawal sa langit, at anumang ipahintulot ninyo sa lupa ay ipahihintulot sa langit.

“Sinasabi ko pa rin sa inyo: kung ang dalawa sa inyo rito sa lupa ay magkaisa sa paghingi ng anumang bagay sa inyong panalangin, ipagkakaloob ito sa inyo ng aking Amang nasa langit. Sapagkat saanman may dalawa o tatlong nagkakatipon dahil sa akin, naroon akong kasama nila.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

 

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon (A)

Sinabi ni Hesus: kung saan nagtitipon ang dalawa o tatlo sa Kanyang pangalan, naroroon Siya. Sa pagtitiwalang Siya’y nakikinig, manalangin tayo:

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.

Nawa’y tayong Simbahan ay maging kasangkapan ng pakikipagkasundo at pagtanggap sa lahat. Manalangin tayo. Nawa’y ang ating mga pinuno ay magsumikap para sa pagkakaisa at pag-angat ng lahat. Manalangin tayo.

Nawa’y ang ating mga pinuno ay magsumikap para sa pagkakaisa at pag-angat ng lahat. Manalangin tayo.

Nawa’y ang mga mag-anak na Pilipino ay mamuhay sa pag-ibig ni Kristo at ituwid ang mali. Manalangin tayo.

Nawa’y ang mga kabataang Pilipino ay maging bukás sa Banal na Espiritu sa paghahanap ng katotohanan at kahulugan ng buhay. Manalangin tayo.

Ama naming nasa langit, pag-isahin Mo kami sa Iyong pag-ibig. Gawin Mo kaming tagapagdala ng Iyong awa at paghilom. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.


Misa para sa Pangangalaga sa Sangnilikha

Karunungan 13, 1-9
Salmo 18, 2-3. 4-5

Ang langit ay nagdiriwang
sa Panginoong marangal.

o kaya
Salmo 103, 1-2a. 5-6. 10 at 12. 24 at 35k

Ang Poon ay natutuwa
sa kanyang mga nilikha.

Colosas 1, 15-20
Mateo 6, 24-34
o kaya Mateo 8, 23-27

Mga Pagbasa mula sa

UNANG PAGBASA
Karunungan 13, 1-9

Pagbasa mula sa aklat ng Karunungan

Napakahangal ang mga taong hindi nakakikilala sa Diyos.
Nakikita nila ang mabubuting bagay sa daigdig,
ngunit hindi nila makita ang Diyos na buhay.

Pinag-aaralan nila ang kanyang mga nilalang,
ngunit hindi nila nakilala siya, na lumalang sa mga ito.

Sa halip, ang apoy, ang mabilis na hangin, ang unos,
ang mga bituing naglalayag sa karurukan,
ang rumaragasang tubig at ang mga tala sa kalangitan,
ang kinikilala nilang mga diyos na namamahala sa daigdig.

Kung kinilala nilang diyos ang mga ito dahil sa kanilang angking kariktan,
dapat ay nalaman nilang higit na dakila ang lumalang sa lahat ng iyan, ang Panginoong Maykapal.

Siya ang pinagmulan ng lahat ng kagandahan, ang lumikha sa lahat ng mga ito.

Kung namangha sila sa kapangyarihan ng mga ito,
dapat nilang malaman na higit ang kapangyarihan ng lumikha sa mga ito.
Sapagkat sa pagmalas natin sa kalawakan at kagandahan ng sangnilikha,
makikilala natin ang Lumikha.

Baka naman hindi sila dapat sisihin nang lubos.
Maaaring nagsikap silang makilala ang Diyos,
ngunit naligaw lamang sa kanilang paghahanap.
Sa pag-aaral ng mga bagay na nasa paligid nila,
lubha silang naakit sa kagandahang kanilang nakita.

Hanggang sa naniwala silang diyos nga ang mga ito.
Ngunit wala silang tunay na maidadahilan sa kanilang pagkaligaw.
Kung nakayanan nilang pag-aralan ang sansinukob,
bakit di nila nakilala ang Panginoong maylikha sa lahat?

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 18, 2-3. 4-5

Ang mga tugon sa salmo ay sinunod sa Leksyonaryo.
Tingnan ang gabay mula sa CBCP para sa iba pang salin ng tugon.

Ang langit ay nagdiriwang
sa Panginoong marangal.

Ang langit ay naghahayag na ang Diyos ay dakila!
Malinaw na nagsasaad kung ano ang kanyang gawa!
Bawat araw, bawat gabi, ang ulat ay walang patlang,
patuloy na nag-uulat sa sunod na gabi’t araw.

Ang langit ay nagdiriwang
sa Panginoong marangal.

Walang tinig o salitang ginagamit kung sabagay,
at wala ring naririnig na kahit na anong ingay;
gayun pa man, sa daigdig ay laganap yaong tinig,
ang balita’y umaabot sa duluhan ng daigdig.

Ang langit ay nagdiriwang
sa Panginoong marangal.

o kaya:
Salmo 103, 1-2a. 5-6. 10 at 12. 24 at 35k

Ang Poon ay natutuwa
sa kanyang mga nilikha.

Pinupuri ka, Poong Diyos, nitong aking kaluluwa,
O Panginoong aking Diyos, kay dakila mong talaga!
Ang taglay mong kasuuta’y dakila ri’t marangal pa.
Nababatbat ka, Poong Diyos, ng liwanag na kay ganda.

Ang Poon ay natutuwa
sa kanyang mga nilikha.

Ikaw na rin ang nagtayo ng saligan nitong lupa,
matatag na ginawa mo’t hindi ito mauuga.
Ang ibabaw ng saliga’y ginawa mong karagatan,
at tubig din ang bumalot sa lahat ng kabundukan.

Ang Poon ay natutuwa
sa kanyang mga nilikha.

Lumilikha ka ng ilog na patungong kapatagan,
sa gilid ng mga burol, umaagos na marahan.
Sa naroong kakahuya’y umaawit ng masaya,
mga ibo’y nagpupugad sa malabay nilang sanga.

Ang Poon ay natutuwa
sa kanyang mga nilikha.

Sa daigdig, ikaw Poon, kay rami ng iyong likha
pagkat ikaw ay marunong kaya ito ay nagawa.
Sa dami ng nilikha mo’y nakalatan itong lupa.
Purihin ang Panginoon, purihin mo, kaluluwa!

Ang Poon ay natutuwa
sa kanyang mga nilikha.

IKALAWANG PAGBASA
Colosas 1, 15-20

Pagbasa mula sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Colosas

Si Kristo ang larawan ng Diyos na di-nakikita, at siyang may kapangyarihan sa lahat ng nilikha. Sapagkat ang lahat ng nasa langit at nasa lupa, nakikita man o hindi, pati ang mga naghahari at namamahala, mga namumuno at may kapangyarihang espirituwal ay pawang nilikha ng Diyos sa pamamagitan niya at para sa kanya. Siya’y una sa lahat, at sa kanya nasasalalay ang kaayusan ng lahat ng bagay. Siya ang ulo ng Simbahan na kanyang katawan. Siya ang Una, ang panganay na Anak — ang unang nabuhay na muli upang siya ang maging pinakadakila sa lahat ng bagay. Ipinasiya ng Diyos na ang kanyang kalikasan ay manatili rin sa Anak, at inibig niyang ang sandaigdigan ay makipagsundo sa kanya sa pamamagitan ng Anak. Sa pamamagitan ng pagkamatay nito sa krus, nagkasundo nga ang Diyos at ang lahat ng nilikha sa langit at sa lupa.

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA
Salmo 103, 24

Aleluya! Aleluya!
Kay rami ng Iyong mga gawa, O Panginoon!
Nilikha Mo silang lahat sa karunungan.
Aleluya! Aleluya!

o kaya:
1 Mga Cronica 29, 11d. 12b

Aleluya! Aleluya!
lyo, O Panginoon, ang kaharian;
Ikaw ang naghahari sa lahat.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 6, 24-34

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Walang makapaglilingkod nang sabay sa dalawang panginoon sapagkat kapopootan niya ang isa at iibigin ang ikalawa, paglilingkuran nang tapat ang isa at hahamakin ang ikalawa. Hindi kayo makapaglilingkod nang sabay sa Diyos at sa kayamanan.

“Kaya’t sinasabi ko sa inyo: huwag kayong mabagabag tungkol sa pagkain at inumin na kailangan ninyo upang mabuhay, o tungkol sa damit na kailangan ng inyong katawan. Hindi ba’t ang buhay ay higit na mahalaga kaysa pagkain, at ang katawan kaysa pananamit? Masdan ninyo ang mga ibon: hindi sila naghahasik ni nag-aani o kaya’y nagtitipon sa banga. Gayunman, pinakakain sila ng inyong Amang nasa langit. Hindi ba’t higit kayong mahalaga kaysa mga ibon? Sino sa inyo ang makapagpapahaba ng kanyang buhay nang kahit isang oras sa pamamagitan ng kanyang pagkabalisa?

“At bakit kayo nababagabag tungkol sa pananamit? Isipin ninyo kung paano sumisibol ang mga bulaklak sa parang; hindi sila nagpapagal ni humahabi man. Ngunit ito ang sasabihin ko sa inyo: maging si Solomon ay hindi nakapagsuot ng kasingganda ng isa sa mga bulaklak na ito, bagamat napakariringal ang mga damit niya. Kung ang mga damo sa kabukiran, na buhay ngayon at kinabukasa’y iginagatong sa kalan, ay dinaramtan ng Diyos, kayo pa kaya? Kay liit ng pananalig ninyo sa kanya! Kaya’t huwag kayong mabalisa tungkol sa inyong kakanin, iinumin, o daramtin. Sapagkat ang mga bagay na ito ang kinahuhumalingan ng mga taong wala pang pananalig sa Diyos. Alam ng inyong Amang nasa langit na kailangan ninyo ang lahat ng ito. Ngunit pagsumakitan ninyo nang higit sa lahat ang pagharian kayo ng Diyos at mamuhay nang ayon sa kanyang kalooban, at ipagkakaloob niya ang lahat ng kailangan ninyo. Kaya, huwag ninyong ikababahala ang para sa araw ng bukas; saka na ninyo harapin kapag ito’y dumating. Sapat na sa bawat araw ang kanyang mga suliranin.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

o kaya:
Mateo 8, 23-27

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon,
sumakay si Hesus sa bangka,
kasama ang kanyang mga alagad.
Bumugso sa lawa ang isang malakas na unos
at halos matabunan ng mga alon ang bangka.
Ngunit natutulog noon si Hesus.
Kaya’t nilapitan siya ng mga alagad at ginising.
“Panginoon, tulungan ninyo kami!” sabi nila.
“Lulubog tayo!”
At sinabi niya sa kanila,
“Ano’t kayo’y natatakot?
Napakaliit naman ng pananalig ninyo!”
Bumangon siya,
sinaway ang hangin at ang dagat,
at tumahimik ang mga ito.
Namangha silang lahat at ang sabi,
“Anong tao ito? Kahit ang hangin at ang dagat
ay tumatalima sa kanya!”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN

Mga kapatid, sa pagdiriwang natin ng Panahon ng Paglikha, manalangin tayo sa Diyos, ang Maylalang ng lahat, upang maging tapat tayo sa pangangalaga sa daigdig na kanyang ipinagkatiwala sa atin.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

Para sa Simbahan, upang akayin niya ang lahat sa pagpupuri sa Diyos at sa responsableng pangangalaga sa kanyang sangnilikha, manalangin tayo sa Panginoon.

Para sa mga namumuno sa mga bansa at pamayanan, upang pangalagaan nila ang kalikasan at itaguyod ang kabutihang panlahat, lalo na para sa mga dukha at higit na nangangailangan, manalangin tayo sa Panginoon.

Para sa ating lahat na mga Kristiyano, upang mamuhay tayo nang payak, itaguyod ang katarungan at kapayapaan, at maging responsableng tagapangasiwa ng mga kaloob na ipinagkatiwala sa atin ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Para sa mga nakakaranas ng mga sakuna at pagkasira ng kalikasan, upang matagpuan nila ang lakas at pag-asa sa Diyos at makatanggap ng tulong mula sa kapwa, manalangin tayo sa Panginoon.

Para sa ating pamayanan, upang sa pagdiriwang ng Panahon ng Paglikha ay lalo tayong magpasalamat sa Diyos at mahikayat na pangalagaan ang ating iisang tahanan para sa kapakinabangan ng mga susunod na salinlahi, manalangin tayo sa Panginoon.

Diyos naming Ama, Maylalang ng langit at lupa, dinggin mo ang mga panalangin ng iyong bayan. Ipagkaloob mong maging tapat kami sa pangangalaga sa mga kaloob na iyong ipinagkatiwala sa amin at maging responsableng tagapangalaga ng iyong sangnilikha. Sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon.

Amen.

MODERN-DAY PHARISEES

 1,323 total reads

Gospel Reading for October 16, 2026 – Luke 12: 1-7

MODERN-DAY PHARISEES

At that time: So many people were crowding together that they were trampling one another underfoot. Jesus began to speak, first to his disciples, “Beware of the leaven–that is, the hypocrisy–of the Pharisees. “There is nothing concealed that will not be revealed, nor secret that will not be known. Therefore whatever you have said in the darkness will be heard in the light, and what you have whispered behind closed doors will be proclaimed on the housetops. I tell you, my friends, do not be afraid of those who kill the body but after that can do no more. I shall show you whom to fear. Be afraid of the one who after killing has the power to cast into Gehenna; yes, I tell you, be afraid of that one. Are not five sparrows sold for two small coins? Yet not one of them has escaped the notice of God. Even the hairs of your head have all been counted. Do not be afraid. You are worth more than many sparrows.”

————

Perhaps there are very few people in the world who would not fear murderers or members of groups operating in the underworld or engaged in criminal activities. For Jesus, however, this fear is secondary to the fear of those who can lead us astray—those who have managed to convince others that what has always been morally right is wrong, and what is wrong is now morally right.

Jesus is not merely speaking about the Pharisees. We have MODERN-DAY PHARISEES who manipulate the Word of God to serve their personal interests or promote their advocacies that run counter to the teachings of Jesus and Sacred Scripture.

If we are to be true Christians who wish to enjoy eternal life with God someday, we have to be wary of these people. They are the ones we must avoid because, although they cannot kill us physically, they can kill us spiritually.

Lord Jesus, help us to always seek the truth in Sacred Scripture and in the teachings of Jesus in the New Testament.

Sealed with the Holy Spirit

 1,667 total reads

Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II
Friday, Twenty-Eighth Week in Ordinary Time, Year II, 16 October 2026
Ephesians 1:11-14     ><))))*> + ><))))*> + ><))))*>     Luke 12:1-7
Photo by author, Bella Rosa Gardens, Silang, Cavite, 07 October 2026.
What's happening in the world,
Lord where everyone seems to thrive 
in chaos?
Trash talks like cussings,
making fun of other people's
disabilities, smart shaming and
body shaming are so glorified and
imitated especially in social media;
many have no more sense of shame at all,
stretching their rights without any regard
for their responsibilities nor rights of others
that we are like in that gospel scene today:

At that time, so many people were crowding together that they were trampling one another underfoot. Jesus began to speak, first to his disciples, “Beware of the leaven – that is, hypocrisy – of the Pharisees (Luke 12:1).

Photo by author, Bella Rosa Gardens, Silang, Cavite, 07 October 2026.
Are we not like those
people crowding together,
already trampling just to hear you
speak, Jesus?
Give us the wisdom,
awaken us from our glorification of
everything that is crass and low,
giving only emphasis on the body
forgetting about the soul,
its dignity and value
along with virtues:
"I tell you,
 my friends,
do not be afraid of those
who kill the body
but after that can do no more"
(Luke 12:4).
Photo by author, Bella Rosa Gardens, Silang, Cavite, 07 October 2026.
Let us see St. Paul's
alternative vision for the world
in which God's plan is to restore
all things in you, Christ;
let us see more the love and 
mercy you have lavished upon us
when you suffered and died 
on the Cross to save us,
rising from the dead on the third day
to reconcile us to the Father 
and with everyone;
how consoling that we are
not our own,
that despite the chaos 
and darkness all over us these days,
"In Christ we were also chosen,
destined in accord with purpose of
the one who accomplishes all things
according to the intention of his will...
were sealed with the Holy Spirit"
(Ephesians 1:11, 13).
How lovely are
these words, Lord!
May we be like St. Paul
in proclaiming to this sick and dark world
that there is an alternative, 
better vision of the world 
from the Father
in Christ Jesus.
Give us the courage to work on this,
to cooperate with your grace in
showing the world 
life is so beautiful!
Amen.

WALANG KAHIHIYAN

 19,716 total reads

Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan.

Sinasabi sa Philippians 2: 6-7, “Who, being in very nature[a] God, did not consider equality with God something to be used to his own advantage; rather, he made himself nothing by taking the very nature of a servant, being made in human likeness.

Iginiit din ng yumaong Pope Francis na ang “Compassion is the language of God. Let us learn to live with kindness, to love everyone, even when they do not love us.”

Sinususugan naman ni dating South African President Nelson Mandela na “Our human compassion binds us the one to the other — not in pity or patronizingly, but as human beings who have learnt how to turn our common suffering into hope for the future.”

Mayroong kasabihan na “A leader chooses compassion without weakness, correct without cruelty, build people up”.

Pero Kapanalig, tila wala ang katangiang ito sa mga kasalukuyang lider ng bansa, walang natututo sa mga ating pulitiko, walang accountability sa ating mga lider, walang malasakit sa ating bayan.,walang malasakit sa ating mga Pilipino.

Sa ating bansa, ang pera ng bayan…ang pondo ng taumbayan mula sa kanilang pinaghihirapang pagbabayad ng buwis, ay mistulang pag-aari na ng ating mga hinalal na lider o pulitiko. Sila na ang nagsisilbing “opera conductor”, sa bawat kumpas nila, sa bawat naiisin nila sa pera ng taumbayan ay kanilang magagawa. Ang masakit, ang mga politiko na mismo ang nagiging “account holder” ng pondo ng mamamayang Pilipino.

Sa report ng People’s Budget Coalition, “hindi na sila nahiya”, tinukoy dito ang mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso matapos walang kaabog-abog na ipasa ang 7.2-trilyong pisong national budget para sa taong 2027.

Ipinagbabawal na ng korte suprema ang pork barrel, gayunman nakagawa pa rin ang mga mambabatas ng eskima, natuklasan ang parking scheme., pinalitan ito ng unprogrammed appropriations. Matapos mabunyag ang unprogrammed appropriations sa multi-bilyong pisong budget insertions sa flood control projects ng DPWH, pinalitan naman ang eskima ng “leadership fund”.

Ang tindi ng apog ng mga walanghiya sa Kongreso! Kapanalig, sa inaprubahang 7.2 trilyong pisong national budget ng House of the Representatives., na red-flag o kuwestiyunable ang 1.2-trilyong pisong unprogrammed appropriations na maaring magamit sa political patronage at korapsyon. Natukoy ang 120-bilyong pisong pondo na pang-ayuda o doleouts ng mga pulitiko., 695-bilyong pisong lump sum infrastructure na walang tinukoy na proyekto, 43-bilyong piso sa Office of the President, House of the Representatives at Senado., 112-bilyong pisong unprogrammed appropriations, at merong pang idinagdag na 84-bilyong pisong budget insertions ang House Committee on Appropriations na blangko kung saan gagamitin. Isa itong malalang paglapastangan sa pondo ng bayan.

Kapanalig, ang 1.06-trilyong pisong red-flagged budget allocations ay 15-percent ng kabuuang 7.2-trilyong pisong 2027 national budget. Nasaan ang malasakit ng mga congressman sa taumnbayan? Ang bansa ay nahaharap sa mataas na inflation, laylay na ang balikat ng taumbayan sa mataas na presyo ng langis, mataas na bayarin sa pamasahe, mahal na halaga ng mga bilihin, mahal na serbisyo publiko. Pero Kapanalig, pagdating sa pera ng taumbayan, magagaling sa pagpa-plano., magagaling sa pagkuwenta ang ating mga congressman., magagaling sila gumawa ng paraan kung paano magkapera, magaling guwama ng eskima para manakaw ang pondo ng bayan ng hindi napapawisan.

Ang mga mambabatas natin, magagaling sa kawalanghiyaan!

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 19,717 total reads

 19,717 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 100,970 total reads

 100,970 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 134,419 total reads

 134,419 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 169,717 total reads

 169,717 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 395,610 total reads

 395,610 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Linggo, Oktubre 18, 2026

 1,287 total reads

 1,287 total reads Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon (A) Isaias 45, 1. 4-6 Salmo 95, 1 at 3, 4-5. 7-8. 9-10a at k Dakilang kapangyarihan

Read More »

Sabado, Oktubre 17, 2026

 3,226 total reads

 3,226 total reads Paggunita kay San Ignacio ng Antioquia, obispo at martir Efeso 1, 15-23 Salmo 8, 2-3a. 4-5. 6-7 Pinamahala sa tao ang lahat ng

Read More »

Biyernes, Oktubre 16, 2026

 4,890 total reads

 4,890 total reads Biyernes ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Eduvigis (Heidi), namanata sa Diyos o kaya Paggunita kay Santa

Read More »

Huwebes, Oktubre 15, 2026

 6,196 total reads

 6,196 total reads Paggunita kay Santa Teresa ng Avila, dalaga at pantas ng Simbahan Efeso 1, 1-10 Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4. 5-6 Ang D’yos na

Read More »

Miyerkules, Oktubre 14, 2026

 7,509 total reads

 7,509 total reads Miyerkules ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Calixto I, papa at martir Galacia 5, 18-25 Salmo 1,

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top