Lunes, Abril 7, 2025

SHARE THE TRUTH

 4,933 total reads

Lunes sa Ika-5 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda

Daniel 13, 1-9. 15-17. 19-30. 33-62
o kaya Daniel 13, 41k-62
Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5. 6

Kahit sa daang madilim
Panginoon ko’y kapiling.

Juan 8, 1-11

Monday of the Fifth Week of Lent (Violet)

UNANG PAGBASA
Daniel 13, 1-9. 15-17. 19-30. 33-62

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Daniel

May nakatira noon sa Babilonia na isang lalaking nagngangalang Joakim. Ang asawa niya ay isang babaing bukod sa napakaganda ay may banal na takot sa Diyos. Susana ang pangalan nito, anak ni Hilcias. Pinalaki siya ng kanyang mga magulang ayon sa Kautusan ni Moises.

Napakayaman ni Joakim, at ang bahay niya’y ligid ng malawak at magandang hardin. Karaniwa’y doon nagpupulong ang mga Judio sapagkat iginagalang siya ng lahat. Yaon ang naging tanggapan ng dalawang hukom ng bayan at doon nagpupunta ang mga taong may usapin. Nang taong iyon, nahalal na hukom ang dalawang matanda, at ganito ang sabi ng Panginoon tungkol sa kanila. “Lumabas sa Babilonia ang kasamaan sa katauhan ng dalawang matanda na naglilingkod sa bayan bilang mga hukom.”

Nakagawian na ni Susana ang mamasyal sa hardin ng kanyang asawa pagkaalis ng mga tao upang mananghalian. Araw-araw, siya’y nakikita ng dalawang hukom sa kanyang pamamasyal sa hardin. Nagkaroon sila ng masamang hangarin sa babae. Sa kanilang pagkahibang kay Susana, tinalikuran nila ang pananalangin at kinalimutan ang kanilang katungkulan sa bayan.

At dumating ang pagkakataon. Gaya nang dati, si Susana ay pumasok sa hardin na dalawang abay lamang ang kasama. Napakaalinsangan noon kaya’t naisipan niyang maligo. Wala nang iba pang nasa hardin kundi ang nagkukubling dalawang hukom na nanunubok sa kanya. Sinabi ni Susana sa dalawang abay, “Dalhan ninyo ako ng pabango at langis ng olibo. Pagkatapos ay isara ninyo ang pinto para makapaligo na ako.”

Pagkaalis ng mga abay, mabilis na lumapit kay Susana ang dalawang hukom. “Sarado ang mga pinto at walang makakakita sa atin,” sabi nila kay Susana. “Sabik na sabik kami sa iyo, kaya’t pagbigyan mo na ang aming kahilingan. Pag tumanggi ka, palalabasin naming nahuli ka namin na nakikipagtalik sa isang binata, kaya mo pinaalis ang iyong mga abay.”

Litung-lito si Susana, at napataghoy siya: “Wala akong lusutan. Kung papayag ako sa inyo, ang parusa’y kamatayan. Pag tumanggi naman ako, maghihiganti kayo sa akin. Ngunit yari na ang pasiya ko. Hindi ako makapapayag sa inyong hinihingi. Mamatamisin ko pang lasapin ang tindi ng inyong higanti kaysa magkasala ako laban sa Diyos.” Pagkasabi niyon ay malakas na nagsisigaw si Susana, ngunit sinabayan siya ng dalawang lalaki. Ang isa’y tumakbo sa pinto at binuksan ito.

Narinig sa kabahayan ang ingay sa hardin kaya’t nagmamadaling pumasok ang mga utusan sa pinto sa tigiliran para alamin kung ano ang nangyari roon. Sinabi ng dalawang hukom ang kanilang paratang kay Susana at nabigla sa narinig ang mga katulong. Hindi pa sila nakarinig ng gayong paratang laban kay Susana kung di ngayon.

Kinabukasan, nang magkatipon na sa bahay ni Joakim ang mga tao, dumating ang dalawang hukom. Handa na silang hatulan ng kamatayan si Susana. Sa harapan ng lahat ay ipinag-utos nilang tawagin si Susana, ang anak ni Hilcias at kabiyak ni Joakim. Dumating ang babae, kasama ang kanyang mga magulang, mga anak, at lahat ng kamag-anak. Habag na habag namang nag-iiyakan ang pamilya ni Susana, sampu ng mga taong naroon.

Tumayo ang dalawang hukom, ipinatong sa ulo ni Susana ang mga kamay nila, at ipinahayag ang kanilang mga paratang laban kay Susana. Napatingala na lamang sa langit ang lumuluhang si Susana; sa kaibuturan ng kanyang puso’y nananalig siya sa Panginoon. Ang sabi ng mga hukom, “Naglalakad kami sa hardin nang pumasok ang babaing ito, kasama ang kanyang dalawang abay. Isinara niya ang malaking pinto ng hardin, saka pinaalis ang mga abay. Di nagtagal, lumabas sa pinagkukublihan ang isang binata, at silang dalawa’y nagtalik. Naroon kami sa isang sulok ng hardin. Pagkakita namin sa kanilang ginagawang kasamaan, lumapit kami. Bagaman nakita namin ang lahat, di namin napigilan ang lalaki. Higit na malakas siya sa amin, kaya’t madali niyang nabuksan ang pinto at tumakas. Itong babae ang pinigilan namin at tinanong, subalit ayaw niyang ipagtapat kung sino ang lalaking iyon na katalik niya. Nanunumpa kaming ang aming ipinahayag ay pawang katotohahan.” Sapagkat kinikilala silang matatanda ng bayan at mga hukom pa, pinaniwalaan ng mga tao ang kanilang salaysay at nagkaisang parusahan ng kamatayan si Susana. Dahil dito, malakas at umiiyak na sinabi ni Susana, “Diyos na Walang Hanggan, nalalaman mo po ang lahat ng lihim at nakikita ang lahat ng bagay bago pa mangyari. Alam mo pong walang katotohanan ang ibinibintang nila sa akin. Hindi ko ginawa kailanman ang ipinararatang nila sa akin. Bakit ako kailangang mamatay?”

Dininig ng Diyos ang kanyang dalangin. Nang si Susana ay dinadala na sa pagpapatayan sa kanya, isang binatang nagngangalang Daniel ang malakas na tumutol. “Ayokong mapabilang sa magbububo ng dugo ng babaing ito,” sabi niya.

Tinanong siya ng mga tao, “Ano ang ibig mong sabihin, binata?”

Lumapit sa unahan ang binata at nagpatuloy ng pagsasalita, “Mga Israelita, hangal ba kayo at hinahatulan ninyo ang babaing ito nang di muna sinisiyasat at maingat na sinasaliksik ang katotohanan? Kailangang ulitin ang paglilitis; walang katotohanan ang katibayang inilahad ng dalawang iyan.”

Nagdudumaling bumalik ang mga tao. Sinabi ng mga pinuno, “Daniel, yamang binigyan ka ng Diyos ng karunungang gaya ng sa isang matanda, halika at sumama ka sa amin sa paghatol sa usaping ito.”

Pagkatapos, nagsalita si Daniel, “Paglayuin ninyo ang dalawang hukom at magkahiwalay ko silang sisiyasatin.” Nang mapaglayo na sila, tinawag ni Daniel ang isa at sinabi, “Matandang walang pinagkatandaan! Inilalantad ka na ng maraming kasalanang ginawa mo. Hindi makatarungan ang mga hatol na iginagawad mo; pinarurusahan mo ang walang kasalanan at pinalalaya ang talagang nagkasala. Di ba sinabi ng Diyos: ‘Huwag ninyong parurusahan ng kamatayan ang walang sala?’ Kung talagang nakita mo ang ipinararatang mo sa babaing ito, sabihin mo sa amin: sa ilalim ng anong puno sila nagtatalik nang matutop ninyo?”

Sumagot siya, “Sa ilalim ng punong hati.”

Sinabi ni Daniel, “A, gayun! Buhay mo ang kapalit ng iyong sagot, pagkat ibinigay na ng Diyos sa kanyang anghel ang parusa mo, at hahatiin ka sa dalawa.”

Inilayo siya roon, at ipinatawag ang kanyang kasama. Paglapit nito, sinabi ni Daniel, “Ikaw naman, anak ni Canaan, hindi ka tunay na Judio. Binihag ng alindog ng babae ang iyong isip at inalipin ng kahalayan ang iyong puso. Alam na namin ngayon ang ginagawa mo sa kababaihan ng Israel. Tinatakot mo sila para pagbigyan ang iyong kahalayan. Subalit narito ang isang babae ng Juda na hindi natakot sa iyong kaimbihan! Sabihin mo: sa ilalim ng anong puno ninyo nakita ang inyong pinagbibintangan?”

At sumagot ang matanda, “Sa ilalim ng punong putol.”

“A, gayun!” pakli naman ni Daniel. “Buhay mo ang katumbas ng kasinungalingang ito, pagkat naghihintay na ang anghel ng Diyos upang putulin ka sa pamamagitan ng tabak.”

Dahil dito, nagsigawan sa tuwa ang lahat ng nakasaksi at nagpuri sila sa Diyos sapagkat inililigtas niya ang mga nagtitiwala sa kanya. Binalingan nila ang dalawang hukom matapos patunayan ni Daniel na sila’y nagsisinungaling at nanumpa nang di totoo. Hinatulan silang mamatay. Ayon sa Kautusan ni Moises, ang nagparatang nang di totoo ay siyang lalapatan ng parusang nakatakda sa kasalanang ipinaratang niya. Naligtas nga sa kamatayan ang isang taong walang kasalanan.

Ang Salita ng Diyos.

o kaya: Maikling Pagbasa
Daniel 13, 41k-62

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Daniel

Noong mga araw na iyon, ang mga tao ay nagkaisang parusahan ng kamatayan si Susana. Dahil dito, malakas at umiiyak na sinabi ni Susana, “Diyos na Walang Hanggan, nalalaman mo po ang lahat ng lihim at nakikita ang lahat ng bagay bago pa mangyari. Alam mo pong walang katotohanan ang ibinibintang nila sa akin. Hindi ko ginagawa kailanman ang ipinararatang nila sa akin. Bakit ako kailangang mamatay?”

Dininig ng Diyos ang kanyang dalangin. Nang si Susana ay dinadala na sa pagpapatayan sa kanya, isang binatang nagngangalang Daniel ang malakas na tumutol. “Ayokong mapabilang sa magbububo ng dugo ng babaing ito,” sabi niya.

Tinanong siya ng mga tao, “Ano ang ibig mong sabihin, binata?” Lumapit sa unahan ang binata at nagpatuloy ng pagsasalita, “Mga Israelita, hangal ba kayo at hinatulan ninyo ang babaing ito nang di muna sinisiyasat at maingat na sinasaliksik ang katotohanan? Kailangang ulitin ang paglilitis; walang katotohanan ang katibayang inilahad ng dalawang iyan.”

Nagdudumaling bumalik ang mga tao. Sinabi ng mga pinuno, “Daniel, yamang binigyan ka ng Diyos ng karunungang gaya ng sa isang matanda, halika at sumama ka sa amin sa paghatol sa usaping ito.”

Pagkatapos, nagsalita si Daniel, “Paglayuin ninyo ang dalawang hukom at magkahiwalay ko silang sisiyasatin.” Nang mapaglayo na sila, tinawag ni Daniel ang isa at sinabi, “Matandang walang pinagkatandaan! Inilalantad ka na ng maraming kasalanang ginawa mo. Hindi makatarungan ang mga hatol na iginagawad mo, pinarurusahan mo ang walang kasalanan at pinalalaya ang talagang nagkasala. Di ba sinabi ng Diyos: ‘Huwag ninyong parurusahan ng kamatayan ang walang sala?’ Kung talagang nakita mo ang ipinararatang mo sa babaing ito, sabihin mo sa amin: sa ilalim ng anong puno sila nagtatalik nang matutop ninyo?”

Sumagot siya, “Sa ilalim ng punong hati.”

Sinabi ni Daniel, “A, gayon! Buhay mo ang kapalit ng iyong sagot, pagkat ibinigay na ng Diyos sa kanyang anghel ang parusa mo, at hahatiin ka sa dalawa.”

Inilayo siya roon, at ipinatawag ang kanyang kasama. Paglapit nito, sinabi ni Daniel, “Ikaw naman, anak ni Canaan, hindi ka tunay na Judio. Binihag ng alindog ng babae ang iyong isip at inalipin ng kahalayan ang iyong puso. Alam na namin ngayon ang ginagawa mo sa kababaihan ng Israel. Tinatakot mo sila para pagbigyan ang iyong kahalayan. Subalit narito ang isang babae ng Juda na hindi natakot sa iyong kaimbihan! Sabihin mo: sa ilalim ng anong puno ninyo nakita ang inyong pinagbibintangan?”

At sumagot ang matanda, “Sa ilalim ng punong putol.”

“A, gayon!” pakli naman ni Daniel. “Buhay mo ang katumbas ng kasinungalingang ito, pagkat naghihintay na ang anghel ng Diyos upang putulin ka sa pamamagitan ng tabak.”

Dahil dito, nagsigawan sa tuwa ang lahat ng nakasaksi at nagpuri sila sa Diyos sapagkat inililigtas niya ang mga nagtitiwala sa kanya. Binalingan nila ang dalawang hukom matapos patunayan ni Daniel na sila’y nagsisinungaling at nanumpa nang di totoo. Hinatulan silang mamatay. Ayon sa Kautusan ni Moises, ang nagparatang nang di totoo ay siyang lalapatan ng parusang nakatakda sa kasalanang ipinaratang niya. Naligtas nga sa kamatayan ang isang taong walang kasalanan.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5. 6

Kahit sa daang madilim
Panginoon ko’y kapiling.

Panginoo’y aking Pastol, hindi ako magkukulang.
Ako’y pinahihimlay sa mainam na pastulan,
at inaakay niya ako sa tahimik na batisan,
binibigyan niya ako niyong bagong kalakasan.

Kahit sa daang madilim
Panginoon ko’y kapiling.

At sang-ayon sa pangako na kaniyang binitiwan
sa matuwid na landasi’y doon ako inaakay.
Kahit na ang daang iyo’y tumatahak sa karimlan,
hindi ako matatakot pagkat ika’y kaagapay;
ang tungkod mo at pamalo ang gabay ko at sanggalang.

Kahit sa daang madilim
Panginoon ko’y kapiling.

Sa harapan ng lingkod mo, ikaw ay may handang dulang,
ito’y iyong ginagawang nakikita ng kaaway;
nalulugod ka sa akin na ulo ko ay langisan
at pati na ang kalis ko ay iyong pinaaapaw.

Kahit sa daang madilim
Panginoon ko’y kapiling.

Tunay na ang pag-ibig mo at ang iyong kabutihan,
sasaaki’t tataglayin habang ako’y nabubuhay;
doon ako sa templo mo lalagi at mananahan.

Kahit sa daang madilim
Panginoon ko’y kapiling.

AWIT-PAMBUNGAD SA MABUTING BALITA
Ezekiel 33, 11

Sinabi ng Poong mahal:
“Di ko nais na mamatay
ang mga makasalanang
nagbabagong-kalooban
upang sila ay mabuhay.”

MABUTING BALITA
Juan 8, 1-11

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, si Hesus ay pumunta sa Bundok ng mga Olibo. Kinaumagaha’y nagbalik siya sa templo. Lumapit sa kanya ang lahat, kaya’t umupo siya at sila’y tinuruan. Noo’y dinala sa kanya ng mga eskriba at ng mga Pariseo ang isang babaing nahuli sa pakikiapid. Pinatayo ito sa harapan nila, at sinabi kay Hesus, “Guro, ang babaing ito’y nahuli sa pakikiapid. Ayon sa Kautusan ni Moises, dapat batuhin hanggang sa mamatay ang mga gaya niya. Ano ang masasabi mo?” Itinanong nila ito upang subukin siya, nang may maisumbong sila laban sa kanya. Ngunit yumuko si Hesus at sumulat sa lupa sa pamamagitan ng daliri. Ayaw nilang tigilan nang katatanong si Hesus, kaya’t sila’y tiningnan niya at sinabi ang ganito, “Sinuman sa inyo na walang kasalanan ang siyang maunang bumato sa kanya.” At muli siyang yumuko at sumulat sa lupa. Nang marinig nila ito, sila’y isa-isang umalis, simula sa pinakamatanda. Walang naiwan kundi si Hesus at ang babaing naroon pa rin sa harapan niya. Tiningnan siya ni Hesus at tinanong: “Nasaan sila? Wala bang nagparusa sa iyo?” “Wala po, Ginoo,” sagot ng babae. Sinabi ni Hesus: “Hindi rin kita parurusahan. Humayo ka, at huwag nang magkasala.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikalimang Linggo ng Kuwaresma
Lunes

Naaalaala natin ang pagkahabag ni Jesus sa babaeng nakikiapid. Tumawag tayo sa kanya sa ating panalangin, nakatitiyak na tayo rin ay kanyang kahahabagan.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, nagtitiwala kami sa Iyo.

Ang mga napalayo sa Diyos dahil sa kasalanan nawa’y makaranas ng mapagmahal na habag ng Tagapagligtas, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang iwasan ang paghatol sa iba at sa halip ay tingnan ang ating sariling buhay sa mata ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga may mabibigat na pasaning dala ng kahirapan at alalahanin nawa’y maunawaan na hindi sila iniiwan ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nagdurusa dahil sa maling hatol nawa’y patatagin ng Panginoon, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y makatagpo ng kaligayahan at kapayapaan sa mga bisig ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, tulungan mo kaming maging mapagpatawad sa mga taong hindi maganda ang pakikitungo sa amin. Maipakita nawa namin sa kanila ang habag na ipinakita ng iyong Anak na si Jesus sa babaeng nahuling nakikiapid. Idinadalangin namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

STRONG WORDS FROM THE SC TO CONGRESS: “GRAVE ABUSE OF DISCRETION”

 1,895 total reads

Thirty-nine years. That is how long Congress has failed to enact the law required by the 1987 Constitution to prohibit political dynasties.

Today the Supreme Court finally said: enough.

In a unanimous decision, the Court declared that Congress has a mandatory constitutional duty to enact an anti-political dynasty law, and that its prolonged failure to do so constitutes “grave abuse of discretion” and a continuing violation of its constitutional duty. The Court directed Congress to act “with utmost urgency” and enact the law “at the earliest opportunity.”

Those are exceptionally strong words.
Article II, Section 26 of our Constitution declares: “The State shall guarantee equal access to opportunities for public service, and prohibit political dynasties as may be defined by law.”

For almost four decades, the constitutional command remained largely unrealized because Congress itself was entrusted with defining what constitutes a political dynasty. The Court noted that dynasties have meanwhile remained widespread, extending even into the party-list system.

Perhaps this ruling raises a question larger than political dynasties themselves: What happens when those entrusted with making the law have a personal interest in not making it?

This is precisely why constitutional institutions exist—to place limits on power, including the power of those who make our laws.

Thirty-nine years is long enough.
Congress, the Supreme Court has spoken. Now enact the law.

THE NEW ARMS RACE: AI RACE

 1,896 total reads

President Donald Trump has reportedly dismissed the growing warnings about the dangers of Artificial Intelligence as a “hoax.” His reason is revealing: America must stay ahead because, as he puts it, “whoever wins AI wins.”

Perhaps that statement itself should set alarm bells ringing.

We have heard this logic before. During the Cold War, one superpower could not stop developing more powerful weapons because the other might get ahead. Each side’s fear became the justification for the other’s escalation. And humanity found itself trapped in an arms race capable of destroying the very civilization it claimed to defend.

The Church did not remain silent.

In 1963, shortly after the Cuban Missile Crisis brought humanity frighteningly close to nuclear catastrophe, Pope St. John XXIII issued Pacem in Terris. He called explicitly for “a cessation to the arms race,” for the reduction of armaments, the banning of nuclear weapons, and agreements accompanied by effective systems of mutual control.

Paul VI carried that appeal to the United Nations. John Paul II repeatedly called for an end to the nuclear arms race. Benedict XVI and Francis continued the Church’s advocacy for disarmament, with Francis eventually declaring even the possession of nuclear weapons morally unacceptable.

Today we may be facing a new arms race—the AI race.

It is already inseparable from modern warfare. Artificial intelligence is being integrated into surveillance, targeting, autonomous weapons, cyberwarfare and military decision-making. But an even more fundamental race is taking place among nations and corporations: the race toward increasingly powerful AI—and ultimately toward a possible superintelligence.

The logic sounds disturbingly familiar.

America cannot slow down because China might get ahead.

China cannot slow down because America might get ahead.

One AI company cannot slow down because its competitors might get ahead.

And so nobody can afford to be prudent.

This is why I find it significant that some of the very people building the world’s most powerful AI systems are themselves beginning to call for restraint, regulation, independent monitoring and international cooperation. They are warning us that capabilities are advancing faster than our capacity to understand and control them.

The issue is not whether AI is good or evil. AI has enormous potential for good. The deeper question is whether we are racing toward a point at which human intelligence may no longer be able to hold the reins.

Pope Leo XIV has already given the Church a powerful expression for this in Magnifica Humanitas: we must “disarm AI.”

Perhaps the time has come to translate that principle into a more urgent global appeal—calling together governments, AI developers, scientists, ethicists and religious leaders to consider internationally agreed red lines on the development of superintelligence: reciprocal commitments, independent monitoring, verification and effective safeguards before capabilities are developed that humanity may no longer be able to control.

The Church helped humanity find its moral voice during the nuclear arms race. Perhaps she is being called to exercise that prophetic role again.

Because the real question is not: Who will win the AI race? The question is: What if humanity loses it?

LOVE and COMPASSION

 2,692 total reads

Gospel Reading for September 17, 2026 – Luke 7: 36-50

LOVE and COMPASSION

A certain Pharisee invited Jesus to dine with him, and he entered the Pharisee’s house and reclined at table. Now there was a sinful woman in the city who learned that he was at table in the house of the Pharisee. Bringing an alabaster flask of ointment, she stood behind him at his feet weeping and began to bathe his feet with her tears. Then she wiped them with her hair, kissed them, and anointed them with the ointment. When the Pharisee who had invited him saw this he said to himself, “If this man were a prophet, he would know who and what sort of woman this is who is touching him, that she is a sinner.”

Jesus said to him in reply, “Simon, I have something to say to you.” “Tell me, teacher,” he said.

“Two people were in debt to a certain creditor; one owed five hundred days’ wages and the other owed fifty. Since they were unable to repay the debt, he forgave it for both. Which of them will love him more?” Simon said in reply, “The one, I suppose, whose larger debt was forgiven.” He said to him, “You have judged rightly.”

Then he turned to the woman and said to Simon, “Do you see this woman? When I entered your house, you did not give me water for my feet, but she has bathed them with her tears
and wiped them with her hair. You did not give me a kiss, but she has not ceased kissing my feet since the time I entered. You did not anoint my head with oil, but she anointed my feet with ointment. So I tell you, her many sins have been forgiven; hence, she has shown great love. But the one to whom little is forgiven, loves little.” He said to her, “Your sins are forgiven. The others at table said to themselves, “Who is this who even forgives sins?” But he said to the woman, “Your faith has saved you; go in peace.”

————

The Pharisees seemed to have a lot of time keeping track of what people were doing and putting labels on them. They were particularly fond of labeling people as “sinners.”

The word Pharisee comes from the Hebrew word prushim, which means “separated ones.” They thought of themselves as HOLY simply because they observed practices that kept them from ritual impurity. This explains why Jesus was often angry with them, especially because of their hypocrisy. Their judgmental attitude discouraged the so-called “sinners” from having a change of heart. More often than not, people do not change because of the labels placed on them. It is LOVE and COMPASSION that can change hearts. That is the way of Jesus.

The woman in the Gospel showed genuine repentance, and it touched Jesus’ heart and led Him to forgive her.

As for us, it is only when we recognize and admit that we too are sinners, and sincerely repent of our sins, that we receive God’s forgiveness.

Lord Jesus, may we always be humble enough to admit that we too sin against God and are also in need of Your forgiveness. Amen

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paghilom ng ozone layer

 52,844 total reads

 52,844 total reads Mga Kapanalig, break muna tayo sa mga bad news. Pag-usapan naman natin ang isang magandang balita sa usapin ng klima. Naaalala ba ninyo

Read More »

Pagnanakaw sa kabataan

 97,156 total reads

 97,156 total reads Mga Kapanalig, hindi lang sa mga flood control projects may scam. Tila may nakawán ding nangyayari sa mga paaralan!   Lumabas noong isang linggo

Read More »

Takót sa sariling multo

 134,155 total reads

 134,155 total reads Mga Kapanalig, nag-alangan pumasok si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court noong Setyembre 5 para maglagak ng piyansa isang

Read More »

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 241,032 total reads

 241,032 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Fashion show sa baha

 283,136 total reads

 283,136 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Sabado, Setyembre 19, 2026

 938 total reads

 938 total reads Sabado ng Ika-24 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Januario (Jenaro), obispo at martir o kaya Paggunita sa Mahal na

Read More »

Biyernes, Setyembre 18, 2026

 2,260 total reads

 2,260 total reads Biyernes ng Ika-24 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 15, 12-20 Salmo 16, 1. 6-7. 8b at 15 Paggising ko, Poong sinta,

Read More »

Huwebes, Setyembre 17, 2026

 4,078 total reads

 4,078 total reads Huwebes ng Ika-24 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Roberto Belarmino, obispo at pantas ng Simbahan o kaya Paggunita kay St.

Read More »

Miyerkules, Setyembre 16, 2026

 5,079 total reads

 5,079 total reads Paggunita kay San Cornelio, papa, at San Cipriano, obispo, mga martir 1 Corinto 12, 31 – 13, 13 Salmo 32, 2-3. 4-5. 12

Read More »

Martes, Setyembre 15, 2026

 7,025 total reads

 7,025 total reads Paggunita sa Mahal na Birheng Maria na Nagdadalamhati Hebreo 5, 7-9 Salmo 30, 2-3a. 3bk-4. 5-6. 15-16. 20 Poong D’yos na maibigin ako

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top