LUNES, ENERO 9, 2023

SHARE THE TRUTH

 2,155 total views

Kapistahan ng Pagbibinyag sa Panginoon (A)

Isaias 42, 1-4. 6-7
o kaya Mga Gawa 10, 34-38
Salmo 28, 1a at 2. 2ak-4. 3b at 9b-10

Basbas ng kapayapaa’y
sa bayan ng Poong mahal.

Mateo 3, 13-17

Feast of the Baptism of the Lord (White)

UNANG PAGBASA
Isaias 42, 1-4. 6-7

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias

Sinabi ng Panginoon, “Ito ang lingkod ko na aking itataas,
na aking pinili at kinalulugdan;
ibubuhos ko sa kanya
ang aking Espiritu,
at sa mga bansa ay
siya ang magpapairal ng katarungan.
Mahinahon at banayad kung siya’y magsalita,
ni hindi magtataas ng kanyang tinig.
Ang marupok na tambo’y hindi babaliin,
ilaw na aandap-andap di n’ya papatayin,
at ang katarungan ang paiiralin.
Di siya mawawalan ng pag-asa
ni masisiraan ng loob,
paghahariin niya ang katarungan sa daigdig.
Ang mga bansa sa malayo ay buong pananabik
na maghihintay sa kanyang mga turo.
Akong Panginoon, tumawag sa iyo,
binigyan kita ng kapangyarihan
upang pairalin ang katarungan sa daigdig.
Sa pamamagitan mo ay gagawa ako
ng pakikipagtipan sa lahat ng tao
at magdadala ng liwanag sa lahat ng bansa.
Ikaw ang magpapadilat sa mga bulag
at magpapalaya sa mga bilanggo ng kadiliman.”

Ang Salita ng Diyos.

o kaya
Mga Gawa 10, 34-38

Pagbasa mula sa mga Gawa ng mga Apostol

Noong mga araw na iyon, nagsalita si Pedro, “Ngayon ko lubusang natanto na walang itinatangi ang Diyos. Nalulugod siya sa sinumang may takot sa kanya at gumagawa ng matuwid, kahit saang bansa. Ibinigay ng Diyos ang kanyang salita sa mga Israelita. Sa kanila niya ipinahayag ang Mabuting Balita tungkol sa pakikipagkasundo sa pamamagitan ni Hesukristo. Ngunit siya’y Panginoon ng lahat! Alam ninyo ang nangyari sa buong Judea na nagsimula sa Galilea nang mangaral si Juan tungkol sa binyag. Ang sinasabi ko’y tungkol kay Hesus na taga-Nazaret. Ipinagkaloob sa kanya ng Diyos ang Espiritu Santo at ang kapangyarihan bilang katunayan na siya nga ang Hinirang. Sapagkat sumasakanya ang Diyos, saanman siya pumaroon ay gumagawa siya ng kabutihan at nagpapagaling sa lahat ng pinahihirapan ng diyablo.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 28, 1a at 2. 2ak-4. 3b at 9b-10

Basbas ng kapayapaa’y
sa bayan ng Poong mahal.

Purihin ang Panginoon ninyong banal na nilalang,
pagkat siya ay dakila’t marangal ang kanyang ngalan;
ang Poon ay dakilain, purihin ang Diyos na Banal,
yumuko ang bawat isa kapag siya ay dumatal.

Basbas ng kapayapaa’y
sa bayan ng Poong mahal.

Sa gitna ng karagatan tinig niya’y naririnig.
Sa laot ng karagata’y hindi ito nalilingid.
Pag nangusap na ang Poon, tinig niya’y ubod-lakas,
ngunit tinig-kamahalan, kapag siya’y nangungusap.

Basbas ng kapayapaa’y
sa bayan ng Poong mahal.

Ang tinig ng dakilang Diyos, parang kulog na malakas,
kaya’t mga nasa templo’y sumisigaw, nagagalak,
“Panginoo’y papurihan!” ganito ang binibigkas
siya rin ang naghahari sa dagat na kalaliman,
namuno siya roon bilang hari, walang hanggan.

Basbas ng kapayapaa’y
sa bayan ng Poong mahal.

ALELUYA
Marcos 9, 6

Aleluya! Aleluya!
Nagsalita ang D’yos Ama:
“Ang Anak kong sinisita
ay narito, dinggin n’yo s’ya!”
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 3, 13-17

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, si Hesus ay dumating sa Jordan mula sa Galilea at lumapit kay Juan upang pabinyag. Sinansala siya ni Juan na ang wika, “Ako po ang dapat binyagan ninyo, at kayo pa ang lumalapit sa akin!” Ngunit tinugon siya ni Hesus, “Hayaan mo itong mangyari ngayon; sapagkat ito ang nararapat nating gawin upang matupad ang kalooban ng Diyos.” At pumayag si Juan. Nang mabinyagan si Hesus, umahon siya sa tubig. Nabuksan ang langit at nakita niya ang Espiritu ng Diyos, bumababa sa kanya, gaya ng isang kalapati. At isang tinig mula sa langit ang nagsabi, “Ito ang minamahal kong Anak na lubos kong kinalulugdan!”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Kapistahan ng Pagbibinyag sa Panginoon

Sa Binyag ni Jesus sa ilog ng Jordan, ipinaaalaala sa atin ang ating sariling Binyag kung saan ginawa tayong mga anak ng Diyos kaya’t natatawag nating Ama ang Diyos. Lumalapit tayo ngayon sa kanya habang sinasabi natin:

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Diyos na aming Ama, malugod ka nawa sa amin.

Ang Bayan ng Diyos nawa’y maging malinis sa Binyag upang magtamasa ng kalayaan at dignidad bilang mga anak ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang kalayaan at karangalan ng bawat mamamayan nawa’y pangalagaan at igalang ng bansa sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga programang mag-aangat sa kalidad ng buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pamilya at mga pamayanan nawa’y tunay na maranasan ang kanilang pagiging iisa sa pamamagitan ng kanilang buhay at pagpapahayag ng pananampalataya, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga may karamdaman at mga nagdurusa nawa’y makalaya sa panghihina ng kanilang katawan at pag-iisip, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga mananampalatayang namayapa na ay makabahagi nawa sa kaligayahan sa Langit, manalangin tayo sa Panginoon.

Diyos na aming Ama, ginawa kaming mga tagapagmana ng iyong Kaharian sa pamamagitan ni Jesus na iyong Anak. Loobin mo na sa pananalangin namin para sa isa’t isa ay manahin namin ang Kahariang iyon kung saan ikaw ay nabubuhay at naghahari magpasawalang hanggan. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

International Wellness Day

 100,539 total views

 100,539 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 123,698 total views

 123,698 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Sigaw ng mga magsasaka

 144,972 total views

 144,972 total views Mga Kapanalig, tatlong pandaigdigang mga institusyon ang nagbabalâ tungkol sa krisis sa pagkain dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Nagpahayag ang

Read More »

Hindi sapat ang bayanihan

 307,094 total views

 307,094 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Biyernes, Abril 17, 2026

 4,767 total views

 4,767 total views Biyernes sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 5, 34-42 Salmo 26, 1. 4. 13-14 Ang tanging aking mithii’y Panginoo’y makapiling.

Read More »

Huwebes, Abril 16, 2026

 5,862 total views

 5,862 total views Huwebes sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 5, 27-33 Salmo 33, 2 at 9. 17-18. 19-20 Dukhang sa D’yos tumatawag

Read More »

Miyerkules, Abril 15, 2026

 5,862 total views

 5,862 total views Miyerkules sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 5, 17-26 Salmo 33, 2-3. 4-5. 6-7. 8-9 Dukhang sa D’yos tumatawag ay

Read More »

Martes, Abril 14, 2026

 3,316 total views

 3,316 total views Martes sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 4, 23-27 Salmo 92, 1ab. 1k-2. 5 Panginoo’y naghari na! Ang damit n’ya’y

Read More »

Lunes, Abril 13, 2026

 2,647 total views

 2,647 total views Lunes sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita kay San Martin I, papa at martir Mga Gawa 4, 23-31 Salmo 2,

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top