1,738 total views
๐ ๐ด๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐ด๐ธ๐๐ธ๐๐ฟ๐ผ. Hindi hilig ng tao ang magpasan ng krus, magparusa sa sariling katawan at magpakasakit, lumayo sa mga kapunahan, magtiis ng alimura, magpakababa sa sarili, magpaumanhin sa mga bagay ng kasaganaan sa daigdig.
Kung tinitingnan mo ang iyong sarili ay hindi ka magnanasa ng anumang bagay ng kasaganaan ngunit kung nagtitiwala ka sa Diyos ay pagkakalooban ka Niya ng lakas ng Langit at masupil mo ang layaw sa lupa at hilig ng katawan, at ‘di ka matatakot sa demonyo kung nasasandatahan ka ng pananalig at ng Krus ni Kristo. (Imitacion de Cristo, cap. XXII)
Ibigin nati’t ipagdiwang, si Hesus Nazarenong mahal!
[Hango sa Pagsisiyam sa Mahal na Poong Hesus Nazareno, Pintakasi sa Kiyapo, 1984. Larawan mula sa Quiapo Church Social Communications Ministry.]