Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

LUNES, HULYO 17, 2023

SHARE THE TRUTH

 2,969 total views

Lunes ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

Exodo 1, 8-14. 22
Salmo 123, 1-3. 4-6. 7-8

Sa pangalan ng Maykapal,
tayo ay tinutulungan.

Mateo 10, 34 – 11, 1

Monday of the Fifteenth Week in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
Exodo 1, 8-14. 22

Pagbasa mula sa aklat ng Exodo

Noong mga araw na iyon, ang Egipto’y nagkaroon ng ibang hari na walang anumang alam tungkol kay Jose. Sinabi niya sa kanyang mga kababayan, “Nanganganib tayo sa mga Israelita. Sila’y patuloy na dumarami at lumalakas pa kaysa atin. Kailangang gumawa tayo ng paraan para mapigil ang kanilang pagdami.

Baka tayo salakayin ng ating mga kaaway at umanib pa sila sa mga ito at pagkatapos ay umalis sa ating lupain.” Kaya’t naglagay sila ng mababagsik na tagapangasiwa upang pahirapan ang mga Israelita; ipinagawa ng Faraon sa mga ito ang mga Lungsod ng Pitom at Rameses, lungsod na tinggalan ng mga pagkain at kagamitan. Ngunit habang sinisikil, lalo namang dumarami at lumalaganap ang mga Israelita kaya’t sila’y kinapootan at kinatakutan ng mga Egipcio. Dahil dito, ang mga Israelita’y lalong sinikil at pinahirapan ng mga Egipcio sa paggawa ng tisa at ng iba’t ibang mabibigat na gawaing bukid.

Iniutos naman ng Faraon sa mga Egipcio na itapon sa Ilog Nilo ang lahat ng lalaking isisilang ng mga Hebrea at bayaan lamang mabuhay ang mga babae.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 123, 1-3. 4-6. 7-8

Sa pangalan ng Maykapal,
tayo ay tinutulungan.

Ano kaya’t di pumanig sa atin ang Panginoon;
O Israel, ano kaya ang sagot sa gayong tanong?
“Kung ang Panginoong Diyos, sa amin ay di pumanig,
noong kami’y salakayin ng kaaway na malupit,
maaaring kami noon ay nilulon na nang buhay,
sa silakbo ng damdamin at matinding kagalitan.

Sa pangalan ng Maykapal,
tayo ay tinutulungan.

Maaaring kami noo’y natangay na niyong agos,
naanod sa karagata’t tuluy-tuloy na nalunod;
sa lakas ng agos noo’y nalunod nga kaming lubos.
Tayo ay magpasalamat, ang Poon ay papurihan,
pagkat tayo’y iniligtas sa malupit na kaaway.

Sa pangalan ng Maykapal,
tayo ay tinutulungan.

Ang katulad nati’y ibong sa bitag ay nakatakas;
lubos tayong nakalaya nang ang bitag ay mawasak.
Tulong nating kailangan ay sa Poon nagmumula,
pagkat itong lupa’t langit tanging siya ang lumikha.

Sa pangalan ng Maykapal,
tayo ay tinutulungan.

ALELUYA
Mateo 5, 10

Aleluya! Aleluya!
Mapalad ang inuusig
sa gawang puspos ng bait,
pagkat may kakamting langit.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 10, 34 – 11, 1

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga apostol, “Huwag ninyong isiping naparito ako upang magdala ng kapayapaan sa lupa; naparito ako upang magdala ng tabak, hindi kapayapaan. Sapagkat naparito ako upang papaglabanin ang anak na lalaki at ang kanyang ama, ang anak na babae at ang kanyang ina, ang manugang na babae at ang kanyang biyenang babae. At ang kaaway ng isang tao’y ang kanya na ring kasambahay.

“Ang umiibig sa ama o sa ina nang higit sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin. At ang umiibig sa anak na lalaki o babae nang higit sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin. Ang hindi nagpapasan ng kanyang krus at sumusunod sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin. Ang nag-iingat ng kanyang buhay ay siyang mawawalan nito, at ang nawawalan ng kanyang buhay dahil sa akin ay magkakamit nito.

“Ang tumatanggap sa inyo ay tumatanggap sa akin, at ang tumatanggap sa akin ay tumatanggap sa nagsugo sa akin. Ang tumatanggap sa isang propeta dahil sa siya’y propeta ay tatanggap ng gantimpala ukol sa propeta. At ang tumatanggap sa isang taong matuwid dahil sa siya’y matuwid ay tatanggap ng gantimpalang nauukol sa taong matuwid. At sinumang magbigay ng kahit isang basong tubig na malamig sa isa sa maliliit na ito dahil sa ito’y alagad ko – tinitiyak ko sa inyong tatanggap siya ng gantimpala.”

Matapos tagubilinan ang labindalawang alagad, umalis si Hesus upang magturo at mangaral sa mga bayang malapit doon.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon
Lunes

Kung tapat tayo kay Kristo, huwag natin asahan na magiging sikat tayo. Nawa’y hubugin ang ating mga hangarin ng hiwagang ito ng Kaharian ng Langit.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, ikaw ang aming buhay.

Ang mga miyembro ng Simbahan nawa’y maging matapang at lagi nang tapat sa pananampalataya sa gitna ng pakikipagtunggali at pag-uusig, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga magulang nawa’y magkaroon ng lakas at tapang upang gabayan ang kanilang mga anak sa daan ng pananampalataya at Kristiyanong pamumuhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga kabataan nawa’y magkaroon ng lakas na mapaglabanan ang impluwensya ng kasamaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit, mga nalulumbay, mga naliligalig at yaong nagdurusa sa isip at katawan nawa’y hipuin ng Panginoon, manalangin tayo sa Panginoon.

Yaong mga namayapa nawa’y maging masayang walang hanggan sa Kaharian ng Diyos Ama, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming Diyos, ipinadala mo ang iyong Anak upang tulungan kami sa aming mga pakikibaka sa buhay. Bigyan mo kami ng kapanatagan sa kabila ng aming pagdurusa, at bigyan mo kami ng lakas na kumilos nang mayroong pananalig sa iyong salita. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kaunlarang may katarungan

 106,571 total views

 106,571 total views Mga Kapanalig, nagdiriwang ang mga vendors ng Baguio City Public Market matapos umatras ang SM Prime Holdings sa planong redevelopment ng pamilihan. Patunay

Read More »

Panalo para sa edukasyon?

 130,355 total views

 130,355 total views Mga Kapanalig, ngayong 2026, naglaan ang pamahalaan ng mahigit isang trilyong piso para sa Department of Education (o DepEd) at mga attached agencies

Read More »

Kasakiman at karahasan

 142,590 total views

 142,590 total views Mga Kapanalig, ilang araw pa lang nang salubungin ng buong mundo ang taóng 2026, binulaga ang lahat ng tinatawag na “large-scale strike” ng

Read More »

Lingkod-bayan, hindi idolo

 327,789 total views

 327,789 total views Mga Kapanalig, ano ang isasagot ninyo sa tanong na ito: maaari bang pakisabi kung gaano kalaki o kaliit ang inyong pagtitiwala kay Pangulong

Read More »

Bumaba naman ang mga nasa itaas

 357,658 total views

 357,658 total views Mga Kapanalig, sinasabi sa Mga Kawikaan 15:1: “Ang malumanay na sagot, nakapapawi ng galit, ngunit sa tugóng marahas, poot ay hindi mawawaglit.” Ipinahihiwatig

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Martes, Setyembre 30, 2025

 77,685 total views

 77,685 total views Paggunita kay San Jeronimo, pari at pantas ng Simbahan Zacarias 8, 20-23 Salmo 86, 1-3. 4-5. 6-7 Ang ating Panginoong D’yos ay kapiling

Read More »

Lunes, Setyembre 29, 2025

 77,916 total views

 77,916 total views Kapistahan nina Arkanghel San Miguel, San Gabriel at San Rafael Daniel 7, 9-10. 13-14 o kaya Pahayag 12, 7-12a Salmo 137, 1-2a, 2bk-3, 4-5

Read More »

Linggo, Setyembre 28, 2025

 78,473 total views

 78,473 total views Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (K) Amos 6, 1a. 4-7 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin.

Read More »

Sabado, Setyembre 27, 2025

 58,986 total views

 58,986 total views Paggunita kay San Vicente de Paul, pari Zacarias 2, 5-9. 14-15a Jeremias 31, 10. 11-12ab. 13 Pumapatnubay na Diyos ay Pastol na kumukupkop.

Read More »

Biyernes, Setyembre 26, 2025

 59,095 total views

 59,095 total views Biyernes ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita kay San Cosme at San Damian, mga martir Ageo 1, 15b – 2,

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top