LUNES, HUNYO 12, 2023

SHARE THE TRUTH

 2,307 total reads

Lunes ng Ika-10 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

2 Corinto 1, 1-7
Salmo 33, 2-3. 4-5. 6-7. 8-9

Magsumikap tayong kamtin
ang Panginoong butihin.

Mateo 5, 1-12

Monday of the Tenth Week in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
2 Corinto 1, 1-7

Ang simula ng ikalawang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto

Mula kay Pablo na hinirang ng Diyos upang maging apostol ni Kristo Hesus at mula sa ating kapatid na Timoteo –

Sa simbahan sa Corinto at sa mga hinirang ng Diyos, na nasa buong Acaya:

Sumainyo nawa ang pagpapala at kapayapaan mula sa Diyos na ating Ama at sa Panginoong Hesukristo.

Purihin natin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Hesukristo, ang mahabaging Ama at Diyos na pinagmumulan ng lahat ng kaaliwan. Inaaliw niya tayo sa ating mga kapighatian upang makatulong naman tayo sa mga namimighati, sa pamamagitan ng kaaliwang tinanggap natin sa kanya. Kung gaano karami ang tiising dinaranas namin sa pakikipag-isa kay Kristo, gayon din ang kaaliwang tinatamo namin mula sa kanya. Kung namimighati man kami, ito’y sa ikaaaliw at ikaliligtas ninyo. Kapag inaaliw kami, kayo ma’y naaaliw rin at lumalakas upang mabata ang mga kapighatiang dinaranas ninyo, tulad namin. Kaya’t matibay ang aming pag-asa para sa inyo sapagkat alam naming kahati kayo sa aming kaaliwan, kung paanong kayo’y kahati namin sa pagtitiis.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 33, 2-3. 4-5. 6-7. 8-9

Magsumikap tayong kamtin
ang Panginoong butihin.

Panginoo’y aking laging pupurihin;
sa pasasalamat di ako titigil.
Aking pupurihin kanyang mga gawa,
kayong naaapi, makinig, matuwa!

Magsumikap tayong kamtin
ang Panginoong butihin.

Ang pagkadakila niya ay ihayag
at ang ngalan niya’y purihin ng lahat!
Ang aking dalangi’y dininig ng Diyos,
nawala sa akin ang lahat kong takot.

Magsumikap tayong kamtin
ang Panginoong butihin.

Nagalak ang aping umasa sa kanya,
Pagkat di nabigo ang pag-asa nila.
Tumatawag sa Diyos ang walang pag-asa,
sila’y iniligtas sa hirap at dusa.

Magsumikap tayong kamtin
ang Panginoong butihin.

Anghel yaong bantay sa may takot sa Diyos,
sa mga panganib, sila’y kinukupkop.
Ang galing ng Pooon hanaping masikap;
yaong nagtiwala sa kanya’t naligtas
ay maituturing na taong mapalad.

Magsumikap tayong kamtin
ang Panginoong butihin.

ALELUYA
Mateo 5, 12a

Aleluya! Aleluya!
Magdiwang kayo’t magsaya,
sa langit ay liligaya,
gagantimpalaan t’wina.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 5, 1-12

Ang Mabuting Balita ng Panginoong ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, nang makita ni Hesus ang napakakapal na tao, umahon siya sa bundok. Pagkaupo niya’y lumapit ang kanyang mga alagad, at sila’y tinuruan niya ng ganito:

“Mapalad ang mga aba na wala nang inaasahan kundi ang Diyos,
sapagkat makakasama sila sa kanyang kaharian.
“Mapalad ang mga nahahapis, sapagkat aaliwin sila ng Diyos.
“Mapalad ang mga mapagpakumbaba,
sapagkat tatamuhin nila ang ipinangako ng Diyos.
“Mapalad ang mga nagmimithing makatupad sa kalooban ng Diyos,
sapagkat ipagkakaloob sa kanila ang kanilang minimithi.
“Mapalad ang mga mahabagin,
sapagkat kahahabagan sila ng Diyos.
“Mapalad ang mga may malinis na puso,
sapagkat makikita nila ang Diyos.
“Mapalad ang mga gumagawa ng daan sa ikapagkakasundo,
sapagkat sila’y ituturing ng Diyos na mga anak niya.
“Mapalad ang mga pinag-uusig dahil sa kanilang pagsunod sa kalooban ng Diyos,
sapagkat makakasama sila sa kanyang kaharian.
“Mapalad kayo kapag dahil sa aki’y inaalimura kayo ng mga tao, pinag-uusig at pinagwiwikaan ng lahat ng uri ng kasamaan na pawang kasinungalingan. Magdiwang kayo at magalak, sapagkat malaki ang inyong gantimpala sa langit. Gayun din ang ginawa ng mga tao sa mga propetang nauna sa inyo.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikasampung Linggo sa Karaniwang Panahon
Lunes

Ang kaligayahan ang pinakamahirap na makamit sa lahat ng mga hinahangad ng tao. Manalangin tayo ngayon sa Diyos Ama para sa malalim na kapayapaang nagmumula sa ating buong pusong pagsandig sa kanya.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama ng biyaya, maging gantimpala ka namin.

Ang mga pinuno ng Simbahan nawa’y magkaroon ng tapang at lakas na ipahayag ang Mabuting Balita na siyang sagisag ng kasalungatan sa daigdig, manalangin tayo sa Panginoon.

Yaong mga nahaharap sa mga pag-uusig dahil sa kanilang pagsaksi sa Ebanghelyo nawa’y makaranas ng kaginhawahan dulot ng presensya ni Kristo sa gitna ng kanilang paghihirap, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang isapuso ang turong “mapapalad” upang maging banal at masaya tayo sa pagtatatag ng Kaharian ng Diyos dito sa lupa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at ang mga tumatangis sa pagpanaw ng kanilang mga mahal sa buhay nawa’y palakasin at hilumin sa kanilang kalungkutan at sakit, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y magkamit ng kaligayahan at kapayapaan ng makalangit na Kaharian, manalangin tayo sa Panginoon.

Walang hanggang Ama, nababatid namin na may malalim na malasakit ka sa aming kasiyahan. Palakasin mo nawa kami at panatilihin mo kaming malapit sa iyo, ikaw na pinagmumulan ng aming kapayapaan at kaligayahan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Bagong mukha ng Boracay

 34,023 total reads

Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay patuloy na dinarayo ng mga turista. Pero ang mukha ng Boracay na kilala natin ay mapapalitan na. Nagbukás na kasi roon ang isang casino. Ginanap ang soft opening nito noong Setyembre 16, habang ang grand launch ay nito lamang Linggo, Oktubre 11. May shopping mall ding magbubukás doon ngayong taon.

Ang Boracay ay isang lugar para magbakasyon, magpahinga, magsaya, at mamangha sa ganda ng kalikasan. Kapag naglagay doon ng casino at malalaking establisimyento, binabago na rin ang mismong imahe ng lugar na pangunahing rason kung bakit pumupunta roon ang mga tao. Hindi rin dapat kalimutan na family vacation destination ang Boracay. Ito ay lugar para mapalapit at magsama-sama ang pamilya. Ibang-iba ito sa layunin ng isang casino na ineengganyo ang mga tao na tumayâ at gumastos. Alam din nating dahil sa mga casino, marami nang kaso ng pagkalulóng o adiksyon sa pagsusugal, pagkawala ng perang nakalaan dapat para sa pamilya, at pagkasira ng tiwala sa loob ng tahanan.

Ito ang ipinunto ng Diyosesis ng Kalibo sa kanilang pastoral statement ukol sa pagtatayo ng casino sa Boracay. Iginiit ng mga pastol ng Simbahan doon na hindi naman masama ang paglalaro, pero nagiging mali ito kapag nauuwi sa pagkakait sa sarili o sa kapwa ng mga bagay na kailangan sa pang-araw-araw na buhay. Ito ang panganib na ibinababala ng Simbahan. Ang pagka-casino ay idinisenyo para akitin ang mga taong maghangad pa kapag nananalo at magbakasakali pa kapag natatalo.

Hindi ito ang unang pagkakataon na tumutol ang Simbahan kasama ang mga residente sa pagkakaroon ng casino sa Boracay. Taóng 2018 nang unang lumutang ang plano. May mga pangamba na sa mabilis na pagbabago sa isla, lalong masisira ang kalikasan. Kasama pa nilang tumutol noon si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa parehong taon, isinara ang Boracay sa loob ng ilang buwan para sa malawakang rehabilitasyon. Pero noong 2021, binawi ni Pangulong Duterte ang kanyang posisyon laban sa casino at pinayagan niya ang operasyon nito sa Boracay. Sinalubong ito ng pagtutol mula sa mga residente, negosyante, at lokal na Simbahan. Sa dami ng isinakripisyo noon upang maisalba ang isla, mauuwi lang pala ulit sa parehong uri ng pagbabago na dati nang naglagay sa Boracay sa alanganin.

Sabi sa Genesis 2:15, ginawa ng Diyos ang tao upang “alagaan at ingatan” ang Kanyang mga nilikha. Hindi tayo ang may ganap na pag-aari sa kalikasan. Tungkulin nating protektahan at panatilihin ito para sa mga susunod na henerasyon. Ang Boracay ay isang biyayang ipinagkatiwala sa atin. Dapat natin itong alagaan at ingatan.

Mahalaga ang pag-unlad, trabaho, at turismo, pero hindi dapat maging kapalit ng mga ito ang kapaligiran at pagkakakilanlan ng Boracay. Nangangailangan ito ng sama-samang pagkilos. Bawat isa ay inaasahang gamitin nang tama ang kalayaang mamili para hindi malulong sa pagsusugal. Ang pamahalaan ay inaasahang gumawa ng mga desisyong isinasaalang-alang ang kapakanan ng mga residente at kalikasan. Ang mga negosyo naman ay  pinaaalalahanang hindi lang sa kita umiikot ang kanilang paglago. May pananagutan din sila sa komunidad at sa kalikasan.

Mga Kapanalig, tinatawag nating paraiso ang Boracay dahil sa ganda nito. Huwag sana nating hayaang dumating ang panahon na ang paraisong ito ay maalala bilang lugar ng mga sugalan at bisyo. Ang pagtutol sa ganitong establisimiyento ay hindi pagtutol sa kaunlaran. Ito ay paninindigan na ang kaunlaran ay dapat may limitasyon, at hindi dapat sumisira sa biyayang ipinagkatiwala sa atin ng Diyos na payabungin.

Sumainyo ang katotohanan.

TRULY BLESSED

 8,650 total reads

Gospel Reading for October 12, 2026 – Luke 11: 29-32

TRULY BLESSED

While still more people gathered in the crowd, Jesus said to them, “This generation is an evil generation; it seeks a sign, but no sign will be given it, except the sign of Jonah. Just as Jonah became a sign to the Ninevites, so will the Son of Man be to this generation. At the judgment the queen of the south will rise with the men of this generation and she will condemn them, because she came from the ends of the earth to hear the wisdom of Solomon, and there is something greater than Solomon here. At the judgment the men of Nineveh will arise with this generation and condemn it, because at the preaching of Jonah they repented, and there is something greater than Jonah here.”

————

The Pharisees and Sadducees (Matthew 16:1), as well as the scribes (Matthew 12:38–39), kept demanding miraculous signs from heaven from Jesus to establish his authority, especially when his teachings contradicted theirs. Even the large crowds that followed him did so because of the miracles he had been performing (John 6:26).

What is absurd about this is that Jesus had already performed so many signs: healing the sick, raising the dead, casting out demons, changing water into wine, multiplying bread and fish, among others. Yet, they were still asking for more signs.

As long as we live on earth, we will never have the chance to see God face-to-face. This is reserved for those who will be with him in the afterlife. But we will always be able to see God through the many signs he gives us, both extraordinary and ordinary, if only we put our COMPLETE FAITH AND TRUST in him. If we allow these signs to show us the way to the Father, we are TRULY BLESSED!

Lord Jesus, help us have eyes that truly see and ears that truly hear. Amen.

It might be you?

 9,165 total reads

Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II
Monday, Twenty-Eighth Week in Ordinary Time, Year II, 12 October 2026
Galatians 4:22-24, 26-27, 31-5:1     <*((((>< + ><))))*>     Luke 11:29-32
Photo by author, Bella Rosa Gardens, Silang, Cavite, 07 October 2026.
Please excuse me, Jesus
as I feel like singing
one of the songs during 
our college days by 
Stephen Bishop 
for the movie "Tootsie"
starring Dustin Hoffman:
Time, I've been passing time
Watching trains go by
All of my life
Lying on the sand
Watching sea birds fly
Wishing there would be
Someone waiting home for me
Something's telling me it might be you
It's telling me it might be you
All of my life
Photo by author, Bella Rosa Gardens, Silang, Cavite, 07 October 2026.
I could hear you speaking
to me today, Jesus:
"This is an evil generation;
it seeks a sign,
but no sign will be given it,
except the sign of Jonah"
(Luke 11:29);
there are times I keep looking
for certainty, asking for a sign
from God for the things I have to do,
for the mission I have to accomplish;
but like your people,
we today fail or refuse to see you,
to find you, Jesus 
when you are
right in front of us,
always beside us;
and it is true, Lord Jesus,
I cannot find you in my life
because I expect something
more obvious or even something
more dramatic like in the movies.

Keep me simple, Jesus,
so that I may find you,
I may recognize you in
the most ordinary,
the simplest occasions
in my life,
among the people I meet daily
especially those I take for granted
or refuse to relate with.
So many quiet walks to take
So many dreams to wake
And with so much love to make, oh
I think we're gonna meet some time
Maybe all we need is time
And it's telling me it might be you
All of my life
I've been saving love songs and lullabies
And there's so much more
No one's ever heard before
Something's telling me it might be you
Yeah, it's telling me it must be you
And I'm feeling it'll just be you
All of my life
Photo by author, Chapel of Our Lady of Ephesus, Bella Rosa Gardens, Silang, Cavite, 07 October 2026.
Yes, it's you, Jesus...
always you every time I wake up
and make that sign of the Cross
first thing in the morning;
it is you, Jesus...
when I see the light
and feel the warmth of
the rising sun;
it is you, Jesus...
when people and kids
smile at me,
when people ask for me,
when people listen and
speak to me;
it is you, Jesus...
when I still hope
and love and desire
for you.
Help me in my unbelief.
Amen.
From YouTube.com.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 34,024 total reads

 34,024 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 70,017 total reads

 70,017 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 296,287 total reads

 296,287 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 189,755 total reads

 189,755 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 281,991 total reads

 281,991 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Biyernes, Oktubre 16, 2026

 286 total reads

 286 total reads Biyernes ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Eduvigis (Heidi), namanata sa Diyos o kaya Paggunita kay Santa

Read More »

Huwebes, Oktubre 15, 2026

 2,039 total reads

 2,039 total reads Paggunita kay Santa Teresa ng Avila, dalaga at pantas ng Simbahan Efeso 1, 1-10 Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4. 5-6 Ang D’yos na

Read More »

Miyerkules, Oktubre 14, 2026

 3,960 total reads

 3,960 total reads Miyerkules ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Calixto I, papa at martir Galacia 5, 18-25 Salmo 1,

Read More »

Martes, Oktubre 13, 2026

 5,011 total reads

 5,011 total reads Martes ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Galacia 5, 1-6 Salmo 118, 41. 43. 44. 45. 47. 48 Ipahayag mo sa akin

Read More »

Lunes, Oktubre 12, 2026

 6,530 total reads

 6,530 total reads Lunes ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Galacia 4, 22-24. 26-27. 31 – 5, 1 Salmo 112, 1-2. 3-4. 5a at 6-7

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top