Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

LUNES, OKTUBRE 9, 2023

SHARE THE TRUTH

 3,183 total views

Lunes ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

o kaya Paggunita kina Obispo San Dionisio at mga kasama, mga martir
o kaya Paggunita kay San Juan Leonardo, pari

Jonas 1, 1 – 2, 1. 11
Jonas 2. 2. 3. 4. 5. 8

Sa tiyak na kamatayan
ako’y ipinagsanggalang.

Lucas 10, 25-37

Monday of the Twenty-seventh Week in Ordinary Time (Green)

or Optional Memorial of St. Denis, Bishop, and Companions, Martyrs (Red)
or Optional Memorial of St. John Leonardi, Priest (White)

UNANG PAGBASA
Jonas 1, 1 – 2, 1. 11

Ang simula ng aklat ni propeta Jonas

Sa lipi ni Zabulon ay may isang lalaking Jonas ang pangalan. Siya ay anak ni Amitai. Isang araw, sinabi sa kanya ng Panginoon: “Pumunta ka sa Ninive, ang malaking lungsod at pangaralan mo ang mga tagaroon sapagkat suko na sa langit ang kanilang kasamaan.” Sa halip na sumunod, ipinasiya ni Jonas na magtago sa Tarsis sapagkat inaakala niyang malayo na iyon sa Panginoon. Kaya, nagtungo siya sa Joppe at humanap ng barkong papunta sa Tarsis. Nang maibigay niya ang kaukulang upa, sumakay siya sa bapor, kasama ng mga tripulante. Ngunit nang sila’y nasa laot na, nagpalitaw ng malakas na bayo ang Panginoon. Anupat halos mawasak ang barko. Dahil dito, sinidlan ng matinding takot ang mga tripulante kaya bawat isa’y nanalangin sa kanyang diyos. Pagkatapos, inihulog nila sa dagat ang mga kargamento para gumaan ang sasakyan. Samantala, si Jonas ay mahimbing na natutulog sa isang sulok sa ibabang palapag ng barko.

Nakita siya ng kapitan at ginising, “Hoy, tulog ka nang tulog diyan! Bumangon ka at manalangin sa diyos mo, baka sakaling kaawaan at iligtas sa kamatayan.”

Nag-usap-usap ang mga tripulante, “Magsapalaran tayo, para malaman natin kung sino ang dahilan ng lahat ng ito.” Gayun nga ang ginawa nila at nabunot ang pangalan ni Jonas. Kaya’t siya’y kinausap nila, “Nagsapalaran kami para malaman kung sino ang may kasalanan at ikaw ang nabunot. Ano ba ang ginagawa mo rito? At tagasaan ka?”

“Ako ay Hebreo,” sagot ni Jonas. “Nananalig ako sa Panginoon, ang Diyos ng kalangitan, ang lumikha ng dagat at ng lupa.”

Bago pa ito nangyari, sinabi ni Jonas na pinagtataguan niya ang Panginoon. Kaya sa malaking takot, pahilakbot nilang sinabi kay Jonas, “Napakalaki ng ginawa mong kasalanan!”

Lalong lumakas ang bagyo, kaya si Jonas ay kinausap uli ng tripulante, “Ano ang ibig mong gawin namin sa iyo para pumayapa ang dagat?”

“Ihagis ninyo ako sa dagat sapagkat alam kong ako ang dahilan ng nagngingitngit na bagyong ito,” sagot niya.

Pinipilit sana ng mga tripulante na itabi ang bapor, ngunit wala silang magawa sapagkat lalong lumalakas ang bagyo. At nanalangin sila ng ganito: “Panginoon, nawa’y huwag ninyo kaming parusahan o ibilang na mamamatay-tao sa gagawin namin sa taong ito yamang kayo na rin ang nagpahiwatig ng dapat naming gawin.” Pagkasabi nito, binuhat nila si Jonas at inihagis sa dagat. At bigla itong pumayapa. Dahil dito, sinidlan sila ng matinding takot sa Panginoon kaya’t naghandog sila at namanata sa kanya.

Ang Panginoon naman ay nagtalaga roon ng isang dambuhalang isda. Nilulon nito si Jonas; siya’y nanatiling tatlong araw at tatlong gabi sa tiyan ng isda.

Nang si Jonas ay nasa tiyan ng isda, nanalangin siya.

Kinausap ng Panginoon ang isda, at si Jonas ay iniluwa nito sa dalampasigan.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Jonas 2. 2. 3. 4. 5. 8

Sa tiyak na kamatayan
ako’y ipinagsanggalang.

Nang si Jonas ay nasa tiyan ng isda, nanalangin siya:

Sa tiyak na kamatayan
ako’y ipinagsanggalang.

“Poon, nang ako’y nasa kagipitan,
nanalangin ako sa iyo, at sinagot mo ako;
mula sa kalalimang walang katulad,
ako’y tumawag sa iyo, at dininig mo ako.

Sa tiyak na kamatayan
ako’y ipinagsanggalang.

Inihulog mo ako sa pusod ng dagat:
napadpad ako sa laot ng karagatan at
natabunan ng malalaking alon.

Sa tiyak na kamatayan
ako’y ipinagsanggalang.

Sinabi ko: ‘Nalayo ako sa iyo,
kailan ko kaya makikita uli ang banal mong templo?’

Sa tiyak na kamatayan
ako’y ipinagsanggalang.

Nang maramdaman kong mapupugto
na ang aking hininga, naalaala kita, Poon.
Ako’y dumaing, at narinig mo ako mula
sa iyong banal na templo.

Sa tiyak na kamatayan
ako’y ipinagsanggalang.

ALELUYA
Juan 13, 34

Aleluya! Aleluya!
Bagong utos, ani Kristo,
mag-ibigan sana kayo
katulad ng pag-ibig ko.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 10, 25-37

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, may isang eskribang lumapit kay Hesus upang siya’y subukin. “Guro,” aniya, “ano ang dapat kong gawin upang magkamit ng buhay na walang hanggan?” Sumagot si Hesus, “Ano ang nakasulat sa Kautusan? Ano ang nababasa mo roon?” Tumugon siya, “‘Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, nang buong lakas, at nang buong pag-iisip’; at ‘Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili.’” “Tama ang sagot mo,” wika ni Hesus. “Gawin mo iyan at mabubuhay ka.”

Sa hangad ng eskriba na huwag siyang lumabas na kahiya-hiya, tinanong niya uli si Hesus, “Sino naman ang aking kapwa?” Sumagot si Hesus: “May isang taong naglalakbay buhat sa Jerusalem, patungong Jerico. Hinarang siya ng mga tulisan, kinuha pati damit sa katawan, binugbog at halos patay na nang iwan. Nagkataong dumaan doon ang isang saserdote at pagkakita sa taong nakahandusay, siya’y lumihis at nagpatuloy ng kanyang lakad. Dumaan din ang isang Levita, ngunit tiningnan lamang niya ito at nagpatuloy ng kanyang lakad. Ngunit may isang Samaritanong naglalakbay na naparaan doon. Nakita niya ang hinarang at siya’y nahabag. Lumapit siya, binusan ng langis at alak ang mga sugat nito at tinalian. Saka isinakay ang tao sa kanyang sinasakyang hayop, dinala sa bahay-panuluyan, at inalagaan doon. Kinabukasan, dumukot siya ng dalawang denaryo, ibinigay sa may-ari ng bahay-panuluyan at sinabi, ‘Alagaan mo siya, at kung magkano man ang kakulangan niyan, babayaran ko sa aking pagbabalik.’ Sino ngayon sa palagay mo ang nagpakita ng kanyang pakikipagkapwa sa taong hinarang ng mga tulisan?” tanong ni Hesus. “Ang nagpakita ng habag sa kanya,” tugon ng eskriba. Sinabi sa kanya ni Hesus, “Humayo ka’t gayun din ang gawin mo.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon
Lunes

Maging sa ngayon, maraming tao ang nag-aabang sa bangketa na nangangailangan ng mga salitang nakapagpapagaan ng kalooban o naghihintay ng kamay na handang dumamay. Manalangin tayo sa Amang nasa Langit upang maipadama natin ang ating pagmamahal sa konkretong aksyon kaysa sa magandang salita lamang.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, patatagin mo ang aming pag-ibig.

Ang Simbahan, sa kanyang mga pastol at bayan, nawa’y magpakita ng pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan ng pagmamahal sa kapwa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga naglilingkod sa mga dukha nawa’y hindi manghina ang loob o mawalan ng pag-asa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang bawat taong makasalamuha natin nawa’y pakitaan natin ng kabutihang-loob at paggalang, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nalulumbay at ang mga may karamdaman sa ating lipunan nawa’y huwag nating balewalain o “lagpasan lamang,” manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y dalhin ni Kristo sa kanyang walang hanggang kaharian, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming Diyos, habang ipinagdarasal namin ang iba, tulungan mo kaming mahalin at paglingkuran ang aming kapwa at tanggapin ang iyong mahal na Anak na nabubuhay at naghahari magpakailanman. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Walang education crisis?

 29,577 total views

 29,577 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Hindi sagot ang pag-unfriend

 41,294 total views

 41,294 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »

Katarungang abot-kamay

 62,127 total views

 62,127 total views Mga Kapanalig, pinahahalagahan sa Banal na Kasulatan ang katarungan. Ayon sa Levitico 19:15, “Huwag kayong hahatol nang hindi makatarungan. Huwag ninyong kikilingan ang

Read More »

Truth Vs Power

 78,547 total views

 78,547 total views Sinasabi sa mga opinyon Kapanalig, “truth” when one who says it is in power, out of it, even critic and evidence doesn’t matter.

Read More »

Heat Wave

 87,781 total views

 87,781 total views Kapanalig, ramdam mo na ba ang maalinsangang panahon? Pinagpapawisan ka na ba sa init ng panahon? Ang mainit na panahon na sanhi ng

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow
DONATE NOW
Shadow

Related Post

Linggo, Marso 23, 2025

 1,074 total views

 1,074 total views Ikatlong Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda para sa Pasko ng Pagkabuhay (K) Exodo 3, 1-8a. 13-15 Salmo 102, 1-2. 3-4. 6-7. 8

Read More »

Sabado, Marso 22, 2025

 1,481 total views

 1,481 total views Sabado sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Mikas 7, 14-15. 18-20 Salmo 102, 1-2. 3-4. 9-10. 11-12 Ang ating mahabaging D’yos

Read More »

Biyernes, Marso 21, 2025

 1,821 total views

 1,821 total views Biyernes sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Genesis 37, 3-4. 12-13a. 17b-28 Salmo 104, 16-17. 18-19. 20-21 Gunitain nang malugod ang

Read More »

Huwebes, Marso 20, 2025

 2,128 total views

 2,128 total views Huwebes sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Jeremias 17, 5-10 Salmo 1, 1-2. 3. 4 at 6 Mapalad ang umaasa sa

Read More »

Miyerkules, Marso 19, 2025

 2,134 total views

 2,134 total views Dakilang Kapistahan ni San Jose, Kabiyak ng Puso ng Mahal na Birhen 2 Samuel 7, 4-5a. 12-14a. 16 Salmo 88, 2-3. 4-5. 27

Read More »

Martes, Marso 18, 2025

 1,719 total views

 1,719 total views Martes sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Isaias 1, 10. 16-20 Salmo 49, 8-9. 16bk-17. 21 at 23 Ang masunurin sa

Read More »

Lunes, Marso 17, 2025

 1,604 total views

 1,604 total views Lunes sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Daniel 9, 4b-10 Salmo 78, 8. 9. 11 at 13 Panginoon, aming hiling: patawad

Read More »

Linggo, Marso 16, 2025

 1,554 total views

 1,554 total views Ikalawang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda para sa Pasko ng Pagkabuhay (K) Genesis 15, 5-12. 17-18 Salmo 26, 1. 7-8. 9abk. 13-14

Read More »

Sabado, Marso 15, 2025

 3,933 total views

 3,933 total views Sabado sa Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Deuteronomio 26, 16-19 Salmo 118, 1-2. 4-5. 7-8 Mapalad ang sumusunod sa utos ng

Read More »

Biyernes, Marso 14, 2025

 4,293 total views

 4,293 total views Biyernes sa Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Ezekiel 18, 21-28 Salmo 129, 1-2. 3-4ab. 4k-6. 7-8 Hiling nami’y ‘yong limutin tanang

Read More »

Huwebes, Marso 13, 2025

 5,100 total views

 5,100 total views Huwebes sa Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Ester 4, 17 n. p-r. aa-bb. gg-hh Salmo 137, 1-2a. 2bk-3. 7k-8 Noong ako

Read More »

Miyerkules, Marso 12, 2025

 5,444 total views

 5,444 total views Miyerkules sa Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Jonas 3, 1-10 Salmo 50, 3-4. 12-13. 18-19 D’yos ko, iyong tinatanggap pakumbaba’t pusong

Read More »

Martes, Marso 11, 2025

 5,868 total views

 5,868 total views Martes sa Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Isaias 55, 10-11 Salmo 33, 4-5. 6-7. 16-17. 18-19 Mat’wid ay tinutulungan sa lahat

Read More »

Lunes, Marso 10, 2025

 5,270 total views

 5,270 total views Lunes sa Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Levitico 19, 1-2. 11-18 Salmo 18. 8. 9. 10. 15 Espiritung bumubuhay ang salita

Read More »

Linggo, Marso 9, 2025

 5,941 total views

 5,941 total views Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda para sa Pasko ng Pagkabuhay (K) Deuteronomio 26, 4-10 Salmo 90, 1-2. 10-11. 12-13. 14-15 Poon

Read More »
Scroll to Top