Lunes, Pebrero 16, 2026

SHARE THE TRUTH

 13,613 total reads

Lunes ng Ika-6 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Santiago 1, 1-11
Salmo 118, 67. 68. 71. 72. 75. 76

Poon, ako’y kahabagan
upang mabuhay kailanman.

Marcos 8, 11-13

Monday of the Sixth Week in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
Santiago 1, 1-11

Ang simula ng sulat ni Apostol Santiago

Mula kay Santiago, alipin ng Diyos at ng Panginoong Hesukristo:

Ipinaaabot ko ang aking pagbati sa mga hinirang ng Diyos, mga hinirang na nasa iba’t ibang bansa.

Mga kapatid, magalak kayo kapag kayo’y dumaranas ng iba’t ibang pagsubok, sapagkat alam ninyo na lalong magiging matatag ang inyong pananampalataya matapos ninyong pagtagumpayan ang mga pagsubok na iyan. At dapat kayong magpakatatag hanggang wakas upang kayo’y maging ganap at walang pagkukulang. Ngunit kung kulang ng karunungan ang sinuman sa inyo, humingi siya sa Diyos at siya’y bibigyan; sapagkat ang Diyos ay saganang magbigay at di nanunumbat. Subalit ang humihingi’y dapat manalig at huwag mag-alinlangan; sapagkat ang nag-aalinlangan ay parang alon sa dagat na itinataboy ng hangin kahit saan. Huwag umasang tatanggap ng anuman mula sa Panginoon ang taong pabagu-bago ang isip at di alam kung ano ang talagang ibig.

Ikararangal ng dukhang kapatid ang pagkakataas sa kanya ng Diyos, at ng mayamang kapatid ang pagkakababa sa kanya, sapagkat ang kayamanan ay lilipas, gaya ng bulaklak ng damo. Ang damo’y natutuyo sa matinding sikat ng araw; nalalagas ang kanyang mga bulaklak at kumukupas ang kanyang ganda. Gayun din naman, ang mayaman ay mamamatay sa gitna ng kanyang mga kaabalahan.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 118, 67. 68. 71. 72. 75. 76

Poon, ako’y kahabagan
upang mabuhay kailanman.

Ang sariling dati-rati’y namumuhay nang baluktot,
nang ako ay parusahan, salita mo ang sinunod.

Poon, ako’y kahabagan
upang mabuhay kailanman.

Kay buti mo, Panginoon! Kay ganda ng iyong loob,
sa akin ay ituro mo ang bigay mong mga utos.

Poon, ako’y kahabagan
upang mabuhay kailanman.

Sa akin ay nakabuti ang parusang iyong dulot,
pagkat aking naunawang mahalag ang ‘yong utos.

Poon, ako’y kahabagan
upang mabuhay kailanman.

Higit pa sa ginto’t pilak nitong buong sanlibutan,
ang mabuting idudulot ng bigay mong kautusan.

Poon, ako’y kahabagan
upang mabuhay kailanman.

Nababatid ko, O Poon, matuwid ang iyong batas,
kahit ako’y pagdusahin, nananatili kang tapat.

Poon, ako’y kahabagan
upang mabuhay kailanman.

Aliwin mo sana ako niyang pag-ibig mong lubos,
katulad ng binitiwang pangako sa iyong lingkod.

Poon, ako’y kahabagan
upang mabuhay kailanman.

ALELUYA
Juan 14, 6

Aleluya! Aleluya!
Ikaw, O Kristo, ang Daan,
ang Katotohana’t Buhay
patungo sa Amang mahal.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Marcos 8, 11-13

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, may dumating na mga Pariseo at nakipagtalo kay Hesus. Ibig nilang masilo siya kaya hiningi nila na magpakita si Hesus ng isang tanda mula sa langit. Napabuntong-hininga nang malalim si Hesus at ang wika, “Bakit naghahanap ng tanda ang lahing ito? Sinasabi ko sa inyo: hindi sila pagpapakitaan ng anumang tanda.” Iniwan niya sila, at pagkasakay sa bangka ay tumawid sa ibayo.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikaanim na Linggo sa Karaniwang Panahon
Lunes

Bumaling tayo sa Diyos Ama sa panalangin para sa biyaya na makapagbagumbuhay at matatag na maniwala sa panawagan ni Kristo sa pagbabalik-loob.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Diyos ng kaligtasan, maging bukas nawa kami sa Iyo.

Ang mga pinuno ng Simbahan nawa’y walang kapagurang maging tagapaghatid ng mensahe ng Diyos ng pagsisisi sa mga taong may tunay na pusong naghahanap sa Panginoon, manalangin tayo sa Panginoon.

Bilang mga makasalanan nawa’y mas malalim nating maunawaan ang pag-ibig at awa ng Diyos para sa lahat ng nagbabalik-loob sa kanya nang may kababaang-loob at nagsisising puso, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayong lahat nawa’y magkaroon ng malalim at tunay na pananampalataya sa Diyos na hindi naikakahon sa mga panlabas na anyo ng ating pananampalataya, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y makaunawa sa walang patid na pag-ibig ng Diyos sa gitna ng kanilang mga dinaranas na pagsubok at paghihirap, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga namatay nawa’y makatagpo ng kapayapaan at kaligayahan sa Kaharian ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

O Panginoon, gabayan mo ang lahat ng araw ng aming masalimuot na buhay. Bigyan mo kami ng kaligtasan at banal na kapayapaan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

BLIND GUIDES

 4,194 total reads

Gospel Reading for October 14, 2026 – Luke 11: 42-46

BLIND GUIDES

The Lord said: “Woe to you Pharisees! You pay tithes of mint and of rue and of every garden herb, but you pay no attention to judgment and to love for God. These you should have done, without overlooking the others. Woe to you Pharisees! You love the seat of honor in synagogues band greetings in marketplaces. Woe to you! You are like unseen graves over which people unknowingly walk.” Then one of the scholars of the law said to him in reply, “Teacher, by saying this you are insulting us too.” And he said, “Woe also to you scholars of the law! You impose on people burdens hard to carry, but you yourselves do not lift one finger to touch them.”

————

During Jesus’ time, touching a grave would make a person ritually unclean for seven days, preventing them from entering the temple to worship God. Hence, people avoided graves, and the Jews often painted tombs white so they would be easy to spot and avoid.

Therefore, when Jesus compared the Pharisees to unseen graves, he meant that people who listened to and accepted their teachings unknowingly became unclean.

It is no wonder that Jesus seemed to have lost patience with the Pharisees. Who would not? As Jesus described in Matthew 23:16–19, they were BLIND GUIDES who led people astray through their hypocrisy.

This was a serious matter for Jesus, who came to be the Saviour, because how could people be saved if they listened to the Pharisees? How could the Pharisees themselves be saved when they did not even understand what salvation meant?

When we examine the way we live our lives, are we leading people to Jesus, or are we leading them astray?

Lord Jesus, may we be truly Christians in word and in deed. Amen.

Be my everything, Jesus

 4,739 total reads

Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II
Wednesday, Twenty-Eighth Week in Ordinary Time, Year II, 14 October 2026
Memorial of St. Callistus, Pope and Martyr
Galatians 5:18-25     ><]]]]'> + ><]]]]'> + ><]]]]'>     Luke 11:42-46
Photo by author, Sacred Heart Novitiate, Novaliches, QC, March 2024.
Be my everything,
Jesus: it is not enough
I follow you because along
the way, I can still stop and roam
around, following my many desires,
the restless longings of my heart
for selfish interests;
teach how to imitate St. Paul
in "crucifying my flesh with its
passions and desires" (Galatians 5:24).
But, 
what is to crucify my flesh
with its passions and desires?

Simply let me focus on you alone,
Jesus, making you the measure of
everything I shall do,
to search for you in everyone I meet,
to bring you out with everyone I meet;
to see more the bigger picture 
of life by resisting the works
of the flesh like "immorarilty,
impurity, licentiousness, idolatry,
sorcery, hatreds, rivalry, jealousy,
outbursts of fury, acts of selfishness,
dissensions, factions, occasions of envy,
drinking bouts, orgies, and the like"
(Galatians 5:19-21).


Keep me aware, 
Jesus,
that as my desires for comfort and ease
are bottomless, 
I shall never be satisfied within
if I see more the things than the persons,
or give much emphasis on my self
than others like the sick and suffering;
let me search for the bigger pictures
of life's many realities like your
plans for eternity so that I may strive more
to crucify my flesh with its passions
and desires by forgetting my little self
I always inflate to look larger than others;
may I give the chance for the Holy Spirit 
to win me over, bearing fruits of
“love, joy, peace, patience, kindness,
generosity, faithfulness, gentleness,
self-control" (Galatians 5:22-23).
Amen.
Photo by author, Chapel of Our Lady of Ephesus, Bella Rosa Gardens, Silang, Cavite, 07 October 2026.

Just energy transition sa Semirara

 47,987 total reads

Mga Kapanalig, just energy transition now! 

Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara. Sa pastoral appeal na inilabas ni Bishop Marvyn Maceda, nanawagan ang diyosesis para sa maayos at makatarungang paghinto ng mining operations sa Semirara. 

Sa pangunguna ng Semirara Mining and Power Corporation (o SMPC), isinasagawa sa isla ang pinakamalaking coal mining operations sa Pilipinas. (Ang coal ay batong uling na sinusunog para makalikha ng kuryente.) Halos limang dekada na ang SMPC doon sa ilalim ng kontratang nag-umpisa pa noong 1977 at mag-e-expire na sa susunod na taon. Rejected ang bid ng SMPC para i-extend ang kanilang kontrata. Binuksan ang bidding nitong Pebrero pero na-postpone noong Abril dahil sa pagsasaayos ng terms of reference ng Department of Energy (o DOE). Hindi pa malinaw kung ano ang mangyayari sa mining operations sa isla kaya hindi rin malinaw kung ano ang kahihinatnan ng libu-libong nagtatrabaho sa minahan.  

Ayon kay Bishop Gerardo Alminaza, presidente ng Caritas Philippines, dating tahanan ang Semirara ng halos lahat ng kilalang species ng mangroves. Ang mga komunidad ay nabubuhay sa pamamagitan ng pangingisda at seaweed farming, salamat sa mayabong na ecosystem ng isla. Pero binago ito ng limang dekadang pagmimina roon. Ang lupa, dagat, at kabuhayan ng mga tao ay isinakripisyo para sa kita. Dagdag pa ni Bishop Alminaza, ginawa ang mga desisyon tungkol sa sinasabing kaunlaran ng mga tao sa mga board rooms, malayo sa isla at mga komunidad. Kinukondena niya hindi ang mga manggagawa o ang mga taga-Semirara na nagtatrabaho sa minahan kundi ang sistemang itinulak silang pumili sa pagitan ng trabaho o pagsira sa kapaligiran. Ngayon sila rin ang mga taong agrabyado sa napipintong pagsasara ng SMPC sa isla. 

Walang patid ang Simbahan sa pagtuturo na hindi hiwalay ang pangangalaga sa kalikasan at sa tao. Sa Catholic social teaching na Laudato Si’, binigyang-diin ni Pope Francis na kailangang palitan ang fossil fuels, kabilang ang coal na hinuhukay sa Semirara, na sumisira sa ating kalikasan. Mahalaga ang agarang paglipat sa renewable energy sources habang itinataguyod din ang kapakanan ng mga trabahador na mawawalan ng trabaho dahil sa pagsasara ng mga coal mining projects. Ito ang tinatawag na just energy transition. Sa Laudate Deum naman na akda rin ni Pope Francis, sinasabing kailangang maging malikhain ang mga lider sa pagbuo ng mga tulong sa mga sektor na maaapektuhan ng paglipat sa mas malilinis na pinagkukunan ng enerhiya. 

Balikan natin ang pastoral appeal ng Diyosesis ng San Jose de Antique. Ilan sa mga mungkahi nito ay ang mga sumusunod. 

Una, tutukan ang pag-develop ng renewable energy sources sa isla. Kaugnay nito, dapat palawakin din ang lokal na ekonomiya nang hindi na umasa sa pagmimina ang mga taga-Semirara.  

Pangalawa, i-retrain at ihanda ang mga maaapektuhang trabahador ng minahan. Siguruhing may sapat silang social protection sa pagkawala ng inaasahan nilang trabaho. 

Panghuli, bilisan ang rehabilitasyon ng lupa at katubigang sinira ng pagmimina. 

Ang lahat ng ito ay maaaring ipaloob sa isang just transition roadmap o sa mga kondisyong itatakda sakaling matuloy ang bidding para sa susunod na kontraktor ng minahan. 

Mga Kapanalig, malinaw ang ugnayan ng kalikasan at buhay ng tao. Katulad nga ng paalala sa Mga Awit 104:24, ang buong mundo ay punô ng nilikha ng Diyos. Nilikha Niya ang lahat ng ito—ang tao at kalikasan—ayon sa Kanyang karunungan. Ang pangangalaga at pagtataguyod sa dignidad ng tao at kalikasan ay magkasabay, hindi kailanman magkasalungat. Kapwa silang dapat piliin. Huwad ang kaunlarang isinasantabi o iniiwan ang alinman sa dalawa.

Sumainyo ang katotohanan. 

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 47,988 total reads

 47,988 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 85,365 total reads

 85,365 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 120,664 total reads

 120,664 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 346,934 total reads

 346,934 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 237,587 total reads

 237,587 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Sabado, Oktubre 17, 2026

 570 total reads

 570 total reads Paggunita kay San Ignacio ng Antioquia, obispo at martir Efeso 1, 15-23 Salmo 8, 2-3a. 4-5. 6-7 Pinamahala sa tao ang lahat ng

Read More »

Biyernes, Oktubre 16, 2026

 2,234 total reads

 2,234 total reads Biyernes ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Eduvigis (Heidi), namanata sa Diyos o kaya Paggunita kay Santa

Read More »

Huwebes, Oktubre 15, 2026

 3,987 total reads

 3,987 total reads Paggunita kay Santa Teresa ng Avila, dalaga at pantas ng Simbahan Efeso 1, 1-10 Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4. 5-6 Ang D’yos na

Read More »

Miyerkules, Oktubre 14, 2026

 5,697 total reads

 5,697 total reads Miyerkules ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Calixto I, papa at martir Galacia 5, 18-25 Salmo 1,

Read More »

Martes, Oktubre 13, 2026

 6,262 total reads

 6,262 total reads Martes ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Galacia 5, 1-6 Salmo 118, 41. 43. 44. 45. 47. 48 Ipahayag mo sa akin

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top