Lunes, Pebrero 17, 2025

SHARE THE TRUTH

 4,125 total views

Lunes ng Ika-6 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

o kaya Paggunita sa Pitong Tagapagtatag ng Orden ng mga Lingkod ng Mahal na Birheng Maria

Genesis 4, 1-15, 25
Salmo 49, 1 at 8. 16bk-17. 20-21

Sa D’yos tayo ay maghandog,
pasalamat na malugod.

Marcos 8, 11-13

Monday of the Sixth Week in Ordinary Time (Green)

or Optional Memorial of The Seven Holy Founders of the Servite Order, Holy Men (White)

UNANG PAGBASA
Genesis 4, 1-15, 25

Pagbasa mula sa aklat ng Genesis

Sinipingan ni Adan ang kanyang asawa at ito’y nagdalantao. Nang isilang ang kanyang panganay na lalaki ay sinabi ni Eva: “Nagkaroon ako ng anak na lalaki sa tulong ng Panginoon.” Kaya Cain ang ipinangalan niya rito. Sinundan si Cain ng isa pang anak na lalaki, at Abel naman ang ipinangalan dito. Naging pastol ito at si Cain naman ay magsasaka. Dumating ang panahon na si Cain ay naghandog sa Panginoon ng ani niya sa bukid. Kinuha naman ni Abel ang isa sa mga panganay ng kanyang kawan. Pinatay niya ito at inihandog ang pinakamainam na bahagi. Ang Panginoon ay nasiyahan kay Abel at sa kanyang handog, ngunit hindi niya kinalugdan si Cain at ang handog nito. Dahil dito, hindi mailarawan ang mukha ni Cain sa tindi ng galit. Kaya, sinabi ng Panginoon: “Anong ikagagalit mo, Cain? Bakit ganyan ang mukha mo? Kung mabuti ang ginawa mo, dapat kang masaya. Kung masama naman, ang kasalana’y tulad ng mabangis na hayop na laging nag-aabang upang lupigin ka at pagharian. Kailangang pagtagumpayan mo ito.”

Isang araw, nilapitan ni Cain ang kanyang kapatid, Wika niya, “Abel, mamasyal tayo.” Sumama, naman ito, ngunit pagdating sa kabukira’y pinatay niya ito.

Tinanong ng Panginoon si Cain, “Nasaan si Abel?”

“Hindi ko alam,” tugon niya. “Bakit ako ba’y tagapag-alaga ng aking kapatid?”

At sinabi ng Panginoon, “Cain, nakapangingilabot ang ginawa mo. Sumisigaw sa akin mula sa lupa ang dugo ng iyong kapatid, at humihingi ng paghihiganti. Susumpain ka’t palalayasin sa lupaing ito, lupang natigmak sa dugo ng kapatid mo na iyong pinaslang. Bungkalin mo man ang lupang ito upang tamnan, hindi ka mag-aani; wala kang matatahanan at magiging lagalag ka sa daigdig.”

“Napakabigat namang parusa ito!” sabi ni Cain sa Panginoon. “Ngayong pinalalayas mo ako sa lupaing ito upang malayo sa iyong paningin, at maglagalag sa daigdig, papatayin ako ng sinumang makakikita sa akin.”

“Hindi,” sagot ng Panginoon. “Parurusahan ng pitong ibayo ang sinumang papatay kay Cain.” At nilagyan niya ng palatandaan si Cain upang maging babala sa sinuman na ito’y di dapat patayin.

Muling sinipingan ni Adan ang kanyang asawa, at ito’y nanganak ng isa pang lalaki. Sinabi ng ina: “Binigyan ako ng Diyos ng kapalit ni Abel”; at ito’y tinawag niyang Set.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 49, 1 at 8. 16bk-17. 20-21

Sa D’yos tayo ay maghandog,
pasalamat na malugod.

Ang dakilang Panginoon, ang Diyos na nagsasaysay,
ang lahat ay tinatawag sa silangan at kanluran.
Hindi ako nagagalit dahilan sa inyong handog,
ni sa inyong mga haing sa dambana’y sinusunog.

Sa D’yos tayo ay maghandog,
pasalamat na malugod.

Bakit ninyo inuusal yaong aking mga utos?
At bakit ang paksa ninyo ay sa tipan natutungod?
Pag kayo ay tinutuwid, agad kayong napopoot,
at ni ayaw na tanggapin yaong aking mga utos.

Sa D’yos tayo ay maghandog,
pasalamat na malugod.

Handa ninyong paratangan maging tunay na kapatid,
at kay daming kapintasang sa kanila’y nasisilip.
Kahit ito ay ginawa hindi kayo alumana,
kaya naman ang akala, kayo’t ako’y magkaisa;
ngunit ngayon, panahon nang kayo’y aking pagwikaan
upang inyong maunawa ang ginawang kamalian.

Sa D’yos tayo ay maghandog,
pasalamat na malugod.

ALELUYA
Juan 14, 6

Aleluya! Aleluya!
Ikaw, O Kristo, ang Daan,
ang Katotohana’t Buhay
patungo sa Amang mahal.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Marcos 8, 11-13

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, may dumating na mga Pariseo at nakipagtalo kay Hesus. Ibig nilang masilo siya kaya hiningi nila na magpakita si Hesus ng isang tanda mula sa langit. Napabuntong-hininga nang malalim si Hesus at ang wika, “Bakit naghahanap ng tanda ang lahing ito? Sinasabi ko sa inyo: hindi sila pagpapakitaan ng anumang tanda.” Iniwan niya sila, at pagkasakay sa bangka ay tumawid sa ibayo.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikaanim na Linggo sa Karaniwang Panahon
Lunes

Bumaling tayo sa Diyos Ama sa panalangin para sa biyaya na makapagbagumbuhay at matatag na maniwala sa panawagan ni Kristo sa pagbabalik-loob.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Diyos ng kaligtasan, maging bukas nawa kami sa Iyo.

Ang mga pinuno ng Simbahan nawa’y walang kapagurang maging tagapaghatid ng mensahe ng Diyos ng pagsisisi sa mga taong may tunay na pusong naghahanap sa Panginoon, manalangin tayo sa Panginoon.

Bilang mga makasalanan nawa’y mas malalim nating maunawaan ang pag-ibig at awa ng Diyos para sa lahat ng nagbabalik-loob sa kanya nang may kababaang-loob at nagsisising puso, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayong lahat nawa’y magkaroon ng malalim at tunay na pananampalataya sa Diyos na hindi naikakahon sa mga panlabas na anyo ng ating pananampalataya, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y makaunawa sa walang patid na pag-ibig ng Diyos sa gitna ng kanilang mga dinaranas na pagsubok at paghihirap, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga namatay nawa’y makatagpo ng kapayapaan at kaligayahan sa Kaharian ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

O Panginoon, gabayan mo ang lahat ng araw ng aming masalimuot na buhay. Bigyan mo kami ng kaligtasan at banal na kapayapaan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

ACCOUNTABILITY

 10,031 total views

 10,031 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 80,143 total views

 80,143 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 154,757 total views

 154,757 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 234,836 total views

 234,836 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 277,761 total views

 277,761 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Linggo, Hulyo 19, 2026

 1,151 total views

 1,151 total views Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon (A) Karunungan 12, 13. 16-19 Salmo 85, 5-6. 9-10. 15-16a Poon, ikaw ay mabuti sa lahat ng

Read More »

Sabado, Hulyo 18, 2026

 3,100 total views

 3,100 total views Sabado ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Mikas 2, 1-5 Salmo 9, 22-23.

Read More »

Biyernes, Hulyo 17, 2026

 4,642 total views

 4,642 total views Biyernes ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Isaias 38, 1-6. 21-22. 7-8 Isaias 38, 10. 11. 12abkd. 16 Buhay ko’y ‘yong iniligtas,

Read More »

Huwebes, Hulyo 16, 2026

 5,790 total views

 5,790 total views Huwebes ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Isaias 26, 7-9. 12. 16-19 Salmo 101, 13-14ab at 15. 16-18. 19-21 Mula sa iyong

Read More »

Miyerkules, Hulyo 15, 2026

 6,715 total views

 6,715 total views Paggunita kay San Buenaventura, obispo at pantas ng Simbahan Isaias 10, 5-7. 13-16 Salmo 93, 5-6. 7-8. 9-10. 14-15 Ang Poo’y di tatalikod

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top