MARTES, ABRIL 25, 2023

SHARE THE TRUTH

 1,808 total views

Kapistahan ni San Marcos,
Manunulat ng Mabuting Balita

1 Pedro 5, 5b-14
Salmo 88, 2-3. 6-7. 16-17

Pag-ibig mong walang maliw
ay lagi kong sasambitin.

Marcos 16, 15-20

Feast of Saint Mark, evangelist (Red)

UNANG PAGBASA
1 Pedro 5, 5b-14

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pedro

Mga pinakamamahal, magpakababa kayong lahat at maglingkod sa isa’t-isa, ayon sa nasusulat. “Kinamumuhian ng Diyos ang palalo, at kinalulugdan niya ang mababang-loob.” Kaya nga, pasakop kayo sa kapangyarihan ng Diyos at dadakilain niya kayo pagdating ng takdang panahon. Ipagkatiwala ninyo sa kanya ang inyong kabalisahan sapagkat siya ang kumukupkop sa inyo.

Humanda kayo at magbantay. Ang diyablo na kaaway ninyo ay parang leong umaatungal at aali-aligid na humahanap ng masisila. Labanan ninyo siya at magpakatatag kayo sa inyong pananalig sa Diyos. Tulad ng alam ninyo, hindi lamang kayo ang nagtitiis ng ganitong kahirapan, kundi pati ang inyong mga kapatid sa buong daigdig. Pagkatapos ninyong magtiis ng maikling panahon, ang Diyos na bukal ng lahat ng pagpapala, ang siyang magbibigay sa inyo ng kaganapan, katatagan, at isang saligang matibay at di matitinag. Siya rin ang humirang sa inyo upang makihati kayo sa kanyang walang hanggang kaluwalhatian, kasama ni Kristo. Sa kanya ang kapangyarihan magpakailanman! Amen.

Sinulatan ko kayo sa tulong ni Silvano, isa nating kapatid na lubos kong pinagtitiwalaan. Sa pamamagitan ng maikling sulat na ito ay nais kong palakasin ang inyong loob at patunayan sa inyo na ito nga ang tunay na kaloob ng Diyos. Manatili kayo sa biyayang ito.

Kinukumusta kayo ng mga kapatid na nasa Babilonia, mga hirang na paris ninyo; kinukumusta rin kayo ni Marcos, ang mahal kong anak sa pananampalataya. Buong giliw kayong magbatian bilang magkakapatid kay Kristo.

Ang kapayapaan ay sumainyong lahat, mga tagasunod ni Kristo.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 88, 2-3. 6-7. 16-17

Pag-ibig mong walang maliw
ay lagi kong sasambitin.

o kaya: Aleluya.

Pag-ibig mo, Poon, na di nagmamaliw
ang sa tuwi’t-twina’y aking aawitin;
ang katapatan mo’y laging sasambitin,
Yaong pag-ibig mo’y walang katapusan,
sintatag ng langit ang ‘yong katapatan.

Pag-ibig mong walang maliw
ay lagi kong sasambitin.

Umawit silang nilikha sa langit,
ang iyong ginawa’y siyang dinadalit
ang katapatan mo, Poon, ay inaawit.
Sino’ng kaparis mo doon sa itaas?
walang ibang diyos na iyong katulad.

Pag-ibig mong walang maliw
ay lagi kong sasambitin.

Mapalad ang taong sa ‘yo’y sumasamba,
sa pagsamba nila’y inaawitan ka
at sa pag-ibig mo’y namumuhay sila.
Sa buong maghapon, ika’y pinupuri,
ang katarungan mo’y siyang sinasabi.

Pag-ibig mong walang maliw
ay lagi kong sasambitin.

ALELUYA
1 Corinto 1, 23a-24b

Aleluya! Aleluya!
Ang ipinakong Mesiyas
ay karunungan at lakas
ng D’yos na Tagapagligtas
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Marcos 16, 15-20

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon: Nagpakita si Hesus sa Labing-isa at sinabi sa kanila, “Humayo kayo sa buong sanlibutan at ipangaral ninyo sa lahat ang Mabuting Balita. Ang sumasampalataya at mabinyagan ay maliligtas, ngunit ang hindi sumampalataya ay parurusahan. Ang mga sumasampalataya ay magtataglay ng ganitong tanda ng kapangyarihan: sa pangalan ko’y magpapalayas sila ng mga demonyo at magsasalita ng ibang wika; sila’y hindi maaano dumampot man ng ahas o uminom ng lason; at gagaling ang mga maysakit na mapatungan ng kanilang kamay.”

Pagkatapos magsalita sa kanila, ang Panginoong Hesus ay iniakyat sa langit at lumuklok sa kanan ng Diyos. Humayo nga ang mga alagad at nangaral sa lahat ng dako. Tinulungan sila ng Panginoon sa gawaing ito. Pinatotohanan niya ang Salitang kanilang ipinangangaral sa pamamagitan ng kapangyarihang gumawa ng himala, na ipinagkaloob niya sa kanila.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Abril 25
San Marcos, Ebanghelista

Ipinahayag ni San Marcos ang Mabuting Balita ng tunay na Mesiyas, si Jesus na Kristo. Hilingin natin sa Ama na dinggin ang ating mga kahilingan para sa isang mundong nangangailangan ng pag-asang hatid ng Ebanghelyo.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Maranasan nawa namin ang kabutihan Mo, Panginoon.

Ang Simbahan nawa’y maging isang buhay na tanda ng tunay na malasakit at tapat na pangangalaga sa mga itinatakwil ng ating lipunan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga lumihis sa matuwid na landas nawa’y marinig ang tinig ni Kristo, ang Mabuting Pastol, na tumatawag sa kanila para magbalik sa kanyang kawan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga kabataan nawa’y marinig ang tinig ng Panginoon na nananawagan sa kanila sa pagbabalik-loob at sa isang buhay na nakatalaga sa paglilingkod, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang lahat ng nagdurusa o may karamdaman nawa’y makaunawa na mahal sila ng Diyos sa pamamagitan ng pangangalaga at pansin na ibinibigay natin sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y makapasok sa pintuan ng kulungan ng mga tupa at magdiwang na kasama ng pastol at gabay ng kanilang mga kaluluwa, manalangin tayo sa Panginoon.

Makapangyarihang Diyos, sa tulong ng mga panalangin ni San Marcos, tapat na ebanghelista, inilalapit namin sa iyo ang aming mga kahilingan sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

DONATE NOW
Shadow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Catastrophic Diseases

 68,169 total views

 68,169 total views Alam niyo kapanalig, ang pagkakasakit, lalo na pag malubha, ay isa sa mga pangunahing dahilan ng kahirapan ng marami nating mga kababayan. Ayon sa opisyal na datos, ang mga pangunahing cause of death sa ating bansa ay ang sakit sa puso o ischemic heart disease, kanser, at mga cerebrovascular diseases. 19% ng mga

Read More »

Arkitektura at Kultura

 82,600 total views

 82,600 total views Ang arkitektura at kultura, kapanalig, ay parang mga hibla ng tela – nakahabi, magkaugnay, at bumubuo ng napakagandang masterpiece o obra. Dito nakikita natin ating pagkakakilanlan o identity at kasaysayan. Ipinakikita nito ang iba ibang yugto ng ating buhay. Halimbawa na lamang, kapanalig, ay ang bahay kubo. Isang tingin lamang, alam mo na

Read More »

Urbanisasyon at Kaunlaran

 98,474 total views

 98,474 total views Ang urbanisasyon ay isa sa mga palatandaan na ang isang lugar o bansa ay umuunlad na. Sa mga urban areas, mabilis umuusbong ang mga negosyo, imprastraktura, pati tao. Sa bilis, ang mga resources minsan, hindi na makahabol. Kapanalig, pagdating sa urbanisasyon at sa pangarap nating kaunlaran, napakahalaga ng balanse at inobasyon. Balanse upang

Read More »

Suporta para sa mga pangalawang magulang

 118,429 total views

 118,429 total views Mga Kapanalig, ang paaralan, bilang pangalawang tahanan ng mga kabataan, ay lugar kung saan mabubuo ang kanilang mga kakayahan, kaalaman, at paniniwalang dadalhin nila sa kanilang pagtanda. Dahil dito, malaki ang tungkuling hawak ng mga guro bilang mga “pangalawang magulang” ng mga estudyante. Usap-usapan kamakailan ang isang public school teacher na nagalit sa

Read More »

Kanselado na ang PAREx!

 122,522 total views

 122,522 total views Mga Kapanalig, hindi na itutuloy ng San Miguel Corporation ang plano nitong pagtatayo ng Pasig River Expressway (o PAREx). Ang PAREx ay isang expressway project na ilalagay sa ibabaw mismo ng Pasig River mula R-10 sa Maynila hanggang sa iminumungkahing South East Metro Manila Expressway sa C-6 sa Taguig. May haba itong 19.4

Read More »

Watch Live

Related Story

LUNES, ABRIL 15, 2024

 391 total views

 391 total views Lunes sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 6, 8-15 Salmo 118, 23-24. 26-27. 29-30 Mapalad ang sumusunod sa utos ng Poong Diyos. Juan 6, 22-29 Monday of the Third Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 6, 8-15 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol Noong mga araw na

Read More »

LINGGO, ABRIL 14, 2024

 1,204 total views

 1,204 total views Ikatlong Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (B) Mga Gawa 3, 13-15. 17-19 Salmo 4, 2. 4. 7. 9 Poon, sa ‘mi’y pasikatin liwanag sa iyong piling. 1 Juan 2, 1-5a Lucas 24, 35-48 Third Sunday of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 3, 13-15. 17-19 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol

Read More »

SABADO, ABRIL 13, 2024

 2,063 total views

 2,063 total views Sabado sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita kay San Martin I, papa at martir Mga Gawa 6, 1-7 Salmo 32, 1-2. 4-5. 18-19 Poon, pag-asa ka namin, pag-ibig mo’y aming hiling. Juan 6, 16-21 Saturday of the Second Week of Easter (White) or Optional Memorial of St. Martin I, Pope and

Read More »

BIYERNES, ABRIL 12, 2024

 2,843 total views

 2,843 total views Biyernes sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 5, 34-42 Salmo 26, 1. 4. 13-14 Ang tanging aking mithii’y Panginoo’y makapiling. Juan 6, 1-15 Friday of the Second Week of Easter (White) Mga Pagbasa mula sa Biyernes sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay UNANG PAGBASA Mga Gawa 5, 34-42 Pagbasa mula

Read More »

HUWEBES, ABRIL 11, 2024

 3,802 total views

 3,802 total views Paggunita kay San Estanislao, Obispo at Martir Mga Gawa 5, 27-33 Salmo 33, 2 at 9. 17-18. 19-20 Dukhang sa D’yos tumatawag ay kanyang inililigtas. Juan 3, 31-36 Memorial of St. Stanislaus, Bishop and Martyr (Red) Mga Pagbasa mula sa Huwebes sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay UNANG PAGBASA Mga Gawa 5, 27-33

Read More »

MIYERKULES, ABRIL 10, 2024

 4,388 total views

 4,388 total views Miyerkules sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 5, 17-26 Salmo 33, 2-3. 4-5. 6-7. 8-9 Dukhang sa D’yos tumatawag ay kanyang inililigtas. Juan 3, 16-21 Wednesday of the Second Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 5, 17-26 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol Noong mga araw na

Read More »

MARTES, ABRIL 9, 2024

 4,644 total views

 4,644 total views Martes sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 4, 23-27 Salmo 92, 1ab. 1k-2. 5 Panginoo’y naghari na! Ang damit n’ya’y maharlika. Juan 3, 7b-15 Tuesday of the Second Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 4, 32-37 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng mga Apostol Nagkaisa ang damdami’t isipan ng

Read More »

LUNES, ABRIL 8, 2024

 5,150 total views

 5,150 total views Dakilang Kapistahan ng Pagpapahayag ng Magandang Balita tungkol sa Panginoon Isaias 7, 10-14; 8, 10 Salmo 39, 7-8a. 8b-9. 10. 11 Handa akong naririto upang sundin ang loob mo. Hebreo 10, 4-10 Lucas 1, 26-38 Solemnity of the Annunciation of the Lord (White) UNANG PAGBASA Isaias 7, 10-14; 8, 10 Pagbasa mula sa aklat

Read More »

LINGGO, ABRIL 7, 2024

 5,034 total views

 5,034 total views Ikalawang Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (B) Linggo ng Dakilang Awa ng Diyos o Banal na Awa Mga Gawa 4, 32-35 Salmo 117, 2-4. 16ab-18. 22-24 Butihing Poo’y purihin, pag-ibig n’ya’y walang maliw. 1 Juan 5, 1-6 Juan 20, 19-31 Second Sunday of Easter (White) Divine Mercy Sunday UNANG PAGBASA Mga Gawa 4,

Read More »

SABADO, ABRIL 6, 2024

 4,414 total views

 4,414 total views Sabado sa Walong Araw na Pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Mga Gawa 4, 13-21 Salmo 117, 1 at 14-15. 16ab-18. 19-21 Pinupuri kita, D’yos ko, pagkat ako’y dininig mo. Marcos 16, 9-15 Saturday within the Octave of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 4, 13-21 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol

Read More »

BIYERNES, ABRIL 5, 2024

 3,773 total views

 3,773 total views Biyernes sa Walong Araw na Pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Mga Gawa 4, 1-12 Salmo 117, 1-2 at 4. 22-24. 25-27a Batong dating tinanggiha’y siya pang naging saligan. Juan 21, 1-14 Friday within the Octave of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 4, 1-12 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol Noong

Read More »

HUWEBES, ABRIL 4, 2024

 3,213 total views

 3,213 total views Huwebes sa Walong Araw na Pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Mga Gawa 3, 11-26 Salmo 8, 2a at 5. 6-7. 8-9 Maningning ang iyong ngalan, Poon, sa sangkalupaan. Lucas 24, 35-48 Thursday within the Octave of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 3, 11-26 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol Noong

Read More »

MIYERKULES, ABRIL 3, 2024

 2,465 total views

 2,465 total views Miyerkules sa Walong Araw na Pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Mga Gawa 3, 1-10 Salmo 104, 1-2. 3-4. 6-7. 8-9 D’yos ay dapat parangalan ng banal n’yang sambayanan. Lucas 24, 13-35 Wednesday within the Octave of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 3, 1-10 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol Minsan,

Read More »

MARTES, ABRIL 2, 2024

 2,177 total views

 2,177 total views Martes sa Walong Araw na Pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Mga Gawa 2, 36-41 Salmo 32, 4-5. 18-19. 20 at 22 Awa’t pag-ibig ng Diyos sa sangkalupaa’y lubos. Juan 20, 11-18 Tuesday within the Octave of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 2, 36-41 Pagbasa mula sa mga Gawa ng Mga Apostol Noong

Read More »

LUNES, ABRIL 1, 2024

 2,174 total views

 2,174 total views Lunes sa Walong Araw na Pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Mga Gawa 2, 14. 22-33 Salmo 15, 1-2a at 5. 7-8. 9-10. 11 D’yos ko, ang aking dalangi’y ako’y iyong tangkilikin. Mateo 28, 8-15 Monday within the Octave of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 2, 14. 22-33 Pagbasa mula sa Mga Gawa

Read More »
Scroll to Top