Martes, Agosto 5, 2025

SHARE THE TRUTH

 3,826 total views

Martes ng Ika-18 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

o kaya Paggunita sa Pagtatalaga sa Palasyong Simbahan ng Mahal na Birheng Maria sa Roma

Mga Bilang 12, 1-13
Salmo 50, 3-4. 5-6. 6bk-7. 12-13.

Poon, iyong kaawaan
kaming sa ‘yo’y nagsisuway.

Mateo 14, 22-36
o kaya Mateo 15, 1-2. 10-14

Tuesday of the Eighteenth Week in Ordinary Time (Green)

or Optional Memorial of the Dedication of the Basilica of St. Mary Major in Rome (White)

UNANG PAGBASA
Mga Bilang 12, 1-13

Pagbasa mula sa aklat ng mga Bilang

Noong mga araw na iyon, sina Miriam at Aaron ay nag-usap laban kay Moises tungkol sa asawa niyang taga-Cus. Ang sabi nila, “Si Moises lamang ba ang kinausap ng Panginoon? Hindi ba’t tayo man?” Hindi kaila sa Panginoon ang usapan nilang ito. Si Moises naman ay mapagkumbaba higit kaninumang nabuhay sa ibabaw ng lupa.

Walang anu-ano, sina Moises, Aaron at Miriam ay tinawag ng Panginoon. Sinabi niya, “Magpunta kayong tatlo sa Toldang Tipanan.” At nagpunta nga sila. Ang Panginoon ay bumaba sa anyo ng haliging ulap at lumagay sa pintuan ng Toldang Tipanan. Tinawag niya sina Aaron at Miriam. Paglapit nila, sinabi niya, “Pakinggan ninyo ito: Kung ang sinuma’y nais kong hiranging propeta, napakikita ako sa kanya sa pangitain at kinakausap ko siya sa panaginip. Ngunit kaiba ang ginawa ko kay Moises pagkat siya lamang ang lubos kong mapagtitiwalaan sa aking sambahayan. Kinausap ko siya nang harapan at sinabi ko sa kanya ang lahat sa maliwanag na paraan, hindi sa pamamagitan ng talinghaga. At siya lamang ang nakakita sa aking anyo. Bakit kayo nag-uusap laban sa kanya?” Pagkasabi niyon, galit na umalis ang Panginoon.

Nang mawala na ang ulap sa ibabaw ng Toldang Tipanan, si Miriam ay namumuti sa ketong. Nang makita ito ni Aaron, sinabi niya kay Moises, “Kapatid ko, isinasamo kong huwag mo kaming parusahan dahil sa aming kamangmangan at kasamaan. Huwag mong pabayaang matulad siya sa isang buhay na patay, parang ipinanganak nang wala ang kabiyak ng katawan.” Kaya, si Moises ay dumaing sa Panginoon na pagalingin si Miriam.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 50, 3-4. 5-6a. 6bk-7. 12-13

Poon, iyong kaawaan
kaming sa ‘yo’y nagsisuway.

Ako’y kaawaan, O mahal kong Diyos,
sang-ayon sa iyong kagandahang-loob
mga kasalanan ko’y iyong pawiin,
ayon din sa iyong pag-ibig sa akin!
Linisin mo sana ang aking karumhan
at ipatawad mo yaring kasalanan!

Poon, iyong kaawaan
kaming sa ‘yo’y nagsisuway.

Ang pagsalansang ko ay kinikilala,
laging nasa isip ko at alaala.
Sa iyo lang ako nagkasalang tunay,
at ang nagawa ko’y di mo nagustuhan.

Poon, iyong kaawaan
kaming sa ‘yo’y nagsisuway.

Kaya matuwid ka na ako’y hatulan,
marapat na ako’y iyong parusahan.
Ako’y masama na buhat nang iluwal,
makasalanan na nang ako’y isilang.

Poon, iyong kaawaan
kaming sa ‘yo’y nagsisuway.

Isang pusong tapat sa aki’y likhain,
bigyan mo, O Diyos, ng bagong damdamin.
Sa iyong harapa’y h’wag akong alisin;
ang Espiritu mo ang papaghariin.

Poon, iyong kaawaan
kaming sa ‘yo’y nagsisuway.

ALELUYA
Juan 1, 49b

Aleluya! Aleluya!
Guro, Anak na butihin
ng D’yos Amang masintahin,
Ika’y Hari ng Israel.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 14, 22-36

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Matapos mabusog ang mga tao, agad pinasakay ni Hesus sa bangka ang kanyang mga alagad at pinauna sa kabilang ibayo samantalang pinauuwi niya ang mga tao. Pagkaalis ng mga ito, umahon siya sa burol upang manalangin. Nag-iisa siyang inabot doon ng gabi. Samantala, nasa laot na noon ang bangka at sinasalpok ng mga alon sapagkat pasalungat sa hangin. At nang madaling araw na’y sumunod sa kanila si Hesus na naglalakad sa ibabaw ng tubig. Kinilabutan sa takot ang mga alagad nang makita nilang may lumalakad sa ibabaw ng tubig. “Multo!” sigaw nila. Ngunit agad siyang nagsalita at sinabi sa kanila, “Huwag kayong matakot; si Hesus ito!” At nagsalita si Pedro, “Panginoon, kung talagang kayo iyan, papariyanin ninyo ako sa ibabaw ng tubig.” Sumagot siya, “Halika.” Kaya’t lumunsad si Pedro sa bangka at lumakad sa ibabaw ng tubig, palapit kay Hesus. Ngunit nang mapansin niya ang hangin, siya’y natakot at nagsimulang lumubog. “Sagipin ninyo ako, Panginoon!” sigaw niya. Agad siyang inabot ni Hesus. “Napakaliit ng iyong pananalig!” sabi niya kay Pedro. “Bakit ka nag-alinlangan?” Pagkasakay nila sa bangka, tumigil ang hangin. At sinamba siya ng mga nasa bangka. “Tunay na kayo ang Anak ng Diyos!” sabi nila.

Tumawid sila ng lawa, at dumaong sa Genesaret. Nakilala si Hesus ng mga tagaroon. Agad nilang ipinamalita sa buong palibot ng lupaing iyon ang pagdating ni Hesus kaya’t dinala nila sa kanya ang lahat ng maysakit. Hiniling nila sa kanya na ipahipo man lamang sa mga maysakit kahit ang laylayan ng kanyang kasuutan. At lahat ng makahipo nito ay gumagaling.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

o kaya
Mateo 15, 1-2. 10-14

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, lumapit kay Hesus ang ilang Pariseo at mga eskribang galing sa Jerusalem. Kanilang tinanong siya, “Bakit nilalabag ng mga alagad mo ang turo na minana natin sa ating mga ninuno? Kumakain sila nang hindi muna naghuhugas ng kamay ayon sa paraang iniutos!”

Pinalapit ni Hesus ang mga tao at kanyang sinabi, “Makinig kayong lahat, at unawain ang aking sasabihin. Hindi ang pumapasok sa bibig ng tao kundi ang lumalabas ang nakapagpaparumi sa kanya sa mata ng Diyos.”

Lumapit ang mga alagad at kanilang sinabi, “Alam ninyo, nagdamdam po ang mga Pariseo sa sinabi ninyo!” Sumagot siya, “Bubunutin ang bawat halamang hindi itinanim ng aking Amang nasa langit. Hayaan ninyo sila. Sila’y mga bulag na taga-akay; at kapag bulag ang umakay sa bulag, kapwa sila mahuhulog sa hukay.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-18 Linggo sa Karaniwang Panahon
Martes

Manalangin tayo sa Diyos bilang tapat niyang bayan na laging nakatingin kay Kristo. Kung paanong pinalakas niya ang pananampalataya ni San Pedro, alam natin na ganoon din siya sa atin, iaabot niya ang kanyang kamay upang palakasin at itindig tayong muli.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Anak ng Diyos, iligtas mo kami.

Ang Simbahan ng Diyos, nawa’y magabayan ng kapangyarihan ng presensya ng Panginoon sa gitna ng mga krisis at daluyong na kanyang nararanasan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga bansang pinaghihiwalay ng mga digmaan at pag-aalitan nawa’y magkaroon ng katarungan at kapayapaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga lagalag, walang patutunguhan at waring nagpapadala na lamang sa agos ng mga unos ng buhay nawa’y makatagpo sa Simbahan ng tahanan ng kapayapaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y makatagpo ng kasiyahan sa mapagpagaling na awa ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga tapat na yumao nawa’y matagpuan ang kanilang kapahingahan sa presensya ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoong Diyos, habang tinatanggap mo ang aming mga panalangin, bigyan mo kami ng matatag na pananampalataya at walang kupas na tiwala sa iyong Anak na aming Tagapagligtas, siya na nabubuhay at naghahari kasama mo at ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 97,314 total views

 97,314 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 97,314 total views

 97,314 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 97,314 total views

 97,314 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 94,427 total views

 94,427 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 86,245 total views

 86,245 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Sabado, Marso 7, 2026

 5,704 total views

 5,704 total views Sabado sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Mikas 7, 14-15. 18-20 Salmo 102, 1-2. 3-4. 9-10. 11-12 Ang ating mahabaging D’yos

Read More »

Biyernes, Marso 6, 2026

 5,704 total views

 5,704 total views Biyernes sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Genesis 37, 3-4. 12-13a. 17b-28 Salmo 104, 16-17. 18-19. 20-21 Gunitain nang malugod ang

Read More »

Huwebes, Marso 5, 2026

 5,704 total views

 5,704 total views Huwebes sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Jeremias 17, 5-10 Salmo 1, 1-2. 3. 4 at 6 Mapalad ang umaasa sa

Read More »

Miyerkules, Marso 4, 2026

 2,816 total views

 2,816 total views Miyerkules sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Jeremias 18, 18-20 Salmo 30, 5-6. 14. 15-16 Pag-ibig mo’y walang maliw kaya’t ako’y

Read More »

Martes, Marso 3, 2026

 2,816 total views

 2,816 total views Martes sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Isaias 1, 10. 16-20 Salmo 49, 8-9. 16bk-17. 21 at 23 Ang masunurin sa

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top