Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Martes, Hunyo 10, 2025

SHARE THE TRUTH

 683 total views

Martes ng Ika-10 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

2 Corinto 1, 18-22
Salmo 118, 129. 130. 131. 132. 133. 135

Tumanglaw ka sa lingkod mo
at pagpalain mo ako.

Mateo 5, 13-16

Tuesday of the Tenth Week in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
2 Corinto 1, 18-22

Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto

Mga kapatid, kung paanong ang Diyos ay tapat, gayun din ang salita ko sa inyo: ang “Oo” ngayon ay mananatiling “Oo.” Ang Anak ng Diyos, si Hesukristo na ipinangaral namin nina Silvano at Timoteo ay hindi “Oo” ngayon at pagkatapos ay “Hindi.” Siya’y nananatiling “Oo,” sapagkat siya ang katuparan ng lahat ng pangako ng Diyos. Dahil sa kanya, nakasasagot tayo ng “Amen” sa ikaluluwalhati ng Diyos. Ang Diyos ang nagpatibay sa amin at sa inyo sa pamamagitan ng pakikipag-isa kay Kristo, at siya rin ang humirang sa amin. Tinatakan niya kami at pinagkalooban ng kanyang Espiritu, bilang katunayang tutuparin niya ang kanyang pangako.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 118, 129. 130. 131. 132. 133. 135

Tumanglaw ka sa lingkod mo
at pagpalain mo ako.

Lubos akong humahanga sa bigay mong mga turo,
iya’y aking iingata’t susundin nang buong puso.

Tumanglaw ka sa lingkod mo
at pagpalain mo ako.

Ang liwanag ng turo mo’y nagsisilbing isang tanglaw,
nagbibigay dunong ito sa wala pang karanasan.

Tumanglaw ka sa lingkod mo
at pagpalain mo ako.

Halos humihingal ako dahilan sa kasabikan,
na matamo yaong aking minimithing kautusan.

Tumanglaw ka sa lingkod mo
at pagpalain mo ako.

Ako’y iyong kahabagan, ngayon ako ay lingunin,
at sa mga taong tapat, iparis mo ang pagtingin.

Tumanglaw ka sa lingkod mo
at pagpalain mo ako.

Sang-ayon sa pangako mo, h’wag mo akong babayaang
mahulog sa gawang lisya at ugaling mahahalay.

Tumanglaw ka sa lingkod mo
at pagpalain mo ako.

Sa buhay ko’y tumanglaw ka at ako ay pagpalain,
at ang iyong mga utos ay ituro mo sa akin.

Tumanglaw ka sa lingkod mo
at pagpalain mo ako.

ALELUYA
Mateo 5, 16

Aleluya! Aleluya!
Dapat kayong magliwanag
nang kabutiha’y mahayag
at D’yos ang s’yang matanyag.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 5, 13-16

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Kayo’y asin sa sanlibutan. Kung mawalan ng alat ang asin, paano pang mapananauli ang alat nito? Wala na itong kabuluhan, kaya’t itinatapon na lamang at niyayapakan ng mga tao.

“Kayo’y ilaw sa sanlibutan. Hindi maitatago ang isang lungsod na nakatayo sa ibabaw ng burol. Walang nagsisindi ng ilaw at naglalagay nito sa ilalim ng takalan. Sa halip ay inilalagay ito sa talagang patungan upang matanglawan ang lahat ng nasa bahay. Gayun din naman, dapat ninyong paliwanagin ang inyong ilaw sa harapan ng mga tao, upang makita nila ang inyong mabubuting gawa, at luwalhatiin ang inyong Amang nasa langit.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikasampung Linggo sa Karaniwang Panahon
Martes

Manalangin tayo sa Diyos, ang Ama ng liwanag upang maging tapat tayo sa ating misyon na maging ilaw at asin ng sanlibutan.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Diyos ng kabutihan, panatilihin mo kami.

Ang Simbahan nawa’y ipakita ang kapangyarihan at ningning ng Espiritu sa lahat ng naghahangad ng katotohanan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga lalaki at babae na pinagkatiwalaang magpasya para sa ikauunlad ng mga tao, nawa’y maliwanagan ng kinang ng Ebanghelyo, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo, na tinatawag na maging asin at liwanag ng sanlibutan, nawa’y maging daluyan ng pag-asa at ginhawa ng ating kapwa tao, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit, mga may alalahanin, at mga sawing puso nawa’y matagpuan ang liwanag ni Kristo sa pamamagitan ng paglilingkod ng Simbahan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga tapat na yumao nawa’y sikatan ng walang hanggang liwanag, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoong Diyos, habang ipinapanalangin namin ang aming kapwa, hinihiling namin na tulungan mo kaming magliwanag sa kanilang paningin nang sa gayon kanilang purihin ang iyong kabutihan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TOO MUCH GENERAL EDUCATION

 18,326 total views

 18,326 total views Quality education, kailan kaya natin ito makakamit Kapanalig? Taon-taon, nahaharap sa maraming problema ang sektor ng edukasyon sa bansa., kabilang dito ang hindi

Read More »

AUGUST CHAMBER

 36,019 total views

 36,019 total views The Filipino people have the right to know the truth! Noong 1916, itinatag ang tinaguriang AUGUST chamber o Senate of the Philippines. Nagsilbi

Read More »

Lockdown

 40,802 total views

 40,802 total views Kapanalig, may trauma na tayong mga Pilipino sa salitang lockdown. Ayaw na nating maalala ito, ayaw na nating maranasan ang matinding sakripisyo at

Read More »

Apela sa bagong housing czar

 52,966 total views

 52,966 total views Mga Kapanalig, kasama si dating Secretary Jerry Acuzar ng Department of Human Settlements and Urban Development (o DHSUD) sa mga nagpasa ng courtesy

Read More »

Watch Live

RELATED READINGS

Miyerkules, Hunyo 11, 2025

 149 total views

 149 total views Paggunita kay San Bernabe, apostol Mga Gawa 11, 21b-26; 13, 1-3 Salmo 97, 1. 2-3ab, 3kd-4, 5-6 Panginoong nagliligtas sa tanang bansa’y nahayag.

Read More »

Lunes, Hunyo 9, 2025

 1,200 total views

 1,200 total views Paggunita sa Mahal na Birheng Maria, Ina ng Sambayanan Genesis 3, 9-15. 20 o kaya Mga Gawa 1, 12-14 Salmo 87, 1-2. 3. at

Read More »

Linggo, Hunyo 8, 2025

 1,577 total views

 1,577 total views Linggo ng Pentekostes (K) Mga Gawa 2, 1-11 Salmo 103, 1ab at 24ak. 29bk-30. 31 at 34 Espiritu mo’y suguin, Poon, tana’y ‘yong

Read More »

Sabado, Hunyo 7, 2025

 2,056 total views

 2,056 total views Sabado sa Ika-7 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 28, 16-20. 30-31 Salmo 10, 4. 5. at 7 Poon, ang mga mabuti

Read More »

Biyernes, Hunyo 6, 2025

 2,452 total views

 2,452 total views Biyernes sa Ika-7 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita San Norberto, obispo Mga Gawa 25, 13b-21 Salmo 102, 1-2. 11-12. 19-20ab Panginoo’y

Read More »

LATEST NEWS

Environment
Michael Añonuevo

Sikatunarra project, pinuri ni Bishop Uy

 2,604 total views

 2,604 total views Kinilala ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy ang makakalikasang proyekto ng bayan ng Sikatuna, Bohol bilang makabuluhang hakbang tungo sa pagkalinga sa kalikasan at

Read More »
Scroll to Top