MARTES, MARSO 21, 2023

SHARE THE TRUTH

 2,657 total views

Martes sa Ika-4 na Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda

Ezekiel 47, 1-9. 12
Salmo 45, 2-3. 5-6. 8-9

D’yos na makapangyariha’y
kapiling nating kanlungan.

Juan 5, 1-16

Tuesday of the Fourth Week of Lent (Violet)

UNANG PAGBASA
Ezekiel 47, 1-9. 12

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Ezekiel

Bumalik kami sa pintuan ng templo. Sa ilalim nito’y may agos ng tubig papunta sa silangan. Ang templo’y paharap sa silangan. Ito’y nagmumula sa gawing timog na bahagi ng templo, sa gawing timog ng altar. Lumabas kami sa pintuan sa gawing hilaga at iniligid niya ako papalabas sa pintuan sa gawing silangan. Doon ay may mahinang agos ng tubig mula sa gawing timog ng hagdanan.

Nagtuloy kami sa gawing silangan; may hawak siyang panukat. Sumukat siya ng limandaang metro. Pagkatapos, lumusong kami sa tubig na hanggang bukung-bukong. Sumukat uli siya ng limandaang metro at nang lumusong kami sa tubig, ito’y hanggang baywang. Sumukat uli siya ng limandaang metro ngunit yaon ay isa nang ilog at hindi na ako makalusong. Malalim ang tubig at kailangang languyin upang matawid. Sinabi niya sa akin, “Tao, tandaan mo ang lugar na ito.”

Naglakad kami sa pampang ng nasabing ilog. Nang ako’y pabalik na, nakita ko ang makapal na puno sa magkabilang pampang ng ilog. Sinabi niya sa akin, “Ang tubig na ito ay papunta sa dakong silangan, hanggang Dagat na Patay. Pag-abot nito sa Dagat na Patay, malilinis ang tubig nito. Lahat ng lugar na maagusan nito ay magkakaroon ng lahat ng uri ng hayop at isda. Pagdating ng agos na ito sa Dagat na Patay, magiging tabang ang tubig ng dagat. Lahat ng lugar na abutin nito ay magkakaroon ng buhay. Sa magkabilang pampang ng ilog ay tutubo ang sari-saring punongkahoy na makakain ang bunga. Hindi malalanta ang mga dahon nito ni mawawalan ng bunga pagkat ang didilig dito ay ang tubig na umaagos mula sa templo; ito ay patuloy na mamumunga sa buong taon. Ang bunga nito ay pagkain, at gamot naman ang mga dahon.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 45, 2-3. 5-6. 8-9

D’yos na makapangyariha’y
kapiling nating kanlungan.

Ang Diyos ang lakas natin at kanlungan,
at handang saklolo kung may kaguluhan;
di dapat matakot, mundo’y mayanig man,
kahit na sa dagat ang bundok mabuwal.

D’yos na makapangyariha’y
kapiling nating kanlungan.

May ilog ng galak sa bayan ng Diyos,
sa banal na templo’y ligaya ang dulot.
Ang tahanang-lungsod ay di masisira;
ito ang tahanan ng Diyos na Dakila,
mula sa umaga ay kanyang alaga.

D’yos na makapangyariha’y
kapiling nating kanlungan.

Nasa atin ang Diyos Makapangyarihan,
ang Diyos ni Jacob na ating kanlungan.
Anuman ang kanyang ginawa sa lupa,
sapat nang pagmasdan at ika’y hahanga!

D’yos na makapangyariha’y
kapiling nating kanlungan.

AWIT-PAMBUNGAD SA MABUTING BALITA
Salmo 50, 12a. 14a

D’yos ko, sa aki’y igawad
loobing tunay na tapat;
puso ko’y gawin mong wagas
nang manauli ang galak
bunga ng ‘yong pagliligtas.

MABUTING BALITA
Juan 5, 1-16

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Nang dumating ang pagdiriwang ng pista ng mga Judio, pumunta si Hesus sa Jerusalem. Sa lungsod na ito, malapit sa Pintuan ng mga Tupa, ay may malaking deposito ng tubig na may limang portiko. Kung tawagin ito sa wikang Hebreo ay Betesda. Natitipon dito ang maraming maysakit —— mga bulag, mga pilay, at mga paralitiko. Hinihintay nilang gumalaw ang tubig, sapagkat may panahong bumababa ang isang anghel ng Panginoon at kinakalawkaw ang tubig. Ang maunang lumusong pagkatapos makalawkaw ang tubig ay gumagaling, anuman ang kanyang karamdaman. Doo’y may isang lalaking tatlumpu’t walong taon nang may sakit, at siya’y nakita ni Hesus. Alam nitong matagal nang may sakit ang lalaki. Tinanong siya ni Hesus, “Ibig mo bang gumaling?” Sumagot ang maysakit, “Ginoo, wala pong maglusong sa akin kapag nakalawkaw na ang tubig; patungo pa lamang ako roon ay may nauuna na sa akin.” Sinabi sa kanya ni Hesus, “Tumindig ka, dalhin mo ang iyong higaan, at lumakad ka.” At pagdaka’y gumaling ang lalaki, dinala ang kanyang higaan, at lumakad.

Noo’y Araw ng Pamamahinga. Kaya’t sinabi ng mga Judio sa lalaking pinagaling, “Araw ng Pamamahinga ngayon! Labag sa Kautusan na dalhin mo ang iyong higaan.” Ngunit sumagot siya, “Ang nagpagaling sa akin ang nagsabing dalhin ko ang aking higaan at lumakad ako.” At siya’y tinanong nila, “Sino ang nagsabi sa iyo na dalhin mo ang iyong higaan at lumakad ka?” Ngunit hindi nakilala ng lalaki kung sino ang nagpagaling sa kanya, sapagkat nawala na si Hesus sa karamihan ng tao.

Pagkatapos, nakita ni Hesus sa loob ng templo ang lalaki at sinabihan, “Magaling ka na ngayon! Huwag ka nang magkakasala at baka may mangyari sa iyo na lalo pang masama.” Umalis ang lalaki at sinabi sa mga Judio na si Hesus ang nagpagaling sa kanya. Dahil dito, si Hesus ay sinimulang usigin ng mga Judio sapagkat nagpagaling siya sa Araw ng Pamamahinga.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikaapat na Linggo ng Kuwaresma
Martes

Habang higit nating nakikilala ang Diyos, lalo nating nauunawaan na lubos tayong umaasa sa kanya. Alam natin na marami tayong mga kahinaan at wala tayong magagawa kung hindi niya tayo tutulungan kaya’t manalangin tayo sa kanya.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Banal na Tagapagpagaling, tulungan Mo kami.

Ang mga pinuno ng Simbahan nawa’y lubos na mag-alay ng kanilang buhay sa paglilingkod kay Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y magkaroon ng pusong bukas sa pag-aalay ng sarili at lumago sa pagsunod kay Kristo na may pusong maamo at mapagkumbaba, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y magkaroon ng tunay na diwa ng kababaang-loob sa ating pakikitungo sa mga dukha at mga api at makita natin ang presensya ni Kristo sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y makatagpo ng pagmamahal at pagtataguyod sa mga nangangalaga sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nauna na sa atin sa paglisan sa buhay na ito nawa’y makaisa ng Diyos sa kanyang Kaharian, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoong Diyos, Ama ng mga dukha, bagamat batid namin ang aming mga kahinaan at pagmamalaki, dinggin mo ang mga kahilingan ng iyong bayang nangangailangan ng iyong tulong. Idinadalangin namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

 

DONATE NOW
Shadow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Inclusive mobility

 37,625 total views

 37,625 total views Mga Kapanalig, simula ngayong linggo, bawal nang dumaan ang mga light electric vehicles (o LEVs) katulad ng e-bikes, e-trikes, at e-scooters sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila. Ang lalabag sa patakarang ito ng MMDA ay pagmumultahin ng ₱2,500. Kukumpiskahin din ang ‘di rehistradong LEV. Hindi natin maikakailang dumarami ang tumatangkilik ng LEVs

Read More »

Para sa content?

 49,703 total views

 49,703 total views Mga Kanapalig, napanood ba ninyo ang video ng mga vloggers mula sa South Cotabato kasama ang dalawang tarsier?  Makikita sa video ang isang vlogger na tumatawa habang hawak-hawak ang isang tarsier. Kausap niya ang may hawak ng camera na noong una ay ipinakikita lamang ang isa pang tarsier na nakakapit sa tangkay ng

Read More »

Kabuhayan sa Bangketa

 69,115 total views

 69,115 total views Ang bangketa ay maraming bagay para sa mga Pilipino. Ito ay daanan, minsan tahanan, at kadalasan, tindahan ng maraming Pilipino. Dahil sa hirap ng buhay, oo, pati bangketa ay nagiging pwesto na ng maraming maliliit na negosyanteng Pilipino. Ang bangketa kasi ay daluyan ng tao, at kung saan may tao, may benta. Kaya

Read More »

Street People

 80,235 total views

 80,235 total views Kapanalig, buksan natin ang ating mga mata. Dito sa Metro Manila, napakarami ng mga Pilipinong sa kalye nananahan, at tinatayang mga 250,000 dito ay mga children in street situations o CISS. Tahakin mo lang ang ilang major roads sa ating bayan, bubungad na agad sila. Mga Pilipinong nasa kalye ang hanapbuhay, at sa

Read More »

Buhay sa Slum Settlements

 84,160 total views

 84,160 total views Madilim. Masikip. Marumi. Ito ay ilan lamang sa mga salitang naglalarawan sa mga slum areas sa ating bayan. Ang mga daanan sa ganitong lugar, motor o tao lamang ang kasya. Nagsasalubong na ang kanilang mga bubong kaya minsan, kahit araw, madilim sa mga eskinita. At dahil malayo sa daanan ng mga garbage collectors,

Read More »

Watch Live

Related Story

LUNES, ABRIL 22, 2024

 300 total views

 300 total views Lunes sa Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 11, 1-18 Salmo 41, 2. 3; Salmo 42, 3. 4 Aking kinasasabikan ang Diyos na nabubuhay. Juan 10, 1-10 Monday of the Fourth Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 11, 1-18 Pagbasa mula sa mga Gawa ng mga Apostol Noong mga

Read More »

SABADO, ABRIL 20, 2024

 1,720 total views

 1,720 total views Sabado sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 9, 31-42 Salmo 115, 12-13. 14-15. 16-17 Sa lahat ng ‘yong kaloob ano’ng aking ihahandog? Juan 6, 60-69 Saturday of the Third Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 9, 31-42 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol Noong mga araw na

Read More »

BIYERNES, ABRIL 19, 2024

 2,692 total views

 2,692 total views Biyernes sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 9, 1-20 Salmo 116, 1. 2 Humayo’t dalhin sa tanan Mabuting Balitang aral. Juan 6, 52-59 Friday of the Third Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 9, 1-20 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol Noong mga araw na iyon, masidhi

Read More »

HUWEBES, ABRIL 18, 2024

 3,657 total views

 3,657 total views Huwebes sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 8, 26-40 Salmo 65, 8-9. 16-17. 20 Sangkalupaang nilalang galak sa Poo’y isigaw. Juan 6, 44-51 Thursday of the Third Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 8, 26-40 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol Noong mga araw na iyon, si

Read More »

MIYERKULES, ABRIL 17, 2024

 4,342 total views

 4,342 total views Miyerkules sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 8, 1b-8 Salmo 65, 1-3a. 4-5. 6-7a. Sangkalupaang nilalang, galak sa Poo’y isigaw. Juan 6, 35-40 Wednesday of the Third Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 8, 1b-8 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol Nagsimula nang araw na iyon ang

Read More »

MARTES, ABRIL 16, 2024

 4,685 total views

 4,685 total views Martes sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 7, 51 – 8, 1a Salmo 30, 3kd-4. 6ab at 7b at 8a. 17 at 21ab Poon, sa mga kamay mo habilin ko ang buhay ko. Juan 6, 30-35 Tuesday of the Third Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 7, 51 –

Read More »

LUNES, ABRIL 15, 2024

 4,909 total views

 4,909 total views Lunes sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 6, 8-15 Salmo 118, 23-24. 26-27. 29-30 Mapalad ang sumusunod sa utos ng Poong Diyos. Juan 6, 22-29 Monday of the Third Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 6, 8-15 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol Noong mga araw na

Read More »

LINGGO, ABRIL 14, 2024

 5,294 total views

 5,294 total views Ikatlong Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (B) Mga Gawa 3, 13-15. 17-19 Salmo 4, 2. 4. 7. 9 Poon, sa ‘mi’y pasikatin liwanag sa iyong piling. 1 Juan 2, 1-5a Lucas 24, 35-48 Third Sunday of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 3, 13-15. 17-19 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol

Read More »

SABADO, ABRIL 13, 2024

 5,429 total views

 5,429 total views Sabado sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita kay San Martin I, papa at martir Mga Gawa 6, 1-7 Salmo 32, 1-2. 4-5. 18-19 Poon, pag-asa ka namin, pag-ibig mo’y aming hiling. Juan 6, 16-21 Saturday of the Second Week of Easter (White) or Optional Memorial of St. Martin I, Pope and

Read More »

BIYERNES, ABRIL 12, 2024

 5,633 total views

 5,633 total views Biyernes sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 5, 34-42 Salmo 26, 1. 4. 13-14 Ang tanging aking mithii’y Panginoo’y makapiling. Juan 6, 1-15 Friday of the Second Week of Easter (White) Mga Pagbasa mula sa Biyernes sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay UNANG PAGBASA Mga Gawa 5, 34-42 Pagbasa mula

Read More »

HUWEBES, ABRIL 11, 2024

 6,223 total views

 6,223 total views Paggunita kay San Estanislao, Obispo at Martir Mga Gawa 5, 27-33 Salmo 33, 2 at 9. 17-18. 19-20 Dukhang sa D’yos tumatawag ay kanyang inililigtas. Juan 3, 31-36 Memorial of St. Stanislaus, Bishop and Martyr (Red) Mga Pagbasa mula sa Huwebes sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay UNANG PAGBASA Mga Gawa 5, 27-33

Read More »

MIYERKULES, ABRIL 10, 2024

 6,269 total views

 6,269 total views Miyerkules sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 5, 17-26 Salmo 33, 2-3. 4-5. 6-7. 8-9 Dukhang sa D’yos tumatawag ay kanyang inililigtas. Juan 3, 16-21 Wednesday of the Second Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 5, 17-26 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol Noong mga araw na

Read More »

MARTES, ABRIL 9, 2024

 6,515 total views

 6,515 total views Martes sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 4, 23-27 Salmo 92, 1ab. 1k-2. 5 Panginoo’y naghari na! Ang damit n’ya’y maharlika. Juan 3, 7b-15 Tuesday of the Second Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 4, 32-37 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng mga Apostol Nagkaisa ang damdami’t isipan ng

Read More »

LUNES, ABRIL 8, 2024

 7,022 total views

 7,022 total views Dakilang Kapistahan ng Pagpapahayag ng Magandang Balita tungkol sa Panginoon Isaias 7, 10-14; 8, 10 Salmo 39, 7-8a. 8b-9. 10. 11 Handa akong naririto upang sundin ang loob mo. Hebreo 10, 4-10 Lucas 1, 26-38 Solemnity of the Annunciation of the Lord (White) UNANG PAGBASA Isaias 7, 10-14; 8, 10 Pagbasa mula sa aklat

Read More »

LINGGO, ABRIL 7, 2024

 6,904 total views

 6,904 total views Ikalawang Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (B) Linggo ng Dakilang Awa ng Diyos o Banal na Awa Mga Gawa 4, 32-35 Salmo 117, 2-4. 16ab-18. 22-24 Butihing Poo’y purihin, pag-ibig n’ya’y walang maliw. 1 Juan 5, 1-6 Juan 20, 19-31 Second Sunday of Easter (White) Divine Mercy Sunday UNANG PAGBASA Mga Gawa 4,

Read More »
Scroll to Top