Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

MARTES, OKTUBRE 24, 2023

SHARE THE TRUTH

 3,973 total views

Martes ng Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

o kaya Paggunita kay San Antonio Maria Claret, obispo

Roma 5, 12. 15b. 17-19. 20b-21
Salmo 39, 7-8a. 8b-9. 10. 17

Handa akong naririto
upang sundin ang loob mo.

Lucas 12, 35-38

Tuesday of the Twenty-ninth Week in Ordinary Time (Green)

or Optional Memorial of St. Anthony Mary Claret, Bishop (White)

UNANG PAGBASA
Roma 5, 12. 15b. 17-19. 20b-21

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma

Mga kapatid, ang kasalana’y pumasok sa sanlibutan sa pamamagitan ng isang tao, at ang kamatayan sa pamamagitan ng kasalanan niya. Dahil dito, lumaganap ang kamatayan sa lahat ng tao sapagkat ang lahat ay nagkasala.

Totoo ngang nagdala ng kamatayan sa marami ang pagsuway ni Adan, ngunit malaki ang kahigtan ng kagandahang-loob ng Diyos at ng kaloob na dumating sa napakarami sa pamamagitan ng isang tao – si Hesukristo. Sa pamamagitan ng isang tao – si Adan – naghari ang kamatayan dahil sa kanyang kasalanan. Ngunit sa pamamagitan din ng isang tao – si Hesukristo – higit ang kinamtan ng mga kinahabagan nang sagana at pinawalang-sala: sila’y maghahari sa buhay. Kay laki ng kahigtan ng pagpapalang ito kaysa kasawiang iyon.

Kaya’t kung paanong nagbunga ng kaparusahan sa lahat ang kasalanan ng isang tao, ang pagkamatuwid naman ng isang tao ay nagdulot ng kapatawaran at buhay sa lahat. Sapagkat sa pagsuway ng isang tao ay marami ang naging makasalanan, gayun din naman, marami ang pawawalang-sala sa pagsunod ng isang tao.

Ngunit kung dumami man ang kasalanan, lalo namang sumagana ang kagandahang-loob ng Diyos. Kaya nga, kung paanong naghari ang kasalanan sa pamamagitan ng kamatayan, gayun din naman maghahari ang kagandahan ng loob ng Diyos sa pamamagitan ng pagpapawalang-sala upang kamtan ang buhay na walang hanggang sa pamamagitan ng ating Panginoong Hesukristo.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 39, 7-8a. 8b-9. 10. 17

Handa akong naririto
upang sundin ang loob mo.

Ang mga panghandog, pati mga hain,
at mga hayop na handang sunugin
hindi mo na ibig sa dambana dalhin,
upang yaong sala’y iyong patawarin;
Sa halip, ang iyong kaloob sa akin
ay ang pandinig ko upang ika’y dinggin.

Handa akong naririto
upang sundin ang loob mo.

Kaya ang tugon ko, “Ako’y naririto;
nasa Kautusan ang mga turo mo.
Ang nais kong sundi’y iyong kalooban;
aking itatago sa puso ang aral.”

Handa akong naririto
upang sundin ang loob mo.

Ang pagliligtas mo’y aking inihayag
saanman magtipon ang ‘yong mga anak;
di ako titigil ng pagpapahayag.

Handa akong naririto
upang sundin ang loob mo.

Silang lumalapit sa iyo’y dulutan
ng ligaya’t galak na walang kapantay;
bayaang sabihing: “Ang Poon ay Dakila!”
Ng nangaghahangad maligtas na kusa.

Handa akong naririto
upang sundin ang loob mo.

ALELUYA
Lucas 21, 36

Aleluya! Aleluya!
Manalanging walang humpay
samantalang hinihintay
si Hesus na Poong mahal.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 12, 35-38

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Maging handa kayo at sindihan ang inyong mga ilawan. Tumulad kayo sa mga taong naghihintay sa pag-uwi ng kanilang panginoon mula sa kasalan, para pagdating niya ay mabuksan agad ang pinto. Mapalad ang mga alipin na abutang nagbabantay pagdating ng kanilang panginoon. Sinasabi ko sa inyo, maghahanda siya, padudulugin sila sa hapag, at maglilingkod sa kanila. Mapapalad sila kung maratnan niya silang handa, dumating man siya ng hatinggabi o madaling-araw siya dumating.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-29 Linggo sa Karaniwang Panahon
Martes

Sa ating pagtanggap ng biyaya ng pananampalataya, tinatawag tayo upang maging masunurin, magkaroon ng pag-asa, at maging handang salubungin si Kristo sa anumang oras. Ipanalangin natin ang ating mga kapwa nang may pananalig.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Basbasan mo ang iyong mga tapat na lingkod, Panginoon.

Ang Santo Papa, mga obispo, at mga pari nawa’y tapat na maglingkod sa kalipunan ng mga sumasampalataya nang may kasipagan at dedikasyon, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y lumago sa ating pagsusulong para sa katarungan at pag-ibig sa pamamagitan ng ating buong pusong paglilingkod sa araw-araw na buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Matuto nawa tayong ibahagi sa bawat isa ang anumang mayroon tayo at sumaksi sa pamumuhay nang may pag-asa, bilang paghahanda sa pagbabalik ng Panginoon, manalangin tayo sa Panginoon.

Yaong mga dumaranas ng pagsubok sa buhay nawa’y patuloy na maniwala at umasa sa Diyos na nagbibigay ng lahat ng bagay para sa ating kabutihan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga tapat na yumao nawa’y magdiwang sa sinag ng bukang-liwayway ng buhay na walang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.

Walang hanggang Ama, hindi namin alam ang araw ni ang oras kung kailan magbabalik ang iyong Anak upang kami ay hatulan. Tingnan mo ang aming mga panalangin bilang tanda ng aming pananampalataya sa kanyang pagdating. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 47,028 total views

 47,028 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 63,116 total views

 63,116 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 100,511 total views

 100,511 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 111,462 total views

 111,462 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Martes, Hulyo 15, 2025

 664 total views

 664 total views Paggunita kay San Buenaventura, obispo at pantas ng Simbahan Exodo 2, 1-15a Salmo 68, 3. 14. 30-31. 33-34 Dumulog tayo sa Diyos upang

Read More »

Lunes, Hulyo 14, 2025

 1,893 total views

 1,893 total views Lunes ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita kay San Camilo ng Lellis, pari Exodo 1, 8-14. 22 Salmo 123, 1-3.

Read More »

Linggo, Hulyo 13, 2025

 2,696 total views

 2,696 total views Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (K) Deuteronomio 30, 10-14 Salmo 68, 14 at 17. 30-31. 33-34. 36ab at 37 Dumulog tayo sa Diyos

Read More »

Sabado, Hulyo 12, 2025

 3,153 total views

 3,153 total views Sabado ng Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Genesis 49, 29-32; 50, 15-26a

Read More »

Biyernes, Hulyo 11, 2025

 3,620 total views

 3,620 total views Paggunita kay San Benito, abad Genesis 46, 1-7. 28-30 Salmo 36, 3-4. 18-19. 27-28. 39-40 Nasa D’yos ang kaligtasan ng mga mat’wid at

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top