Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

MARTES, OKTUBRE 31, 2023

SHARE THE TRUTH

 5,181 total views

Martes ng Ika-30 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

Roma 8, 18-25
Salmo 125, 1-2ab. 2kd-3. 4-5. 6

Gawa ng D’yos ay dakila
kaya tayo’y natutuwa.

Lucas 13, 18-21

Tuesday of the Thirtieth Week in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
Roma 8, 18-25

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma

Mga kapatid, sa ganang akin, ang mga pagtitiis sa kasalukuyan ay hindi maihahambing sa ihahayag ng kaluwalhatiang sasaatin. Nananabik ang sangnilikha na ihayag ng Diyos ang kanyang mga anak. Nabigo ang sangnilikha, hindi sa kagustuhan nito, kundi dahil sa ito ang niloob ng Diyos. Gayunman, may pag-asa pa, sapagkat ang sangnilikha ay palalayain sa pagkaalipin nito sa kabulukan, at makakahati sa maluwalhating kalagayan ng mga anak ng Diyos. Alam natin na hanggang ngayon ang sangnilikha ay dumaraing sa paghihirap. Hindi lamang sila! Tayo mang tumganggap ng Espiritu bilang unang kaloob ng Diyos ay napapahimutok samantalang hinihintay natin ang pag-ampon sa atin ng Diyos, ang pagpapalaya sa ating mga katawan. Ligtas na tayo at inaasahan natin ang kaganapan nito. Ngunit ang pag-asa ay hindi pag-asa kapag nakikita na ang inaasahan. Sapagkat sino ang aasa sa nakikita na? Ngunit kung umaasa tayo sa hindi natin nakikita, ito’y hihintayin natin nang buong tiyaga.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 125, 1-2ab. 2kd-3. 4-5. 6

Gawa ng D’yos ay dakila
kaya tayo’y natutuwa.

Nang lingapin tayo ng Diyos at sa Sion ay ibalik,
ang nangyari’y kasaysaya’y parang isang panaginip.
Lahat tayo ay natuwa, masasayang nagsiawit.

Gawa ng D’yos ay dakila
kaya tayo’y natutuwa.

Ang sabi ng mga bansang nagmamasid sa paligid,
“Ang ginawa ng Diyos nila ay dakila, anong rikit!”
Dakila ngang masasabi, pambihira ang ginawa,
kaya naman kami ngayon, kagalaka’y di kawasa!

Gawa ng D’yos ay dakila
kaya tayo’y natutuwa.

Kung paanong inuulan yaong mga tuyong batis,
sa sariling bayan namin, kami, Poon, ay ibalik.
Silang mga nagbubukid na nagtanim na may luha,
bayaan mo na mag-aning masasaya’t natutuwa.

Gawa ng D’yos ay dakila
kaya tayo’y natutuwa.

Yaong mga nagsihayong dala’y binhi’t nananangis,
ay aawit na may galak, dala’y ani pagbalik!

Gawa ng D’yos ay dakila
kaya tayo’y natutuwa.

ALELUYA
Mateo 11, 25

Aleluya! Aleluya!
Papuri sa Diyos Ama
pagkat ipinahayag n’ya
Hari s’ya ng mga aba.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 13, 18-21

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus, “Ano ang katulad ng paghahari ng Diyos? Saan ko ihahambing ito? Katulad ito ng isang butil ng mustasa na itinanim ng isang tao sa kanyang halamanan. Ito’y lumaki hanggang sa maging punongkahoy at namugad ang mga ibon sa mga sanga nito.”

Sinabi pa ni Hesus, “Saan ko itutulad ang paghahari ng Diyos? Katulad ito ng lebadurang inihalo ng isang babae sa tatlong takal na harina, anupat umalsa ang buong masa.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-30 Linggo sa Karaniwang Panahon
Martes

Tulad ng isang malaking puno na mayroong mayabong na mga sanga o tulad ng butil na matahimik na lumalaki, gayundin ang paglago ng Kaharian ng Langit. Sama-sama tayong manalangin bilang pakikibahagi natin sa mapagmahal na plano ng banal na kabutihan ng Diyos.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Diyos ng buhay, gawin mo na makapagbigay-buhay ang aming buhay.

Ang Simbahan nawa’y patuloy na umunlad sa pamamagitan ng pagtanggap at pagbabahagi ng kaligtasan sa mga kultura at mga pinahahalagahan sa buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Yaong mga nasa programa ng pagpapaunlad ng ekonomiya nawa’y bigyang suporta ang mga magsasaka at yaong mga nagpapaunlad ng lupa nawa’y alagaan at igalang ang likas na kalikasan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga pamilya, lalo na ang ating mga anak, nawa’y lumaki sa pamamaraan ng biyaya at umunlad na kawangis ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y maging matatag sa kanilang pananampalataya at mapalakas sa pamamagitan ng ating pag-aalaga at pagkalinga, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga mahal na yumao nawa’y masiyahan sa kapayapaan ng Kaharian ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, tulungan mo kaming maunawaan ang kahalagahan ng panahon ng aming pag-iral. Buksan mo ang aming puso sa iyong Salita upang maging mabunga kami lagi. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Kahalagahan ng fact-checking

 5,383 total views

 5,383 total views Mga Kapanalig, simula ngayong buwan, ititigil na raw ng social media app na Facebook ang kanilang third-party fact-checking program sa Amerika. Ito ang inanunsyo ni Mark Zuckerberg, founder ng Facebook at CEO ng Meta Platforms. Dámay din sa pagbabagong ito ang Instagram at Threads, mga social media apps na hawak din ng Meta.

Read More »

Pandaigdigang kapayapaan

 12,333 total views

 12,333 total views Mga Kapanalig, naniniwala ba kayo sa paniniwalang “lahat ay nadadaan sa mabuting usapan”? Totoong mahalaga ang pag-uusap sa pagkakaroon ng unawaan, pagkakaisa, at kapayapaan, hindi lang sa ugnayan ng mga indibidwal kundi pati ng mga bansa. Noong Enero 11, tinipon ni Pangulong Marcos Jr ang buong diplomatic corps na binubuo ng mga kinatawan

Read More »

Diabolical Proposal

 23,248 total views

 23,248 total views Kapanalig, isa ka ba sa mga sinasabing “over protective, over-imposing parent”? Bilang magulang, ang salita mo ba ay batas na dapat sundin ng iyong mga anak maging ito ay hindi na tama? Well, may nakakatawang solusyon at kasagutan ang Senado sa mga magulang na sobra-sobra at wagas ang higpit.., pakiki-alam sa buhay ng

Read More »

Pagsasayang Ng Pera

 30,983 total views

 30,983 total views Pagwawaldas sa pera ng taong bayan.. dahil sa isang pagkakamali. Kapanalig, 73-milyong balota para sa May 2025 national at local elections ang nasayang…nasayang ang pagod at oras. naimprenta na… mauuwi lamang sa basurahan. Ito ay matapos suspendihin ng Commission on Elections (COMELEC) ang pag-imprenta ng opisyal na balota para sa May 2025 mid-term

Read More »

Education Crisis

 38,470 total views

 38,470 total views Kapanalig, nasa krisis ang edukasyon sa ating bayan. Napakarami ang mga hamon na kailangang harapin sa sektor. Napakatagal ng isyu ito, ang patuloy na pagpapabaya sa problemang kinakaharap ng sektor ng edukasyon ay lalong nagpapahirap sa mga maralita. Ito ay nagpapakita ng ating pagkukulang sa lipunan. Bilang mga magulang.. pangarap at obligasyon mo

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow
DONATE NOW
Shadow

Related Post

Miyerkules, Enero 22, 2025

 480 total views

 480 total views Miyerkules ng Ika-2 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita kay San Vicente, diyakono at martir Hebreo 7, 1-3. 15-17 Salmo 109, 1. 2. 3. 4 Ika’y paring walang hanggan katulad ni Melquisedec. Marcos 3, 1-6 Wednesday of the Second Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of St. Vincent, Deacon and Martyr (Red) UNANG

Read More »

Martes, Enero 21, 2025

 765 total views

 765 total views Paggunita kay Santa Agnes, dalaga at martir Hebreo 6, 10-20 Salmo 110, 1-2. 4-5. 9 at 10k Pangako ng Poon nati’y lagi nating gunitain. Marcos 2, 23-28 Memorial of St. Agnes, Virgin and Martyr (White) Mga Pagbasa mula sa Martes ng Ika-2 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) UNANG PAGBASA Hebreo 6, 10-20 Pagbasa mula

Read More »

Lunes, Enero 20, 2025

 1,266 total views

 1,266 total views Lunes ng Ika-2 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita kay San Fabian, papa at martir o kaya Paggunita kay San Sebastian, martir Hebreo 5, 1-10 Salmo 109, 1. 2. 3. 4 Ika’y paring walang hanggan katulad ni Melquisedec. Marcos 2, 18-22 Monday of the Second Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of St.

Read More »

Linggo, Enero 19, 2025

 1,374 total views

 1,374 total views Kapistahan ng Panginoong Hesus, Ang Banal na Sanggol (K) Isaias 9, 1-6 Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4. 5-6 Kahit saa’y namamalas tagumpay ng Nagliligtas. Efeso 1, 3-6. 15-18 Lucas 2, 41-52 Feast of the Sto. Niño (Proper Feast in the Philippines) (White) Holy Childhood Day Week of Prayer for Christian Unity UNANG PAGBASA

Read More »

Sabado, Enero 18, 2025

 1,371 total views

 1,371 total views Sabado ng Unang Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Hebreo 4, 12-16 Salmo 18, 8. 9. 10. 15 Espiritung bumubuhay ang salita ng Maykapal. Marcos 2, 13-17 Saturday of the First Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of the Blessed Virgin Mary on Saturday (White)

Read More »

Biyernes, Enero 17, 2025

 1,261 total views

 1,261 total views Paggunita kay San Antonio, abad Hebreo 4, 1-5. 11 Salmo 77, 3 at 4bk. 6k-7. 8 Hindi nila malilimot ang dakilang gawa ng D’yos. Marcos 2, 1-12 Memorial of St. Anthony, Abbot (White) Mga Pagbasa mula sa Biyernes ng Unang Linggo sa Karaniwang Panahon (I) UNANG PAGBASA Hebreo 4, 1-5. 11 Pagbasa mula sa

Read More »

Huwebes, Enero 16, 2025

 1,217 total views

 1,217 total views Huwebes ng Unang Linggo sa Karaniwang Panahon (I) Hebreo 3, 7-14 Salmo 94, 6-7. 8-9. 10-11 Panginoo’y inyong dinggin, huwag n’yo s’yang salungatin. Marcos 1, 40-45 Thursday of the First Week of Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Hebreo 3, 7-14 Pagbasa mula sa sulat sa mga Hebreo Mga kapatid, gaya ng sabi ng Espiritu

Read More »

Miyerkules, Enero 15, 2025

 1,175 total views

 1,175 total views Miyerkules ng Unang Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita kay San Arnold Jannsen, pari Hebreo 2, 14-18 Salmo 104, 1-2. 3-4. 6-7. 8-9 Nasa isip ng Maykapal ang tipan niya kailanman. Marcos 1, 29-39 Wednesday of the First Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of St. Arnold Janssen, Priest (White) UNANG PAGBASA Hebreo

Read More »

Biyernes, Nobyembre 15, 2024

 16,120 total views

 16,120 total views Biyernes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 2 Juan, 4-9 Salmo 118, 1. 2. 10. 11. 17. 18 Mapalad ang sumusunod sa utos ng Poong Diyos. Lucas 17, 26-37 Friday of the Thirty-second Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 2 Juan, 4-9 Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Juan Hirang

Read More »

Huwebes, Nobyembre 14, 2024

 16,266 total views

 16,266 total views Huwebes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filemon 7-20 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Mapalad ang kinukupkop ng Poong Diyos ni Jacob. Lucas 17, 20-25 Thursday of the Thirty-second Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Filemon 7-20 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo kay Filemon Pinakamamahal ko, ang iyong pag-ibig

Read More »

Miyerkules, Nobyembre 13, 2024

 16,872 total views

 16,872 total views Miyerkules ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Tito 3, 1-7 Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5. 6 Pastol ko’y Panginoong D’yos, hindi ako magdarahop. Lucas 17, 11-19 Memorial of Saint Martin of Tours, Bishop (White) Saturday of the Thirty-second Week in Ordinary Time (II) UNANG PAGBASA Tito 3, 1-7 Pagbasa mula sa sulat ni

Read More »

Martes, Nobyembre 12, 2024

 17,038 total views

 17,038 total views Paggunita kay San Josafat, obispo at martir Tito 2, 1-8. 11-14 Salmo 36, 3-4. 18 at 23. 27 at 29 Nasa D’yos ang kaligtasan ng mga mat’wid at banal. Lucas 17, 7-10 Memorial of St. Josaphat, Bishop and Martyr (Red) Mga Pagbasa mula sa Martes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA

Read More »

Lunes, Nobyembre 11, 2024

 17,357 total views

 17,357 total views Paggunita kay San Martin ng Tours, obispo Tito 1, 1-9 Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6 Panginoon, ang bayan mo ay dumudulog sa iyo. Lucas 17, 1-6 Memorial of St. Martin of Tours, Bishop (White) Mga Pagbasa mula sa Lunes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA Tito 1, 1-9 Ang simula ng

Read More »

Linggo, Nobyembre 10, 2024

 12,697 total views

 12,697 total views Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) 1 Hari 17, 10-16 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin. Hebreo 9, 24-28 Marcos 12, 38-44 o kaya Marcos 12, 41-44 Thirty-second Sunday in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 1 Hari 17, 10-16 Pagbasa mula sa unang aklat ng mga Hari Noong mga

Read More »

Sabado, Nobyembre 9, 2024

 13,092 total views

 13,092 total views Kapistahan ng Pagtatalaga sa Palasyong Simbahan sa Laterano, Roma Ezekiel 47, 1-2. 8-9. 12 Salmo 45, 2-3. 5-6. 8-9. Sa bayan ng Dakilang D’yos batis n’ya’y may tuwang dulot. 1 Corinto 3, 9k-11. 16-17 Juan 2, 13-22 Feast of the Dedication of the Lateran Basilica in Rome (White) UNANG PAGBASA Ezekiel 47, 1-2. 8-9.

Read More »
Scroll to Top