MARTES, SETYEMBRE 5, 2023

SHARE THE TRUTH

 5,537 total reads

Martes ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

1 Tesalonica 5, 1-6. 9-11
Salmo 26, 1. 4. 13-14

Makikita ang Maykapal
sa kanyang lupang hinirang.

Lucas 4, 31-37

Tuesday of the Twenty-second Week in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
1 Tesalonica 5, 1-6. 9-11

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo
sa mga taga-Tesalonica

Mga kapatid, hindi na kailangang isulat ko pa sa inyo kung kailan magaganap ang mga bagay na ito, sapagkat alam na ninyong ang pagdating ng Araw ng Panginoon ay tulad sa pagdating ng magnanakaw. Kapag sinasabi ng mga tao, “Tiwasay at panatag ang lahat,” biglang darating ang kapahamakan. Hindi sila makaiiwas sapagkat ang pagdating nito’y tulad ng pagsumpong ng pagdaramdam ng babaing manganganak. Ngunit hindi kayo nabubuhay sa kadiliman, mga kapatid, kaya’t hindi kayo mabibigla sa Araw na yaon na darating na parang magnanakaw. Kayong lahat ay kabilang sa panig ng kaliwanagan — sa panig ng araw — hindi sa panig ng kadiliman o ng gabi. Kaya nga, kailangang tayo’y manatiling gising, laging handa, at malinaw ang isip — di tulad ng iba. Tinawag tayo ng Diyos hindi upang parusahan, kundi upang iligtas sa pamamagitan ng ating Panginoong Hesukristo. Namatay siya para sa atin upang tayo’y mabuhay na kasama niya, buhay man tayo o patay sa kanyang muling pagparito. Dahil dito, patuloy kayong magpa-alalahanan at magtulungan, tulad ng ginagawa ninyo ngayon.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 26, 1. 4. 13-14

Makikita ang Maykapal
sa kanyang lupang hinirang.

Tanglaw ko’y ang Poon, aking kaligtasan,
kaya walang takot ako kaninuman;
sa mga panganib kanyang iingatan,
kaya naman ako’y walang agam-agam.

Makikita ang Maykapal
sa kanyang lupang hinirang.

Isang bagay lamang ang aking mithiin,
isang bagay itong sa Poon hiniling:
ang ako’y lumagi sa banal na templo
upang kagandahan niya’y mamasdan ko
at yaong patnubauy niya ay matamo.

Makikita ang Maykapal
sa kanyang lupang hinirang.

Ako’y nananalig na bago mamatay
masasaksihan ko ang ‘yong kabutihan
na igagawad mo sa mga hinirang.
Sa Panginoong Diyos tayo’y magtiwala!
Ating patatagin ang paniniwala;
tayo ay umasa sa kanyang kalinga!

Makikita ang Maykapal
sa kanyang lupang hinirang.

ALELUYA
Lucas 7, 16

Aleluya! Aleluya!
Narito at dumating na
isang dakilang propeta
sugo ng Diyos sa bayan n’ya
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 4, 31-37

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, nagpunta si Hesus sa Capernaum, Galilea. Nagturo siya sa mga tao nang Araw ng Pamamahinga at nagtaka sila sa kanyang pagtuturo, sapagkat may kapangyarihan kung siya’y magsalita. Naroon sa sinagoga ang isang lalaking inaalihan ng demonyo o isang masamang espiritu. Sumigaw siya nang malakas: “Ano ang pakialam mo sa amin, Hesus na taga-Nazaret? Naparito ka ba upang puksain kami? Alam ko kung sino ka ikaw ang Banal ng Diyos.” Subalit pinagwikaan siya ni Hesus, “Tumahimik ka! Lumayas ka sa taong iyan!” At sa harapan ng lahat, ang tao’y inilugmok ng demonyo at iniwan nang hindi man lamang sinaktan. Nanggilalas silang lahat at nagsabi sa isa’t isa, “Anong uri ng pangungusap ito? Makapangyarihan at mabisa! Pinalalayas niya ang masasamang espiritu, at sumusunod naman sila!” At kumalat ang balita tungkol kay Hesus sa buong lupaing iyon.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon
Martes

Sa pamamagitan ng Ebanghelyo nagsasalita si Kristo sa atin ng mga wikang may walang hanggang kapangyarihan at mga gawang mapaghimalang nakapagpapagaling. Sa pamamagitan niya, manalangin tayo nang may pananalig.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Iisang banal ng Diyos, basbasan mo kami.

Ang Simbahan nawa’y patuloy na ituro ang katotohanan ni Kristo at tuligsain ang mga kasamaan sa ating panahon, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pinuno ng mundo nawa’y itaguyod ang kabutihan sa kani-kanilang gobyerno at maging masidhi sila sa pagpuksa ng kasamaan sa kanilang mga lipunan na kanilang sinumpaang paglingkuran, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y hindi manghinawa sa ating pananalangin upang hindi manaig ang mga masasamang espiritu sa ating buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at mga nagdurusa nawa’y mapalaya sa kanilang mga paghihirap, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga tapat na yumao nawa’y masiyahan sa pagsikat ng liwanag ng buhay na walang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, nagbubunyi kami sa nag-uumapaw mong pag-ibig sa amin. Itatag mo nawa ang iyong kapangyarihan sa amin at maging lagi ka naming kasama sa landas ng buhay. Hinihiling namin ito sa ngalan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

WHEN A FAMILY BECOMES A PLACE OF TRAGEDY

 2,508 total reads

Someone called my attention today to the tragic case of Caleb Flynn in the United States—a Christian worship pastor recently convicted of murdering his wife, Ashley, while their two young daughters were at home. Evidence presented at the trial also revealed an extramarital relationship. He has now been sentenced to life imprisonment without parole.

It is difficult to imagine the wounds left behind, especially in the lives of the children: a mother violently taken from them, and a father responsible for her death.

The story struck me because I am presently in Rome for our meeting marking ten years of Amoris Laetitia, reflecting precisely on how the Church proclaims the Gospel with families today.
Earlier, Pope Leo XIV asked us: “What kind of Church do people encounter precisely when they are most fragile?”

Cases like this remind us that “family fragility” is not an abstract pastoral category. Sometimes behind the doors of a seemingly Christian home are relationships already being torn apart by infidelity, deception, abuse, violence, loneliness or despair.

And accompaniment cannot mean simply keeping a family together at all costs. It must also mean learning to recognize danger, protecting the vulnerable, especially children, confronting wrongdoing with truth, and helping wounded people find justice, healing and hope.

Perhaps this too is part of proclaiming the Gospel to and with families: helping our homes become places where love is not merely preached, but truly lived—and where those who are wounded know that the Church will not look away

ULTIMATE GOAL

 2,963 total reads

Gospel Reading for October 09, 2026 – Luke 11: 15-26

ULTIMATE GOAL

When Jesus had driven out a demon, some of the crowd said: “By the power of Beelzebul, the prince of demons, he drives out demons.” Others, to test him, asked him for a sign from heaven. But he knew their thoughts and said to them, “Every kingdom divided against itself will be laid waste and house will fall against house. And if Satan is divided against himself, how will his kingdom stand? For you say that it is by Beelzebul that I drive out demons. If I, then, drive out demons by Beelzebul, by whom do your own people drive them out? Therefore they will be your judges. But if it is by the finger of God that I drive out demons, then the Kingdom of God has come upon you. When a strong man fully armed guards his palace, his possessions are safe. But when one stronger than he attacks and overcomes him, he takes away the armor on which he relied and distributes the spoils. Whoever is not with me is against me, and whoever does not gather with me scatters. “When an unclean spirit goes out of someone, it roams through arid regions searching for rest but, finding none, it says, ‘I shall return to my home from which I came.’ But upon returning, it finds it swept clean and put in order. Then it goes and brings back seven other spirits more wicked than itself who move in and dwell there, and the last condition of that man is worse than the first.”

————

One thing is certain—Beelzebul/Satan can never be more powerful than God. Therefore, he would be of no use to Jesus, the Son of God.

Satan’s ULTIMATE GOAL is always to destroy what belongs to God, which is why he possesses humans who are created by God in his image and likeness. He is SO DESPERATE to destroy God’s image. Why, then, would he destroy himself? It would defeat his ULTIMATE GOAL.

St. Michael the Archangel, defend us from the evil one!

TRUTH AWARDS

 40,386 total reads

Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan ang kahirapan, nagiging kultura na ang korapsyon at katiwalian na kinasasangkutan mismo ng mga opisyal ng gobyerno at mga halal ng bayan., lumalala ang kawalang katarungan, hindi na halos makahinga ang maraming Pilipino sa epekto ng mataas na presyo ng mga produktong petrolyo na nagdudulot ng mahal na halaga ng mga bilihin at tumataas na bayarin sa serbisyo publiko.

Hindi pa rin natatapos ang multi-bilyong pisong flood control projects scam.,nahaharap na naman tayong mga Pilipino sa kinatatakutang matinding epekto ng climate change tulad ng El Nino phenomenon na nagdudulot ng matinding init at tagtuyot. Sa kasalukuyan, 106 na lungsod at munisipalidad sa buong bansa ang apektado ng tagtuyot.

May pag-asa ba tayong mga Pilipino? May nababanaag pa kaya tayong liwanag?

Kapanalig, sa kabila ng mga agam-agam na ito., mayroon pa bang matapang na tatayo, haharap “head on” sa mga suliranin nating mga Pilipino?

Sa hangaring ito, binuo ng Radyo Veritas 846 katuwang ang Public Affairs Ministry ng Archdiocese of Manila, OneGodly vote-Catholic Advocates for Responsible Electorate (C.A.R.E) ang Truth Awards 2026 “Standing Tall in a World of Shadows”.

Misyon ng Radyo Veritas Truth Awards 2026 na kilalanin ang mga indibidwal at organisasyong nagsusulong ng katotohanan, pananagutan, transparency, at integridad sa kanilang paglilingkod sa lipunan.

Nakapaloob sa Truth Awards ang mga kategorya:
T—Triump of Integrity Award
R—Rays of Light in Darkness Award
U—Unwavering Voice of Conscience Award
T—Testimony of Life Award
H—Heart for Justice and truth award

Ang “highest recognition” ay ang Summum Veritatis award na ipagkakaloob sa isang institusyon na nagpapakita ng katatagang moral, dedikasyon sa pagtataguyod ng mabuting pamamahala at katarungan at dalisay na paglilingkod at pagtugon sa pangangailangan ng mga nasa laylayan ng lipunan.

Kapanalig, ang Veritas Truth Awards 2026 ay sumailalim sa rigorous screening at selection process ng pitong(7) kapitag-pitagang hurado na binubuo ng mga lider ng simbahan, academe at civil society.

Ang mapipiling awardee mula sa mahigit-kumulang na 100 nominee at 30-finalists ay nagtataglay ng “light of truth” o buhay na testamento ng faithfulness at katotohanan na siyang magpapalaya sa atin.

Kapanalig, sinasabi ng JOHN 18:37-38: “You are a king, then!” said Pilate. Jesus answered, “You say that I am a king. In fact, the reason I was born and came into the world is to testify to the truth. Everyone on the side of truth listens to me.”

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 40,387 total reads

 40,387 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 137,945 total reads

 137,945 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 182,214 total reads

 182,214 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 205,323 total reads

 205,323 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 278,644 total reads

 278,644 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Lunes, Oktubre 12, 2026

 250 total reads

 250 total reads Lunes ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Galacia 4, 22-24. 26-27. 31 – 5, 1 Salmo 112, 1-2. 3-4. 5a at 6-7

Read More »

Linggo, Oktubre 11, 2026

 914 total reads

 914 total reads Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (A) Isaias 25, 6-10a Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5, 6 Lagi akong mananahan sa bahay ng Poong mahal.

Read More »

Sabado, Oktubre 10, 2026

 3,459 total reads

 3,459 total reads Sabado ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Galacia 3, 22-29 Salmo 104, 2-3.

Read More »

Biyernes, Oktubre 9, 2026

 5,026 total reads

 5,026 total reads Biyernes ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kina San Dionisio, obispo, at mga Kasama, mga martir o kaya Paggunita kay San

Read More »

Huwebes, Oktubre 8, 2026

 6,437 total reads

 6,437 total reads Huwebes ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Galacia 3, 1-5 Lucas 1, 69-70. 71-72. 73-75 Poong Diyos ay purihin, nilingap n’ya ang

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top