Miyerkules, Abril 16, 2025

SHARE THE TRUTH

 7,182 total reads

Miyerkules Santo

Isaias 50, 4-9a
Salmo 68, 8-10. 21bkd-22. 31 at 33-34

Poon, ako’y iyong dinggin
sa panahong ‘yong ibigin.

Mateo 26, 14-25

Wednesday of Holy Week (Violet)

UNANG PAGBASA
Isaias 50, 4-9a

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias

Ang Makapangyarihang Panginoon,
ang nagturo sa akin ng sasabihin ko,
para tulungan ang mahihina.
Tuwing umaga’y
nananabik akong malaman
kung ano ang ituturo niya sa akin.
Binigyan niya ako ng pang-unawa,
hindi ako naghimagsik ni tumalikod sa kanya.
Hindi ako tumutol
nang bugbugin nila ako,
hindi ako kumibo
nang ako’y kanilang insultuhin.
Pinabayaan ko silang bunutin
ang buhok ko’t balbas,
gayun din nang lurhan nila ako sa mukha.
Ang mga pagdustang ginawa nila’y
di ko pinapansin,
pagkat ang Makapangyarihang Panginoon,
ang tumutulong sa akin.
Handa akong magtiis
pagkat aking batid
na ang sarili ko’y di mapapahiya.
Ang Diyos ay malapit
at siya ang magpapatunay na wala akong sala.
May mangangahas bang maghabla sa akin?
Magharap kami sa hukuman,
at ilahad ang kanyang bintang.
Ang Panginoon mismo ang magtatanggol sa akin.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 68, 8-10. 21bkd-22. 31 at 33-34

Poon, ako’y iyong dinggin
sa panahong ‘yong ibigin.

“Dahilan sa iyo, ako’y inaglahi,
napahiyang lubos sa pagkaunsiyami.
Sa mga kapatid parang ako’y iba,
kasambahay ko na’y di ako kilala.
Ang pagmamahal ko sa banal mong templo,
matinding-matindi sa kalooban ko;
sa akin bumagsak, paghamak sa iyo.

Poon, ako’y iyong dinggin
sa panahong ‘yong ibigin.

Kaya naman ako’y wala nang magawa;
ang inasahan kong habag ay nawala,
ni walang umaliw sa buhay kong aba.
Sa halip na pagkain, nang ako’y magutom,
ang dulot sa aki’y mabagsik na lason.
Suka at di tubig ang ipinainom.

Poon, ako’y iyong dinggin
sa panahong ‘yong ibigin.

Pupurihin ang Diyos, aking aawitan,
dadakilain ko’t pasasalamatan.
Kung makita ito niyong mga dukha,
sila ay sasamba sa laki ng tuwa.
Dinirinig ng Diyos ang may kailangan,
lingkod na bilanggo’y di nalilimutan.

Poon, ako’y iyong dinggin
sa panahong ‘yong ibigin.

AWIT-PAMBUNGAD SA MABUTING BALITA

Nagpupuri kami sa ‘yo,
Hari naming Hesukristo,
ang pagdamay mo sa tao
ay talagang patotoo
na kami’y minamahal mo.

o kaya:

Nagpupuri kami sa ‘yo,
Hari naming Hesukristo,
masunurin kang Kordero,
sa katubusan ng tao
hain sa krus ang buhay mo.

MABUTING BALITA
Mateo 26, 14-25

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Si Judas Iscariote, isa sa Labindalawa, ay nakipagkita sa mga punong saserdote. “Ano po ang ibibigay ninyo sa akin kung tulungan ko kayong madakip si Hesus?” tanong niya. Noon din ay binilangan nila siya ng tatlumpung salaping pilak. Mula noon, humanap na si Judas ng pagkakataon upang maipagkanulo si Hesus.

Dumating ang unang araw ng Kapistahan ng Tinapay na Walang Lebadura. Lumapit kay Hesus ang mga alagad at nagtanong, “Saan po ninyo ibig na ipaghanda namin kayo ng Hapunang Pampaskuwa?” Sumagot siya, “Pumunta kayo sa lungsod at hanapin ninyo ang taong ito. Sabihin sa kanyang ganito ang ipinasasabi ng Guro: ‘Malapit na ang aking oras. Ako at ang mga alagad ko’y sa bahay mo kakain ng Hapunang Pampaskuwa.’” Sinunod ng mga alagad ang utos ni Hesus, at inihanda nila ang Hapunang Pampaskuwa.

Nang gabing yaon, dumulog sa hapag si Hesus, kasama ang labindalawang alagad. Samantalang sila’y kumakain, nangusap si Hesus, “Sinasabi ko: isa sa inyo ang magkakanulo sa akin.” Nanlumo ang mga alagad, at isa’t isa’y nagtanong sa kanya, “Ako po ba, Panginoon?” Sumagot siya, “Ang kasabay kong sumawsaw sa mangkok ang siyang magkakanulo sa akin. Papanaw ang Anak ng Tao, ayon sa nasusulat, ngunit sa aba ng magkakanulo sa kanya! Mabuti pang hindi na ipinanganak ang taong iyon.” Si Judas, na magkakanulo sa kanya, ay nagtanong din, “Guro, ako po ba?” Sumagot si Hesus, “Ikaw na ang nagsabi.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Miyerkules Santo

Habang nalalapit tayo sa Biyernes Santo, taglay ang pagtitiwala sa ating mapagmahal na Diyos, alalahanin natin ang mapanligtas na gawain ni Kristo na kanyang Lingkod.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, basbasan Mo kami sa dugo ni Kristo.

Ang mga nagdaranas ng hindi makatarungang pagdurusa nawa’y magtamasa ng pagpapaginhawa ng Panginoon sa pamamagitan ng kanilang malinis na budhi, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga sariling pagdurusa nawa’y magpalago ng ating pananampalataya sa Panginoon, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga kasama natin na nagpapaliban ng kanilang pangungumpisal bunga ng pagmamalaki, takot o katamaran, nawa’y maging bukas ang isip sa pangangailangan sa kapatawaran ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at lahat ng nagdurusa nawa’y makaranas ng nakapagpapagaling na presensya ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga namayapa nawa’y makabahagi sa Muling Pagkabuhay ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoong Diyos, ibinigay mo sa amin ang halimbawa ng iyong Anak upang ipakita sa amin kung paano mabuhay at mamatay. Nawa ay pagkalooban mo kami ng pananampalatayang kailangan namin upang makasunod sa kanya. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 11,739 total reads

Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka ng 96-pesos sa isang araw o katumbas ng 14,634 pesos sa isang buwan. Ito ang poverty threshold ng gobyerno para sa family of five na matugunan ang pangangailangan sa pagkain, non-food requirements tulad ng bayarin sa bahay, transportasyon,edukasyon, tubig, kuryente at healthcare. Pinagluluko ba tayo ng gobyerno ni PBBM?

Paano ka mabubuhay sa 96-pesos sa loob ng isang araw? Sa pamasahe pa lang, kulang na ang nasabing halaga, paano ang pagkain mo? Magtitiis ka na lang sa “langhap sarap” kasabay ng buntong-hininga. Ang mahirap sa magagaling at matatalinong Department of Planning and Economy  Development, dukha ka na nga, gagawin pa tayong bobo o hindi man lang marunong magbilang at magkuwenta?

Kahit anong gawin mong aritmitik sa 96-pesos na kita sa loob ng isang araw, hindi ka mabubuhay! Paano nasasabi ng DepEV daily cost of living ang 96-pesos? Ano ang kanilang naging batayan?

Ang reyalidad Kapanalig, maging sa isang street dweller ay hindi magkakasya ang nobenta y sais pesos. Kung 96-pesos ang poverty threshold ng administrasyong Marcos, wala nang mahihirap na mga Pilipino.

Tinagurian ng IBON Foundation ang poverty threshold ng pamahalaan na “problematic, outdated at unrealistic o hindi makatotohanan. Ang problema ng administrasyong Marcos, binabalewala nito ang laganap na kahirapan o karukhaan sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga “band-aid solutions” sa halip na resolbahin ang ugat ng kahirapan tulad ng sistimatikong korapsyon sa pera ng taumbayan.

Ang nakakalungkot at nakaka-highblood, tinagurian tayong “mayayabang” ng mismong gobernador ng Bangko Sentral ng Pilipinas kaya walang naiipon at naghihirap sa buhay.

Walang karapatan si BSP Gov.Eli Remolona Jr., na tawagin tayong mga Pilipino na mayayabang! Bakit?

Napakalaki ng pinapasahod natin sa walang modong gobernador ng B-S-P. Kapanalig, batay sa Commission on Audit report sa salaries and allowances o (ROSA) ng mga opisyal ng Bangko Sentral ng Pilipinas para sa taong 2025, sila ang may pinakamalaking sahod sa lahat ng kawani ng pamahalaan.

Bakit sila pinagpala? Sa report ng COA, si BSP GOV. Eli Remolona Jr. ay tumatanggap ng nakakalulang  ₱52.756 milyong-pisong total compensation kabilang na ang basic salary, bonuses, incentives, at allowances. Napakalakas pa ng loob ng opisyal na ito para tapak-tapakan tayong mga nagpapasahod sa kanya. Ang dalawang Senior Assistant Governor ng BSP na sina Johnny Noe Ravalo at Edna Villa, ₱30.588 million at ₱30.520 million ang kinikita kada taon.

Tumatanggap naman ang Monetary Board Members ng B-S-P na kinabibilangan ni budget secretary Benjamin Diokno at Romeo Bernardo, Rosalia De Leon, Jose Querubin, at Walter Wassmer tumataginting na ₱29.852 million hanggang ₱30.199 million; ang Deputy Assistants at senior assistant governors na sina Chuchi Fonacier, Mamerto Tangonan, Bernadette Romulo Puyat, Zeno Ronald Abenoja, Arifa Ala, at Lyn Javier ay tumatanggap ng ₱28.82 million kada taon. Akalain mo, yung 96-pesos na poverty threshold ng administrasyong Marcos ay negative percent sa kinikita ng mga opisyal na ito? Ano ba ang espesyal nilang trabaho, bakit natin sila pinapasahuran ng napakalaki?

Kapanalig, basura man ang turing sa atin ng kapwa, tayo ay biyaya para sa Diyos tulad ng sinasabi ng  Luke 6:20 – “And he lifted up his eyes on his disciples, and said, Blessed be ye poor: for yours is the kingdom of God.” Sinasabi din ng James 2:5 – “Hearken, my beloved brethren, Hath not God chosen the poor of this world rich in faith, and heirs of the kingdom which he hath promised to them that love him?”

Sumainyo ang Katotohanan.

PAGLALAKBAY SA DAAN NG KAPAYAPAAN

 3,312 total reads

Ang kapayapaan ay hindi kawalan ng problema, kundi ang kakayahang manatiling panatag sa kabila ng mga unos ng buhay. Nagsisimula ito sa pagtanggap, pagpapatawad, at pagtitiwala sa Diyos sa mga bagay na hindi natin kayang baguhin. Sapagkat hindi man laging tahimik ang ating paligid, maaari pa ring magkaroon ng katahimikan ang ating puso kapag ipinauubaya natin sa Kanya ang ating mga pangamba. At sa kapayapaang ating natatagpuan, nawa’y maging daan din tayo upang mapanatag ang puso ng iba.

OUTSMARTED

 4,591 total reads

Gospel Reading for November 06, 2026 – Luke 16: 1-8

OUTSMARTED

Jesus said to his disciples, “A rich man had a steward who was reported to him for squandering his property. He summoned him and said, ‘What is this I hear about you?Prepare a full account of your stewardship, because you can no longer be my steward.’ The steward said to himself, ‘What shall I do, now that my master is taking the position of steward away from me? I am not strong enough to dig and I am ashamed to beg. I know what I shall do so that, when I am removed from the stewardship, they may welcome me into their homes.’ He called in his master’s debtors one by one. To the first he said, ‘How much do you owe my master?’ He replied, ‘One hundred measures of olive oil.’ He said to him, ‘Here is your promissory note. Sit down and quickly write one for fifty.’ Then to another he said, ‘And you, how much do you owe?’ He replied, ‘One hundred measures of wheat.’ He said to him, ‘Here is your promissory note; write one for eighty.’ And the master commended that dishonest steward for acting prudently. For the children of this world are more prudent in dealing with their own generation than the children of light.”

————

Satan is as sly as sly can be. He teaches those who allow him to influence them the wily ways that can often outsmart even those who are good.

Although Jesus teaches us to forgive those who wrong us, he never taught us that the wrong they do should be tolerated. Otherwise, he would not have used such strong words against the scribes, Pharisees, and chief priests. Neither would he have driven out the merchants and money changers from the Temple.

Let us also not make the mistake of thinking that because the master in the parable commended the dishonest steward, Jesus was commending his dishonesty, too. Rather, Jesus was pointing out the steward’s shrewdness and resourcefulness. He was teaching us that Christians, who are children of the light, should be just as wise and resourceful in pursuing what is good and in building God’s Kingdom. We should never allow ourselves to be OUTSMARTED by the evil one.

“Be alert and of sober mind. Your enemy the devil prowls around like a roaring lion looking for someone to devour.” (1 Peter 5:8)

Sometimes, even the children of light who are supposed to expose evil become deceived because they grow complacent, thinking that being children of God makes them safe from the influence of the evil one. This is precisely why we must remain vigilant. No one is beyond temptation, even Jesus, the Son of God that he is, was tempted by Satan in the desert. No one should ever consider him/herself immune to sin. The moment we believe we are no longer vulnerable to evil may be the moment we become most vulnerable to it.

So, when the evil one tries to influence our minds by making us believe that doing things contrary to the teachings of Jesus is justifiable, we must remain alert and clear-minded. The devil will never lead us toward what is good because his purpose is to lead us away from God and destroy what God has created.

Lord Jesus, may your Spirit always grant us the wisdom and strength to make the right decisions in our daily lives. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 11,740 total reads

 11,740 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 84,153 total reads

 84,153 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 170,654 total reads

 170,654 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 213,688 total reads

 213,688 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 262,906 total reads

 262,906 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Huwebes, Nobyembre 5, 2026

 10,694 total reads

 10,694 total reads Huwebes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 3, 3-8a Salmo 104, 2-3. 4-5. 6-7 Ang may pusong tapat sa D’yos ay

Read More »

Miyerkules, Nobyembre 4, 2026

 13,216 total reads

 13,216 total reads Paggunita kay San Carlos Borromeo, obispo Filipos 2, 12-18 Salmo 26, 1. 4. 13-14 Panginoo’y aking tanglaw, siya’y aking kaligtasan. Lucas 14, 25-33

Read More »

Martes, Nobyembre 3, 2026

 15,301 total reads

 15,301 total reads Martes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Martin de Porres, namanata sa Diyos Filipos 2, 5-11 Salmo

Read More »

Lunes, Nobyembre 2, 2026

 13,820 total reads

 13,820 total reads Paggunita sa Lahat ng mga Pumanaw na Kristiyano Mga Pagbasa para sa Unang Misa 2 Macabeo 12, 43-46 Salmo 103, 8 at 10.

Read More »

Linggo, Nobyembre 1, 2026

 14,919 total reads

 14,919 total reads Dakilang Kapistahan ng Lahat ng mga Banal Pahayag 7, 2-4. 9-14 Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6 Panginoon, ang bayan mo ay dumudulog sa

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top