Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

MIYERKULES, AGOSTO 30, 2023

SHARE THE TRUTH

 5,243 total views

Miyerkules ng Ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

1 Tesalonica 2, 9-13
Salmo 138, 7-8. 9-10. 11-12ab

Ako’y iyong siniyasat,
kilala mo akong ganap.

Mateo 23, 27-32

Wednesday of the Twenty-first Week in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
1 Tesalonica 2, 9-13

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga Taga-Tesalonica

Tiyak na natatandaan pa ninyo, mga kapatid, kung paano kami gumawa at nagpagal araw-gabi para hindi kami maging pasanin ninuman samantalang ipinahahayag namin sa inyo ang Mabuting Balita.

Saksi namin kayo at gayun din ang Diyos na kami ay tapat, mabuti, at ganap sa pakikitungo sa inyo na mga sumasampalataya. Tulad ng alam ninyo, kami’y naging parang ama ng bawat isa sa inyo. Pinalakas namin ang inyong loob, inaliw kayo at hinimok na mamuhay nang tapat sa paningin ng Diyos na humirang sa inyo upang makahati sa kanyang kaharian at kaluwalhatian.

Ito pa ang lagi naming ipinagpapasalamat sa Diyos: nang ipangaral namin sa inyo ang kanyang salita, tinanggap ninyo ito bilang tunay na salita ng Diyos, at hindi ng tao. Anupat ang bisa nito’y nakikita sa buhay ninyo mga sumasampalataya.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 138, 7-8. 9-10. 11-12ab

Ako’y iyong siniyasat,
kilala mo akong ganap.

Saan ako magpupunta, upang ako’y makatakas?
Sa Banal mong Espiritu’y hindi ako makaiwas.
Kung langit ang puntahan ko, pihong ika’y naroroon,
sa Sheol ay naroon ka kung do’n ako manganganlong.

Ako’y iyong siniyasat,
kilala mo akong ganap.

Kung ako ay makalipad, umiwas na pasilangan,
o kaya ang tirahan ko’y ang duluhan ng kanluran;
pihong ikaw ay naroon, upang ako’y pangunahan,
Matatagpo kita roon upang ako ay tulungan.

Ako’y iyong siniyasat,
kilala mo akong ganap.

Kung ang aking pagtaguan ay ang dilim na pusikit,
padiliming parang gabi ang liwanag sa paligid;
maging itong kadiliman sa iyo ay hindi dilim,
at sa iyo yaong gabi’y parang araw na maningning.

Ako’y iyong siniyasat,
kilala mo akong ganap.

ALELUYA
1 Juan 2, 5

Aleluya! Aleluya!
Lubos na magtatamasa
ng pag-ibig ng D’yos Ama
ang sumunod sa Anak n’ya.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 23, 27-32

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus, “Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Pariseo! Mga mapagpaimbabaw! Ang katulad ninyo’y mga libingang pinaputi, magaganda sa labas, ngunit sa loob ay puno ng kabulukan at buto ng mga patay. Ganyang-ganyan kayo! Sa paningin ng tao’y mabubuti kayo, ngunit ang totoo, punung-puno kayo ng pagpapaimbabaw at kasamaan.

“Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Pariseo! Mga mapagpaimbabaw! Ipinagtatayo ninyo ng mga libingan ang mga propeta at ginagayakan ang mga puntod ng mga taong namuhay nang matuwid. At sinasabi ninyo, ‘Kung kami sana’y nabuhay sa kapanahunan ng aming mga ninuno, hindi namin ipapapatay ang mga propeta.’ Sa sinabi ninyong iyan, inaamin ninyong kayo’y mga anak ng mga nagpapatay sa mga propeta! Sige! Tapusin ninyo ang pinasimulan ng inyong mga ninuno!”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon
Miyerkules

Hilingin natin sa Panginoon na tulungan tayong maging tapat sa ating mga kilos.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, basahin mo ang aming mga puso, at tugunin mo kami.

Sa ating buhay bilang Bayan ng Diyos, nawa’y matugunan natin ang mga hamon ng Ebanghelyo sa pamamagitan ng ating tapat na pagsaksi, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang maiwasang gumawa ng mga bagay dahil lamang sa ating pagnanasang tumulad sa karamihan o dahil sa ating pagkukunwari, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nawalan ng pag-asa dahil sa ating masamang pakikitungo at pag-uugali nawa’y manumbalik sa pagsamba sa Diyos sa pamamagitan ng ating pagbabagumbuhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y makita ang mapagpagaling na kamay ng Diyos sa kanilang mga dinaranas na mga pagsubok at paghihirap, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao sa buhay na ito nawa’y tanggapin sa walang hanggang kaluwalhatian, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama, tulungan mo kaming sambahin ka nang may katapatan sa aming puso at makalapit kami sa iyo sa Espiritu at sa katotohanan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Hindi biro ang karahasan at kapansanan

 8,634 total views

 8,634 total views Mga Kapanalig, umani ng batikos si Senator Ronald “Bato” Dela Rosa dahil sa kanyang insensitibong komento sa itsura ni Akbayan Party-list Representative Perci Cendaña. Kasama si Reprepresentaive Cendaña sa grupong nag-endorso ng unang impeachment complaint laban kay VP Sara Duterte. Kilala namang malapít na kaalyado ng mga Duterte si Senador Bato. Kinutya ng

Read More »

Para sa mga isinasantabi at hindi napakikinggan

 16,468 total views

 16,468 total views Mga Kapanalig, bilang mga mananampalataya, tayo ay inuudyukang “ipagtanggol… ang mga ‘di makalaban, ipaglaban ang kanilang karapatan… at igawad ang katarungan sa api at mahirap,” gaya ng sabi sa Mga Kawikaan 31:8-9.  Ano ang itsura nito sa araw-araw?  Makikita ito sa mga estudyanteng pinoprotektahan ang kanilang kaklase mula sa mga bully, sa mga

Read More »

May katarungan ang batas

 20,423 total views

 20,423 total views Mga Kapanalig, sinasabi sa mga panlipunang turo ng Simbahan na sa isang demokratikong estado, ang mga may pulitikal na kapangyarihan ay nananagot sa taumbayan. Nakasaad din ang prinsipyong ito sa ating Saligang Batas: ang mga pampublikong gampanin o opisina ay mula sa tiwala at kapangyarihan ng taumbayan. Ito ang tinutungtungan ng mga nagsampa

Read More »

Filipino Voters

 34,931 total views

 34,931 total views Matapos mapaltalsik sa panunungkulan ang diktaduryang rehimen ng dating pangulong Ferdinand Marcos Sr., sa pamamagitan ng makasaysayang “EDSA people power” bloodless revolution kung saan may malaking bahagi ang Radio Veritas, Ang Radyo ng Simbahan.. Nawakasan nating mga Pilipino ang martial law at rehimeng Marcos noong January 17,1981 at nai-akda ang 1987 Philippine constitution

Read More »

Anti Agri-Cultural Smuggling Act Of 2016

 41,048 total views

 41,048 total views Ang Republic Act (RA)10845 ay nire-repeal ang RA 12022 o Anti Agricultural Sabotage Act. Kapanalig, bago ma-repeal ang RA 12022 ng RA 10845 may naparusahan na ba sa mga lumabag sa batas na mga cartel at smugglers ng agricultural at fisheries products? Marami na tayong batas laban sa mga rice cartels at profiteering,

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow
DONATE NOW
Shadow

Related Post

Sabado, Pebrero 22, 2025

 56 total views

 56 total views Kapistahan ng Luklukan ni Apostol San Pedro 1 Pedro 5, 1-4 Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5. 6 Pastol ko’y Panginoong D’yos, hindi ako magdarahop. Mateo 16, 13-19 Feast of Chair of St. Peter the Apostle (White) UNANG PAGBASA 1 Pedro 5, 1-4 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pedro Mga pinakamamahal, sa

Read More »

Biyernes, Pebrero 21, 2025

 269 total views

 269 total views Biyernes ng Ika-6 na Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita kay San Pedro Damian, obispo at pantas ng Simbahan Genesis 11, 1-9 Salmo 32, 10-11. 12-13. 14-15 Mapalad ang ibinukod na bansang hinirang ng D’yos. Marcos 8, 34 – 9, 1 Friday of the Sixth Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of

Read More »

Huwebes, Pebrero 20, 2025

 527 total views

 527 total views Huwebes ng Ika-6 na Linggo sa Karaniwang Panahon (I) Genesis 9, 1-13 Salmo 101, 16-18. 19-21. 29 at 22-23 Mula sa iyong luklukan, lahat ay ‘yong minamasdan. Marcos 8, 27-33 Thursday of the Sixth Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Genesis 9, 1-13 Pagbasa mula sa aklat ng Genesis Si Noe at ang

Read More »

Miyerkules, Pebrero 19, 2025

 766 total views

 766 total views Miyerkules ng Ika-6 na Linggo sa Karaniwang Panahon (I) Genesis 8, 6-13. 20-22 Salmo 115, 12-13. 14-15. 18-19 Maghahandog ako sa D’yos ng pagpupuring malugod. Marcos 8, 22-26 Wednesday of the Sixth Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Genesis 8, 6-13. 20-22 Pagbasa mula sa aklat ng Genesis Pagkalipas ng apatnapung araw, binuksan

Read More »

Lunes, Pebrero 17, 2025

 1,571 total views

 1,571 total views Lunes ng Ika-6 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita sa Pitong Tagapagtatag ng Orden ng mga Lingkod ng Mahal na Birheng Maria Genesis 4, 1-15, 25 Salmo 49, 1 at 8. 16bk-17. 20-21 Sa D’yos tayo ay maghandog, pasalamat na malugod. Marcos 8, 11-13 Monday of the Sixth Week in Ordinary Time (Green)

Read More »

Linggo, Pebrero 16, 2025

 1,820 total views

 1,820 total views Ika-6 na Linggo sa Karaniwang Panahon (K) Jeremias 17, 5-8 Salmo 1, 1-2. 3. 4 at 6 Mapalad ang umaasa sa Panginoon tuwina. 1 Corinto 15, 12. 16-20 Lucas 6, 17. 20-26 Sixth Sunday in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Jeremias 17, 5-8 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Jeremias Ito ang sinasabi ng

Read More »

Sabado, Pebrero 15, 2025

 2,023 total views

 2,023 total views Sabado ng Ika-5 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Genesis 3, 9-24 Salmo 89, 2. 3-4. 5-6. 12-13 Poon, amin kang tahanan noon, ngayon at kailanman. Marcos 8, 1-10 Saturday of the Fifth Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Genesis 3, 9-24 Pagbasa mula sa

Read More »

Biyernes, Pebrero 14, 2025

 2,245 total views

 2,245 total views Paggunita kina San Cirilo, monghe, at San Metodio, obispo Genesis 3, 1-8 Salmo 31, 1-2. 5. 6. 7 Mapalad ang pinagbigyang mahango sa kasalanan. Marcos 7, 31-37 Memorial of Sts. Cyril, Monk and Methodius, Bishop (White) Mga Pagbasa mula sa Biyernes ng Ika-5 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) UNANG PAGBASA Genesis 3, 1-8 Pagbasa

Read More »

Huwebes, Pebrero 13, 2025

 2,449 total views

 2,449 total views Huwebes ng Ika-5 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) Genesis 2, 18-25 Salmo 127, 1-2. 3. 4-5 Mapalad ang sumusunod na taong may takot sa D’yos. Marcos 7, 24-30 Thursday of the Fifth Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Genesis 2, 18-25 Pagbasa mula sa aklat ng Genesis Sinabi ng Panginoon Diyos, “Hindi mainam

Read More »

Miyerkules, Pebrero 12, 2025

 2,308 total views

 2,308 total views Miyerkules ng Ika-5 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) Genesis 2, 4b-9, 15-17 Salmo 103, 1-2a. 27-28. 29bk-30 Panginoo’y papurihin, aba kong sariling buhay. Marcos 7, 14-23 Wednesday of the Fifth Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Genesis 2, 4b-9, 15-17 Pagbasa mula sa aklat ng Genesis Nang likhain ng Panginoon ang lupa at

Read More »

Martes, Pebrero 11, 2025

 2,484 total views

 2,484 total views Paggunita sa Mahal na Birheng Maria ng Lourdes Isaias 66, 10-14k Judith 13, 18bkde. 19 Pinupuri kang lubusan ng lahat sa ating bayan. Juan 2, 1-11 Memorial of Our Lady of Lourdes (White) UNANG PAGBASA Isaias 66, 10-14k Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias Magalak ang lahat, magalak kayo dahil sa Jerusalem, ang

Read More »

Lunes, Pebrero 10, 2025

 2,685 total views

 2,685 total views Paggunita kay Santa Escolastica, dalaga Genesis 1, 1-19 Salmo 103, 1-2a. 5-6. 10 at 12. 24 at 35k Ang Poon ay natutuwa sa kanyang mga nilikha. Marcos 6, 53-56 Memorial of St. Scholastica, Virgin (White) Mga Pagbasa mula sa Lunes ng Ika-5 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) UNANG PAGBASA Genesis 1, 1-19 Ang simula

Read More »

Linggo, Pebrero 9, 2025

 1,641 total views

 1,641 total views Ika-5 Linggo sa Karaniwang Panahon (K) Isaias 6, 1-2a. 3-8 Salmo 137, 1-2a. 2bk-3. 4-5. 7k-8 Poon, kita’y pupurihin sa harap ng mga anghel. 1 Corinto 15, 1-11 o kaya 1 Corinto 15, 3-8. 11 Lucas 5, 1-11 Fifth Sunday in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Isaias 6, 1-2a. 3-8 Pagbasa mula sa aklat ni

Read More »

Sabado, Pebrero 8, 2025

 3,118 total views

 3,118 total views Sabado ng Ika-4 na Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita ka San Jeronimo Emiliano o kaya Paggunita kay Santa Josefina Bakhita, dalaga o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Hebreo 13, 15-17. 20-21 Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5. 6 Pastol ko’y Panginoong D’yos, hindi ako magdarahop. Marcos 6, 30-34 Saturday of

Read More »

Biyernes, Pebrero 7, 2025

 3,295 total views

 3,295 total views Biyernes ng Ika-4 na Linggo sa Karaniwang Panahon (I) Hebreo 13, 1-8 Salmo 26, 1. 3. 5. 8b-9abk Panginoo’y aking tanglaw, siya’y aking kaligtasan. Marcos 6, 14-29 Friday of the Fourth Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Hebreo 13, 1-8 Pagbasa mula sa sulat sa Mga Hebreo Mga kapatid, magpatuloy kayong nag-iibigan bilang

Read More »
Scroll to Top