Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

MIYERKULES, HULYO 24, 2024

SHARE THE TRUTH

 6,176 total views

Miyerkules ng Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

o kaya Paggunita kay San Sharbel Makhluf, pari

Jeremias 1, 1. 4-10
Salmo 70, 1-2. 3-4a. 5-6ab. 15ab at 17

Patuloy kong isasaysay
ang dulot mong kaligtasan.

Mateo 13, 1-9

Wednesday of the Sixteenth Week in Ordinary Time (Green)

or Optional Memorial of st. Sharbel Makhluf, Priest (White)

UNANG PAGBASA
Jeremias 1, 1. 4-10

Ang simula ng aklat ni propeta Jeremias

Ang aklat na ito ay sulat ng mga sinabi at ginawa ni Jeremias na anak ni Hilcias at isang saserdote sa Anatot, sa lupain ng lipi ni Benjamin.

Sinabi sa akin ng Panginoon, “Pinili na kita bago ka ipinaglihi upang maging propeta sa lahat ng bansa.”

Sinabi ko naman, “Panginoon, hindi po ako marunong magsalita; bata pa po ako.”

Subalit sinabi niya sa akin, “Huwag mong sabihing bata ka. Sinusugo kita kaya’t humayo ka. Ipahayag mo sa lahat ang aking iuutos sa iyo. Huwag mo silang katatakutan pagkat ako’y sasaiyo at iingatan kita. Akong Panginoon ang nagsasabi nito.”

Pagkatapos, iniunat ng Panginoon ang kanyang bisig, hinipo ang mga labi ko, at sinabi, “Hayan, ibinibigay ko sa iyo ang dapat mong sabihin. Ibinibigay ko rin ngayon sa iyo ang kapangyarihan sa mga bansa’t mga kaharian, sila’y bunutin at ibagsak, lipulin at iwasak, ibangon at itatag.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 70, 1-2. 3-4a. 5-6ab. 15ab at 17

Patuloy kong isasaysay
ang dulot mong kaligtasan.

Sa iyo lang, Panginoon, lubos akong nananalig,
h’wag mo akong pabayaang mapahiya at malupig;
tulungan mo ako ngayon yamang ikaw ay matuwid.
Ako sana ay sagipin, sa daing ko ay makinig.

Patuloy kong isasaysay
ang dulot mong kaligtasan.

Ikaw nawa ang muog ko at ligtas na kakanlungan,
matatag na kublihan ko at matibay na sanggalang.
Sa lahat ng masasama, O Diyos, ako’y ipaglaban,
sa kuko ng mababagsik, huwag mo akong pabayaan.

Patuloy kong isasaysay
ang dulot mong kaligtasan.

Panginoon, sa iyo ko inilagak ang pag-asa,
maliit pang bata ako, sa iyo’y may tiwala na;
sa simula at mula pa wala akong inasahang
mag-iingat sa sarili, kundi tanging ikaw lamang;
kaya naman ikaw, Poon, pupurihin araw-araw.

Patuloy kong isasaysay
ang dulot mong kaligtasan.

Pagkat ikaw ay dakila, patuloy kong isasaysay,
maghapon kong ihahayag ang dulot mong kaligtasan:
Sapul pa sa pagkabata ako’y iyong tinuruan,
hanggang ngayo’y sinasambit ang gawa mong hinangaan.

Patuloy kong isasaysay
ang dulot mong kaligtasan.

ALELUYA

Aleluya! Aleluya!
Salita ng D’yos ang buto
na tanim ni Hesukristo
upang tumubo sa tao.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 13, 1-9

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noon ding araw na iyon, si Hesus ay lumabas ng bahay at naupo sa tabi ng lawa. Pinagkalipumpunan siya ng makapal na tao, kaya sumakay siya sa isang bangka at doon naupo. Nasa dalampasigan naman ang mga tao. At nagturo siya ng maraming bagay sa pamamagitan ng mga talinghaga.

“May isang magsasakang lumabas upang maghasik. Sa kanyang paghahasik ay may binhing nalaglag sa tabi ng daan. Dumating ang mga ibon at tinuka ang mga iyon. May binhi namang nalaglag sa kabatuhan. Sapagkat manipis lang ang lupa roon, sumibol agad ang binhing iyon, ngunit nang mapabilad sa matinding sikat ng araw ay natuyo, palibhasa’y walang gaanong ugat. May binhi namang nalaglag sa dawagan; lumago ang mga dawag at ininis ang mga iyon. Ngunit ang binhing nalaglag sa mabuting lupa ay nag-uhay: may tigsasandaan, may tig-aanimnapu, at may tigtatatlumpung butil ang bawat uhay. Ang may pandinig ay makinig!”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-16 Linggo sa Karaniwang Panahon
Miyerkules

Sabihin natin sa Diyos ang ating pagnanais sa isang mayamang ani sa mundo habang ating nasasalamin ang hindi matabang lupa sa ating buhay.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, gawin Mong mabunga ang aming buhay.

Ang Simbahan nawa’y magbunga ng mayamang ani sa pamamagitan ng katapatan at dedikasyon ng kanyang mga lingkod, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ani ng katarungan nawa’y magbuhat sa hindi makasariling paggawa ng mga pinuno, mambabatas at hukom ng gobyerno, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga magsasaka na nagpapagal sa bukid nawa’y umani ng bunga ng kanilang paggawa at makatulong sa ikauunlad ng sambayanan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit na nahihirapan sa mga kasawian sa buhay nawa’y masiyahan sa ani ng pagpapalakas-loob mula sa kanilang mga kaibigan at komunidad, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga tapat na yumao nawa’y makarating sa kanilang walang hanggang tahanan, manalangin tayo sa Panginoon.

Mapagmahal na Ama, tulungan mo kaming makapagdulot ng mayamang ani sa anumang iyong itinanim sa aming mga puso. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO GRADUATES, MAHINA SA RESEARCH

 75,505 total views

 75,505 total views Good News…. Patuloy na dumarami ang mga paaralan sa Pilipinas na nakapasok sa global o international rankings. Sa inilabas na Quacquarelli Symonds (QS)

Read More »

NAGUGUTOM NA PINOY

 98,337 total views

 98,337 total views Tama bang isisi ng kasalukuyang administrasyon sa nararanasang kalamidad ang pagtaas ng bilang ng mga Pinoy na dumaranas ng involuntary hunger? Ang involuntary

Read More »

Trahedya sa Bais Bay

 122,737 total views

 122,737 total views Mga Kapanalig, noong ika-26 ng Oktubre, nagkaroon ng wastewater spill sa Bais Bay sa Negros Occidental.  Ang wastewater spill ay nanggaling sa pasilidad

Read More »

Pagsusulong ng just energy transition

 141,447 total views

 141,447 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ngayong araw ang ika-30 na Conference of the Parties o COP30 ng United Nations Framework Convention on Climate Change

Read More »

Silipin din ang DENR

 161,190 total views

 161,190 total views Mga Kapanalig, nakapangingilabot ang kinahinatnan ng maraming lugar sa probinsya ng Cebu matapos dumaan doon ang Bagyong Tino.  Mistulang binura sa mapa ang

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Martes, Setyembre 30, 2025

 35,266 total views

 35,266 total views Paggunita kay San Jeronimo, pari at pantas ng Simbahan Zacarias 8, 20-23 Salmo 86, 1-3. 4-5. 6-7 Ang ating Panginoong D’yos ay kapiling

Read More »

Lunes, Setyembre 29, 2025

 35,497 total views

 35,497 total views Kapistahan nina Arkanghel San Miguel, San Gabriel at San Rafael Daniel 7, 9-10. 13-14 o kaya Pahayag 12, 7-12a Salmo 137, 1-2a, 2bk-3, 4-5

Read More »

Linggo, Setyembre 28, 2025

 35,992 total views

 35,992 total views Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (K) Amos 6, 1a. 4-7 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin.

Read More »

Sabado, Setyembre 27, 2025

 26,206 total views

 26,206 total views Paggunita kay San Vicente de Paul, pari Zacarias 2, 5-9. 14-15a Jeremias 31, 10. 11-12ab. 13 Pumapatnubay na Diyos ay Pastol na kumukupkop.

Read More »

Biyernes, Setyembre 26, 2025

 26,315 total views

 26,315 total views Biyernes ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita kay San Cosme at San Damian, mga martir Ageo 1, 15b – 2,

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top