Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

MARTES, HULYO 23, 2024

SHARE THE TRUTH

 6,290 total views

Martes ng Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

o kaya Paggunita kay Santa Brigida, namanata sa Diyos

Mikas 7, 14-15. 18-20
Salmo 84, 2-4. 5-6. 7-8

Pag-ibig mo’y ipakita,
iligtas kami sa dusa.

Mateo 12, 46-50

Tuesday of the Sixteenth Week in Ordinary Time (Green)

or Optional Memorial of St. Bridget of Sweden, Religious (White)

UNANG PAGBASA
Mikas 7, 14-15. 18-20

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Mikas

Patnubayan mo ang iyong bayan, Panginoon, ang bayan na iyong hinirang. Nag-iisa siya sa gitna ng matabang lupain. Bayaan mo silang manirahan sa magandang pastulan ng Basan at Galaad.

Magpakita ka sa amin ng mga kababalaghan tulad noong ilabas mo sa Egipto ang iyong bayan.

Wala nang ibang Diyos na tulad mo. Pinatatawad mo ang mga kasalanan ng nalabi sa bayan mong hinirang. Hindi ka nagkikimkim ng galit. Sa halip ay ipinadarama mo sa kanila ang tapat mong pagmamahal. Muli kang mahahabag sa amin, lilimutin mo ang mga pagkakasala namin at ihahagis sa kalaliman ng dagat. Ipamamalas mo ang iyong katapatan sa Israel at ang walang maliw na pag-ibig sa angkan ni Abraham, gaya ng iyong ipinangako sa aming mga magulang mula pa nang unang panahon.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 84, 2-4. 5-6. 7-8

Pag-ibig mo’y ipakita,
iligtas kami sa dusa.

Ikaw, O Poon, naging mapagbigay sa iyong bayan,
pinasagana mo’t muling pinaunlad ang bansang Israel.
Yaong kasamaan ng mga anak mo’y nilimot mong tunay,
pinatawad sila sa nagawa nilang mga kasalanan.
Ang taglay mong poot sa ginawa nila’y iyo nang inalis,
tinalikdan mo na at iyong nilimot ang matinding galit.

Pag-ibig mo’y ipakita,
iligtas kami sa dusa.

Kaya naman, Poon, ibalik mo sana ang iyong paglingap,
ang pagkamuhi mong aming nadarama’y limutin nang ganap.
Ang pagkagalit mo at poot sa ami’y wala na bang hanggan?
Di na ba lulubag, di na matatapos ang galit mong iyan?

Pag-ibig mo’y ipakita,
iligtas kami sa dusa.

Ibangon mo kami, sana’y ibalik mo ang nawalang lakas,
at kaming lingkod mo ay pupurihin ka na taglay ang galak.
Kaya ngayon, Poon, ipakita mo na ang pag-ibig mong wagas.
Kami ay lingapin at sa kahirapan ay iyong iligtas.

Pag-ibig mo’y ipakita,
iligtas kami sa dusa.

ALELUYA
Juan 14, 23

Aleluya! Aleluya!
Ang sa aki’y nagmamahal
tutupad sa aking aral.
Ama’t ako’y mananahan.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 12, 46-50

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, samantalang nagsasalita pa si Hesus, dumating ang kanyang ina at mga kapatid. Naghihintay sila sa labas at ibig siyang makausap. May nagsabi sa kanya, “Nasa labas po ang inyong ina at mga kapatid, at ibig kayong makausap.” Ngunit sinabi ni Hesus, “Sino ang aking ina, at sinu-sino ang aking mga kapatid? Itinuro niya ang kanyang mga alagad at sinabi, “Ito ang aking ina at mga kapatid! Sapagkat ang sinumang sumusunod sa kalooban ng aking Amang nasa langit ang siya kong ina at mga kapatid.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon
Martes

Natitipon bilang isang komunidad, humingi tayo sa Diyos Ama para sa ating mga pangangailangan.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, sa ngalan ng iyong Anak, basbasan Mo kami.

Ang Simbahan nawa’y maging isang tunay na pamilya, na may pananalig sa kalooban ng Ama at sa mga turo ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pinuno ng pamahalaan nawa’y huwag magpasa ng mga batas na labag sa ating pananampalataya at moralidad, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pamilya nawa’y maging tunay na magkakapatid sa turing sa pamamagitan ng kanilang pagmamahal sa isa’t isa ayon sa kalooban ni Jesus, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nagdurusa nawa’y pakitaan natin ng pagkalinga sa anumang paraan upang mapagaan ang kanilang dinadala at matulungan silang patuloy na magtiwala sa Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga tapat na yumao nawa’y makarating sa kanilang walang hanggang tahanan, manalangin tayo sa Panginoon.

Mapagmahal na Ama, gawin mo kaming mga tapat na anak mo na masunurin sa iyong banal na kalooban. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Walang education crisis?

 28,950 total views

 28,950 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Hindi sagot ang pag-unfriend

 40,667 total views

 40,667 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »

Katarungang abot-kamay

 61,500 total views

 61,500 total views Mga Kapanalig, pinahahalagahan sa Banal na Kasulatan ang katarungan. Ayon sa Levitico 19:15, “Huwag kayong hahatol nang hindi makatarungan. Huwag ninyong kikilingan ang

Read More »

Truth Vs Power

 77,926 total views

 77,926 total views Sinasabi sa mga opinyon Kapanalig, “truth” when one who says it is in power, out of it, even critic and evidence doesn’t matter.

Read More »

Heat Wave

 87,160 total views

 87,160 total views Kapanalig, ramdam mo na ba ang maalinsangang panahon? Pinagpapawisan ka na ba sa init ng panahon? Ang mainit na panahon na sanhi ng

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow
DONATE NOW
Shadow

Related Post

Linggo, Marso 23, 2025

 1,050 total views

 1,050 total views Ikatlong Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda para sa Pasko ng Pagkabuhay (K) Exodo 3, 1-8a. 13-15 Salmo 102, 1-2. 3-4. 6-7. 8

Read More »

Sabado, Marso 22, 2025

 1,457 total views

 1,457 total views Sabado sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Mikas 7, 14-15. 18-20 Salmo 102, 1-2. 3-4. 9-10. 11-12 Ang ating mahabaging D’yos

Read More »

Biyernes, Marso 21, 2025

 1,797 total views

 1,797 total views Biyernes sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Genesis 37, 3-4. 12-13a. 17b-28 Salmo 104, 16-17. 18-19. 20-21 Gunitain nang malugod ang

Read More »

Huwebes, Marso 20, 2025

 2,104 total views

 2,104 total views Huwebes sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Jeremias 17, 5-10 Salmo 1, 1-2. 3. 4 at 6 Mapalad ang umaasa sa

Read More »

Miyerkules, Marso 19, 2025

 2,110 total views

 2,110 total views Dakilang Kapistahan ni San Jose, Kabiyak ng Puso ng Mahal na Birhen 2 Samuel 7, 4-5a. 12-14a. 16 Salmo 88, 2-3. 4-5. 27

Read More »

Martes, Marso 18, 2025

 1,701 total views

 1,701 total views Martes sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Isaias 1, 10. 16-20 Salmo 49, 8-9. 16bk-17. 21 at 23 Ang masunurin sa

Read More »

Lunes, Marso 17, 2025

 1,586 total views

 1,586 total views Lunes sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Daniel 9, 4b-10 Salmo 78, 8. 9. 11 at 13 Panginoon, aming hiling: patawad

Read More »

Linggo, Marso 16, 2025

 1,536 total views

 1,536 total views Ikalawang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda para sa Pasko ng Pagkabuhay (K) Genesis 15, 5-12. 17-18 Salmo 26, 1. 7-8. 9abk. 13-14

Read More »

Sabado, Marso 15, 2025

 3,915 total views

 3,915 total views Sabado sa Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Deuteronomio 26, 16-19 Salmo 118, 1-2. 4-5. 7-8 Mapalad ang sumusunod sa utos ng

Read More »

Biyernes, Marso 14, 2025

 4,275 total views

 4,275 total views Biyernes sa Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Ezekiel 18, 21-28 Salmo 129, 1-2. 3-4ab. 4k-6. 7-8 Hiling nami’y ‘yong limutin tanang

Read More »

Huwebes, Marso 13, 2025

 5,082 total views

 5,082 total views Huwebes sa Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Ester 4, 17 n. p-r. aa-bb. gg-hh Salmo 137, 1-2a. 2bk-3. 7k-8 Noong ako

Read More »

Miyerkules, Marso 12, 2025

 5,426 total views

 5,426 total views Miyerkules sa Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Jonas 3, 1-10 Salmo 50, 3-4. 12-13. 18-19 D’yos ko, iyong tinatanggap pakumbaba’t pusong

Read More »

Martes, Marso 11, 2025

 5,850 total views

 5,850 total views Martes sa Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Isaias 55, 10-11 Salmo 33, 4-5. 6-7. 16-17. 18-19 Mat’wid ay tinutulungan sa lahat

Read More »

Lunes, Marso 10, 2025

 5,252 total views

 5,252 total views Lunes sa Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Levitico 19, 1-2. 11-18 Salmo 18. 8. 9. 10. 15 Espiritung bumubuhay ang salita

Read More »

Linggo, Marso 9, 2025

 5,923 total views

 5,923 total views Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda para sa Pasko ng Pagkabuhay (K) Deuteronomio 26, 4-10 Salmo 90, 1-2. 10-11. 12-13. 14-15 Poon

Read More »
Scroll to Top