LUNES, HULYO 22, 2024

SHARE THE TRUTH

 5,953 total reads

Kapistahan ni Santa Maria Magdalena

Awit ni Solomon 3, 1-4a
o kaya 2 Corinto 5, 14-17
Salmo 62, 2, 3-4, 5-6, 8-9

Aking kinasasabikan,
Panginoon, ikaw lamang.

Juan 20, 1-2. 11-18

Feast of Saint Mary Magdalene (White)

UNANG PAGBASA
Awit ni Solomon 3, 1-4a

Pagbasa mula sa Awit ni Solomon

Gabi-gabi, sa higaan ang mahal ko’y hinahanap,
ngunit hindi masumpungan kahit na sa pangarap.
Akong ito’y bumabangon, sa lungsod ay naglalakad,
ang lansangan sa paligid ay aking ginagalugad;
ngunit hindi matagpuan ang sinta kong nililiyag.
Sa akin ngang paglalakad, nakita ko’y mga bantay
nagmamanman, naglilibot sa paligid, sa lansangan.
Sa kanila ang tanong ko, “Mahal ko ba ay nasaan?”
Nang kami ay maghiwalay ng nasabing mga tanod,
Bigla na lang na nakita ang mahal kong iniirog.

Ang Salita ng Diyos.

o kaya:
2 Corinto 5, 14-17

Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto

Mga kapatid, ang pag-ibig ni Kristo ang nag-uudyok sa aking magkaganyan, ngayong malaman kong siya’y namatay para sa lahat at dahil diyan, ang lahat ay maibibilang nang patay. Namatay siya para sa lahat upang ang mga nabubuhay ngayon ay huwag nang mabuhay para sa sarili, kundi para kay Kristo na namatay at muling nabuhay para sa kanila.

Kaya ngayon, ang pagtingin namin kaninuman ay hindi na batay sa sukatan ng tao. Noong una’y gayun ang aming pagkakilala kay Kristo, ngunit ngayo’y hindi na. Kaya’t ang sinumang nakipag-isa kay Kristo ay isa nang bagong nilalang. Wala na ang dating pagkatao; siya’y bago na.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 62, 2, 3-4, 5-6, 8-9

Aking kinasasabikan,
Panginoon, ikaw lamang.

O Diyos, ikaw ang aking Diyos na lagi kong hinahanap;
ang uhaw kong kaluluwa’y tanging ikaw yaong hangad;
Para akong tuyong lupa na tubig ang siyang lunas.

Aking kinasasabikan,
Panginoon, ikaw lamang.

Bayaan mong sa santwaryo, sa lugar na dakong banal,
ikaw roo’y mamasdan ko, sa likas mong karangalan.
Ang wagas na pag-ibig mo’y mahigit pa kaysa buhay.
Kaya ako’y magpupuri’t ikaw ang pag-uukulan.

Aking kinasasabikan,
Panginoon, ikaw lamang.

Habang ako’y nabubuhay, ako’y magpapasalamat.
At ako ay dadalangin na kamay ko’y nakataas.
Itong aking kaluluwa’y kakaing may kasiyahan,
magagalak na umawit ng papuring iaalay.

Aking kinasasabikan,
Panginoon, ikaw lamang.

Pagkat ikaw sa tuwina ang katulong na malapit,
sa lilim ng iyong pakpak galak akong umaawit.
Itong aking kaluluwa’y sa iyo lang nanghahawak,
pagkat ako kung hawak mo, kaligtasa’y natitiyak.

Aking kinasasabikan,
Panginoon, ikaw lamang.

ALELUYA

Aleluya! Aleluya!
Ipahayag mo, Maria,
na si Kristo’y nabuhay na
libingan nya’y ‘yong nakita.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 20, 1-2. 11-18

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Madilim-dilim pa nang araw ng Linggo, naparoon na si Maria Magdalena sa libingan. Naratnan niyang naalis na ang batong panakip sa pinto ng libingan. Dahil dito, patakbo siyang pumunta kay Simon Pedro at sa alagad na mahal ni Hesus, at sinabi sa kanila, “Kinuha sa libingan ang Panginoon at hindi namin alam kung saan dinala!”

Si Maria’y nakatayong umiiyak sa labas ng libingan; yumuko siya at tumingin sa loob. May nakita siyang dalawang anghel na nakaupo sa pinaglagyan ng bangkay ni Hesus, ang isa’y sa gawing ulunan at ang isa nama’y sa paanan. Tinanong nila si Maria, “Ale, bakit kayo umiiyak?” Sumagot siya, “Kinuha po nila ang aking Panginoon, at hindi ko alam kung saan nila dinala.” Lumingon siya pagkasabi nito, at nakita niya si Hesus na nakatayo roon, ngunit hindi niya nakilalang si Hesus iyon. Tinanong siya ni Hesus, “Bakit ka umiiyak? Sino ang hinahanap mo?” Akala ni Maria’y siya ang tagapag-alaga ng halamanan, kaya’t sinabi niya, “Ginoo, kung kayo po ang kumuha sa kanya, ituro ninyo sa akin kung saan ninyo dinala at kukunin ko.” “Maria!” ani Hesus. Humarap siya at kanyang sinabi, “Raboni!” — ibig sabihi’y “Guro.” “Huwag mo akong hawakan, sapagkat hindi pa ako nakapupunta sa Ama,” wika ni Hesus. “Sa halip, pumunta ka sa aking mga kapatid at sabihin mong aakyat ako sa aking Ama at inyong Ama, sa aking Diyos at inyong Diyos.” Kaya’t si Maria Magdalena’y pumunta sa mga alagad at sinabi, “Nakita ko ang Panginoon!” At tuloy sinabi sa kanila ang bilin ni Hesus.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Hulyo 22
Santa Maria Magdalena

Naranasan ni Maria Magdalena ang kagalakan ng pagtatagpo nila ni Jesus sa Muling Pagkabuhay nito. Nawa, ang maluwalhating pangyayaring ito ay maghatid ng kahulugan at pagbabago sa buhay natin at ating sabihin:

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Sa pamamagitan ng Muling Pagkabuhay ni Jesus,
maging mapagpala ka sa amin, Ama.

Ang Simbahan ng Diyos nawa’y magpanibago kay Kristong Muling Nabuhay at ihatid ang kanyang mensahe ng pag-asa at pag-ibig sa buong mundo, manalingin tayo sa Panginoon.

Ang pamayanan ng mga mananampalataya nawa’y magpatotoo sa Muling Pagkabuhay ni Kristo sa pamamagitan ng kanilang halimbawa at patuloy na pagtalikod sa kasalanan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nasa madilim na libingan ng kasalanan nawa’y makatagpo kay Jesus ng lakas at sigla sa pagbangon sa isang buhay ng katapatan sa Ebanghelyo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nasisiraan ng loob dahil sa mga waring walang katapusang mga paghihirap nawa’y makatagpo sa Muling Pagkabuhay ng tapang na ipagpatuloy ang kanilang paghahanap ng higit na mabuting buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga lumisan na sa buhay na ito nawa’y mapatawad sa kanilang mga kasalanan ni Jesus na aming Manunubos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama, tanggapin nawa namin ang Mabuting Balita ng Muling Pagkabuhay ni Kristo at ang aming buhay sa hinaharap sa piling mo. Hinihiling naming ipagkaloob mo na maranasan namin ang bunga ng kanyang Muling Pagkabuhay sa aming sariling buhay. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

Kahirapan sa bansa

 124,522 total reads

Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan. 

Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7% ang poverty incidence o ang bahagdan ng mga itinuturing na mahirap kumpara sa kabuuang populasyon. Maituturing na mahirap ang isang pamilya kung hindi umaabot ang kanilang kita sa halagang itinakda ng pamahalaan na sapat para tustusan ang kanilang mga pangangailangan. Sa kasalukuyan, ₱35,121 ang national poverty threshold kada tao para sa isang taon—o halos tatlong libong piso kada buwan. Para sa isang pamilyang may limang miyembro, ito ay ₱14,634 kada buwan. Kung lampas sa halagang ito ang kinikita ng isang pamilya, hindi na sila mahirap. 

Ang poverty incidence na 9.7% ay katumbas ng 11 milyong Pilipino na maituturing na mahirap. Mas mababa ito sa 17 milyon noong 2023. Ayon sa Department of Economy, Planning, and Development, ipinakikita raw nitong nakapagbabago ng buhay ang pagpapalawak sa mga oportunidad at pagpapaigting sa mga tinatawag na social protection na ipinatutupad ng gobyerno. 

Pero may babala ang World Bank. Halos 28% ng mga Pilipinong nasa itaas ng poverty threshold (o hindi mahirap) ay napakalapit dito. Ibig sabihin, isang kalamidad o malalang sakit lang ang danasin ng kanilang pamilya, mahuhulog sila sa kahirapan. 

Para naman sa IBON Foundation, hindi makatotohanan ang opisyal na poverty threshold, kaya natural na lalabas na kakaunti ang mahihirap. Kung hahatiin ang monthly poverty threshold na ₱14,634 sa tatlumpung araw, pumapatak na sapat na raw para sa isang Pilipino ang ₱96. Anong tingin ninyo rito, mga Kapanalig? 

Malayo ang poverty incidence na iniulat ng pamahalaan sa resulta ng self-rated poverty survey ng Social Weather Stations. Sa survey, 49% ng pamilyang Pilipino o mahigit 13 milyong pamilya ang nagsabing mahirap sila. Kaya kung si ACT Teachers Party-list Representative Antonio Tinio ang tatanungin, kailangan talagang isulong ang pagkakaroon ng disente at nakabubuhay na sahod. Masyadong mababa raw ang kinikita ng mga manggagawang Pilipino at ang itinakdang poverty threshold ng PSA na kahit kanin at tuyo lang ang pagkain ng mag-anak, hindi pa rin sila maituturing na mahirap. 

Bagamat espiritwal ang pangunahing misyon ng Simbahan, naniniwala tayong ang pagkilos para sa pagbabago sa lipunan, kabilang ang pagbuwag sa mga istraktural na sanhi ng kahirapan, ay bahagi ng ating pananampalataya. Nagmumula ito sa natatanging pag-ibig ng Simbahan sa mga dukha at sa paninindigan para sa makatarungang pagbabahaginan ng mga yaman ng mundo. Binibigyang-diin din ng mga panlipunang turo ng Simbahan ang kahalagahan ng pagkakaisa upang tuldukan ang kahirapan, dahil, sabi nga sa isang sikat na awitin, walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang. Tayong lahat ay may pananagutan sa isa’t isa. 

Hindi natin masasabing makatarungan ang pagbabahaginan ng yaman ng mundo o magagawang makiisa sa mga dukha kung hindi natin matukoy kung sinu-sino at nasaan sila. Pero ang pagtukoy sa kanila ay hindi dapat itinatago lamang sa mga numero at porsyento. Gabay lamang ang mga pamantayan sa pagsukat ng kahirapan, pero hindi pinapalitan ng mga ito ang pagsama sa kanila nang may malasakit para maghanap ng mga paraang magbibigay sa kanila ng buhay na angkop sa kanilang dignidad. 

Mga Kapanalig, sinasabi sa Mga Kawikaan 22:22, “Huwag samantalahin ang kahinaan ng mahihirap.” Ang pagbibigay-kapangyarihan sa mga dukha ay nag-uumpisa sa pagkilala sa kanila at pag-unawa sa kanilang karanasan at kalagayan. Hindi matatapos ang kahirapan sa bansa kung magbubulag-bulagan tayo sa tunay na dami ng mahihirap at lalim ng kahirapang kanilang dinaranas.  Sa huli, mag-uumpisa ang lahat sa pagkilala ng mga hamon nang sama-sama tayong makatukoy ng mga konkretong hakbang para wakasan ang kahirapan sa bansa. 

Sumainyo ang katotohanan. 

 

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 159,200 total reads

Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon.

Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides ang rumagasa sa border ng Nepal at Tibet. Nagdulot ito ng malawakang pagkawasak sa mga komunidad sa paligid ng mga magkarugtong na ilog. Habang sinusulat natin ang editoryal na ito, umabot na sa halos 600 ang nasawi, higit sa 2,400 ang nawawala, at nasa 10,000 na pamilya ang nawalan ng tirahan. Kasama sa mga nawawala ay isang kababayan natin.

Batay sa pagsusuri ng United States Geological Survey, isang glacial collapse sa Himalayas mountain range ang nagdulot ng avalanche o pagguho ng niyebe at bato na tumamâ sa ilog, na siya namang nagdulot ng malakas na pagyanig at mabilis na pagbaha ng tubig at putik. Sa madaling salita, ang pagguho ng isang napakalaking tipak ng yelo sa bulubundukin ang naging mitsa ng trahedya.

Pero ano ang nagdulot ng glacier collapse?

Pinag-aaralan pa ang direktang sanhi ng pagguho, pero maraming eksperto na ang iniuugnay ito sa climate change. Dahil sa mga aktibidad ng tao na nagbubuga ng greenhouse gases gaya ng pagsusunog ng petrolyo, nagkakaroon ng global warming o pag-init ng mundo na nagreresulta sa pagbabago ng klima. Nakikita natin ang epekto nito sa tumitinding bagyo sa Pilipinas, heatwaves sa Europe, forest fires sa North America, at pagkalusaw ng mga glaciers sa buong mundo.

Ayon sa World Bank, wala pang 1% ang kontribusyon ng Nepal sa kabuuang greenhouse gas emissions sa mundo, pero isa ito sa mga bansang pinakalantad sa mga panganib ng climate change. Patunay ang trahedyang nangyari sa Nepal ng kawalan ng katarungan sa usapin ng klima. Ang pinakamahihirap na bansa ang may pinakamaliit na ambag sa krisis sa klima, pero sila ang pinakanganganganib sa mga epekto nito. Samantala, yumayaman ang mga bansang ilang siglo nang nagsusunog ng likas na yaman na siyang sanhi ng pag-init ng mundo. Nasaan ang hustisya?

Sa Pilipinas, damang-dama rin natin ang inhustisyang ito. Sa katunayan, ang bansa natin ang pinakananganganib sa mga kalamidad na pinalalalâ ng climate change. Pero kung ang krisis sa klima ay dulot ng mga aktibidad ng tao, mahirap sabihing “natural” ang mga nangyayaring trahedya sa bansa gaya ng baha at landslide. Hindi natural ang mga ito, lalo na’t malawakan ang katiwalian sa ating pamahalaan, gaya ng nakikita natin sa mga maanomalyang flood control projects. Napupunta lang sa bulsa ng mga ganid na pulitiko, opisyal ng gobyerno, at negosyante ang pondong ginagamit dapat sa pagtugon sa mga nakaambang panganib at pagprotekta sa mga mamamayan. Patuloy na yumayaman ang mga gahaman samantalang pinapasan ng ordinaryong Pilipino ang pinsala ng mga kalamidad.

Gaya ng wika sa Catholic social teaching na Laudato Si’, dapat pakinggan natin ang sigaw ng mundo at ng mahihirap sa pagtugon sa mga krisis na kinahaharap natin. Nananawagan tayo sa international community na magtulungan para pigilan ang pagtindi ng climate change. Kailangan ang kooperasyon ng buong mundo sa pagpapababa ng greenhouse gas emissions at pagpapalakas ng disaster resilience, lalo na sa mga pinakabulnerableng bansa at sektor. Kailangang ding mag-step up, ‘ika nga, ng mayayamang bansa sa pagtugon sa climate crisis dahil sila naman ang may pinakamalaking ambag sa paglalâ nito. Dito nakaugat ang panawagan para sa tinatawag na climate justice.

Mga Kapanalig, nag-iisa lang ang ating mundo—ang ating “common home”—kaya dapat natin itong pangalagaan. Ipagdasal natin ang mga biktima ng trahedya sa Nepal. Higit pa rito, pairalin natin ang climate justice, gaya ng paalala sa Amos 5:24: “padaluyin [natin] ang katarungan, gaya ng isang ilog; gayundin ang katuwiran tulad ng isang di natutuyong batis.”

Sumainyo ang katotohanan.

THEIR LOSS IS OUR GAIN

 24,109 total reads

Gospel Reading for August 31, 2026 – Luke 4: 16-30

THEIR LOSS IS OUR GAIN

Jesus came to Nazareth, where he had grown up, and went according to his custom into the synagogue on the sabbath day. He stood up to read and was handed a scroll of the prophet Isaiah. He unrolled the scroll and found the passage where it was written:

The Spirit of the Lord is upon me,
because he has anointed me
to bring glad tidings to the poor.
He has sent me to proclaim liberty to captives
and recovery of sight to the blind,
to let the oppressed go free,
and to proclaim a year acceptable to the Lord.

Rolling up the scroll, he handed it back to the attendant and sat down, and the eyes of all in the synagogue looked intently at him. He said to them, “Today this Scripture passage is fulfilled in your hearing.” And all spoke highly of him and were amazed at the gracious words that came from his mouth.

They also asked, “Is this not the son of Joseph?” He said to them, “Surely you will quote me this proverb, ‘Physician, cure yourself,’ and say, ‘Do here in your native place the things that we heard were done in Capernaum.’” And he said, “Amen, I say to you, no prophet is accepted in his own native place. Indeed, I tell you, there were many widows in Israel in the days of Elijah when the sky was closed for three and a half years and a severe famine spread over the entire land. It was to none of these that Elijah was sent, but only to a widow in Zarephath in the land of Sidon. Again, there were many lepers in Israel during the time of Elisha the prophet; yet not one of them was cleansed, but only Naaman the Syrian.” When the people in the synagogue heard this, they were all filled with fury. They rose up, drove him out of the town, and led him to the brow of the hill on which their town had been built, to hurl him down headlong. But he passed through the midst of them and went away.

————

Jesus’ homecoming to Nazareth, the town where he grew up, should have been a hero’s welcome—much like the celebration recently given to Alex Eala upon her return to the Philippines. By this time, news of Jesus had already spread throughout Galilee. The people had heard about his mighty works and extraordinary miracles in Capernaum. One would have expected his own town to be the first to rejoice and be proud of their “kababayan.”

Sadly, the opposite happened.

Instead of celebrating him, they questioned his credentials and looked down on his humble family background. “Is this not the son of Joseph?” they asked. Rather than seeing God at work in him, they allowed familiarity and prejudice to blind them to the truth.

What should have been a blessing became a tragedy. The very people who had the privilege of knowing Jesus from his childhood rejected him. As the Word of God is like a double-edged sword, it revealed the hardness of their hearts. In their anger, they drove Jesus out of town and even tried to hurl him headlong off a cliff.

Here we see the wisdom of God’s plan. God chose his Son to be born into a poor and ordinary family, not into the household of the elders, chief priests, scribes, or Pharisees. Because Jesus lived among ordinary people, he could speak to them in a language they understood, reveal the true meaning of God’s Word, correct distorted interpretations of the Law, and reach out with compassion to the poor, the sick, the sinners, and all those in need.

Their rejection did not stop God’s saving plan. In fact, THEIR LOSS BECAME OUR GAIN. Because Nazareth rejected Jesus, the Good News continued its journey beyond one town, beyond Israel, and eventually reached the ends of the earth—including us.

Lord Jesus, their loss is truly our gain. We praise and thank you for entrusting your disciples with the mission of bringing the Gospel to the ends of the earth, so that we, too, may come to know, love, and follow you. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 124,523 total reads

 124,523 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 159,201 total reads

 159,201 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 181,188 total reads

 181,188 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 217,674 total reads

 217,674 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 228,221 total reads

 228,221 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Sabado, Setyembre 5, 2026

 3,195 total reads

 3,195 total reads Sabado ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado 1 Corinto 4, 6b-15 Salmo 144,

Read More »

Biyernes, Setyembre 4, 2026

 5,801 total reads

 5,801 total reads Biyernes ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 4, 1-5 Salmo 36, 3-4. 5-6. 27-28. 39-40 Nasa D’yos ang kaligtasan ng

Read More »

Huwebes, Setyembre 3, 2026

 7,318 total reads

 7,318 total reads Paggunita kay Dakilang Papa San Gregorio, pantas ng Simbahan 1 Corinto 3, 18-23 Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6 Ang daigdig lahat doon, ang

Read More »

Miyerkules, Setyembre 2, 2026

 8,045 total reads

 8,045 total reads Miyerkules ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 3, 1-9 Salmo 32, 12-13. 14-15. 20-21 Mapalad ang ibinukod na bansang hinirang

Read More »

Martes, Setyembre 1, 2026

 8,815 total reads

 8,815 total reads Martes ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 2, 10b-16 Salmo 144, 8-9. 10-11. 12-13ab. 13kd-14 Mat’wid ang Poong dakila sa

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top