Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

MIYERKULES, HULYO 31, 2024

SHARE THE TRUTH

 6,646 total views

Paggunita kay San Ignacio ng Loyola

Jeremias 15, 10. 16-21
Salmo 58, 2-3. 4-5a. 10-11. 17. 18

Ang D’yos ang aking takbuhan
sa araw ng kagipitan.

Mateo 13, 44-46

Memorial of St. Ignatius of Loyola, Priest (White)

Mga Pagbasa mula sa
Miyerkules ng Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

UNANG PAGBASA
Jeremias 15, 10. 16-21

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Jeremias

Napakahirap ng katayuan ko! Bakit pa ba ako isinilang sa sangmaliwanag? Lagi akong may kaaway at katalo sa lupain. Hindi ako nagpautang, at hindi rin naman ako nangutang; gayunman, nilalait ako ng lahat.

“Nagsalita ka sa akin, at pinakinggan kitang mabuti. Ang mga salita mo’y aking kagalakan. Ako’y sa iyo, Panginoon, Diyos na Makapangyarihan sa lahat. Hindi ko sinayang ang panahon sa pagpapasasa sa buhay, kasama ng ibang mga tao, ni hindi ako nakigalak sa kanila. Manapa, nanatili akong nag-iisa, sapagkat may ipinagagawa ka sa akin. Kaya nga, nagpupuyos sa galit ang kalooban ko. Bakit hindi na natapos ang aking paghihirap? Bakit hindi na gumaling ang mga sugat ko? Talaga bang wala nang lunas ito? Wala ba akong tatanggapin kundi kabiguan, gaya ng isang batis na natutuyo sa tag-araw?”

Ganito ang itinugon ng Panginoon, “Kung manunumbalik ka, tatanggapin kitang muli, at ika’y muli kong gagawing alipin. Kung magsasalita ka ng bagay na may kabuluhan, at iiwasang sambitin ang anumang kasumpa-sumpa, gagawin uli kitang propeta. Babaling na muli sa iyo ang mga tao, subalit huwag kang paroroon sa kanila. Sa harapan ng mga taong ito’y gagawin kitang isang matibay na pader na tanso. Makikipaglaban sila sa iyo, ngunit hindi ka nila matatalo. Sasaiyo ako upang ika’y pangalagaan at ingatan. Ililigtas kita sa kamay ng masasama, at iingatan laban sa mararahas.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 58, 2-3. 4-5a. 10-11. 17. 18

Ang D’yos ang aking takbuhan
sa araw ng kagipitan.

Sa aking kaaway,
iligtas mo ako, Panginoong Diyos;
ingatan mo ako pag sila’y lumusob.
Sa masamang tao,
ako ay iligtas, at sa pumapatay
agawin mo ako at ipagsanggalang.

Ang D’yos ang aking takbuhan
sa araw ng kagipitan.

Sila’y nag-aabang,
pagmasdan mo yaong taong mababagsik;
nagtipo’t ang layon ako ay iligpit.
Ang dahilan nito,
di dahil sa ako’y may pagkakamali
O may pagkukulang na ako ang sanhi;
O Diyos, masdan sila at nagdudumali.

Ang D’yos ang aking takbuhan
sa araw ng kagipitan.

Ikaw, Panginoon,
ang aking malakas na tagasanggalang,
ikaw ang muog ko at aking kublihan.
Ako’y minamahal,
mahal ako ng Diyos; ako’y lalapitan
upang ipamalas ang kanyang paglupig sa mga kaaway.

Ang D’yos ang aking takbuhan
sa araw ng kagipitan.

Ngunit aawit ako.
pagkat ang taglay mo’y pambihirang lakas,
Sa tuwing umaga ang awitin ko’y pag-ibig mong wagas.

Ang D’yos ang aking takbuhan
sa araw ng kagipitan.

Pupurihin kita,
tagapagtanggol ko at aking kublihan,
Diyos kong mapagmahal.

Ang D’yos ang aking takbuhan
sa araw ng kagipitan.

ALELUYA
Juan 15, 15b

Aleluya! Aleluya!
Aking mga kaibigan,
alam na ninyo ang tanan
na mula sa Amang mahal.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 13, 44-46

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga tao, “Ang paghahari ng Diyos ay katulad ng kayamanang nakabaon sa isang bukid. Nahukay ito ng isang tao at tinabunan uli. Sa laki ng tuwa, siya’y humayo at ipinagbili ang lahat ng ari-arian niya at binili ang bukid na iyon.

“Gayun din naman, ang paghahari ng Diyos ay katulad nito: may isang mangangalakal na naghahanap ng mamahaling perlas. Nang makakita ng isang perlas na napakahalaga, siya’y humayo at ipinagbili ang lahat ng kanyang ari-arian at binili iyon.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon
Miyerkules

Pakinggan natin ang paanyaya ng Diyos na humingi tayo sa kanya ng mga bagay na tunay na mahalaga.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, ikaw ang aming Diyos at ang lahat sa amin.

Ang Santo Papa at ang mga obispo nawa’y magabayan at maliwanagan ng karunungan ng Ebanghelyo, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang gamitin nang mahusay ang mga mahahalagang bagay para sa ating ikabubuti at huwag tayong maging mga alipin ng kasakiman at pagkamasarili, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga naghahanap sa katotohanan nawa’y higit na lumalim araw-araw ang kanilang pagpapahalaga sa pananampalataya kay Kristo bilang perlas na walang katumbas, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at mga nag-aaruga sa kanila nawa’y mabiyayaan sa kanilang mga pagsasakripisyo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga namatay na sa buhay na ito nawa’y mamahinga sa walang hanggang kapayapaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Diyos Ama sa Langit, bukal ng lahat ng kabutihan sa buhay, tulungan mo kaming gamitin nang wasto ang iyong mga biyaya at magbunyi kami sa kayamanan ng iyong pagmamahal. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Wala ba talagang due process?

 125,370 total views

 125,370 total views Mga Kapanalig, balik-kulungan si dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. Ipinag-utos ng Sandiganbayan ang pansamantalang pagkulong kay dating Senador Revilla kaugnay ng kasong

Read More »

Mas maliwanag na bukas?

 169,910 total views

 169,910 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang ng pamahalaan ang makasaysayang pagtuklas ng natural gas sa Malampaya East-1 (o MAE-1) reservoir sa karagatan ng Palawan. Ang MAE-1

Read More »

Seryosohin ang pagpapanagot

 201,304 total views

 201,304 total views Mga Kapanalig, nai-file na sa House of Representatives ang kauna-unahang impeachment complaint laban kay Pangulong Bongbong Marcos, Jr. mula nang umupo siya sa

Read More »

Trahedya sa basura

 217,144 total views

 217,144 total views Mga Kapanalig, isang trahedya ang pagguho ng Binaliw landfill sa Cebu City ngayong Zero Waste Month pa naman. Noong ika-8 ng Enero, gumuho

Read More »

Tunay na kaunlaran

 238,920 total views

 238,920 total views Mga Kapanalig, ilang barikada pa kaya ang itatayo ng mga residente ng bayan ng Dupax del Norte sa Nueva Vizcaya upang protektahan ang

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Lunes, Pebrero 2, 2026

 16 total views

 16 total views Kapistahan ng Pagdadala kay Hesus na Panginoon sa Templo Malakias 3, 1-4 Salmo 23, 7. 8. 9. 10. D’yos na makapangyariha’y dakilang hari

Read More »

Linggo, Pebrero 1, 2026

 16 total views

 16 total views Ika-4 na Linggo sa Karaniwang Panahon (A) Sofonias 2, 3; 3, 12-13 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Mga aba ay mapalad, D’yos ang

Read More »

Martes, Setyembre 30, 2025

 87,826 total views

 87,826 total views Paggunita kay San Jeronimo, pari at pantas ng Simbahan Zacarias 8, 20-23 Salmo 86, 1-3. 4-5. 6-7 Ang ating Panginoong D’yos ay kapiling

Read More »

Lunes, Setyembre 29, 2025

 88,054 total views

 88,054 total views Kapistahan nina Arkanghel San Miguel, San Gabriel at San Rafael Daniel 7, 9-10. 13-14 o kaya Pahayag 12, 7-12a Salmo 137, 1-2a, 2bk-3, 4-5

Read More »

Linggo, Setyembre 28, 2025

 88,635 total views

 88,635 total views Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (K) Amos 6, 1a. 4-7 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin.

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top