Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

MIYERKULES, MAYO 1, 2024

SHARE THE TRUTH

 9,277 total views

Paggunita kay San Jose, manggagawa

Genesis 1, 26 – 2, 3
o kaya Colosas 3, 14-15. 17. 23-24
Salmo 89, 2. 3-4. 12-13. 14 at 16

Poon kami’y pagpalain
at iyong pagtagumpayin.

Mateo 13, 54-58

Memorial of Saint Joseph the Worker (White)

UNANG PAGBASA
Genesis 1, 26 – 2, 3

Pagbasa mula sa aklat ng Genesis

Sinabi ng Diyos: “Ngayon, lalangin natin ang tao. Ating gagawin siyang kalarawan natin. Siya ang mamamahala sa mga isda, mga ibon at lahat ng hayop, maging maamo o mailap, malaki o maliit.” Nilalang nga ng Diyos ang tao ayon sa kanyang larawan. Lumalang siya ng isang lalaki at isang babae, at sila’y pinagpala. Wika niya, “Magpakarami kayo at punuin ng inyong mga supling ang buong daigdig, at pamahalaan ito. Binibigyan ko kayo ng kapangyarihan sa mga isda, sa mga ibon, at sa lahat ng maiilap na hayop, maging malalaki o maliliit. Bibigyan ko rin kayo ng lahat ng uri ng butil at mga bungangkahoy na inyong makakain. Ang lahat ng halamang luntian ay ibibigay ko naman sa maiilap na hayop, malaki man o maliit, at sa lahat ng mga ibon.” At ito nga ang nangyari. Pinagmasdan ng Diyos ang lahat niyang ginawa, at lubos siyang nasiyahan. Dumaan ang gabi, at sumapit ang umaga – ito ang ika-anim na araw.

Gayun nilikha ng Diyos ang lupa, ang langit at lahat ng bagay na naroroon. Sa loob ng anim na araw, tinapos niyang likhain ang lahat ng ito, at siya’y nagpahinga sa ikapitong araw. Pinagpala niya ang ikapitong araw at itinangi, sapagkat sa araw na ito siya nagpahinga matapos likhain ang lahat.

Ang Salita ng Diyos.

o kaya:
Colosas 3, 14-15. 17. 23-24

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Colosas

Mga kapatid, higit sa lahat, mag-ibigan kayo pagkat ito ang buklod ng ganap na pagkakaisa. At paghariin ninyo sa inyong puso ang kapayapaang kaloob ni Kristo, sapagkat ito ang dahilan kaya kayo tinawag upang maging bahagi ng isang katawan. Magpasalamat kayong lagi. At anuman ang gagawin ninyo, maging sa salita o sa gawa, gawin ninyong lahat sa pangalan ng Panginoong Hesus, at sa pamamagitan niya’y magpasalamat kayo sa Diyos Ama.

Anuman ang inyong ginagawa, gawin ninyo nang magaan sa kalooban na waring hindi sa tao kayo naglilingkod kundi sa Panginoon. Alam naman ninyong gagantimpalaan kayo ng Panginoon; tatanggapin ninyo ang inilaan niya sa kanyang mga anak. Sapagkat si Kristo ang Panginoong pinaglilingkuran ninyo.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 89, 2. 3-4. 12-13. 14 at 16

Poon kami’y pagpalain
at iyong pagtagumpayin.

o kaya: Aleluya.

Wala pa ang mga bundok, hindi mo pa nilalalang
hindi mo pa nililikha itong buong daigdigan,
ikaw noon ay Diyos na, pagkat ika’y walang hanggan.

Poon kami’y pagpalain
at iyong pagtagumpayin.

Yaong taong nilikha mo’y bumabalik sa alabok,
sa lupa ay nagbabalik kapag iyong iniutos.
Ang sanlibong mga taon ay para bang isang araw,
sa mata mo, Panginoon, isang kisap-mata lamang;
isang saglit sa magdamag na ito ay dumaraan.

Poon kami’y pagpalain
at iyong pagtagumpayin.

Yamang itong buhay nami’y maikli lang na panahon.
Itanim sa isip namin upang kami ay dumunong.
Hanggang kailan pa ba, Poon, titiisin yaring lagay
nitong iyong mga lingkod, sa gitna ng kahirapan?

Poon kami’y pagpalain
at iyong pagtagumpayin.

Kung umaga’y ipadama yaong wagas mong pag-ibig,
at sa buong buhay nami’y may galak ang aming awit,
ipakita sa lingkod mo ang dakila mong gawain,
at sa sunod naming lahi, ipadama ay gayun din.

Poon kami’y pagpalain
at iyong pagtagumpayin.

ALELUYA
Salmo 67, 20

Aleluya! Aleluya!
Manunubos naming mahal,
salamat sa ‘yong patnubay
at paglingap araw-araw.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 13, 54-58

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, umuwi si Hesus sa kanyang bayan at nagturo sa kanilang sinagoga. Nagtaka ang mga nakarinig sa kanya. Sabi nila, “Saan kumuha ng karunungan ang taong ito? Paano siya nakagagawa ng kababalaghan? Hindi ba ito ang anak ng karpintero? Hindi ba si Maria ang kanyang ina, at sina Santiago, Jose, Simon, at Judas ang kanyang mga kapatid na lalaki? At dito nakatira ang kanyang mga kapatid na babae, hindi ba? Saan niya natutunan ang lahat ng ito?” At ayaw nilang kilanlin siya. Kaya’t sinabi ni Hesus sa kanila, “Ang propeta’y iginagalang kahit saan, liban sa kanyang sariling bayan at sa kanyang sariling sambahayan.” At dahil sa di nila pagsampalataya, hindi siya gumawa roon ng maraming kababalaghan.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN

Mayo 1
San Jose Manggagawa

Manalangin tayo kay San Jose para sa lahat ng ating mga pangangailangan.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Paramihin mo ang bunga ng aming mga gawa, Panginoon.

Ang Simbahan nawa’y magpatuloy sa pagpapahayag ng mga kahalagahan ng katarungan bilang susi sa ating kapayapaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pinuno ng pamahalaan at mga ekonomista nawa’y magsikap para sa makatarungang pamamahagi ng mga yaman at magtaguyod ng dangal ng lahat ng tao, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga negosyante nawa’y gamitin ang kanilang mga pangkabuhayang interes para sa paglilingkod sa lahat, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga dukha at mga walang hanapbuhay nawa’y makatagpo ng marangal na paraan ng ikabubuhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumaong naghirap sa paggawa noong sila ay nabubuhay pa rito sa lupa nawa’y makatanggap ng kanilang gantimpala sa kabilang buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama ng aming Manunubos, sa pagsasama ng aming mga panalangin at sa pamamagitan ni San Jose, tulungan mo kaming makita sa aming mga pagkilos ang dangal sa paggawa. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO GRADUATES, MAHINA SA RESEARCH

 96,285 total views

 96,285 total views Good News…. Patuloy na dumarami ang mga paaralan sa Pilipinas na nakapasok sa global o international rankings. Sa inilabas na Quacquarelli Symonds (QS)

Read More »

NAGUGUTOM NA PINOY

 119,118 total views

 119,118 total views Tama bang isisi ng kasalukuyang administrasyon sa nararanasang kalamidad ang pagtaas ng bilang ng mga Pinoy na dumaranas ng involuntary hunger? Ang involuntary

Read More »

Trahedya sa Bais Bay

 143,518 total views

 143,518 total views Mga Kapanalig, noong ika-26 ng Oktubre, nagkaroon ng wastewater spill sa Bais Bay sa Negros Occidental.  Ang wastewater spill ay nanggaling sa pasilidad

Read More »

Pagsusulong ng just energy transition

 162,129 total views

 162,129 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ngayong araw ang ika-30 na Conference of the Parties o COP30 ng United Nations Framework Convention on Climate Change

Read More »

Silipin din ang DENR

 181,872 total views

 181,872 total views Mga Kapanalig, nakapangingilabot ang kinahinatnan ng maraming lugar sa probinsya ng Cebu matapos dumaan doon ang Bagyong Tino.  Mistulang binura sa mapa ang

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Martes, Setyembre 30, 2025

 35,934 total views

 35,934 total views Paggunita kay San Jeronimo, pari at pantas ng Simbahan Zacarias 8, 20-23 Salmo 86, 1-3. 4-5. 6-7 Ang ating Panginoong D’yos ay kapiling

Read More »

Lunes, Setyembre 29, 2025

 36,165 total views

 36,165 total views Kapistahan nina Arkanghel San Miguel, San Gabriel at San Rafael Daniel 7, 9-10. 13-14 o kaya Pahayag 12, 7-12a Salmo 137, 1-2a, 2bk-3, 4-5

Read More »

Linggo, Setyembre 28, 2025

 36,661 total views

 36,661 total views Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (K) Amos 6, 1a. 4-7 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin.

Read More »

Sabado, Setyembre 27, 2025

 26,775 total views

 26,775 total views Paggunita kay San Vicente de Paul, pari Zacarias 2, 5-9. 14-15a Jeremias 31, 10. 11-12ab. 13 Pumapatnubay na Diyos ay Pastol na kumukupkop.

Read More »

Biyernes, Setyembre 26, 2025

 26,884 total views

 26,884 total views Biyernes ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita kay San Cosme at San Damian, mga martir Ageo 1, 15b – 2,

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top