Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

MIYERKULES, MAYO 17, 2023

SHARE THE TRUTH

 2,094 total views

Miyerkules sa Ika-6 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay

Mga Gawa 17, 15. 22 – 18, 1
Salmo 148, 1-2. 11-12ab. 12k-14a. 14bkd

Ang kadakilaan ng D’yos
sa lupa’t langit ay lubos.

Juan 16, 12-15

Wednesday of the Sixth Week of Easter (White)

UNANG PAGBASA
Mga Gawa 17, 15. 22 – 18, 1

Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol

Noong mga araw na iyon, ang mga naghatid kay Pablo ay sumama sa kanya hanggang sa Atenas. Pagkatapos, nagbalik sila sa Berea, taglay ang bilin ni Pablo kina Silas at Timoteo na sumunod sa lalong madaling panahon.

At si Pablo ay tumayo sa harap ng kapulungan ng Areopago at nagsalita, “Mga taga-Atenas, napapansin kong buhos na buhos ang inyong kalooban sa relihiyon. Sapagkat sa paglalakad ko sa lungsod at pagmamasid sa mga sambahan ninyo, nakakita ako ng isang dambanang may nakasulat na ganito: ‘Sa Diyos na hindi nakikilala.’ Ang inyong sinasamba kahit hindi ninyo kilala ang siya kong ipinapahayag sa inyo. Ang Diyos na gumawa ng sanlibutan at ng lahat ng naroroon ang siyang Panginoon ng langit at lupa, kaya’t hindi siya tumatahan sa mga templong ginawa ng tao. Hindi sa siya’y nangangailangan ng anuman kaya siya pinaglilingkuran ng tao; sapagkat siya ang nagbibigay ng buhay, hininga, at ng lahat ng bagay sa sangkatauhan. Mula sa isa’y nilikha niya ang lahat ng lahi sa balat ng lupa. Itinakda niya ang kanya-kanyang panahon at hangganan. Ginawa niya ito upang hanapin nila ang Diyos, baka sakaling sa kanilang pag-aapuhap ay matagpuan siya. Ang totoo, hindi naman siya malayo sa bawat isa sa atin; sapagkat

‘Hawak niya ang ating buhay, pagkilos at pagkatao.’
Tulad ng sinabi ng ilan sa inyong mga makata,
‘Tayo nga’y mga anak niya.’

Yamang tayo’y mga anak ng Diyos, huwag nating akalain na siya ay tulad ng larawang ginto, pilak, o bato na pawang likha ng isip at kamay ng tao. Mahabang panahong di pinansin ng Diyos ang di pagkakilala sa kanya ng tao, ngunit ngayo’y iniuutos niya na magsisi sila’t talikdan ang kanilang masamang pamumuhay. Sapagkat itinakda na niya ang araw ng paghuhukom sa sanlibutan at ito’y buong katarungan niyang gagawin sa pamamagitan ng kanyang hinirang. Pinatunayan niya ito sa lahat, nang buhayin niyang muli ang taong iyon!”

Nang marinig nila ang sinabi ni Pablo tungkol sa muling pagkabuhay, tinuya siya ng ilan ngunit sinabi naman ng iba, “Ibig namin kayong mapakinggan uli tungkol dito.” At umalis doon si Pablo. May ilang sumama sa kanya at sumampalataya sa Diyos; kabilang dito si Dionisio na isa sa mga bumubuo ng kapulungan ng Areopago. May sumama ring babaing nag-ngangalang Damaris, at mga iba pa.

Pagkatapos, umalis si Pablo sa Atenas at nagtungo sa Corinto.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 148, 1-2. 11-12ab. 12k-14a. 14bkd

Ang kadakilaan ng D’yos
sa lupa’t langit ay lubos.

o kaya: Aleluya.

Purihin ang Diyos, nitong kalangitan,
kayo sa itaas siya’y papurihan.
Ang lahat ng anghel, magpuri’t magdiwang,
kasama ang hukbo roong karamihan!

Ang kadakilaan ng D’yos
sa lupa’t langit ay lubos.

Pupurihin siya ng lahat ng tao,
hari at prinsipe, lahat ng pangulo,
babae’t lalaki, mga kabataan,
matatandang tao’t kaliit-liitan.

Ang kadakilaan ng D’yos
sa lupa’t langit ay lubos.

Sa ngalan ng Poon lahat ay magpuri,
ang kanyang pangala’y pinakamaigi;
sa langit at lupa’y walang kasimbuti.

Ang kadakilaan ng D’yos
sa lupa’t langit ay lubos.

Siya’ng nagpalakas sa sariling bansa,
kaya pinupuri ng piniling madla,
ang bayang Israel, mahal niyang lubha!

Ang kadakilaan ng D’yos
sa lupa’t langit ay lubos.

ALELUYA
Juan 14, 16

Aleluya! Aleluya!
Hihilingin ko sa Ama
Espiritu’y isugo n’ya
upang sumainyo’t t’wina.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 16, 12-15

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Marami pa akong sasabihin sa inyo, ngunit hindi pa ninyo kayang unawain ngayon. Pagdating ng Espiritu ng katotohanan, tutulungan niya kayo upang maunawaan ninyo ang buong katotohanan. Sapagkat magsasalita siya hindi sa ganang kanyang sarili; sasabihin niya sa inyo ang kanyang narinig, at ipapahayag ang mga bagay na darating. Pararangalan niya ako, sapagkat sa aking magmumula ang ipapahayag niya sa inyo. Ang lahat ng sa Ama ay akin; kaya ko sinabing sa akin magmumula ang ipapahayag niya sa inyo.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikaanim na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Miyerkules

Hindi tayo iniwang ulila ng ating Amang nasa Langit, bagkus ipinadala niya sa atin ang kanyang Banal na Espiritu. Sambitin natin ang ating sama-samang panalangin sa kapanyarihan ng Espiritu ng Katotohanan.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Akayin nawa kami ng Iyong Espiritu ng Katotohanan, O Panginoon.

Ang Simbahan nawa’y maging masigasig sa paghahatid ng mensahe ni Jesus sa lahat ng tao, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga namamahala at maykapangyarihan nawa’y maghatid ng kapayapaan at katarungan sa mga bansa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga hinahamak, mga itinatakwil o mga walang nagmamahal sa ating lipunan nawa’y makaranas sa kanilang buhay ng pangangalaga ng Diyos sa pamamagitan ng ating mabubuting gawa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at nagdurusa nawa’y makakita at makadama ng mapagmahal na presensya ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga namayapa nawa’y muling buhayin alang-alang sa Muling Pagkabuhay ng Panginoon, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoon, loobin mong lalo pang ihayag sa amin ng Banal na Espiritu ang mga katotohanang inihayag ni Jesus na nabubuhay na kasama mo ngayon at magpasawalang hanggan. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pagsasayang Ng Pera

 4,510 total views

 4,510 total views Pagwawaldas sa pera ng taong bayan.. dahil sa isang pagkakamali. Kapanalig, 73-milyong balota para sa May 2025 national at local elections ang nasayang…nasayang ang pagod at oras. naimprenta na… mauuwi lamang sa basurahan. Ito ay matapos suspendihin ng Commission on Elections (COMELEC) ang pag-imprenta ng opisyal na balota para sa May 2025 mid-term

Read More »

Education Crisis

 11,997 total views

 11,997 total views Kapanalig, nasa krisis ang edukasyon sa ating bayan. Napakarami ang mga hamon na kailangang harapin sa sektor. Napakatagal ng isyu ito, ang patuloy na pagpapabaya sa problemang kinakaharap ng sektor ng edukasyon ay lalong nagpapahirap sa mga maralita. Ito ay nagpapakita ng ating pagkukulang sa lipunan. Bilang mga magulang.. pangarap at obligasyon mo

Read More »

Buena-mano ng SSS sa bagong taon

 17,322 total views

 17,322 total views Mga Kapanalig, kasabay ng pagsalubong sa bagong taon ang dagdag sa buwanang kontribusyon sa Social Security System (o SSS). Epektibo ito simula a-uno ng Enero. Alinsunod sa Republic Act No. 11199 o ang inamyendahang Social Security Act na ipinasa noong 2018, tataas ang kontribusyon ng mga miyembro ng SSS kada dalawang taon. Umakyat

Read More »

Pagbabalik ng pork barrel?

 23,130 total views

 23,130 total views Mga Kapanalig, inabangan bago matapos ang 2024 ang pagpirma ni Pangulong Bongbong Marcos Jr sa pambansang badyet para sa 2025.  Matapos daw ang “exhaustive and rigorous”—o kumpleto at masinsin—na pagre-review sa panukalang badyet ng Kongreso, inaprubahan ng presidente ang badyet na nagkakahalaga ng 6.35 trilyong piso, kasabay ng paggunita ng bansa sa Rizal

Read More »

Mag-ingat sa fake news

 28,929 total views

 28,929 total views Mga Kapanalig, kung aktibo kayo sa social media, baka napadaan sa inyong news feed ang mga posts na nagbababalâ tungkol sa panibagong pagkalat ng sakit sa ibang bansa. Dumarami daw ang mga pasyenteng dinadala sa mga pagamutan at ospital dahil sa isang uri ng pneumonia. Tumaas din daw ang bilang ng mga kine-cremate,

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow
DONATE NOW
Shadow

Related Post

Linggo, Enero 19, 2025

 80 total views

 80 total views Kapistahan ng Panginoong Hesus, Ang Banal na Sanggol (K) Isaias 9, 1-6 Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4. 5-6 Kahit saa’y namamalas tagumpay ng Nagliligtas. Efeso 1, 3-6. 15-18 Lucas 2, 41-52 Feast of the Sto. Niño (Proper Feast in the Philippines) (White) Holy Childhood Day Week of Prayer for Christian Unity UNANG PAGBASA

Read More »

Sabado, Enero 18, 2025

 80 total views

 80 total views Sabado ng Unang Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Hebreo 4, 12-16 Salmo 18, 8. 9. 10. 15 Espiritung bumubuhay ang salita ng Maykapal. Marcos 2, 13-17 Saturday of the First Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of the Blessed Virgin Mary on Saturday (White)

Read More »

Biyernes, Enero 17, 2025

 83 total views

 83 total views Paggunita kay San Antonio, abad Hebreo 4, 1-5. 11 Salmo 77, 3 at 4bk. 6k-7. 8 Hindi nila malilimot ang dakilang gawa ng D’yos. Marcos 2, 1-12 Memorial of St. Anthony, Abbot (White) Mga Pagbasa mula sa Biyernes ng Unang Linggo sa Karaniwang Panahon (I) UNANG PAGBASA Hebreo 4, 1-5. 11 Pagbasa mula sa

Read More »

Huwebes, Enero 16, 2025

 81 total views

 81 total views Huwebes ng Unang Linggo sa Karaniwang Panahon (I) Hebreo 3, 7-14 Salmo 94, 6-7. 8-9. 10-11 Panginoo’y inyong dinggin, huwag n’yo s’yang salungatin. Marcos 1, 40-45 Thursday of the First Week of Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Hebreo 3, 7-14 Pagbasa mula sa sulat sa mga Hebreo Mga kapatid, gaya ng sabi ng Espiritu

Read More »

Miyerkules, Enero 15, 2025

 83 total views

 83 total views Miyerkules ng Unang Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita kay San Arnold Jannsen, pari Hebreo 2, 14-18 Salmo 104, 1-2. 3-4. 6-7. 8-9 Nasa isip ng Maykapal ang tipan niya kailanman. Marcos 1, 29-39 Wednesday of the First Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of St. Arnold Janssen, Priest (White) UNANG PAGBASA Hebreo

Read More »

Biyernes, Nobyembre 15, 2024

 15,032 total views

 15,032 total views Biyernes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 2 Juan, 4-9 Salmo 118, 1. 2. 10. 11. 17. 18 Mapalad ang sumusunod sa utos ng Poong Diyos. Lucas 17, 26-37 Friday of the Thirty-second Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 2 Juan, 4-9 Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Juan Hirang

Read More »

Huwebes, Nobyembre 14, 2024

 15,182 total views

 15,182 total views Huwebes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filemon 7-20 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Mapalad ang kinukupkop ng Poong Diyos ni Jacob. Lucas 17, 20-25 Thursday of the Thirty-second Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Filemon 7-20 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo kay Filemon Pinakamamahal ko, ang iyong pag-ibig

Read More »

Miyerkules, Nobyembre 13, 2024

 15,787 total views

 15,787 total views Miyerkules ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Tito 3, 1-7 Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5. 6 Pastol ko’y Panginoong D’yos, hindi ako magdarahop. Lucas 17, 11-19 Memorial of Saint Martin of Tours, Bishop (White) Saturday of the Thirty-second Week in Ordinary Time (II) UNANG PAGBASA Tito 3, 1-7 Pagbasa mula sa sulat ni

Read More »

Martes, Nobyembre 12, 2024

 15,953 total views

 15,953 total views Paggunita kay San Josafat, obispo at martir Tito 2, 1-8. 11-14 Salmo 36, 3-4. 18 at 23. 27 at 29 Nasa D’yos ang kaligtasan ng mga mat’wid at banal. Lucas 17, 7-10 Memorial of St. Josaphat, Bishop and Martyr (Red) Mga Pagbasa mula sa Martes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA

Read More »

Lunes, Nobyembre 11, 2024

 16,271 total views

 16,271 total views Paggunita kay San Martin ng Tours, obispo Tito 1, 1-9 Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6 Panginoon, ang bayan mo ay dumudulog sa iyo. Lucas 17, 1-6 Memorial of St. Martin of Tours, Bishop (White) Mga Pagbasa mula sa Lunes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA Tito 1, 1-9 Ang simula ng

Read More »

Linggo, Nobyembre 10, 2024

 11,612 total views

 11,612 total views Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) 1 Hari 17, 10-16 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin. Hebreo 9, 24-28 Marcos 12, 38-44 o kaya Marcos 12, 41-44 Thirty-second Sunday in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 1 Hari 17, 10-16 Pagbasa mula sa unang aklat ng mga Hari Noong mga

Read More »

Sabado, Nobyembre 9, 2024

 12,009 total views

 12,009 total views Kapistahan ng Pagtatalaga sa Palasyong Simbahan sa Laterano, Roma Ezekiel 47, 1-2. 8-9. 12 Salmo 45, 2-3. 5-6. 8-9. Sa bayan ng Dakilang D’yos batis n’ya’y may tuwang dulot. 1 Corinto 3, 9k-11. 16-17 Juan 2, 13-22 Feast of the Dedication of the Lateran Basilica in Rome (White) UNANG PAGBASA Ezekiel 47, 1-2. 8-9.

Read More »

Biyernes, Nobyembre 8, 2024

 11,811 total views

 11,811 total views Biyernes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 3, 17 – 4, 1 Salmo 121, 1-2. 3-4a. 4b-5 Masaya tayong papasok sa tahanan ng Poong D’yos. Lucas 16, 1-8 Friday of the Thirty-first Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Filipos 3, 17 – 4, 1 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San

Read More »

Huwebes, Nobyembre 7, 2024

 11,962 total views

 11,962 total views Huwebes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 3, 3-8a Salmo 104, 2-3. 4-5. 6-7 Ang may pusong tapat sa D’yos ay may kagalakang lubos. Lucas 15, 1-10 Thursday of the Thirty-first Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Filipos 3, 3-8a Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Filipos

Read More »

Miyerkules, Nobyembre 6, 2024

 12,213 total views

 12,213 total views Miyerkules ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 2, 12-18 Salmo 26, 1. 4. 13-14 Panginoo’y aking tanglaw, siya’y aking kaligtasan. Lucas 14, 25-33 Wednesday of the Thirty-first Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Filipos 2, 12-18 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Filipos Mga minamahal, higit na

Read More »
Scroll to Top