MIYERKULES, OKTUBRE 12, 2022

SHARE THE TRUTH

 335 total views

Miyerkules ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Galacia 5, 18-25
Salmo 1, 1-2. 3. 4. at 6

Ang sumusunod sa Poon
ay sa liwanag hahantong.

Lucas 11, 42-46



Wednesday of the Twenty-eighth Week in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
Galacia 5, 18-25

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Galacia

Mga kapatid, kung kayo’y pinapatnubayan ng Espiritu, wala na kayo sa ilalim ng Kautusan.

Hindi maikakaila ang mga gawa ng laman: pangangalunya, karima-rimarim na pamumuhay, kahalayan, pagsamba sa diyus-diyusan, pangkukulam, pagkapoot, pagkagalit, paninibugho, kasakiman, pagkakabaha-bahagi, pagkakampi-kampi, pagkainggit, paglalasing, walang taros na pagsasaya, at iba pang tulad nito. Binabalaan ko kayo tulad noong una: hindi tatanggapin sa kaharian ng Diyos ang gumagawa ng gayong mga bagay.

Subalit ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, katiyagaan, kabaitan, kabutihan, katapatan, kahinahunan, at pagpipigil sa sarili. Walang utos laban sa ganitong mga bagay. At pinatay na ng mga nakipag-isa kay Kristo Hesus ang likas nilang pagkatao, kasama ang masasamang pita nito. Ang Espiritu ang nagbibigay-buhay sa atin kaya ito rin ang dapat maghari sa ating mga buhay.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 1, 1-2. 3. 4. at 6

Ang sumusunod sa Poon
ay sa liwanag hahantong.

Mapalad ang taong hindi naaakit niyong masasama,
upang sundan niya ang kanilang payo’t maling halimbawa;
hindi sumasama sa sinumang taong ang laging adhika’y
pagtawanan lamang at hamak-hamakin ang Diyos ng dakila.

Ang sumusunod sa Poon
ay sa liwanag hahantong.

Nagagalak siyang laging magsaliksik ng banal na aral,
ang utos ng Poon siyang binubulay sa gabi at araw.

Ang sumusunod sa Poon
ay sa liwanag hahantong.

Ang katulad niya’y isang punongkahoy sa tabing batisan,
sariwa ang daho’t laging namumunga sa kapanahunan,
at anumang gawin ay nakatitiyak na magtatagumpay.

Ang sumusunod sa Poon
ay sa liwanag hahantong.

Ngunit ibang-iba ang masamang tao; ipa ang kawangis,
siya’y natatangay at naipapadpad kung hangi’y umihip.
Sa taong matuwid ay Panginoon ang s’yang mag-iingat,
ngunit kailanman ang mga masama ay mapapahamak.

Ang sumusunod sa Poon
ay sa liwanag hahantong.

ALELUYA
Juan 10, 27

Aleluya! Aleluya!
Ang tinig ko’y pakikinggan
ng kabilang sa ‘king kawan,
ako’y kanilang susundan.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 11, 42-46

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus, “Kawawa kayo, mga Pariseo! Ibinibigay niyo ang ikapu ng yerbabuena, ng ruda, at ng iba pang gulayin, ngunit kinaliligtaan ninyo ang katarungan at ang pag-ibig sa Diyos. Tamang gawin ninyo ito nugnit huwag naman ninyo kaliligtaang gawin ang mga iba.

“Kawawa kayo, mga Pariseo! Sapagkat ang ibig ninyo’y ang mga tanging luklukan sa mga sinagoga, at ang pagpugayan kayo sa mga liwasang bayan. Sa aba ninyo! Sapagkat para kayong mga libingang walang tanda, at nalalakaran ng mga tao nang hindi nila nalalaman.”

Sinabi sa kaya ng isa sa mga dalubhasa sa Kautusan, “Guro, sa sinabi mong iyan pati kami’y kinukutya mo.” At sinagot siya ni Hesus, “Kawawa rin kayo mga dalubhasa sa Kautusan! Sapagkat ipinapapasan ninyo sa mga tao ang mabibigat na dalahin, ngunit ni daliri’y ayaw ninyong igalaw sa pagdadala ng mga iyon.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.



PANALANGIN NG BAYAN
Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon
Miyerkules

Nagsasama-sama tayo bilang Bayan ng Diyos, may pananalig nating dalhin sa harap ng Ama ang ating pangangailangan, umaasang pakikinggan niya ang ating mga kahilingan.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon ng aming mga puso, pakinggan mo ang mga itinitibok nito.

Ang Simbahan nawa’y maging mulat sa kanyang responsibilidad na isulong ang katarungang panlipunan sa pamamagitan ng kanyang paglilingkod sa mga dukha, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga opisyal ng gobyerno nawa’y maging makatotohanan sa kanilang pagsusumikap na makapagbigay ng paglilingkod at programa para sa mga mahihirap at naghihikahos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maypatrabaho at mga manggagawa nawa’y maging tapat at magalang sa isa’t isa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at may kapansanan nawa’y makatanggap ng suporta at kasiguruhan mula sa kanilang mga kapamilya at kaibigan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga lumisan na sa buhay na ito nawa’y masiyahan sa walang hanggang kaligayahan sa piling ng mga banal sa Langit, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, palalimin mo ang aming pananampalataya upang umunlad kami sa iyong pag-ibig at laging maglingkod sa iyo nang may kabutihang-loob at katapatan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE 2025

 81,433 total views

 81,433 total views Mga Kapanalig, katatapos lang ng midterm national and local elections pero may pang isang halalan sa taóng ito. Isasagawa sa Disyembre ang Barangay

Read More »

Anong pinagtataguan mo?

 92,437 total views

 92,437 total views Mga Kapanalig, gaano kalayo ang kayang takbuhin ng isang tao para makaiwas sa pananagutan? Sa kaso ng dating tagapagsalita ni dating Pangulong Duterte

Read More »

To serve and protect

 100,242 total views

 100,242 total views Mga Kapanalig, para sa Catholic social teaching na Gaudium et Spes, ang mga awtoridad ay obligadong ipatupad ang batas alinsunod sa kung ano

Read More »

TOO MUCH GENERAL EDUCATION

 113,440 total views

 113,440 total views Quality education, kailan kaya natin ito makakamit Kapanalig? Taon-taon, nahaharap sa maraming problema ang sektor ng edukasyon sa bansa., kabilang dito ang hindi

Read More »

AUGUST CHAMBER

 124,857 total views

 124,857 total views The Filipino people have the right to know the truth! Noong 1916, itinatag ang tinaguriang AUGUST chamber o Senate of the Philippines. Nagsilbi

Read More »

Watch Live

RELATED READINGS

Linggo, Hunyo 15, 2025

 7,278 total views

 7,278 total views Dakilang Kapistahan ng Tatlong Persona sa Isang Diyos (K) Kawikaan 8, 22-31 Salmo 8, 4-5. 6-7. 8-9 Maningning ang iyong ngalan, Poon, sa

Read More »

Sabado, Hunyo 14, 2025

 3,589 total views

 3,589 total views Sabado ng Ika-10 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado 2 Corinto 5, 14-21 Salmo 102,

Read More »

Biyernes, Hunyo 13, 2025

 8,677 total views

 8,677 total views Paggunita kay San Antonio de Padua, pari at pantas ng Simbahan 2 Corinto 4, 7-15 Salmo 115, 10-11. 15-16. 17-18 Maghahandog ako sa

Read More »

Huwebes, Hunyo 12, 2025

 7,205 total views

 7,205 total views Kapistahan ng Panginoong Hesukristo, Walang Hanggang at Dakilang Pari (K) Isaias 6, 1-4. 8 Salmo 23, 2-3. 5. 6 Pastol ko’y Panginoong D’yos,

Read More »

Miyerkules, Hunyo 11, 2025

 7,404 total views

 7,404 total views Paggunita kay San Bernabe, apostol Mga Gawa 11, 21b-26; 13, 1-3 Salmo 97, 1. 2-3ab, 3kd-4, 5-6 Panginoong nagliligtas sa tanang bansa’y nahayag.

Read More »

LATEST NEWS

Scroll to Top