MIYERKULES, OKTUBRE 5, 2022

SHARE THE TRUTH

 187 total views

Miyerkules ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)
o kaya Paggunita kay Santa Maria Faustina Kowalska

Galacia 2, 1-2. 7-14
Salmo 116, 1. 2

Humayo’t dalhin sa tanan
Mabuting Balitang aral.

Lucas 11, 1-4



Wednesday of the Twenty-seventh Week in Ordinary Time (Green)
or Optional Memorial of St. Maria Faustina Kowalska, Virgin (White)

UNANG PAGBASA
Galacia 2, 1-2. 7-14

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Galacia

Mga kapatid, makalipas ang labing-apat na taon, muli akong pumunta sa Jerusalem na kasama sina Bernabe at Tito. Nagbalik ako sapagkat ipinaalam sa akin ng Diyos na dapat akong pumaroon. Nakipagpulong ako nang sarilinan sa mga pangunahin sa simbahan, at ipinaliwanag ko sa kanila ang Mabuting Balita ng kaligtasan na ipinangangaral ko sa mga Hentil. Ginawa ko ito sapagkat ayokong mawalan ng kabuluhan ang aking pagpapagal sa nakaraan at sa kasalukuyan.

Sa halip, kinilala nilang ako’y hinirang ng Diyos upang mangaral ng Mabuting Balita ng kaligtasan sa mga Hentil, tulad din ng pagkahirang kay Pedro upang mangaral ng Mabuting Balita ng kaligtasan sa mga Judio. Ang Diyos na humirang kay Pedro bilang apostol sa mga Judio ang siya ring humirang sa akin bilang apostol sa mga Hentil. Nabatid nina Santiago, Pedro at Juan, mga kilalang haligi ng simbahan, na ang Diyos ang siyang nagbigay sa akin ng tanging kaloob na ito. Kaya’t kami ni Bernabe’y tinanggap nila bilang mga kamanggagawa. Pinagkasunduan namin na kami’y sa mga Hentil at sa mga Judio naman sila. Ang hiling lamang nila ay huwag naming pababayaan ang mga dukha, na talaga namang pinagsisikapan kong gawin.

Nang si Pedro’y nasa Antioquia, hayagan kong sinabi sa kanyang mali ang kanyang ginagawa. Sapagkat noong hindi pa dumarating ang ilang lalaking pinaparoon ni Santiago, siya’y sumasalo sa mga Hentil. Subalit nang dumating ang mga iyon, siya’y lumayo at hindi na nakisalo sa kanila dahil sa takot sa pangkat ng mga Judio. At gumaya rin sa kanya ang ibang mga kapatid doon na mga Judio; pati na si Bernabe’y natangay sa kanilang pagkukunwari. Nang makita kong hindi sila namumuhay ayon sa tunay na diwa ng Mabuting Balita, sinabi ko kay Pedro sa harapan nilang lahat, “Kung ikaw na isang Judio ay namumuhay na parang Hentil at di bilang isang Judio, paano mo mapipilit ang mga Hentil na mamuhay na gaya ng mga Judio?”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 116, 1. 2

Humayo’t dalhin sa tanan
Mabuting Balitang aral.

o kaya: Aleluya.

Purihin ang Poon!
Dapat na purihin ng lahat ng bansa,
Siya ay purihin
ng lahat ng tao sa balat ng lupa.

Humayo’t dalhin sa tanan
Mabuting Balitang aral.

Pagkat ang pag-ibig
na ukol sa ati’y dakila at wagas,
at ang katapatan niya’y walang wakas.

Humayo’t dalhin sa tanan
Mabuting Balitang aral.

ALELUYA
Roma 8, 15bk

Aleluya! Aleluya!
Espiritu ng Diyos Anak
ay siyang ating tinanggap
nang D’yos Ama ay matawag.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 11, 1-4

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Minsan, nananalangin si Hesus. Pagkatapos niya, sinabi ng isa sa kanyang mga alagad, “Panginoon, turuan po ninyo kaming manalangin, katulad ng ginawa ni Juan sa kanyang mga alagad.” Sinabi ni Hesus, “Kung kayo’y mananalangin, ganito ang sabihin ninyo:

‘Ama, sambahin nawa ang pangalan mo.
Magsimula na sana ang iyong paghahari.
Bigyan mo kami ng aming makakain sa araw-araw.
At patawarin mo kami sa aming mga kasalanan,
sapagkat pinatatawad namin ang bawat nagkasala sa amin.
At huwag mo kaming iharap sa mahigpit na pagsubok.’”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.



PANALANGIN NG BAYAN
Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon
Miyerkules

Manalangin tayo sa Amang nasa Langit na mayroong ganap na pananalig sa kanya.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, bigyan Mo kami ng makakakain sa araw-araw.

Ang Simbahan sa buong daigdig nawa’y magpahayag ng malalim na pananalig sa pagdating ng Kaharian ng pag-ibig, katarungan, at kapayapaan ng Ama, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa gitna ng mga pagsubok sa buhay, nawa’y patuloy tayong nagdarasal at hindi magpadaig sa anumang tukso, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y magkaroon ng sapat na makakain sa araw-araw na pangangailangan at magkaroon ng dakilang puso upang patawarin ang ating mga kaaway, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at ang mga nakararanas ng paghihirap sa buhay nawa’y matulungan ng kanilang kapwa sa pagpapasan ng kanilang krus, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y makita ang Panginoon nang harapan sa kanyang walang hanggang tahanan sa paraiso, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, pinasasalamatan ka namin sa iyong pakikinig sa aming mga panalangin. Tulungan ninyo kaming manalig palagi sa iyong pagmamahal at tanggapin ang iyong kalooban sa aming buhay. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

DONATE NOW
Shadow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pinupulitikang ayuda

 73,988 total views

 73,988 total views Mga Kapanalig, noong kasagsagan ng pandemya, naging matunog na salita ang “ayuda” o ang pinansyal na tulong na natanggap mula sa pamahalaan ng mga naapektuhan ng malawakang lockdown. Kahit tila balik na tayo sa normal na pamumuhay, nagpatuloy ang pamamahagi ng gobyerno ng ayuda sa ilalim ng iba’t ibang programa nito. Pangunahing benepisyaryo

Read More »

Higit sa kita

 84,781 total views

 84,781 total views Mga Kapanalig, “catastrophe” o malaking sakuna ang maaari daw mangyari kapag maisabatas ang panukalang dagdagan ng isandaang piso ang daily minimum wage sa ating bansa.  Iyan ang babala ng isang grupo ng mga negosyante habang kanilang tinututulan ang Senate Bill No. 2354. Ang panukalang batas na ito, na inaprubahan na ng Senado noong

Read More »

Huwag tayong titiklop, huwag tayong aatras

 90,187 total views

 90,187 total views Mga Kapanalig, ginunita pa rin sana natin kahapon, kahit hindi opisyal na holiday, ang ika-38 taong anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.  Marami na sa atin marahil ang nakalimot na o hindi nalalaman ang apat na araw noong Pebrero 1986 kung kailan ipinamalas ng mga Pilipino ang masidhing pagnanais na makaroon ng pagbabago

Read More »

Cybercrime

 127,270 total views

 127,270 total views Hindi natin maitatanggi, kapanalig, na talamak ang cybercrime sa ating bansa. Parami ng parami ang konektado sa internet sa ating bayan, at parami rin ng parami ang mga kriminal na nagnanais na gamitin ang kondisyon na ito bilang oportunidad para kumita. Kapanalig, kung dati, ang mga krimen na karaniwan nating naririnig ay lokal

Read More »

Financial Inclusion

 138,916 total views

 138,916 total views Limitado ang pagkaunawa ng maraming mga Filipino ukol sa financial inclusion. Marami sa atin, basta mapabilang o makasali lamang sa mga e-wallets o mga financial platforms, tinuturing na agad itong financially inclusive. Hindi ganun kasimple ito, kapanalig, at panahon na upang mas lumawak pa ang ating pag-unawa sa financial inclusion. Ayon sa Bangko

Read More »

Watch Live

Related Story

HUWEBES, MARSO 7, 2024

 746 total views

 746 total views Huwebes sa Ika-3 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Jeremias 7, 23-28 Salmo 94, 1-2. 6-7. 8-9 Panginoo’y inyong dinggin, huwag n’yo s’yang salungatin. Lucas 11, 14-23 Thursday of the Third Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Jeremias 7, 23-28 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Jeremias Sinasabi ng Panginoon: “Inutusan ko ang mga

Read More »

MIYERKULES, MARSO 6, 2024

 1,690 total views

 1,690 total views Miyerkules sa Ika-3 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Deuteronomio 4, 1. 5-9 Salmo 147, 12-13. 14-15. 19-20 Purihin mo, Jerusalem, ang Panginoong butihin. Mateo 5, 17-19 Wednesday of the Third Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Deuteronomio 4, 1. 5-9 Pagbasa mula sa aklat ng Deuteronomio Nagsalita si Moises sa mga tao: “Ngayon,

Read More »

MARTES, MARSO 5, 2024

 2,956 total views

 2,956 total views Martes ng Ika-3 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Daniel 3, 25. 34-43 Salmo 24, 4bk-5ab. 6-7bk. 8-9 Poon, iyong gunitain ang pag-ibig mo sa amin. Mateo 18, 21-35 Tuesday of the Third Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Daniel 3, 25. 34-43 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Daniel Noong mga araw na

Read More »

LUNES, MARSO 4, 2024

 3,794 total views

 3,794 total views Lunes sa Ika-3 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda 2 Hari 5, 1-15a Salmo 41, 2. 3; Salmo 42, 3. 4 Aking kinasasabikan ang Diyos na nabubuhay. Lucas 4, 24-30 Monday of the Third Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA 2 Hari 5, 1-15a Pagbasa mula sa ikalawang aklat ng mga Hari Noong mga

Read More »

LINGGO, MARSO 3, 2024

 4,576 total views

 4,576 total views Ikatlong Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Para sa Pasko ng Pagkabuhay (B) Exodo 20, 1-17 Salmo 18, 8. 9. 10. 11 Panginoon, iyong taglay ang Salitang bumubuhay. 1 Corinto 1, 22-25 Juan 2, 13-25 Third Sunday of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Exodo 20, 1-17 Pagbasa mula sa aklat ng Exodo Noong mga araw

Read More »

SABADO, MARSO 2, 2024

 4,886 total views

 4,886 total views Sabado sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Mikas 7, 14-15. 18-20 Salmo 102, 1-2. 3-4. 9-10. 11-12 Ang ating mahabaging D’yos ay nagmamagandang-loob. Lucas 15, 1-3. 11-32 Saturday of the Second Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Mikas 7, 14-15. 18-20 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Mikas Patnubayan mo ang iyong

Read More »

BIYERNES, MARSO 1, 2024

 5,163 total views

 5,163 total views Biyernes sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Genesis 37, 3-4. 12-13a. 17b-28 Salmo 104, 16-17. 18-19. 20-21 Gunitain nang malugod ang dakilang gawa ng D’yos. Mateo 21, 33-43. 45-46 Friday of the Second Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Genesis 37, 3-4. 12-13a. 17b-28 Pagbasa mula sa aklat ng Genesis Mas mahal

Read More »

HUWEBES, PEBRERO 29, 2024

 5,004 total views

 5,004 total views Huwebes sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Jeremias 17, 5-10 Salmo 1, 1-2. 3. 4 at 6 Mapalad ang umaasa sa Panginoon tuwina. Lucas 16, 19-31 Thursday of the Second Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Jeremias 17, 5-10 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Jeremias Sinasabi ng Panginoon, “Parurusahan ko ang

Read More »

MIYERKULES, PEBRERO 28, 2024

 5,426 total views

 5,426 total views Miyerkules sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Jeremias 18, 18-20 Salmo 30, 5-6. 14. 15-16 Pag-ibig mo’y walang maliw kaya’t ako’y ‘yong sagipin. Mateo 20, 17-28 Wednesday of the Second Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Jeremias 18, 18-20 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Jeremias Ang sabi ng mga tao: “Iligpit

Read More »

MARTES, PEBRERO 27, 2024

 5,589 total views

 5,589 total views Martes sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Isaias 1, 10. 16-20 Salmo 49, 8-9. 16bk-17. 21 at 23 Ang masunurin sa Diyos ay sasagipin n’yang lubos. Mateo 23, 1-12 Tuesday of the Second Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Isaias 1, 10. 16-20 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias Mga pinuno

Read More »

LUNES, PEBRERO 26, 2024

 5,872 total views

 5,872 total views Lunes sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Daniel 9, 4b-10 Salmo 78, 8. 9. 11 at 13 Panginoon, aming hiling: patawad sa sala namin. Lucas 6, 36-38 Monday of the Second Week in Lent (Violet) UNANG PAGBASA Daniel 9, 4b-10 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Daniel Panginoon, dakila at Makapangyarihang Diyos

Read More »

LINGGO, PEBRERO 25, 2024

 6,028 total views

 6,028 total views Ikalawang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Para sa Pasko ng Pagkabuhay (B) Genesis 22, 1-2. 9a. 10-13. 15-18 Salmo 115, 10 at 15. 16-17. 18-19 Sa piling ng Poong mahal ako’y laging namumuhay. Roma 8, 31b-34 Marcos 9, 2-10 Second Sunday of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Genesis 22, 1-2. 9a. 10-13. 15-18 Pagbasa

Read More »

SABADO, PEBRERO 24, 2024

 6,241 total views

 6,241 total views Sabado sa Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Deuteronomio 26, 16-19 Salmo 118, 1-2. 4-5. 7-8 Mapalad ang sumusunod sa utos ng Poong Diyos. Mateo 5, 43-48 Saturday of the First Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Deuteronomio 26, 16-19 Pagbasa mula sa aklat ng Deuteronomio Sinabi ni Moises sa mga tao: “Ngayon

Read More »

BIYERNES, PEBRERO 23, 2024

 6,546 total views

 6,546 total views Biyernes sa Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Ezekiel 18, 21-28 Salmo 129, 1-2. 3-4ab. 4k-6. 7-8 Hiling nami’y ‘yong limutin tanang kasalanan namin. Mateo 5, 20-26 Friday of the First Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Ezekiel 18, 21-28 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Ezekiel Sinasabi ng Panginoon: “Kung ang isang

Read More »

HUWEBES, PEBRERO 22, 2024

 6,317 total views

 6,317 total views Kapistahan ng Luklukan ni Apostol San Pedro 1 Pedro 5, 1-4 Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5. 6 Pastol ko’y Panginoong D’yos, hindi ako magdarahop. Mateo 16, 13-19 Feast of Chair of St. Peter the Apostle (White) UNANG PAGBASA 1 Pedro 5, 1-4 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pedro Mga pinakamamahal, sa

Read More »
Scroll to Top