Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

MIYERKULES, SETYEMBRE 27, 2023

SHARE THE TRUTH

 4,223 total views

Paggunita kay San Vicente de Paul, pari

Esdras 9, 5-9
Tobit 13, 2. 3-4a. 4bkd. 5. 8

Ang Diyos na walang hangga’y
atin ngayong papurihan.

Lucas 9, 1-6

Memorial of St. Vincent de Paul, Priest (White)

Mga Pagbasa mula sa
Miyerkules ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

UNANG PAGBASA
Esdras 9, 5-9

Pagbasa mula sa aklat ni Esdras

Sa oras ng paghahandog, akong si Esdras ay tumindig na gulanit ang kasuotan at nanikluhod sa harapan ng Panginoon. Ganito ang idinaing ko sa kanya:

“Diyos ko, hindi ako makatingin sa iyo dahil sa kahihiyan bunga ng kasamaan naming suko sa langit. Mula sa kapanahunan ng aming mga magulang hanggang ngayon, hindi na kami nakaahon sa kasalanan. Dahil dito, kami, ang aming mga hari at mga saserdote, ay binayaan niyang mabihag, patayin, dambungin at ibilad sa kahihiyan ng iba’t ibang hari. At ngayon, kahabagan ninyo kami. Niloob ninyong may ilang matira sa amin at muling binigyan ng puwang sa lupaing ito na inyong itinangi. Muli ninyong isinilay sa amin ang inyong paningin at binigyan kami ng pagkakataong makaahon sa pagkaalipin. Naging alipin nga kami sa mahabang panahon, gayunma’y hindi ninyo kami pinabayaan. Pinukaw ninyo ang kalooban ng hari ng Persia. Kaya, binigyan niya kami ng pagkakataong maitayo uli ang iyong templo, at ayusin ang kasiraan, upang makapanirahan kaming tiwasay sa Juda at sa Jerusalem.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Tobit 13, 2. 3-4a. 4bkd. 5. 8

Ang Diyos na walang hangga’y
atin ngayong papurihan.

D’yos ay nagpaparusa na taglay ang habag
kung tayo ma’y malibing, sa hukay masadlak,
muling hinahango niya’t binubuhay.
Walang makatatakas sa kanyang kapangyarihan.

Ang Diyos na walang hangga’y
atin ngayong papurihan.

Kayong Israelita,
papurihan ninyo ang Diyos sa harap ng mga Hentil
na pinagtapunan sa inyo.

Ang Diyos na walang hangga’y
atin ngayong papurihan.

Doo’y ipinakita sa inyo ang kanyang kapangyarihan,
siya ay purihin ng bawat nilalang,
ang Panginoong ating Diyos,
na walang hanggan.

Ang Diyos na walang hangga’y
atin ngayong papurihan.

Pinagdusa man kayo sa inyong kasalanan,
ngunit kahahabagan kayo,
at muling ibabalik sa inyong tahanan
mula sa mga bansang umalipin sa inyo.

Ang Diyos na walang hangga’y
atin ngayong papurihan.

Talikdan na ninyo ang inyong mga kasalanan
at mamuhay kayo nang karapat-dapat sa harapan niya.
Kung magkagayon, ang habag ng Panginoon ay inyong madarama.

Ang Diyos na walang hangga’y
atin ngayong papurihan.

ALELUYA
Marcos 1, 15

Aleluya! Aleluya!
Ang D’yos ay maghahari na,
talikdan ang tanang sala,
manalig sa balita n’ya.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 9, 1-6

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, tinawag ni Hesus ang Labindalawa at binigyan sila ng kakayahan at kapangyarihang magpalayas ng mga demonyo at magpagaling ng mga karamdaman. At sinugo niya sila upang ipahayag ang paghahari ng Diyos at magpagaling ng mga maysakit. Sila’y pinagbilinan niya: “Huwag kayong magbaon ng anuman para sa inyong paglalakbay kahit tungkod, supot, tinapay, salapi o bihisan. Makituloy kayo sa alinmang bahay na tumanggap sa inyo, at manatili roon hanggang sa pag-alis ninyo sa bayang iyon. At sakaling hindi kayo tanggapin, umalis kayo roon, at ipagpag ninyo ang alikabok ng inyong mga paa bilang babala sa kanila.” Kaya’t humayo ang mga alagad at naglakbay sa mga nayon, na ipinangangaral ang Mabuting Balita at nagpapagaling ng mga maysakit sa lahat ng dako.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon
Miyerkules

Inaanyayahan tayo ng Diyos Ama upang maging lingkod na magpapalaganap ng Mabuting Balita ng kaligtasan sa lahat. Hilingin natin sa Ama na gawin tayong kapani-paniwalang mga saksi.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, bigyan mo kami ng lakas na maging iyong mga saksi.

Ang Simbahan nawa’y patuloy na mag-anyaya at magsugo ng mga misyonero upang ipahayag ang Mabuting Balita sa lahat ng bansa at dako, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga Kristiyano nawa’y maging masigasig sa pagpapahayag ng Salita ng Diyos sa mga hindi pa sumasampalataya at hindi pa tumatanggap nito, manalangin tayo sa Panginoon.

Maraming tao nawa ang mahikayat sa pananampalatayang Kristiyano bunga ng ating makatotohanang pagsaksi, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at mga nabibigatan sa buhay nawa’y makita ang katangi-tanging pag-ibig at kalinga ng Diyos sa pamamagitan ng pag-aaruga ng kanilang mga pamilya, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y magbunyi sa walang hanggang kapayapaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoong Diyos, pinili mo kami kay Kristo sa pagpapahayag ng iyong pag-ibig. Gawin mo kaming mga tunay na tagapaghatid ng iyong Salita sa pamamagitan ng pagsaksi nito sa aming buhay. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 83,546 total views

 83,546 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 91,321 total views

 91,321 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 99,501 total views

 99,501 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 115,032 total views

 115,032 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 118,975 total views

 118,975 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow
DONATE NOW
Shadow

Related Post

Lunes, Abril 21, 2025

 357 total views

 357 total views Lunes sa Walong Araw na Pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Mga Gawa 2, 14. 22-33 Salmo 15, 1-2a at 5. 7-8. 9-10.

Read More »

Sabado, Abril 19, 2025

 1,259 total views

 1,259 total views Ang Magdamagang Pagdiriwang sa Pasko ng Muling Pagkabuhay Genesis 1, 1-2, 2 o kaya Genesis 1, 1. 26-31a Salmo 103, 1-2a. 5-6. 10 at

Read More »

Biyernes, Abril 18, 2025

 1,557 total views

 1,557 total views Biyernes Santo sa Pagpapakasakit ng Panginoon Isaias 52, 13-53, 12 Salmo 30, 2 at 6. 12-13. 15-16. 17 at 25 Ama, sa mga

Read More »

Huwebes, Abril 17, 2025

 1,847 total views

 1,847 total views Huwebes Santo sa Paghahapunan ng Panginoon Exodo 12, 1-8. 11-14 Salmo 115, 12-13. 15-16bk. 17-18 Sa kalis ng pagbabasbas si Kristo ang tinatanggap.

Read More »

Miyerkules, Abril 16, 2025

 2,120 total views

 2,120 total views Miyerkules Santo Isaias 50, 4-9a Salmo 68, 8-10. 21bkd-22. 31 at 33-34 Poon, ako’y iyong dinggin sa panahong ‘yong ibigin. Mateo 26, 14-25

Read More »

Martes, Abril 15, 2025

 2,514 total views

 2,514 total views Martes Santo Isaias 49, 1-6 Salmo 70, 1-2. 3-4a. 5-6ab. 15ab at 17 Patuloy kong isasaysay ang dulot mong kaligtasan. Juan 13, 21-33.

Read More »

Lunes, Abril 14, 2025

 2,544 total views

 2,544 total views Lunes Santo Isaias 42, 1-7 Salmo 26, 1. 2. 3. 13-14 Panginoo’y aking tanglaw, siya’y aking kaligtasan. Juan 12, 1-11 Monday of Holy

Read More »

Linggo, Abril 13, 2025

 2,770 total views

 2,770 total views Linggo ng Palaspas ng Pagpapakasakit ng Panginoon (K) Lucas 19, 28-40 Isaias 50, 4-7 Salmo 21, 8-9. 17-18a. 19-20. 23-24 D’yos ko! D’yos

Read More »

Sabado, Abril 12, 2025

 3,009 total views

 3,009 total views Sabado sa Ika-5 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Ezekiel 37, 21-28 Jeremias 31, 10. 11-12ab. 13 Pumapatnubay na Diyos ay Pastol na

Read More »

Biyernes, Abril 11, 2025

 3,540 total views

 3,540 total views Biyernes sa Ika-5 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Jeremias 20, 10-13 Salmo 17, 2-3a. 3bk-4. 5-6. 7 Sa kahirapa’y humibik, at ako’y

Read More »

Huwebes, Abril 10, 2025

 3,597 total views

 3,597 total views Huwebes sa Ika-5 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Genesis 17, 3-9 Salmo 104, 4-5. 6-7. 8-9 Nasa isip ng Maykapal ang tipan

Read More »

Miyerkules, Abril 9, 2025

 3,824 total views

 3,824 total views Miyerkules sa Ika-5 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Daniel 3, 14-20. 91-92. 95 Daniel 3, 52. 53. 54. 55. 56 Purihin at

Read More »

Martes, Abril 8, 2025

 3,975 total views

 3,975 total views Martes sa Ika-5 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Bilang 21, 4-9 Salmo 101, 2-3. 16-18. 19-21 Dinggin mo ang aking dasal, pagsamo

Read More »

Lunes, Abril 7, 2025

 4,348 total views

 4,348 total views Lunes sa Ika-5 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Daniel 13, 1-9. 15-17. 19-30. 33-62 o kaya Daniel 13, 41k-62 Salmo 22, 1-3a. 3b-4.

Read More »

Linggo, Abril 6, 2025

 4,301 total views

 4,301 total views Ikalimang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda (K) Isaias 43, 16-21 Salmo 125, 1-2ab. 2kd-3. 4-5. 6 Gawa ng D’yos ay dakila kaya

Read More »
Scroll to Top