SABADO, AGOSTO 3, 2024

SHARE THE TRUTH

 6,190 total views

Sabado ng Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado

Jeremias 26, 11-16. 24
Salmo 69, 15-16. 30-31. 33-34

Poon, ako’y iyong dinggin
sa panahong ‘yong ibigin.

Mateo 14, 1-12

Thursday of the Seventeenth Week in Ordinary Time (Green)

or Optional Memorial of the Blessed Virgin Mary on Saturday (White)

UNANG PAGBASA
Jeremias 26, 11-16. 24

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Jeremias

Noong mga araw na iyon, sinabi ng mga saserdote at mga propeta sa mga pinuno at sa buong bayan, “Dapat patayin ang taong ito pagkat nagpahayag siya laban sa lungsod gaya ng narinig ninyo.”

Sinabi naman ni Jeremias sa mga pinuno at mga taong naroon, “Sinugo ako ng Panginoon upang magpahayag laban sa Templong ito at laban sa lungsod, gaya ng narinig na ninyo. Kaya nga, magbago kayo ng inyong pamumuhay at mga gawain, at sundin ninyo ang utos ng Panginoon na inyong Diyos. Sa gayun, mahahabag ang Panginoon at hindi niya itutuloy ang parusang inilalaan sa inyo. Ako ay nasa ilalim ng kapangyarihan ninyo; maaari ninyong gawin ang anumang iniisip ninyong matuwid at makatarungan. Ngunit ito ang inyong tandaan: pag ako’y pinatay ninyo, pumatay kayo ng taong walang kasalanan; ito’y magiging sumpa sa inyo at sa lungsod na ito, pati sa lahat ng naninirahan dito, pagkat alam ninyong sinugo ako ng Panginoon upang sabihin sa inyo ang mga bagay na ito.”

Nang makapagsalita si Jeremias, sinabi ng mga pinuno at lahat ng tao sa mga saserdote at mga propeta, “Hindi dapat hatulan ng kamatayan ang taong ito sapagkat ipinahayag niya sa atin ang ipinasasabi ng Panginoon.”

Subalit si Jeremias ay binabantayan ni Ahicam, anak ni Safan, kaya’t hindi siya napatay ng mga tao.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 69, 15-16. 30-31. 33-34

Poon, ako’y iyong dinggin
sa panahong ‘yong ibigin.

Iligtas mo ako, ako ay sagipin,
sa putik na ito’t tubig na malalim;
sa mga kaaway, ako’y iligtas din.
H’wag mong tulutang ako ay maanod,
dalhin sa malalim at baka malunod;
hahantong sa libing ako pagkatapos.

Poon, ako’y iyong dinggin
sa panahong ‘yong ibigin.

Naghihirap ako’t mahapdi ang sugat,
O Diyos, itayo mo, ako ay iligtas.
Pupurihin ang Diyos, aking aawitan,
dadakilain ko’t pasasalamatan.

Poon, ako’y iyong dinggin
sa panahong ‘yong ibigin.

Kung makita ito niyong mga dukha,
sila ay sasamba sa laki ng tuwa.
Dinirinig ng Diyos ang may kailangan,
lingkod na bilanggo’y di nalilimutan.

Poon, ako’y iyong dinggin
sa panahong ‘yong ibigin.

ALELUYA
Mateo 5, 10

Aleluya! Aleluya!
Mapalad ang inuusig
sa gawang puspos ng bait,
pagkat may kakamting langit.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 14, 1-12

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayan kay San Mateo

Noong panahong iyon, nang makarating kay Herodes na tetrarka ang balita tungkol kay Hesus, sinabi niya sa kanyang mga lingkod, “Siya’y si Juan Bautista na muling nabuhay, kaya siya nakagagawa ng mga himala!”

Si Herodes ang nagpahuli, nagpagapos at nagpabilanggo kay Juan. Ang dahilan ay si Herodias na asawa ng kapatid niyang si Felipe. Laging sinasabi ni Juan kay Herodes, “Hindi matuwid na magsama kayo ng asawa ng inyong kapatid.” Ibig ni Herodes na ipapatay si Juan ngunit natatakot siya sa mga Judio, sapagkat kinikilala nilang propeta si Juan Bautista.

Nang dumating ang kaarawan ni Herodes, sumayaw sa harapan ng mga panauhin ang anak ni Herodias. Labis na nasiyahan si Herodes, kaya’t isinumpa niyang ibibigay sa dalaga ang anumang hingin nito. Sa udyok ng kanyang ina ay sinabi ng dalaga, “Ibigay po ninyo sa akin ngayon din, sa isang pinggan, ang ulo ni Juan Bautista.” Nalungkot ang hari, ngunit dahil sa kanyang pangakong narinig ng mga panauhin, iniutos niyang ibigay iyon sa dalaga. Kaya’t pinapugutan niya si Juan sa bilangguan. Inilagay ang ulo sa isang pinggan at ibinigay sa dalaga; dinala naman ito ng dalaga sa kanyang ina. Dumating ang mga alagad ni Juan, kinuha ang kanyang bangkay at inilibing. Pagkatapos, ibinalita nila ito kay Hesus.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon
Sabado

Natitipon tayo kay Kristo na nagwagi laban sa lahat ng kasamaan. Lakas-loob tayong lumapit sa Ama kasabay ng ating mga pananalangin.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Makapangyarihang Ama,
gawin Mo kaming mapagwagi sa iyong pamamaraan.

Ang Simbahan nawa’y mapanibago at magbigay saksi sa mga tamang pinahahalagahan sa buhay upang makatulong na maitindig ang mundong nasadlak sa pagkakasala, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nagdirigmang mga bansa nawa’y matutong mamuhay sa pagkakasundo at pagtutulungan para sa pagpapanumbalik ng kapayapaan sa daigdig, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang itaguyod nang buong puso ang katotohanan at labanan ang pagtago at pailalim na impluwensya ng kasamaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y tumanggap ng kasiyahan ng pag-ibig ng Diyos mula sa mga taong kumakalinga sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga tapat na yumao nawa’y makarating sa pangakong walang hanggang tahanan, manalangin tayo sa Panginoon.

Makapangyarihang Diyos at Ama, habang itinataas namin sa iyo ang aming mga panalangin, nagpapasalamat kami sa iyong Anak na siyang lumupig sa kasalanan at kamatayan; siya na nabubuhay at naghahari kasama mo at ng Espiritu Santo. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE 2025

 80,192 total views

 80,192 total views Mga Kapanalig, katatapos lang ng midterm national and local elections pero may pang isang halalan sa taóng ito. Isasagawa sa Disyembre ang Barangay

Read More »

Anong pinagtataguan mo?

 91,196 total views

 91,196 total views Mga Kapanalig, gaano kalayo ang kayang takbuhin ng isang tao para makaiwas sa pananagutan? Sa kaso ng dating tagapagsalita ni dating Pangulong Duterte

Read More »

To serve and protect

 99,001 total views

 99,001 total views Mga Kapanalig, para sa Catholic social teaching na Gaudium et Spes, ang mga awtoridad ay obligadong ipatupad ang batas alinsunod sa kung ano

Read More »

TOO MUCH GENERAL EDUCATION

 112,240 total views

 112,240 total views Quality education, kailan kaya natin ito makakamit Kapanalig? Taon-taon, nahaharap sa maraming problema ang sektor ng edukasyon sa bansa., kabilang dito ang hindi

Read More »

AUGUST CHAMBER

 123,744 total views

 123,744 total views The Filipino people have the right to know the truth! Noong 1916, itinatag ang tinaguriang AUGUST chamber o Senate of the Philippines. Nagsilbi

Read More »

Watch Live

RELATED READINGS

Linggo, Hunyo 15, 2025

 7,150 total views

 7,150 total views Dakilang Kapistahan ng Tatlong Persona sa Isang Diyos (K) Kawikaan 8, 22-31 Salmo 8, 4-5. 6-7. 8-9 Maningning ang iyong ngalan, Poon, sa

Read More »

Sabado, Hunyo 14, 2025

 3,519 total views

 3,519 total views Sabado ng Ika-10 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado 2 Corinto 5, 14-21 Salmo 102,

Read More »

Biyernes, Hunyo 13, 2025

 8,607 total views

 8,607 total views Paggunita kay San Antonio de Padua, pari at pantas ng Simbahan 2 Corinto 4, 7-15 Salmo 115, 10-11. 15-16. 17-18 Maghahandog ako sa

Read More »

Huwebes, Hunyo 12, 2025

 7,176 total views

 7,176 total views Kapistahan ng Panginoong Hesukristo, Walang Hanggang at Dakilang Pari (K) Isaias 6, 1-4. 8 Salmo 23, 2-3. 5. 6 Pastol ko’y Panginoong D’yos,

Read More »

Miyerkules, Hunyo 11, 2025

 7,375 total views

 7,375 total views Paggunita kay San Bernabe, apostol Mga Gawa 11, 21b-26; 13, 1-3 Salmo 97, 1. 2-3ab, 3kd-4, 5-6 Panginoong nagliligtas sa tanang bansa’y nahayag.

Read More »

LATEST NEWS

Scroll to Top