SABADO, DISYEMBRE 9, 2023

SHARE THE TRUTH

 4,872 total views

Sabado ng Unang Linggo sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon

o kaya Paggunita kay San Juan Diego

Isaias 30, 19-21. 23-26
Salmo 146, 1-2. 3-4. 5-6

Mapalad ang umaasa sa
Panginoon tuwina.

Mateo 9, 35 – 10, 1. 6-8

Saturday of the First Week of Advent (Violet)

or Optional Memorial of St. Juan Diego, Hermit (White)

UNANG PAGBASA
Isaias 30, 19-21. 23-26

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias

Ito ang sinasabi ng Panginoong Diyos na Banal ng Israel: Mga taga-Jerusalem, hindi na kayo tatangis nang matagal! Kayo’y diringgin niya sa inyong pagdaing. Kung ipahintulot man ng Panginoon na kayo’y magkasakit o magdanas ng hirap, siya na inyong guro, ay hindi magtatago sa inyo. Maririnig ninyo ang kanyang tinig at siya ang laging kalakbay ninyo upang ituro ang inyong daraanan.

Bibigyan niya kayo ng masaganang ulan para sa inyong mga tanim upang kayo’y mag-ani nang sagana. Ang inyong mga kawan ay makasusumpong ng malawak na pastulan. Ang mga pang-araro ninyong mga baka at asno ay mananagana sa pinakamainam na pagkain ng hayop. Mula sa matataas ninyong mga bundok at burol, dadaloy ang mga batis, pagdating ng panahon ng kakila-kilabot na pagpuksa at pagkawasak ng mga muog. Magliliwanag ang buwan na animo’y araw, at ang araw nama’y magliliwanag ng pitong ibayo, parang liwanag ng pitong araw na pinagsama-sama. Ito’y mangyayari sa araw na talian at pagalingin ng Panginoon ang sugat ng kanyang bayan.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 146, 1-2. 3-4. 5-6

Mapalad ang umaasa sa
Panginoon tuwina.

Purihin ang Panginoon!
O kay buti ng umawit at magpuri sa ating Diyos,
ang magpuri sa kanya’y tunay na nakalulugod.
Ang Lungsod ng Jerusalem, muli niyang ibabalik,
sa kanyang mga lingkod, na natapon at nalupig.

Mapalad ang umaasa sa
Panginoon tuwina.

Yaong mga pusong wasak ay kanya ring lulunasan,
ang natamo nilang sugat, agad-agad tatapalan.
Alam niya’t natitiyak ang bilang ng mga tala,
isa-isang tinatawag, yaong ngalang itinakda.

Mapalad ang umaasa sa
Panginoon tuwina.

Panginoong ating Diyos ay dakila at malakas,
ang taglay n’yang karunungan, ay walang makasusukat.
Yaong mapagpakumbaba’y siya niyang itataas,
ngunit yaong mapaghambog sa lupa ay ibabagsak.

Mapalad ang umaasa sa
Panginoon tuwina.

ALELUYA
Isaias 33, 22

Aleluya! Aleluya!
Panginoon, aming hukom,
Haring nag-uutos ngayon
kaligtasa’y ‘yong ihatol.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 9, 35 – 10, 1. 6-8

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, nilibot ni Hesus ang mga bayan at nayon at nagturo sa mga sinagoga. Ipinangaral niya ang Mabuting Balita tungkol sa paghahari ng Diyos, at pinagaling ang mga may sakit, anuman ang kanilang karamdaman. Nang makita niya ang napakaraming tao, nahabag siya sa kanila sapagkat sila’y lito at lupaypay, parang mga tupang walang pastol. Kaya’t sinabi niya sa kanyang mga alagad, “Sagana ang anihin, ngunit kakaunti ang mag-aani. Idalangin ninyo sa may-ari ng anihin na magpadala siya ng mga manggagawa sa kanyang anihin.”

Tinipon ni Hesus ang labindalawang alagad at binigyan ng kapangyarihang magpalayas ng masasamang espiritu at magpagaling ng mga may karamdaman. Sila’y pinagbilinan ni Hesus: “Hanapin ninyo ang mga nawawalang tupa ng sambahayan ng Israel. Humayo kayo at ipangaral ninyo na malapit nang maghari ang Diyos. Pagalingin ninyo ang mga maysakit at buhayin ang mga patay. Pagalingin ninyo ang mga ketongin at palayasin ang mga demonyo. Yamang tumanggap kayo nang walang bayad, magbigay naman kayo nang walang bayad.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Unang Linggo ng Adbiyento
Sabado

Inaanyayahan tayo ng ating Ama na maging mga tagapaglingkod para sa pagpapalaganap ng Mabuting Balita ng kaligtasan. Manalangin tayo para sa higit na pag-unawa sa kabuluhan ng ating misyon at ang kinakailangang katatagan upang matupad ito.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon ng pag-aani, pagpalain mo kami.

Ang Simbahang naglalakbay nawa’y higit na humikayat sa tao para sa ganap na pagbabago sa pamamagitan ng kanilang tapat na pagpapatotoo kay Kristo sa kanilang mga gawa at salita, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga misyonero sa mga lupaing banyaga nawa’y maging mabisang tagapaghatid ng Ebanghelyo ng kaligtasan sa pamamagitan ng kanilang pamumuhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga magulang nawa’y maipamana sa kanilang mga anak ang kanilang pananampalataya sa pamamagitan ng kabanalan ng kanilang pamumuhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit, mga matatanda, may mga kapansanan, mga nalulumbay, at mga sawi nawa’y makadama ng pag-ibig ni Kristo sa pamamagitan ng pagkalinga ng kanilang pamilya at mga kaibigan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y magtamasa ng walang hanggang kapayapaan sa piling ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, gabayan mo ang aming hindi matatag na paghakbang habang tinatahak namin ang iyong daan. Tulungan mo kami sa aming pagpupunyagi, patatagin mo ang aming loob kapag kami ay nag-aalinlangan, aliwin mo kami kapag kami ay nasasaktan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

DONATE NOW
Shadow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Sundan ang hakbang ng Negros Occidental

 28,002 total views

 28,002 total views Mga Kapanalig, pinuri ng tatlong obispo mula sa Negros Occidental na sina Bishop Patricio Buzon ng Bacolod, Bishop Louie Galbines ng Kabankalan, at Bishop Gerardo Alminaza ng San Carlos ang pamahalaang panlalawigan dahil sa inilunsad nitong programa na tinatawag na “SecuRE Negros: Ensuring Power Security with Renewable Energy.” Layunin ng programang magkaroon ang

Read More »

Pwedeng taumbayan naman?

 41,837 total views

 41,837 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang buwan ay pinag-usapan natin sa isang editoryal ang isinasagawang people’s initiative para sa Charter change (o Cha-cha). Sinimulan ito dahil sa hindi pagsuporta ng Senado na amyendahan ang Konstitusyon.  Itinutulak ng people’s initiative ang pagsasama ng mga senador at kongresista sa pagboto sa mga panukalang pagbabago sa Konstitusyon, imbis

Read More »

Ilang buhay pa ang kailangang masawi?

 77,062 total views

 77,062 total views Mga Kapanalig, sa isang nakaraang editoryal tungkol sa landslide sa Davao de Oro na kumitil ng labing-isang buhay, tinanong natin: “Ilang insidente pa ng pagguho ng lupa at ilang buhay pa ang kailangang mawala bago natin tuluyang iwan ang pagmimina?”  Sa kasamaang-palad, agad itong nasundan ng isa na namang nakapanlulumong insidente ng landslide

Read More »

Proteksyon para sa mga gig workers

 122,937 total views

 122,937 total views Sa kasalukuyan, ang mga gig workers o manggagawa sa gig economy sa Pilipinas ay patuloy na dumarami. Ang mga gig workers ay mga irregular na empleyado at nagtatrabaho sa pamamagitan ng mga platforms tulad ng food delivery services, ride-hailing apps, online freelancing, at iba pa. Ang laki ng kanilang kontribusyon sa ekonomiya, pero

Read More »

Online work at kababaihan

 123,973 total views

 123,973 total views Ang laking bentahe ng online work dito sa ating bansa, lalo na para sa mga kababaihan. Nagbubukas ito ng oportunidad at mga bagong posibilidad. Sa pamamagitan ng online work, mas napapadali ang pag-access nila sa trabaho nang hindi na kailangang lumabas ng bahay. Ito ay isang magandang pagkakataon para sa mga kababaihan na

Read More »

Watch Live

Related Story

LINGGO, PEBRERO 25, 2024

 372 total views

 372 total views Ikalawang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Para sa Pasko ng Pagkabuhay (B) Genesis 22, 1-2. 9a. 10-13. 15-18 Salmo 115, 10 at 15. 16-17. 18-19 Sa piling ng Poong mahal ako’y laging namumuhay. Roma 8, 31b-34 Marcos 9, 2-10 Second Sunday of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Genesis 22, 1-2. 9a. 10-13. 15-18 Pagbasa

Read More »

SABADO, PEBRERO 24, 2024

 1,249 total views

 1,249 total views Sabado sa Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Deuteronomio 26, 16-19 Salmo 118, 1-2. 4-5. 7-8 Mapalad ang sumusunod sa utos ng Poong Diyos. Mateo 5, 43-48 Saturday of the First Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Deuteronomio 26, 16-19 Pagbasa mula sa aklat ng Deuteronomio Sinabi ni Moises sa mga tao: “Ngayon

Read More »

BIYERNES, PEBRERO 23, 2024

 2,200 total views

 2,200 total views Biyernes sa Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Ezekiel 18, 21-28 Salmo 129, 1-2. 3-4ab. 4k-6. 7-8 Hiling nami’y ‘yong limutin tanang kasalanan namin. Mateo 5, 20-26 Friday of the First Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Ezekiel 18, 21-28 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Ezekiel Sinasabi ng Panginoon: “Kung ang isang

Read More »

HUWEBES, PEBRERO 22, 2024

 2,541 total views

 2,541 total views Kapistahan ng Luklukan ni Apostol San Pedro 1 Pedro 5, 1-4 Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5. 6 Pastol ko’y Panginoong D’yos, hindi ako magdarahop. Mateo 16, 13-19 Feast of Chair of St. Peter the Apostle (White) UNANG PAGBASA 1 Pedro 5, 1-4 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pedro Mga pinakamamahal, sa

Read More »

MIYERKULES, PEBRERO 21, 2024

 2,536 total views

 2,536 total views Miyerkules sa Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Jonas 3, 1-10 Salmo 50, 3-4. 12-13. 18-19 D’yos ko, iyong tinatanggap pakumbaba’t pusong tapat. Lucas 11, 29-32 Wednesday of the First Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Jonas 3, 1-10 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Jonas Sinabi uli ng Panginoon kay Jonas: “Pumunta

Read More »

MARTES, PEBRERO 20, 2024

 2,302 total views

 2,302 total views Martes sa Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Isaias 55, 10-11 Salmo 33, 4-5. 6-7. 16-17. 18-19 Mat’wid ay tinutulungan sa lahat ng kagipitan. Mateo 6, 7-15 Tuesday of the First Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Isaias 55, 10-11 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias Sinasabi ng Panginoon: “Ang ulan at

Read More »

LUNES, PEBRERO 19, 2024

 1,726 total views

 1,726 total views Lunes sa Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Levitico 19, 1-2. 11-18 Salmo 18. 8. 9. 10. 15 Espiritung bumubuhay ang salita ng Maykapal. Mateo 25, 31-46 Monday of the First Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Levitico 19, 1-2. 11-18 Pagbasa mula sa aklat ng Levitico Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Sabihin

Read More »

LINGGO, PEBRERO 18, 2024

 1,126 total views

 1,126 total views Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Para sa Pasko ng Pagkabuhay (B) Genesis 9, 8-15 Salmo 24, 4bk-5ab. 6-7bk. 8-9 Poon, iyong minamahal ang tapat sa iyong tipan. 1 Pedro 3, 18-22 Marcos 1, 12-15 First Sunday of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Genesis 9, 8-15 Pagbasa mula sa aklat ng Genesis Ito ang

Read More »

SABADO, PEBRERO 17, 2024

 912 total views

 912 total views Sabado kasunod ng Miyerkules ng Abo Isaias 58, 9b-14 Salmo 85, 1-2. 3-4. 5-6 Ituro mo ang ‘yong loob nang matapat kong masunod. Lucas 5, 27-32 Saturday after Ash Wednesday (Violet) UNANG PAGBASA Isaias 58, 9b-14 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias Sinasabi ng Panginoon: “Kung titigilan ninyo ang pang-aalipin at pagsuway sa

Read More »

BIYERNES, PEBRERO 16, 2024

 900 total views

 900 total views Biyernes kasunod ng Miyerkules ng Abo Isaias 58, 1-9a Salmo 50, 3-4. 5-6a. 18-19 D’yos ko, iyong tinatanggap pakumbaba’t pusong tapat. Mateo 9, 14-15 Friday after Ash Wednesday (Violet) UNANG PAGBASA Isaias 58, 1-9a Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias Ito ang sinasabi ng Panginoon: “Ikaw ay sumigaw nang ubos-lakas, ang sala ng

Read More »

HUWEBES, PEBRERO 15, 2024

 7,672 total views

 7,672 total views Huwebes kasunod ng Miyerkules ng Abo Deuteronomio 30, 15-20 Salmo 1, 1-2. 3. 4 at 6 Mapalad ang umaasa sa Panginoon tuwina. Lucas 9, 22-25 Thursday after Ash Wednesday (Violet) UNANG PAGBASA Deuteronomio 30, 15-20 Pagbasa mula sa aklat ng Deuteronomio Sinabi ni Moises sa mga tao, “Nasa inyo ngayon ang kapasyahan. Kayo ang

Read More »

MIYERKULES, PEBRERO 14, 2024

 8,176 total views

 8,176 total views Miyerkules ng Abo Joel 2, 12-18 Salmo 50, 3-4, 5-6a. 12-13. 14 at 17 Poon, iyong kaawaan kaming sa ‘yo’y nagsisuway. 2 Corinto 5, 20 – 6, 2 Mateo 6, 1-6. 16-18 Ash Wednesday (Violet) UNANG PAGBASA Joel 2, 12-18 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Joel Sinasabi ngayon ng Panginoon: “Mataimtim kayong magsisi

Read More »

MARTES, PEBRERO 13, 2024

 9,455 total views

 9,455 total views Martes ng Ika-6 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Santiago 1, 12-18 Salmo 93, 12-13a. 14-15. 18-19 Mapalad ang tumatanggap ng aral ng Poong tapat. Marcos 8, 14-21 Tuesday of the Sixth Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Santiago 1, 12-18 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol Santiago Mapalad ang taong nananatiling tapat,

Read More »

LUNES, PEBRERO 12, 2024

 10,262 total views

 10,262 total views Lunes ng Ika-6 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Santiago 1, 1-11 Salmo 118, 67. 68. 71. 72. 75. 76 Poon, ako’y kahabagan upang mabuhay kailanman. Marcos 8, 11-13 Monday of the Sixth Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Santiago 1, 1-11 Ang simula ng sulat ni Apostol Santiago Mula kay Santiago, alipin

Read More »

LINGGO, PEBRERO 11, 2024

 11,350 total views

 11,350 total views Ikaanim na Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Levitico 13, 1-2. 44-46 Salmo 31, 1-2. 5. 11 Sa ‘yong tulong at pagtubos ako’y binigyan mong lugod. 1 Corinto 10, 31 – 11, 1 Marcos 1, 40-45 Sixth Sunday in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Levitico 13, 1-2. 44-46 Pagbasa mula sa aklat ng Levitico Sinabi

Read More »
Scroll to Top