Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

SABADO, HULYO 15, 2023

SHARE THE TRUTH

 2,809 total views

Paggunita kay San Buenaventura, obispo at pantas ng Simbahan

Genesis 49, 29-32; 50, 15-26a
Salmo 104, 1-2. 3-4. 6-7

Ang D’yos ang s’yang tumutulong
sa tanang napaaampon.

Mateo 10, 24-33

Memorial of St. Bonaventure, Bishop and Doctor of the Church (White)

Mga Pagbasa mula sa
Sabado ng Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

UNANG PAGBASA
Genesis 49, 29-32; 50, 15-26a

Pagbasa mula sa aklat ng Genesis

Noong mga araw na iyon, sinabi ni Jacob sa kanyang mga anak, “Ngayo’y papanaw na ako upang mapisan sa mga kasamang namayapa na. Doon ninyo ako ililibing sa pinaglibingan sa aking mga magulang, sa yungib sa tapat ng bukid ni Efrong Heteo. Ang libingang iyo’y nasa silangan ng Mamre, sa may Canaan. Binili iyon ni Abraham at doon siya inilibing pati ang kanyang asawang si Sara. Doon din inilibing ang mag-asawang Isaac at Rebecca, at doon ko rin inilibing si Lea. Ang bukid at yungib na iyo’y binili nga sa mga Heteo.” Matapos masabi ang lahat ng ito, siya ay nalagutan ng hininga.

Mula nang mamatay ang kanilang ama, nag-alala na ang mga kapatid ni Jose. Sabi nila, “Paano kung galit pa sa atin si Jose at gantihan tayo sa kalupitang ginawa natin sa kanya?” Nagpasugo sila kay Jose at ipinasabi ang ganito: “Bago namatay ang ating ama, ipinagbilin niya na sabihin ito sa iyo: ‘Nakikiusap ako na patawarin mo na ang iyong mga kapatid sa ginawa nila sa iyo.’ Kaya naman ngayon, namamanhik kami sa iyo na patawarin mo na kaming alang-alang sa Diyos ng ating ama.” Napaiyak si Jose nang marinig ito.

Lumapit na lahat ang kanyang mga kapatid at yumuko sa harapan niya. “Kami’y mga alipin mo,” wika nila.

Ngunit sinabi ni Jose, “Huwag kayong matakot, hindi ko kayo paghihigantihan! Masama nga ang inyong ginawa sa akin, subalit ipinahintulot iyon ng Diyos para sa kabutihan, at dahil doo’y naligtas ang marami. Kaya, huwag na kayong mag-alala. Ako ang bahala sa inyo at sa inyong mga anak.” Pagkarinig nito, napanatag ang kanilang kalooban.

Nanatili nga si Jose sa Egipto kasama ang kanyang mga kapatid. Umabot siya sa sandaa’t sampung taon bago namatay. Inabot pa siya ng mga apo ni Efraim, gayun din ng mga apo niya kay Maquir na anak ni Manases. Ang mga ito’y kinalong pa niya nang isilang. Sinabi niya sa kanyang mga kapatid, “Malapit na akong mamatay, ngunit huwag kayong mag-alala. Iingatan kayo ng Diyos at ibabalik sa lupaing ipinangako niya kina Abraham, Isaac at Jacob.” Pagkatapos, ipinagbilin niya sa mga anak ni Israel ang gagawin sa kanyang bangkay. Wika niya, “Isumpa ninyo sa akin na pag kayo’y nilingap na ng Diyos at inialis sa lupaing ito, dadalhin ninyo ang aking mga buto.” Namatay nga si Jose sa gulang na sandaa’t sampung taon.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 104, 1-2. 3-4. 6-7

Ang D’yos ang s’yang tumutulong
sa tanang napaaampon.

Dapat na ang Diyos, itong Panginoon, ay pasalamatan,
ang kanyang ginawa sa lahat ng bansa’y dapat ipaalam.
Siya ay purihin, suubin ng awit, ating papurihan,
ang kahanga-hangang mga gawa niya’y dapat na isaysay.

Ang D’yos ang s’yang tumutulong
sa tanang napaaampon.

Tayo ay magalak yamang lahat tayo ay tunay na kanya,
ang kanyang pangalan, ang pangalang banal, napakadakila,
lahat ng may nais maglingkod sa Poon, dapat na magsaya.
Siya ay hanapin, at ang kanyang lakas ay siyang asahan,
siya ay hanapin upang mamalagi sa kanyang harapan.

Ang D’yos ang s’yang tumutulong
sa tanang napaaampon.

Ito’y nasaksihan ng mga alipi’t anak ni Abraham,
gayun din ang lahat na anak ni Jacob na kanyang hinirang.
Ang Panginoong Diyos ay ang Panginoon, siya ang ating Diyos,
sa kanyang paghatol ay ang nasasaklaw, buong sansinukob.

Ang D’yos ang s’yang tumutulong
sa tanang napaaampon.

ALELUYA
1 Pedro 4, 14

Aleluya! Aleluya!
Hirap kaisa ni Kristo
ay kapalarang totoo,
kaloob ng Espiritu.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 10, 24-33

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga apostol, “Walang alagad na higit kaysa kanyang guro, at walang aliping higit sa kanyang panginoon. Masiyahan ang alagad na matulad sa kanyang guro, at ang alipin na matulad sa kanyang panginoon. Kung ang puno ng sambahayan ay tinawag nilang Beelzebul, lalo na nilang aalimurahin ang kanyang mga kasambahay!

“Kaya huwag kayong matakot sa kanila. Walang natatago na di malalantad o nalilihim na di mabubunyag. Ang sinasabi ko sa inyo sa dilim, ulitin ninyo sa liwanag; at ang ibinulong sa inyo ay inyong ipagsigawan. Huwag ninyong katakutan ang pumapatay ng katawan ngunit hindi nakapapatay ng kaluluwa. Sa halip, ang katakutan ninyo’y ang nakapapatay ng kaluluwa at katawan sa impiyerno. Hindi ba ipinagbibili ang maya nang dalawa isang pera? Gayunman, kahit isa sa kanila’y hindi nahuhulog sa lupa kung hindi kalooban ng inyong Ama. Maging ang buhok ninyo’y bilang na lahat. Kaya, huwag kayong matakot; higit kayong mahalaga kaysa libu-libong maya.

“Ang sinumang kumilala sa akin sa harapan ng mga tao ay kikilanlin ko rin naman sa harapan ng aking Amang nasa langit. Ngunit ang magtatwa sa akin sa harapan ng mga tao ay itatatwa ko rin naman sa harapan ng aking Amang nasa langit.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon
Sabado

Natitipon bilang isang komunidad na nagdiriwang ng misteryo ng ating kaligtasan at mulat ang ating kaisipan sa kanyang pag-ibig sa bawat isa sa atin, dumulog tayo sa pananalangin sa Diyos, ang ating walang hanggang Ama.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, ipagsanggalang Mo ang aming kaluluwa at katawan.

Ang Santo Papa, mga obispo, at mga tinawag nawa’y maging gabay ng Bayan ng Diyos upang umakay sa sangkatauhan sa kaalaman at pananampalataya kay Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y mabigyan ng biyaya na harapin ang mahihirap na pagsubok nang may katapangan, nalalaman na panig sa atin ang Panginoon na nagbibigay sa atin ng lakas, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga kabataan nawa’y magnilay sa tawag ng pagiging pari o relihiyoso at relihiyosa upang mapaglabanan nila ang pagdududa, takot, at kalituhan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at may kapansanan nawa’y makadama ng kagalingan at kasiyahan na tanging si Kristo lamang ang makapagbibigay, manalangin tayo sa Panginoon.

Yaong mga namayapa nawa’y umani ng pabuya sa kanilang mabuting mga gawain sa walang hanggang Kaharian ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Makalangit na Ama, ipinauubaya namin sa iyo ang aming mga mithiin. Bigyan mo kami ng lakas na makasunod sa iyo sa gitna ng mga pagsubok at paghihirap. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 10,504 total views

 10,504 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 26,593 total views

 26,593 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 64,350 total views

 64,350 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 75,301 total views

 75,301 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Linggo, Hulyo 13, 2025

 621 total views

 621 total views Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (K) Deuteronomio 30, 10-14 Salmo 68, 14 at 17. 30-31. 33-34. 36ab at 37 Dumulog tayo sa Diyos

Read More »

Sabado, Hulyo 12, 2025

 1,253 total views

 1,253 total views Sabado ng Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Genesis 49, 29-32; 50, 15-26a

Read More »

Biyernes, Hulyo 11, 2025

 1,880 total views

 1,880 total views Paggunita kay San Benito, abad Genesis 46, 1-7. 28-30 Salmo 36, 3-4. 18-19. 27-28. 39-40 Nasa D’yos ang kaligtasan ng mga mat’wid at

Read More »

Huwebes, Hulyo 10, 2025

 2,437 total views

 2,437 total views Huwebes ng Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon (I) Genesis 44, 18-21. 23b-29; 45, 1-5 Salmo 104, 16-17. 18-19. 20-21 Gunitain nang malugod

Read More »

Miyerkules, Hulyo 9, 2025

 2,774 total views

 2,774 total views Miyerkules ng Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita kay San Agustin Zhao Rong, pari at martir, at mga Kasama, mga

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top