Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Sabado, Hulyo 5, 2025

SHARE THE TRUTH

 2,931 total views

Sabado ng Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

o kaya Paggunita kay San Antonio Maria Zacarria, Pari
o kaya Paggunita kay sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado

Genesis 27, 1-5. 15-29
Salmo 134, 1-2. 3-4. 5-6

Bigyan ang D’yos ng papuri
pagkat siya ay mabuti.

Mateo 9, 14-17

Saturday of the Thirteenth Week in Ordinary Time (Green)
or Optional Memorial of the Blessed Virgin Mary on Saturday (White)

UNANG PAGBASA
Genesis 27, 1-5. 15-29

Pagbasa mula sa aklat ng Genesis

Si Isaac ay matanda na at halos di na makakita. Kaya ipinatawag niya si Esau, ang anak niyang panganay. Sianbi niya rito: “Anak, matanda na ako at malapit nang mamatay. Mabuti pa’y lumabas ka at mangaso. Ihuli mo ako ng usa at lutin ang putahing gusto ko. Pagkakain ko’y igagawad ko sa iyo ang aking basbas bago ako mamatay.”

Nakikinig pala si Rebecca samantalang kinakausap ni Isaac si Esau.

Binihisan ni Rebecca si Jacob ng pinakamagarang damit ni Esau na iniingatan niya. Ang mga braso at leeg ni Jacob na walang balahibo’y binalutan niya ng balat ng kambing. Pagkatapos, ipinadala sa anak ang putahe na may kasama pang tinapay na niluto rin niya.

Lumapit si Jacob kay Isaac. “Ama!” wika niya.

“Sino ka ba?” tanong nito.

“Ako po’y si Esau,” sagot ni Jacob. “Nagawa ko na po ang inyong iniuutos sa akin. Narito na po ang gusto ninyong pagkain; bumangon na kayo at kanin na ninyo ito nang ako’y mabasbasan pagkatapos.”

“Kadali mo naman! Saan ka nakahuli nito? tanong ni Isaac.

“Tinulungan po ako ng Panginoon na inyong Diyos,” sagot ni Jacob.

Nagtanong muli si Isaac, “Ikaw ba’y talagang si Esau? Lumapit ka nga rito nang malaman ko kung ikaw nga.” Lumapit naman si Jacob at siya’y hinipo ng ama. “Kay Jacob ang tinig ngunit ang bisig ay parang kay Esau!” pabulong na wika ni Isaac. Hindi niya nakilala si Jacob, sapagkat ang mga bisig nito’y mabalahibo ring tulad ng kay Esau. Babasbasan na sana ni Isaac si Jacob, ngunit muli pang nagtanong,

“Ikaw nga ba si Esau?”

“Ako nga po,” tugon ni Jacob.

Kaya’t sinabi ni Isaac, “Kung gayun, akin na nag pagkain at pagkakain ko’y babasbasan kita.” Inabot ni Jacob ang pagkain at binigyan pa niya ng alak. “Halika anak, at hagkan mo ako,” sabi ng ama. Niyakap ni Jacob ang ama at naamoy nito ang kanyang kasuutan, kaya’t siya’y binasbasan:

“Ang masamyong halimuyak ng anak ko ang katulad
ay samyo ng kabukirang ang Panginoon ang nagbasbas;
bigyan nawa ikaw ng Diyos ng hamog buhat sa itaas,
nang tumaba ang lupa mo’t ikaw nama’y makaranas
ng saganang pag-aani at alak na masasarap.
Bayaan ang mga bansa’y paalipin at gumalang,
kilanlin kang panginoon ng lahat mong mga angkan,
gumalang din ang lipi mo sa panig ng iyong inang
sila nawang sumusumpa sa iyo ay sumpain,
ngunit yaong nagpapala sa iyo ay pagpalain.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 134, 1-2. 3-4. 5-6

Bigyan ang D’yos ng papuri
pagkat siya ay mabuti.

Ngalan niya ay purihin noong kanyang mga lingkod,
ng lahat ng lingkod niyang sa templo ay pumapasok,
upang doon manambahan sa banal na bahay ng Diyos.

Bigyan ang D’yos ng papuri
pagkat siya ay mabuti.

Ang Poon ay papurihan pagkat siya ay mabuti,
ang taglay n’yang kabaitan ay marapat sa papuri.
Siya rin nga ang humirang kay Jacob na kanyang lingkod,
ang Israel nama’y bansang hinirang n’ya at kinupkop.

Bigyan ang D’yos ng papuri
pagkat siya ay mabuti.

Aking batid na ang Poon ay ang Diyos na dakila,
higit siya sa alinmang diyus-diyusang naglipana;
ang anumang hangad niya sa langit man o sa lupa,
at kahit sa karagatan, kung anumang kanyang nasa,
ginaganap niya ito, sa sariling pagkukusa.

Bigyan ang D’yos ng papuri
pagkat siya ay mabuti.

ALELUYA
Juan 10, 27

Aleluya! Aleluya!
Ang tinig ko’y pakikinggan
ng kabilang sa ‘king kawan,
ako’y kanilang susundan.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 9, 14-17

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, lumapit kay Hesus ang mga alagad ni Juan Bautista at ang wika, “Malimit kaming mag-ayuno, gayun din ang mga Pariseo. Bakit po hindi nag-aayuno ang inyong mga alagad?” Sumagot siya, “Maaari bang magdalamhati ang mga panauhin sa kasalan habang kasama nila ang lalaking ikinasal? Kapag wala na siya, saka pa lamang sila mag-aayuno.

“Walang nagtatagpi ng bagong kayo sa isang lumang kasuutan; sapagkat mababatak nito ang tinagpian, at lalong lalaki ang punit. Wala ring nagsisilid ng bagong alak sa lumang sisidlang-balat. Kapag gayon ang ginawa, puputok ang balat, matatapon ang alak, at mawawasak ang sisidlan. Sa halip ay isinisilid ang bagong alak sa bagong sisidlang-balat, at sa gayo’y kapwa nagtatagal.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon
Sabado

Manalangin tayo sa ating Diyos Ama upang mailapit niya tayo sa kahalagahan ng Ebanghelyo at mapanibago ang Simbahan at ang sandaigdigan.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon ng hapag, basbasan Mo kami.

Ang Simbahan, ang sambayanan ng Diyos, at ang mga pinuno nito nawa’y makasunod sa bulong ng Espiritu Santo na ipahayag sa mga tao ng makabagong panahon ang walang kupas na lengguwahe ng Ebanghelyo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating puso nawa’y buksan natin sa makapangyarihang pagliligtas ng Diyos kay Kristo na higit na mas mahalaga kaysa sa pagsasagawa ng mga sinaunang relihiyosong gawain, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang mapagtanto na laging mangyayari ang himala ng pagbabago sa mga nagnanais na makamit ito sa tulong ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa mga maysakit, tayo nawa’y maging mga daan ng kalinga ng Diyos sa ating pagpapadama sa kanila ng pag-ibig at malasakit, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y tumanggap ng walang hanggang kapahingahan sa piling ni Kristong Muling Nabuhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, pakinggan mo ang aming mga panalangin at turuan mo kami ng pamamaraan upang mamuhay bilang iyong bagong bayan na pinalaya sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PORK BARREL

 79,577 total views

 79,577 total views Kapanalig, bakit katakam-takam ang Pork barrel funds? Bakit nababaliw ang mga mambabatas sa pork barrel? Noong 2013, idineklara ng Korte Suprema na unconstitutional

Read More »

THE CONDUCTOR

 92,117 total views

 92,117 total views Kapanalig, sinasabi ng Cambridge dictionary na ang “CONDUCTOR” ay “Person who directs the performance of musicians or a piece of music especially by

Read More »

Sakramento ng kasal

 114,499 total views

 114,499 total views Mga Kapanalig, paunti raw nang paunti ang mga nagpapakasal sa ating bansa. Iniulat ito noong isang linggo ng Philippine Statistics Authority (o PSA).

Read More »

Aktibismo, red tagging, at ang kalikasan

 133,852 total views

 133,852 total views Mga Kapanalig, hindi lamang ang mga aktibista ang napapahamak sa red-tagging o ang pag-uugnay sa kanila sa mga itinuturing na kalaban ng estado.

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Martes, Setyembre 30, 2025

 45,911 total views

 45,911 total views Paggunita kay San Jeronimo, pari at pantas ng Simbahan Zacarias 8, 20-23 Salmo 86, 1-3. 4-5. 6-7 Ang ating Panginoong D’yos ay kapiling

Read More »

Lunes, Setyembre 29, 2025

 46,142 total views

 46,142 total views Kapistahan nina Arkanghel San Miguel, San Gabriel at San Rafael Daniel 7, 9-10. 13-14 o kaya Pahayag 12, 7-12a Salmo 137, 1-2a, 2bk-3, 4-5

Read More »

Linggo, Setyembre 28, 2025

 46,652 total views

 46,652 total views Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (K) Amos 6, 1a. 4-7 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin.

Read More »

Sabado, Setyembre 27, 2025

 33,943 total views

 33,943 total views Paggunita kay San Vicente de Paul, pari Zacarias 2, 5-9. 14-15a Jeremias 31, 10. 11-12ab. 13 Pumapatnubay na Diyos ay Pastol na kumukupkop.

Read More »

Biyernes, Setyembre 26, 2025

 34,052 total views

 34,052 total views Biyernes ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita kay San Cosme at San Damian, mga martir Ageo 1, 15b – 2,

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top