SABADO, MARSO 9, 2024

SHARE THE TRUTH

 11,644 total views

Sabado sa Ika-3 Linggo
ng Apatnapung Araw na Paghahanda

Oseas 6, 1-6
Salmo 50, 3-4. 18-19. 20-21ab

Katapatan ang naisin
kalakip ng paghahain.

Lucas 18, 9-14

Saturday of the Third Week of Lent (Violet)

UNANG PAGBASA
Oseas 6, 1-6

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Oseas

Halikayo at tayo’y manumbalik sa Panginoon pagkat ang nanakit ay siya ring magpapagaling. Siya ang nanugat, kaya siya rin ang gagamot. Sa loob ng dalawang araw ay mapalalakas niya tayo uli. At sa ikatlong araw, tayo’y kanyang ibabangon, upang mamuhay sa kanyang pagtangkilik. Halikayo, sikapin nating makilala ang Panginoon; tiyak na tutugunin tayo sa ating panawagan. Sintiyak ng pagdating ng bukang-liwayway, darating siyang walang pagsala, tulad ng patak ng ulan na dumidilig sa kaparangan.

Ano ang gagawin ko sa iyo, Efraim? Ano ang gagawin ko sa iyo, Juda? Ang pag-ibig ninyo sa akin ay tulad ng ulap sa umaga, gaya ng hamog na dagling napapawi. Kaya nga, ipahahampas ko kayo sa aking mga propeta, lilipulin ko kayo sa pamamagitan ng aking mga salita, at simbilis ng kidlat ang pagkatupad ng aking hatol. Sapagkat katapatan ang nais ko at hindi hain, at pagkakilala sa Diyos sa halip ng handog na susunugin.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 50, 3-4. 18-19. 20-21ab

Katapatan ang naisin
kalakip ng paghahain.

Ako’y kaawaan, O mahal kong Diyos,
sang-ayon sa iyong kagandahang-loob
mga kasalanan ko’y iyong pawiin,
ayon din sa iyong pag-ibig sa akin!
Linisin mo sana ang aking karumhan
at ipatawad mo yaring kasalanan!

Katapatan ang naisin
kalakip ng paghahain.

Hindi mo na nais ang mga panghandog;
sa haing sinunog di ka nalulugod.
Ang handog ko, O Diyos, na karapat-dapat
ay ang pakumbaba’t pusong mapagtapat.

Katapatan ang naisin
kalakip ng paghahain.

Iyong kahabagan, O Diyos, ang Sion;
yaong Jerusalem ay muling ibangon.
At kung magkagayon, ang handog na haing
dala sa dambana, torong susunugin,
malugod na ito’y iyong tatanggapin.

Katapatan ang naisin
kalakip ng paghahain.

AWIT-PAMBUNGAD SA MABUTING BALITA
Salmo 94, 8ab

Kapag ngayo’y napakinggan
ang tinig ng Poong mahal,
huwag na ninyong hadlangan
ang pagsasakatuparan
ng mithi n’ya’t kalooban.

MABUTING BALITA
Lucas 18, 9-14

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus ang talinghagang ito sa mga taong ang tingin sa sarili’y matuwid at humahamak naman sa iba. “May dalawang lalaking pumanhik sa templo upang manalangin: ang isa’y Pariseo at ang isa nama’y publikano. Tumindig ang Pariseo at pabulong na nanalangin ng ganito: ‘O Diyos, nagpapasalamat ako sa iyo pagkat hindi ako katulad ng iba – mga magnanakaw, mga magdaraya, mga mangangalunya – o kaya’y katulad ng publikanong ito. Makalawa akong nag-aayuno sa loob ng sanlinggo; nagbibigay ako ng ikapu ng lahat kong kinikita.’ Samantala, ang publikano’y nakatayo sa malayo, hindi man lamang makatingin sa langit, kundi dinadagukan ang kanyang dibdib, at sinasabi: ‘O Diyos, mahabag po kayo sa akin na isang makasalanan!’ Sinasabi ko sa inyo: ang lalaking ito’y umuwing kinalulugdan ng Diyos, ngunit hindi ang isa. Sapagkat ang sinumang nagpapakataas ay ibababa, at ang nagpapakababa ay itataas.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikatlong Linggo ng Kuwaresma
Sabado

Taglay ang mga pusong nagsisisi at nagpapakumbaba, humaharap tayo ngayon sa Diyos. Tumugon tayo ng tapat at nagpapakaabang panalangin sa mga kahilingang ito.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Padaluyin Mo sa amin ang iyong habag, O Panginoon.

Ang Simbahan nawa’y maging isang tiyak na kanlungan para sa mga makasalanan at mga itinatakwil ng lipunan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga naglilingkod sa bayan nawa’y magbigay ng higit na malasakit sa mga kababaihan, mga bata, mga ulila, mga matatanda, at mga walang tahanan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga mananampalataya nawa’y magkaroon ng higit na malalim na pananalangin at pagsisisi lalo na sa panahong ito ng Kuwaresma, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y maranasan ang nakapagpapagaling na kapangyarihan ni Kristo upang mabigyan sila ng pag-asa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y magtamasa ng liwanag, kaligayahan, at kapayapaan sa Langit, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama, tinutunghayan mo ang aming mga puso at nakikita mo ang aming mga pangangailangan. Ipagkaloob mo, dahil sa iyong habag, ang hinihiling namin sa aming panalangin sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malaya pero bihag pa rin

 59,030 total views

 59,030 total views Mga Kapanalig, sa dalawang araw, ipagdiriwang natin ang Araw ng Kalayaan. Ngunit taun-taon nating tinatanong: tunay nga ba tayong malaya? Para masagot ito,

Read More »

Mga bisyong tayo rin ang may gawa

 72,607 total views

 72,607 total views Mga Kapanalig, nanawagan kamakailan ang grupong TobaccoOFF Now! na tuluyan nang ipagbawal ang mga vapes at e-cigarettes. Ang TobaccoOFF Now! ay binubuo ng

Read More »

Papalayô sa tunay na demokrasya

 101,171 total views

 101,171 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 149,439 total views

 149,439 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 140,747 total views

 140,747 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Sabado, Hunyo 13, 2026

 1,376 total views

 1,376 total views Paggunita sa Kalinis-linisang Puso ng Birheng Maria Mga Panaghoy 2, 2. 10-14. 18-19 Salmo 73, 1 – 2. 3-5a. 5b-7. 20-21 Iyong laging

Read More »

Biyernes, Hunyo 12, 2026

 4,342 total views

 4,342 total views Dakilang Kapistahan ng Kamahal-mahalang Puso ni Hesus (A) Deuteronomio 7, 6-11 Salmo 102, 1-2. 3-4. 6-7. 8 at 10 Pag-ibig mo’y walang hanggan

Read More »

Huwebes, Hunyo 11, 2026

 5,410 total views

 5,410 total views Paggunita kay San Bernabe, apostol Mga Gawa 11, 21b-26; 13, 1-3 Salmo 97, 1. 2-3ab, 3kd-4, 5-6 Panginoong nagliligtas sa tanang bansa’y nahayag.

Read More »

Miyerkules, Hunyo 10, 2026

 4,693 total views

 4,693 total views Miyerkules ng Ika-10 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Hari 18, 20-39 Salmo 15, 1-2a. 4. 5 at 8. 11 D’yos ko, ang

Read More »

Martes, Hunyo 9, 2026

 7,247 total views

 7,247 total views Martes ng Ika-10 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Hari 17, 7-16 Salmo 4, 2-3. 4-5. 7-8 Poon, sa ‘mi’y pasikatin, liwanag sa

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top