Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

SABADO, NOBYEMBRE 4, 2023

SHARE THE TRUTH

 2,017 total views

Paggunita kay San Carlos Borromeo, obispo

Roma 11, 1-2a. 11-12. 25-29
Salmo 93, 12-13a, 14-15. 17-18

Ang Poo’y di tatalikod
sa kanyang hirang na lingkod.

Lucas 14, 1. 7-11

Memorial of St. Charles Borromeo, Bishop (White)

Mga Pagbasa mula sa
Sabado ng Ika-30 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

UNANG PAGBASA
Roma 11, 1-2a. 11-12. 25-29

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma

Mga kapatid, ito ngayon ang tanong ko: itinakwil ba ng Diyos ang kanyang bayan? Hindi! Ako’y isang Israelita – mula sa lahi ni Abraham at kabilang sa lipi ni Benjamin. Hindi itinakwil ng Diyos ang kanyang bayang sa simula pa’y hinirang na niya.

Ibig bang sabihin ngayo’t natisod ang Israel ay tuluyan na siyang nabuwal? Hindi! Ngunit dahil sa pagkatisod ng mga Israelita – dahil sa katigasan ng kanilang ulo – umabot sa mga Hentil ang kaligtasan, nang sa gayo’y mangimbulo sa mga ito ang Israel. Ngayon, kung ang paglabag ng mga ito ay naging isang pagpapala sa sanlibutan at ang kanilang pagkabigo ay nakabuti sa mga Hentil, gaano pa kaya ang pagbabalik-loob nilang lahat!

Mga kapatid, may isang hiwaga na ibig kong malaman ninyo para hindi maging mataas ang palagay ninyo sa inyong sarili. Ang pagmamatigas ng bansang Israel ay pansamantala, hindi panghabang panahon. Ito’y tatagal lamang hanggang sa makalapit sa Diyos ang kabuuang-bilang ng mga Hentil. Sa gayun, maliligtas ang buong Israel, ayon sa nasusulat,

“Magbubuhat sa Sion ang Tagapaglitas,
papawiin niya ang kasamaan sa lahi ni Jacob.
At ito ang magiging tipan ko sa kanila
pag inalis ko na ang kanilang mga kasalanan.”

Sa ikalalaganap ng Mabuting Balita, sila’y naging kaaway ng Diyos upang magkaroon kayong mga Hentil ng pagkakataon. Ngunit ayon sa paghirang, sila’y mahal pa rin niya, alang-alang sa kanilang mga ninuno. Sapagkat ang Diyos ay hindi nagbabago ng isip tungkol sa kanyang mga kaloob at pagtawag.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 93, 12-13a, 14-15. 17-18

Ang Poo’y di tatalikod
sa kanyang hirang na lingkod.

Mapalad ang mga taong tumatanggap ng pangaral,
silang sa ’yo’y tumatanggap ng turo sa kautusan.
Pagkat sila’y magdaranas ng saglit na ginhawa,
hanggang yaong masasama’y mahulog sa hukay nila.

Ang Poo’y di tatalikod
sa kanyang hirang na lingkod.

Ang lingkod ng Panginoo’y hindi niya iiwanan,
yaong mga hirang niya’y hindi niya tatalikdan;
mababalik sa matuwid ang ganap na katarungan,
diwang ito ang susundin ng tapat ang pamumuhay.

Ang Poo’y di tatalikod
sa kanyang hirang na lingkod.

Ano kayang mangyayari, kundi ako natulungan
nitong aking Panginoon? Marahil ang aking buhay
tahimik nang malilibing kasama ng mga patay.
Kapag aking nagunitang, “Ang paa ko’y dumudulas,”
dahilan sa pag-ibig mo, O Diyos, ako’y tumatatag.

Ang Poo’y di tatalikod
sa kanyang hirang na lingkod.

ALELUYA
Mateo 11, 29ab

Aleluya! Aleluya!
Sabi ni Hesus na mahal:
Dalhin n’yo ang aking pasan
Kaamuan ko’y tularan.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 14, 1. 7-11

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Isang Araw ng Pamamahinga, si Hesus ay inanyayahang kumain sa bahay ng isang pinuno ng mga Pariseo; at binabantayan nilang mabuti ang kanyang mga kilos.

Napansin ni Hesus na ang pinipili ng mga inanyayahan ay ang mga upuang nakalaan sa mga piling panauhin. Kaya’t sinabi niya ang talinghagang ito: “Kapag inanyayahan ka ninuman sa isang kasalan, huwag mong pipiliin ang tanging upuan. Baka may inanyayahang lalong tanyag kaysa iyo. At lalapit ang nag-anyaya sa inyong dalawa at sasabihin sa iyo, ‘Maaari bang ibigay ninyo ang upuang iyan sa taong ito?’ Sa gayo’y mapapahiya ka at doon malalagay sa pinakaabang upuan. Ang mabuti, kapag naanyayahan ka, doon ka maupo sa pinakaabang upuan, sapagkat paglapit ng nag-anyaya sa iyo ay kanyang sasabihin, ‘Kaibigan, dini ka sa kabisera.’ Sa gayun, nabigyan ka ng malaking karangalan sa harapan ng mga panauhin. Sapagkat ang nagpapakataas ay ibababa, at ang nagpapakababa ay itataas.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-30 Linggo sa Karaniwang Panahon
Sabado

Manalangin tayo sa Diyos Amang nasa Langit upang matutuhan natin ang kahulugan ng paglilingkod mula sa kanyang Anak na si Jesu-Kristo.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, ibigay mo sa amin ang diwa ng iyong Anak.

Bilang Simbahan, tayo nawa’y lumabas mula sa ating sariling mga mundo para maglingkod sa kapwa nang may pagmamahal na hindi tinitingnan ang sarili, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nasa pampublikong tungkulin nawa’y ibigay ang kanilang pinakamagaling na paglilingkod sa mga tao kaysa unahin ang sariling kapakanan, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang maipakita ang ating pasasalamat sa mga taong naglilingkod sa atin sa iba’t ibang pamamaraan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at mga matatanda nawa’y tumanggap ng kalinga at paggalang mula sa kanilang mga kapamilya, manalangin tayo sa Panginoon.

Yaong mga nauna nang lumisan sa mundong ito nawa’y tanggapin sa Kaharian ng Panginoon, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoon naming Diyos, hindi madali ang tumulong sa kapwa lalo na kung mabigat itong gawin. Matuto nawa kami kay Jesus na laging handa sa kaninumang nangangailangan ng tulong at bigyan mo kami ng lakas na magawa ito. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karapatan ang kalusugan

 3,095 total views

 3,095 total views Mga Kapanalig, tinaasan pa ng bicameral conference committee ang budget na inilaan sa Medical Aid for Indigent and Financially Incapacitated Patients Program (o

Read More »

Kailan maaabot ang kapayapaan sa WPS?

 18,926 total views

 18,926 total views Mga Kapanalig, kahit sa sarili nating karagatan, tila hindi ligtas ang mga mangingisdang Pilipino. Sa pagpasok ng Disyembre, tinarget ng mga barko ng

Read More »

Libreng gamot para sa mental health

 111,357 total views

 111,357 total views Mga Kapanalig, isa sa mga magandang balitang narinig natin ngayong taon ang pagpapalakas ng mga serbisyo para sa mental health.  Inanunsyo noong Hunyo

Read More »

Atapang atao pero atakbo?

 129,671 total views

 129,671 total views Mga Kapanalig, hanggang sa mga oras na isinusulat natin ang editoryal na ito, hindi pa rin nakikita kahit ang anino ni Senador Ronald

Read More »

Nang marinig naman nila ang katarungan

 147,333 total views

 147,333 total views Mga Kapanalig, sa araw na ito, magkakaroon na ng Filipino Sign Languange (o FSL) interpreters sa lahat ng korte sa Pilipinas. Maituturing itong

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Martes, Setyembre 30, 2025

 55,928 total views

 55,928 total views Paggunita kay San Jeronimo, pari at pantas ng Simbahan Zacarias 8, 20-23 Salmo 86, 1-3. 4-5. 6-7 Ang ating Panginoong D’yos ay kapiling

Read More »

Lunes, Setyembre 29, 2025

 56,159 total views

 56,159 total views Kapistahan nina Arkanghel San Miguel, San Gabriel at San Rafael Daniel 7, 9-10. 13-14 o kaya Pahayag 12, 7-12a Salmo 137, 1-2a, 2bk-3, 4-5

Read More »

Linggo, Setyembre 28, 2025

 56,675 total views

 56,675 total views Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (K) Amos 6, 1a. 4-7 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin.

Read More »

Sabado, Setyembre 27, 2025

 41,010 total views

 41,010 total views Paggunita kay San Vicente de Paul, pari Zacarias 2, 5-9. 14-15a Jeremias 31, 10. 11-12ab. 13 Pumapatnubay na Diyos ay Pastol na kumukupkop.

Read More »

Biyernes, Setyembre 26, 2025

 41,119 total views

 41,119 total views Biyernes ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita kay San Cosme at San Damian, mga martir Ageo 1, 15b – 2,

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top