Sabado, Oktubre 26, 2024

SHARE THE TRUTH

 3,641 total views

Sabado ng Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado

Efeso 4, 7-16
Salmo 121, 1-2. 3-4a. 4b-5

Masaya tayong papasok
sa tahanan ng Poong D’yos.

Lucas 13, 1-9

Saturday of the Twenty-ninth Week in Ordinary Time (Green)

or Optional Memorial of the Blessed Virgin Mary on Saturday (White)

UNANG PAGBASA
Efeso 4, 7-16

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Efeso

Mga kapatid, ang bawat isa sa ati’y binigyan ng tanging kaloob, ayon sa sukat na ibinigay ni Kristo. Ganito ang sinasabi ng Kasulatan,

“Nang umakyat siya sa kalangitan,
Nagdala siya ng maraming bihag,
At nagbigay ng mga kaloob sa tao.”

Ano ang ibig sabihin ng “umakyat siya?” Ang ibig sabihin niyan ay bumaba muna siya rito sa lupa. Ang bumaba ay siya rin namang umakyat sa kaitaasan, sa kabila ng mga langit, upang malaganapan ng kanyang kapangyarihan ang kalahat-lahatan. At ang iba’y ginawang apostol, ang iba’y propeta, ang iba’y ebanghelista, ang iba’y pastor at guro. Ginawa niya ito upang ihanda sa paglilingkod ang lahat ng hinirang, sa ikauunlad ng kanyang simbahan. Sa gayun, tayong lahat ay magkakaisa sa pananampalataya at pagkakilala sa Anak ng Diyos at magiging ganap ang ating pagkatao ayon sa pagiging-ganap ni Kristo. Hindi tayo matutulad sa mga batang nadadala ng bawat aral, parang sasakyang-dagat na sinisiklut-siklot ng mga alon at tinatangay ng hangin. Hindi na tayo malilinlang ng mga taong ang hangad ay ibulid tayo sa kamalian. Manapa’y sa pamamagitan ng pagsasalita ng katotohanan sa diwa ng pag-ibig, magiging ganap tayo kay Kristo na siyang ulo. Sa pamamagitan niya’y nabubuo ang katawan mula sa mga bahaging pinag-ugnay-ugnay ng kasukasuan; at kung maayos na gumaganap ng tungkulin ang bawat bahagi, ang buong katawan ay lalaki at lalakas sa pamamagitan ng pag-ibig.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 121, 1-2. 3-4a. 4b-5

Masaya tayong papasok
sa tahanan ng Poong D’yos.

Ako ay nagalak, sa sabing ganito:
“Sa bahay ng Poon ay pumasok tayo!”
Sama-sama kami matapos sapitin,
ang pintuang-lungsod nitong Jerusalem.

Masaya tayong papasok
sa tahanan ng Poong D’yos.

Yaong Jerusalem, kay ganda ng anyo,
maganda ang ayos nang muling matayo.
Dito umaahon ang lahat ng angkan,
lipi ni Israel upang magsambahan.

Masaya tayong papasok
sa tahanan ng Poong D’yos.

Ang hangad, ang Poon ay pasalamatan,
pagkat ito’y utos na dapat gampanan.
Doon din naroon ang mga hukuman
at trono ng haring hahatol sa tanan.

Masaya tayong papasok
sa tahanan ng Poong D’yos.

ALELUYA
Ezekiel 33, 11

Aleluya! Aleluya!
Hindi nais ng Maykapal
na salari’y parusahan
kundi s’ya’y magbagong-buhay.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 13, 1-9

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Dumating noon ang ilang mga tao at ibinalita kay Hesus na ipinapatay ni Pilato ang ilang Galileo samantalang ang mga ito’y naghahandog sa Diyos. Sinabi niya sa kanila, “Akala ba ninyo, higit na makasalanan ang mga Galileong ito kaysa ibang mga taga-Galilea dahil sa gayun ang sinapit nila? Hindi! Ngunit sinasabi ko sa inyo: kapag hindi ninyo pinagsisihan at tinalikdan ang inyong mga kasalanan, mapapahamak din kayong lahat. At ang labingwalong namatay nang mabagsakan ng tore sa Siloe – sa akala ba ninyo’y higit silang makasalanan kaysa ibang naninirahan sa Jerusalem? Hindi! Ngunit sinasabi ko sa inyo: kapag hindi ninyo pinagsisihan at tinalikdan ang inyong mga kasalanan, mapapahamak din kayong lahat.”

Sinabi sa kanila ni Hesus ang talinghagang ito: “May isang tao na may puno ng igos sa kanyang ubasan. Minsan, tiningnan niya kung may bunga ito, ngunit wala siyang nakita. Kaya’t sinabi niya sa tagapag-alaga ng ubasan, ‘Tatlong taon na akong pumaparito at naghahanap ng bunga sa punong ito, ngunit wala akong makita. Putulin mo na! Nakasisikip lang iyan!’ Ngunit sumagot ang tagapag-alaga, ‘Huwag po muna nating putulin sa taong ito. Huhukayan ko ang palibot at lalagyan ng pataba. Kung mamunga po ito sa darating na taon, mabuti; ngunit kung hindi, putulin na natin!’”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-29 Linggo sa Karaniwang Panahon
Sabado

Ang Diyos ay mapagtiis at mulat sa ating mga paghihirap. Manalangin tayo sa kanya upang tulungan niya tayo sa daan ng pagbabago at pagbabalik-loob.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Maging karapat-dapat nawa kami sa iyong mga biyaya, Panginoon.

Ang mga pinuno ng Simbahan nawa’y humikayat sa atin sa mas maalab na debosyon kay Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga komunidad nawa’y makamit ang bunga ng sama-samang pananalangin at pagbabalik-loob, at harapin ang luklukan ng paghahatol ng Diyos nang may katapatan ng puso at kababaan ng kalooban, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga taong may pusong hungkag at nanlalamig nawa’y mapag-alab natin, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nagdurusa nawa’y magkaroon ng lakas na tumawag sa Panginoon na malapit sa atin, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y makita ang mukha ni Jesus at manatili sa kanyang presensya magpakailanman, manalangin tayo sa Panginoon.

Mapagmahal na Ama, tanggapin mo ang mga panalangin ng iyong nagbabalik-loob na bayang lumalapit sa iyo nang may kababaang-loob at pananampalataya. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Praying to be a cheerful giver

 279 total views

Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II
Monday, Nineteenth Week in Ordinary Time, Year II
Feast of St. Lawrence, Deacon & Martyr, 10 August 2026
2 Corinthians 9:6-10     ><]]]]'> + ><]]]]'> + ><]]]]'>     John 12:24-26
Photo by author, Anvaya Cove, Morong, Bataan, 21 July 2026.
Lord Jesus,
teach me to be a cheerful giver:
teach me to be like St. Lawrence
your deacon and martyr we honor
today who gave himself totally
and cheerfully to you because
he felt strongly the overflowing
abundance of your grace
and blessings to him;
many times we are reluctant 
to give our time, treasures,
and talents because we feel
always lacking;
open our very selves 
to find you and your blessings
within so that 
we freely give and share
whatever we have
to continue serving in your name;
most of all,
teach me to give more of myself
like a grain of wheat that dies
and produces much fruit in you.
Amen.

St. Lawrence, Martyr and Deacon,
pray for us!
“Martyrdom of St. Lawrence, Deacon” by Hipolito de Rioja (16th c.) from commons.wikimedia.org

LANGUAGE

 270 total views

Gospel Reading for August 10, 2026 – John 12: 24-26

LANGUAGE

Jesus said to his disciples: “Amen, amen, I say to you, unless a grain of wheat falls to the ground and dies, it remains just a grain of wheat; but if it dies, it produces much fruit. Whoever loves his life loses it, and whoever hates his life in this world will preserve it for eternal life. Whoever serves me must follow me, and where I am, there also will my servant be. The Father will honor whoever serves me.”

————

The four-letter word that best describes dying to oneself is LOVE. If we look at all the teachings of Jesus and the kind of life he lived, everything ultimately points to one thing: LOVE. It is the LANGUAGE of God, and if we are truly his servants, then it must become our LANGUAGE as well.

As St. Paul beautifully describes in his First Letter to the Corinthians (1 Cor. 13:1–13), LOVE never fails. This is not merely romantic love, but agape LOVE—love that expects nothing in return, love that places the needs of others above one’s own, and philia—brotherly and friendly love that binds people together in genuine care and compassion.

True LOVE bears much fruit: joy, peace, patience, kindness, goodness, faithfulness, gentleness, and self-control. It cannot produce bad fruit, because it comes from God himself.

Lord Jesus, help us to allow this LOVE to shape our thoughts, words, and actions, so we may someday attain eternal life with you. Amen.

Kanino natututo ang mga bata?

 3,592 total views

Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City kamakailan.

Sa kumalat na video, maririnig ang pagmumura ng mga estudyante habang pinapanood ang pagsakay ni PBBM sa helicopter. Sa imbestigasyon na ginawa ng DepEd Schools Division of Davao, apat na mag-aaral ang sangkot sa insidente. Naglabas ang opisina ng pahayag para ihingi ng paumanhin ang anila’y “inappropriate behavior” ng mga estudyante. Tiniyak nila sa publiko na hindi nila kinukunsinti ang pagmumura, na hindi sumasalamin sa respeto, disiplina, at responsabilidad na itinataguyod ng mga paaralan. Nakikipag-ugnayan daw ang opisina ng DepEd sa lungsod ng Davao sa mga magulang ng mga estudyante at sumasailalim na ang mga mag-aaral sa “disciplinary measures.” 

Ang mga bata ay parang espongha o sponge. Sa murang edad pa lang nila, nasisipsip na nila ang mga kaalaman at ugali ng mga taong nakapaligid sa kanila. Naitatanim sa kanilang murang kaisipan kapwa ang tama at maling impormasyon na huhubog naman sa kanilang pananaw, kilos, at pananalita. Kinokopya nila ang kanilang mga nakikita at naririnig, na siguradong pinatitindi ng social media. Kung napapaligiran sila ng mga taong palamurá, bastos, at naghahangad ng kapahamakan ng iba, malaki ang tsansang ganito rin ang kanilang magiging asal. Sa kaso ng mga nagmuráng bata sa Davao, malamang na nalantad sila sa isang kapaligiran kung saan tila normal na ang pagmumurá. 

May kasabihan nga tayo: ang maling ginagawa ng matatanda ay tama sa mata ng mga bata.

Maaaring gamitin nating mga Katoliko ang ensiklikal ni Pope Francis na Amoris Laetitia bilang gabay sa paghubog sa ugali ng mga bata. Batay sa dokumentong ito, ang ating Simbahan ay naniniwalang ang pagiging disente ay hindi nangangahulugang dapat sumunod lang sa kung ano ang idinidikta, halimbawa, ng mga magulang. Gaya ng lagi nating ipinangangaral, iginagalang ng Simbahan ang personal na kalayaan ng tao at dito nakaugat ang pagtitimpi sa sarili at paggalang sa kapwa; sa Ingles, self-control and respect for others. Bagamat malaya tayong ipahayag ang ating saloobin—gaya ng gálit sa pulitiko—palagi itong dapat unahan ng kahinahunan at respeto. Kung galít man ang mga bata kay PBBM, mainam na gabayan sila kung paano ang galit na ito ay hindi mauuwi sa pagiging bastos. 

Ipinapaalala rin ng Amoris Laetitia ang tungkulin ng mga magulang sa paghubog sa ugali ng mga bata. Hindi nila ito dapat ipagkatiwala lamang sa mga paaralan o ibang institusyon sa labas ng pamilya. Kaya tama ang ginawa ng DepEd na makipag-ugnayan sa mga magulang ng mga batang minura ang pangulo. Dapat silang paalalahanan na ang pamilya ang unang paaralan ng mga bata. 

Tama rin ang mensahe ng opisina ng DepEd sa Davao na hindi dapat kunsintihin ang maling ginawa ng mga bata. Pero dapat din itong may kalakip na pagtatama—pagtatamang hindi gumagamit ng pananakit kundi nakatuon sa pagmamahal sa kanila. Ayon pa sa Amoris Laetitia, dapat turuan ang mga bata na ang maling gawain ay may consequences o mga kinahihinatnan. Sa kaso ng mga estudyante sa Davao, mahalagang ipaunawa sa kanila na maaari silang gayahin ng iba at hindi ito nakabubuti. 

Mga Kapanalig, gusto nating isiping isolated case lamang ang nangyaring ito sa Davao. Gusto nating maniwala na pinahahalagahan pa rin ng ating mga mag-aaral ang respeto at kabutihang-asal. Pero maging wake-up call sana ang insidenteng ito sa Davao sa mga nakatatanda, lalo na sa mga magulang at guro. Gaya ng ipinahihiwatig sa Deuteronomio 6:6-7, ang pagtuturo ng mabuting asal sa mga bata ay isang tuluy-tuloy na gawain, mula “sa inyong pagtulog sa gabi [hanggang] sa inyong pagbangon sa umaga.”

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kanino natututo ang mga bata?

 3,593 total views

 3,593 total views Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 59,698 total views

 59,698 total views Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 123,379 total views

 123,379 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 192,672 total views

 192,672 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 222,921 total views

 222,921 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Miyerkules, Agosto 12, 2026

 718 total views

 718 total views Miyerkules ng Ika-19 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay Santa Juana Francisca de Chantal, namanata sa Diyos Ezekiel 9, 1-7; 10,

Read More »

Martes, Agosto 11, 2026

 2,543 total views

 2,543 total views Paggunita kay Santa Clara ng Assisi, dalaga Ezekiel 2, 8 – 3, 4 Salmo 118, 14. 24. 72. 103. 111. 131 O kay

Read More »

Lunes, Agosto 10, 2026

 4,826 total views

 4,826 total views Kapistahan ni San Lorenzo, Diyakono at Martir 2 Corinto 9, 6-10 Salmo 111, 1-2. 5-6. 7-8. 9 Ang taong tunay na mat’wid ay

Read More »

Linggo, Agosto 9, 2026

 5,946 total views

 5,946 total views Ika-19 Linggo sa Karaniwang Panahon (A) 1 Hari 19, 9a. 11-13a Salmo 84, 9ab-10. 11-12. 13-14 Pag-ibig mo’y ipakita, iligtas kami sa dusa.

Read More »

Sabado, Agosto 8, 2026

 6,717 total views

 6,717 total views Paggunita kay Santo Domingo, pari Habacuc 1, 12 – 2, 4 Salmo 9, 8-9. 10-11. 12-13 Tanang sa ‘yo dumudulog ay tunay na

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top