SABADO, PEBRERO 10, 2024

SHARE THE TRUTH

 8,108 total views

Paggunita kay Santa Escolastica, dalaga

1 Hari 12, 26-32; 13, 33-34
Salmo 105, 6-7a. 19-20. 21-22

Panginoong masintahin,
ang bayan mo’y gunitain.

Marcos 8, 1-10

Memorial of St. Scholastica, Virgin (White)

Mga Pagbasa mula sa
Sabado ng Ika-5 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

UNANG PAGBASA
1 Hari 12, 26-32; 13, 33-34

Pagbasa mula sa unang aklat ng mga Hari

Noong mga araw na iyon, sumaisip ni Jeroboam na kung magpapatuloy ang dating kaugalian ng kanyang mga nasasakupan, malamang na manumbalik ang mga iyon sa angkan ni David. Ito ang sabi niya sa sarili: “Kapag ang mga taong ito’y hindi tumigil sa pagpunta sa Templo ng Panginoon sa Jerusalem upang mag-alay ng mga handog, mahuhulog uli ang kanilang loob sa dati nilang panginoon, si Roboam na hari ng Juda, at ako’y kanilang papatayin.”

Kaya nga, matapos mapagkuru-kuro ang bagay na ito, gumawa siya ng dalawang toreteng ginto at sinabi sa bayan: “Huwag na kayong mag-abalang umahon sa Jerusalem. Narito, bayang Israel, ang inyong Diyos na humango sa inyo sa Egipto.” Inilagay niya ang isa sa Betel at isa nama’y sa Dan; at ang bagay na ito’y naging sanhi ng pagkakasala ng Israel. May mga pumunta sa Betel upang sambahin iyong una; mayroon namang nagtungo sa Dan upang sambahin ang ikalawa. Nagtayo pa siya ng mga sambahan sa burol at naglagay ng mga saserdoteng hindi mula sa lipi ni Levi, kundi mga karaniwang tao lamang.

Ginawa niyang pista ang ikalabinlimang araw ng ikawalong buwan ng taon, katulad ng kapistahang ipinagdiriwang sa Juda. Naghandog siya sa dambana sa Betel sa mga toreteng ginto na kanyang ginawa roon at pinapaglingkod niya roon ang mga saserdoteng inilagay niya sa mga sambahan sa burol.

Sa kabila ng ganitong mga pangyayari, hindi tumigil si Jeroboam sa kanyang masamang gawain. Patuloy pa rin siya sa paglalagay ng mga saserdoteng hindi mula sa lipi ni Levi. Sinumang may gusto ay ginagawa niyang saserdote ng mga sambahan sa burol. Dahil sa mga ginawang ito ni Jeroboam, kinamuhian ng Diyos ang kanyang sambahayan. Ito ang naging sanhi ng hindi niya pananatili sa pagkahari.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 105, 6-7a. 19-20. 21-22

Panginoong masintahin,
ang bayan mo’y gunitain.

Nagkasala kami, tulad ng ginawa ng aming magulang,
ang aming ginawa’y tunay na di tumpak, pawang kasamaan.
Ang magulang namin nang nasa Egipto, hindi alumana
ang kahanga-hangang mga ginawa mong kanilang nakita.

Panginoong masintahin,
ang bayan mo’y gunitain.

Sa may Bundok ng Horeb, doon ay naghugis niyong gintong baka,
matapos mahugis ang ginawa nila’y kanilang sinamba.
Ang dakilang Diyos ay ipinagpalit sa diyos na nilikha,
sa diyos na baka na ang kinakain ay damong sariwa.

Panginoong masintahin,
ang bayan mo’y gunitain.

Kanilang nilimot ang Panginoong Diyos, ang Tagapagligtas,
na yaong ginawa doon sa Egipto’y kagila-gilalas.
Sa lupaing iyon ang ginawa niya’y tunay na himala.
Sa Dagat na Tambo yaong nasaksihan ay kahanga-hanga.

Panginoong masintahin,
ang bayan mo’y gunitain.

ALELUYA
Mateo 4, 4b

Aleluya! Aleluya!
Ang tao ay nabubuhay
sa Salita ng Maykapal
na pagkaing kanyang bigay.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Marcos 8, 1-10

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong mga araw na iyon, muling nagkatipon ang mga tao. Naubos na nila ang kanilang pagkain, kaya’t tinawag ni Hesus ang kanyang mga alagad, at sinabi sa kanila, “Nahahabag ako sa mga taong ito, sapagkat tatlong araw na ngayong kasama ko sila at wala na silang makain. Kung pauuwiin ko nang gutom, mahihilo sila sa daan – galing pa naman sa malayo ang ilan sa kanila.” “Saan po tayo kukuha ng tinapay dito sa ilang para magkasya sa ganito karaming tao?” tugon ng mga alagad. “Ilan ang tinapay ninyo riyan?” tanong ni Hesus. “Pito po,” sagot nila.

Ang mga tao’y pinaupo ni Hesus sa lupa. Kinuha niya ang pitong tinapay, at nagpasalamat sa Diyos. Pinagpira-piraso niya ang mga iyon at ibinigay sa mga alagad upang ipamahagi sa mga tao. Gayun nga ang ginawa ng mga alagad. Mayroon din silang ilang maliliit na isda. Muli siyang nagpasalamat sa Diyos, at iniutos niyang ibigay din iyon sa mga tao. Kumain ang lahat at nabusog; at nang tipunin nila ang mga pira-pirasong tinapay na lumabis, nakapuno sila ng pitong bakol na malalaki. At may apatnalibo ang kumain. Pinayaon ni Hesus ang mga tao, saka siya sumakay sa bangka, at nagtungo sa lupain ng Dalmanuta.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikalimang Linggo sa Karaniwang Panahon
Sabado

Sa pagpapakain ng limanlibong tao, ipinakita ng ating Panginoon na ang Diyos Ama ang siyang nagbibigay ng lahat ng ating pangangailangan. Hilingin natin sa kanya ang lahat ng biyayang ipagkakaloob niya sa atin.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, paapawin Mo sa amin ang iyong pagmamahal.

Ang ating mga pastol, lalo na ang Santo Papa at mga obispo, nawa’y patuloy tayong bigyan ng mga tamang katuruan sa pananampalataya, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga may tungkulin upang labanan ang taggutom nawa’y maging matagumpay sa kanilang pagsusumikap na mapakain ang mga milyun-milyong nagugutom na tao, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nagugutom kay Kristo nawa’y matagpuan ang iisang Panginoon, iisang pananampalataya, at iisang binyag, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at mga may kapansanan nawa’y makatagpo ng kalinga, suporta, at kasiyahan mula sa kanilang mga pamilya, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga tapat na yumao nawa’y makarating sa walang hanggang kasiyahan sa Kaharian ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Makapangyarihang Ama, binigyan mo kami ng tinapay buhat sa Langit upang maging pagkain namin sa aming paglalakbay. Gabayan mo ang bawat hakbang namin sa daan ng katarungan at kapayapaan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

DONATE NOW
Shadow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Cybercrime

 76,559 total views

 76,559 total views Hindi natin maitatanggi, kapanalig, na talamak ang cybercrime sa ating bansa. Parami ng parami ang konektado sa internet sa ating bayan, at parami rin ng parami ang mga kriminal na nagnanais na gamitin ang kondisyon na ito bilang oportunidad para kumita. Kapanalig, kung dati, ang mga krimen na karaniwan nating naririnig ay lokal

Read More »

Financial Inclusion

 88,205 total views

 88,205 total views Limitado ang pagkaunawa ng maraming mga Filipino ukol sa financial inclusion. Marami sa atin, basta mapabilang o makasali lamang sa mga e-wallets o mga financial platforms, tinuturing na agad itong financially inclusive. Hindi ganun kasimple ito, kapanalig, at panahon na upang mas lumawak pa ang ating pag-unawa sa financial inclusion. Ayon sa Bangko

Read More »

Blue Economy

 97,452 total views

 97,452 total views Ang Pilipinas ay isang arkipelago – napapaligiran tayo ng katubigan. Kaya’t napakahalaga, kapanalig, na pamilyar tayo sa konsepto ng blue economy. Nakataya dito ang ating buhay at kinabukasan. Ito ang pundasyon ng ating lipunan. Hindi lamang pagkain, trabaho, at libangan ang dala nito. Ang mga karagatan ang nagpo-produce ng kalahati ng oxygen ng

Read More »

Sundan ang hakbang ng Negros Occidental

 103,249 total views

 103,249 total views Mga Kapanalig, pinuri ng tatlong obispo mula sa Negros Occidental na sina Bishop Patricio Buzon ng Bacolod, Bishop Louie Galbines ng Kabankalan, at Bishop Gerardo Alminaza ng San Carlos ang pamahalaang panlalawigan dahil sa inilunsad nitong programa na tinatawag na “SecuRE Negros: Ensuring Power Security with Renewable Energy.” Layunin ng programang magkaroon ang

Read More »

Sundan ang hakbang ng Negros Occidental

 115,637 total views

 115,637 total views Mga Kapanalig, pinuri ng tatlong obispo mula sa Negros Occidental na sina Bishop Patricio Buzon ng Bacolod, Bishop Louie Galbines ng Kabankalan, at Bishop Gerardo Alminaza ng San Carlos ang pamahalaang panlalawigan dahil sa inilunsad nitong programa na tinatawag na “SecuRE Negros: Ensuring Power Security with Renewable Energy.” Layunin ng programang magkaroon ang

Read More »

Watch Live

Related Story

LINGGO, MARSO 3, 2024

 79 total views

 79 total views Ikatlong Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Para sa Pasko ng Pagkabuhay (B) Exodo 20, 1-17 Salmo 18, 8. 9. 10. 11 Panginoon, iyong taglay ang Salitang bumubuhay. 1 Corinto 1, 22-25 Juan 2, 13-25 Third Sunday of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Exodo 20, 1-17 Pagbasa mula sa aklat ng Exodo Noong mga araw

Read More »

SABADO, MARSO 2, 2024

 931 total views

 931 total views Sabado sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Mikas 7, 14-15. 18-20 Salmo 102, 1-2. 3-4. 9-10. 11-12 Ang ating mahabaging D’yos ay nagmamagandang-loob. Lucas 15, 1-3. 11-32 Saturday of the Second Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Mikas 7, 14-15. 18-20 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Mikas Patnubayan mo ang iyong

Read More »

BIYERNES, MARSO 1, 2024

 1,909 total views

 1,909 total views Biyernes sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Genesis 37, 3-4. 12-13a. 17b-28 Salmo 104, 16-17. 18-19. 20-21 Gunitain nang malugod ang dakilang gawa ng D’yos. Mateo 21, 33-43. 45-46 Friday of the Second Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Genesis 37, 3-4. 12-13a. 17b-28 Pagbasa mula sa aklat ng Genesis Mas mahal

Read More »

HUWEBES, PEBRERO 29, 2024

 2,822 total views

 2,822 total views Huwebes sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Jeremias 17, 5-10 Salmo 1, 1-2. 3. 4 at 6 Mapalad ang umaasa sa Panginoon tuwina. Lucas 16, 19-31 Thursday of the Second Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Jeremias 17, 5-10 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Jeremias Sinasabi ng Panginoon, “Parurusahan ko ang

Read More »

MIYERKULES, PEBRERO 28, 2024

 3,813 total views

 3,813 total views Miyerkules sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Jeremias 18, 18-20 Salmo 30, 5-6. 14. 15-16 Pag-ibig mo’y walang maliw kaya’t ako’y ‘yong sagipin. Mateo 20, 17-28 Wednesday of the Second Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Jeremias 18, 18-20 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Jeremias Ang sabi ng mga tao: “Iligpit

Read More »

MARTES, PEBRERO 27, 2024

 4,501 total views

 4,501 total views Martes sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Isaias 1, 10. 16-20 Salmo 49, 8-9. 16bk-17. 21 at 23 Ang masunurin sa Diyos ay sasagipin n’yang lubos. Mateo 23, 1-12 Tuesday of the Second Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Isaias 1, 10. 16-20 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias Mga pinuno

Read More »

LUNES, PEBRERO 26, 2024

 4,791 total views

 4,791 total views Lunes sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Daniel 9, 4b-10 Salmo 78, 8. 9. 11 at 13 Panginoon, aming hiling: patawad sa sala namin. Lucas 6, 36-38 Monday of the Second Week in Lent (Violet) UNANG PAGBASA Daniel 9, 4b-10 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Daniel Panginoon, dakila at Makapangyarihang Diyos

Read More »

LINGGO, PEBRERO 25, 2024

 4,944 total views

 4,944 total views Ikalawang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Para sa Pasko ng Pagkabuhay (B) Genesis 22, 1-2. 9a. 10-13. 15-18 Salmo 115, 10 at 15. 16-17. 18-19 Sa piling ng Poong mahal ako’y laging namumuhay. Roma 8, 31b-34 Marcos 9, 2-10 Second Sunday of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Genesis 22, 1-2. 9a. 10-13. 15-18 Pagbasa

Read More »

SABADO, PEBRERO 24, 2024

 5,161 total views

 5,161 total views Sabado sa Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Deuteronomio 26, 16-19 Salmo 118, 1-2. 4-5. 7-8 Mapalad ang sumusunod sa utos ng Poong Diyos. Mateo 5, 43-48 Saturday of the First Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Deuteronomio 26, 16-19 Pagbasa mula sa aklat ng Deuteronomio Sinabi ni Moises sa mga tao: “Ngayon

Read More »

BIYERNES, PEBRERO 23, 2024

 5,464 total views

 5,464 total views Biyernes sa Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Ezekiel 18, 21-28 Salmo 129, 1-2. 3-4ab. 4k-6. 7-8 Hiling nami’y ‘yong limutin tanang kasalanan namin. Mateo 5, 20-26 Friday of the First Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Ezekiel 18, 21-28 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Ezekiel Sinasabi ng Panginoon: “Kung ang isang

Read More »

HUWEBES, PEBRERO 22, 2024

 5,236 total views

 5,236 total views Kapistahan ng Luklukan ni Apostol San Pedro 1 Pedro 5, 1-4 Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5. 6 Pastol ko’y Panginoong D’yos, hindi ako magdarahop. Mateo 16, 13-19 Feast of Chair of St. Peter the Apostle (White) UNANG PAGBASA 1 Pedro 5, 1-4 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pedro Mga pinakamamahal, sa

Read More »

MIYERKULES, PEBRERO 21, 2024

 4,632 total views

 4,632 total views Miyerkules sa Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Jonas 3, 1-10 Salmo 50, 3-4. 12-13. 18-19 D’yos ko, iyong tinatanggap pakumbaba’t pusong tapat. Lucas 11, 29-32 Wednesday of the First Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Jonas 3, 1-10 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Jonas Sinabi uli ng Panginoon kay Jonas: “Pumunta

Read More »

MARTES, PEBRERO 20, 2024

 4,102 total views

 4,102 total views Martes sa Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Isaias 55, 10-11 Salmo 33, 4-5. 6-7. 16-17. 18-19 Mat’wid ay tinutulungan sa lahat ng kagipitan. Mateo 6, 7-15 Tuesday of the First Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Isaias 55, 10-11 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias Sinasabi ng Panginoon: “Ang ulan at

Read More »

LUNES, PEBRERO 19, 2024

 3,513 total views

 3,513 total views Lunes sa Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Levitico 19, 1-2. 11-18 Salmo 18. 8. 9. 10. 15 Espiritung bumubuhay ang salita ng Maykapal. Mateo 25, 31-46 Monday of the First Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Levitico 19, 1-2. 11-18 Pagbasa mula sa aklat ng Levitico Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Sabihin

Read More »

LINGGO, PEBRERO 18, 2024

 2,910 total views

 2,910 total views Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Para sa Pasko ng Pagkabuhay (B) Genesis 9, 8-15 Salmo 24, 4bk-5ab. 6-7bk. 8-9 Poon, iyong minamahal ang tapat sa iyong tipan. 1 Pedro 3, 18-22 Marcos 1, 12-15 First Sunday of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Genesis 9, 8-15 Pagbasa mula sa aklat ng Genesis Ito ang

Read More »
Scroll to Top