Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

SABADO, SETYEMBRE 23, 2023

SHARE THE TRUTH

 3,522 total views

Paggunita kay San Pio ng Pietrelcina, pari

1 Timoteo 6, 13-16
Salmo 99, 2. 3. 4. 5

Sa Panginoo’y dumulog
upang papuri’y ihandog.

Lucas 8, 15

Memorial of St. Pius of Pietrelcina, Priest (White)

Mga Pagbasa mula sa
Sabado ng Ika-24 na Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

UNANG PAGBASA
1 Timoteo 6, 13-16

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo kay Timoteo

Pinakamamahal, sa ngalan ng Diyos na nagbibigay-buhay sa lahat ng bagay, at sa ngalan ni Kristo Hesus na nagpatotoo sa harapan ni Poncio Pilato, iniuutos ko sa iyo: ang mga tagubiling ito’y panatilihin mong mabisa at walang kapintasan hanggang sa pagdating ng Panginoong Hesukristo. Sa takdang panahon, siya’y ihahayag ng mapagpalang Diyos, ang makapangyarihang Hari ng mga hari at Panginoon ng mga panginoon. Siya lamang ang walang kamatayan, ang nananahan sa liwanag na di matitigan. Hindi siya nakita o makikita ninuman. Sa kanya ang karangalan at ang walang hanggang kapangyarihan. Amen.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 99, 2. 3. 4. 5

Sa Panginoo’y dumulog
upang papuri’y ihandog.

Umawit sa kagalakan ang lahat ng mga bansa!
Panginoo’y papurihan, paglingkuran siyang kusa;
lumapit sa harap niya at umawit na may tuwa!

Sa Panginoo’y dumulog
upang papuri’y ihandog.

Ang Panginoo’y ating Diyos! Ito’y dapat malaman,
tayo’y kanya, kanyang lahat, tayong lahat na nilalang;
lahat tayo’y bayan niya, kabilang sa kanyang kawan.

Sa Panginoo’y dumulog
upang papuri’y ihandog.

Pumasok ka sa kanyang templo na ang puso’y nagdiriwang,
umaawit, nagpupuri sa loob ng dakong banal,
purihin ang ngalan niya at siya’y pasalamatan!

Sa Panginoo’y dumulog
upang papuri’y ihandog.

Mabuti ang Panginoon, pag-ibig niya’y walang hanggan,
Siya’y Diyos na mabuti’t laging tapat kailanman.

Sa Panginoo’y dumulog
upang papuri’y ihandog.

ALELUYA

Aleluya! Aleluya!
Ang Salitang mula sa D’yos
kapag isinasaloob
ay mamumunga nang lubos.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 8, 15

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, dating nang dating ang mga taong nanggagaling sa mga bayan-bayan at lumalapit kay Hesus. Nang natitipon na ang napakaraming tao, isinalaysay niya ang talinghagang ito:

“May isang taong lumabas para maghasik ng binhi. Sa kanyang paghahasik, may binhing nalaglag sa daan at nayapakan, at ang mga ito’y tinuka ng mga ibon. May nalaglag sa kabatuhan, at pagtubo ay natuyo dahil sa kawalan ng halumigmig. May nalaglag naman sa dawagan. Lumago ang dawag at ininis ang mga binhing tumubo. Ang iba’y nalaglag sa matabang lupa, tumubo at namunga ng tig-iisandaang butil.” At malakas niyang idinugtong, “Makinig ang may pandinig!”

Itinanong ng mga alagad kung ano ang kahulugan ng talinhagang ito. Sumagot si Hesus, “Sa inyo’y ipinagkaloob na malaman ang mga lihim tungkol sa paghahari ng Diyos, ngunit sa iba’y sa pamamagitan ng mga talinghaga, upang:

‘Tumingin man sila’y hindi makakita;
At makinig man sila’y di makaunawa.’

Ito ang kahulugan ng talinghaga: ang binhi ay ang salita ng Diyos. Ang mga binhing nalaglag sa tabi ng daan ay ang mga nakinig, ngunit dumating ang diyablo at inalis sa kanilang puso ang salita upang hindi sila manalig at maligtas. Ang mga nalaglag sa kabatuhan ay ang mga nakinig ng salita at tumanggap nito nang may galak, ngunit hindi ito tumimo sa kanilang puso. Naniwala silang sandali, subalit sa panahon ng pagsubok ay tumitiwalag agad. Ang mga nahasik naman sa dawagan ay ang mga nakinig ngunit nang malaon ay nadaig ng mga alalahanin sa buhay at ng pagkahumaling sa kayamanan at kalayawan, kaya’t hindi nahinog ang kanilang mga bunga. Ang mga nahasik naman sa matabang lupa’y ang mga nakinig ng salita. Iniingatan nila ito sa kanilang pusong tapat at malinis at sila’y nagtitiyaga hanggang sa mamunga.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-24 na Linggo sa Karaniwang Panahon
Sabado

Tinuturuan tayo ni Kristo sa pamamagitan ng mga talinhaga. Si Kristo ang naghahasik ng mga butil ng Salita ng Diyos. Tumugon tayo sa kanyang gawain sa pamamagitan ng ating pananalangin sa Ama.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon ng ani, maging butihin kayo sa amin.

Ang Simbahan sa daigdig nawa’y maging katulad ng mayamang lupa na nagbubunga ng tig-iisandaang ani, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pinuno ng ating bansa nawa’y maglingkod sa pamamaraang kalugud-lugod sa Diyos at sa sambayanan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang Salita ng Diyos sa ating buhay nawa’y huwag sakalin ng mga hindi naitatamang mga ambisyon at pagkamakasarili, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y madama nila ang mapagpagaling na kapangyarihan ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y masiyahan sa liwanag, kaligayahan, at kapayapaan sa kalangitan at yaong mga nabibigatan sa pagdadalamhati nawa’y mapatatag ng Salita ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, tulungan mo kaming makilala ang butil ng iyong Salita at gawa sa aming buhay. Huwag nawa kaming magumon sa mga alalahanin ng mundong ito, bagkus, maging aktibo kami sa paglilingkod, at tuluyan nang magbunga ito ng masaganang ani. Hinihiling namin ito sa ngalan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang kinse kilometro

 1,127 total views

 1,127 total views Mga Kapanalig, nagsampa ng kaso ang Mercidar Fishing Corporation noong 2023 sa Malabon Regional Trial Court (o RTC) para kuwestuyinin ang pagiging constitutional o sang-ayon sa ating Saligang Batas ang paglalaan ng municipal waters sa mga munisipal at artisanong mangingisda. Hiningi ng korporasyong pahintulutan ang mga commercial fishers na makapangisda sa municipal waters. 

Read More »

Kahalagahan ng fact-checking

 7,575 total views

 7,575 total views Mga Kapanalig, simula ngayong buwan, ititigil na raw ng social media app na Facebook ang kanilang third-party fact-checking program sa Amerika. Ito ang inanunsyo ni Mark Zuckerberg, founder ng Facebook at CEO ng Meta Platforms. Dámay din sa pagbabagong ito ang Instagram at Threads, mga social media apps na hawak din ng Meta.

Read More »

Pandaigdigang kapayapaan

 14,525 total views

 14,525 total views Mga Kapanalig, naniniwala ba kayo sa paniniwalang “lahat ay nadadaan sa mabuting usapan”? Totoong mahalaga ang pag-uusap sa pagkakaroon ng unawaan, pagkakaisa, at kapayapaan, hindi lang sa ugnayan ng mga indibidwal kundi pati ng mga bansa. Noong Enero 11, tinipon ni Pangulong Marcos Jr ang buong diplomatic corps na binubuo ng mga kinatawan

Read More »

Diabolical Proposal

 25,440 total views

 25,440 total views Kapanalig, isa ka ba sa mga sinasabing “over protective, over-imposing parent”? Bilang magulang, ang salita mo ba ay batas na dapat sundin ng iyong mga anak maging ito ay hindi na tama? Well, may nakakatawang solusyon at kasagutan ang Senado sa mga magulang na sobra-sobra at wagas ang higpit.., pakiki-alam sa buhay ng

Read More »

Pagsasayang Ng Pera

 33,175 total views

 33,175 total views Pagwawaldas sa pera ng taong bayan.. dahil sa isang pagkakamali. Kapanalig, 73-milyong balota para sa May 2025 national at local elections ang nasayang…nasayang ang pagod at oras. naimprenta na… mauuwi lamang sa basurahan. Ito ay matapos suspendihin ng Commission on Elections (COMELEC) ang pag-imprenta ng opisyal na balota para sa May 2025 mid-term

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow
DONATE NOW
Shadow

Related Post

Miyerkules, Enero 22, 2025

 588 total views

 588 total views Miyerkules ng Ika-2 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita kay San Vicente, diyakono at martir Hebreo 7, 1-3. 15-17 Salmo 109, 1. 2. 3. 4 Ika’y paring walang hanggan katulad ni Melquisedec. Marcos 3, 1-6 Wednesday of the Second Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of St. Vincent, Deacon and Martyr (Red) UNANG

Read More »

Martes, Enero 21, 2025

 872 total views

 872 total views Paggunita kay Santa Agnes, dalaga at martir Hebreo 6, 10-20 Salmo 110, 1-2. 4-5. 9 at 10k Pangako ng Poon nati’y lagi nating gunitain. Marcos 2, 23-28 Memorial of St. Agnes, Virgin and Martyr (White) Mga Pagbasa mula sa Martes ng Ika-2 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) UNANG PAGBASA Hebreo 6, 10-20 Pagbasa mula

Read More »

Lunes, Enero 20, 2025

 1,374 total views

 1,374 total views Lunes ng Ika-2 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita kay San Fabian, papa at martir o kaya Paggunita kay San Sebastian, martir Hebreo 5, 1-10 Salmo 109, 1. 2. 3. 4 Ika’y paring walang hanggan katulad ni Melquisedec. Marcos 2, 18-22 Monday of the Second Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of St.

Read More »

Linggo, Enero 19, 2025

 1,481 total views

 1,481 total views Kapistahan ng Panginoong Hesus, Ang Banal na Sanggol (K) Isaias 9, 1-6 Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4. 5-6 Kahit saa’y namamalas tagumpay ng Nagliligtas. Efeso 1, 3-6. 15-18 Lucas 2, 41-52 Feast of the Sto. Niño (Proper Feast in the Philippines) (White) Holy Childhood Day Week of Prayer for Christian Unity UNANG PAGBASA

Read More »

Sabado, Enero 18, 2025

 1,478 total views

 1,478 total views Sabado ng Unang Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Hebreo 4, 12-16 Salmo 18, 8. 9. 10. 15 Espiritung bumubuhay ang salita ng Maykapal. Marcos 2, 13-17 Saturday of the First Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of the Blessed Virgin Mary on Saturday (White)

Read More »

Biyernes, Enero 17, 2025

 1,341 total views

 1,341 total views Paggunita kay San Antonio, abad Hebreo 4, 1-5. 11 Salmo 77, 3 at 4bk. 6k-7. 8 Hindi nila malilimot ang dakilang gawa ng D’yos. Marcos 2, 1-12 Memorial of St. Anthony, Abbot (White) Mga Pagbasa mula sa Biyernes ng Unang Linggo sa Karaniwang Panahon (I) UNANG PAGBASA Hebreo 4, 1-5. 11 Pagbasa mula sa

Read More »

Huwebes, Enero 16, 2025

 1,296 total views

 1,296 total views Huwebes ng Unang Linggo sa Karaniwang Panahon (I) Hebreo 3, 7-14 Salmo 94, 6-7. 8-9. 10-11 Panginoo’y inyong dinggin, huwag n’yo s’yang salungatin. Marcos 1, 40-45 Thursday of the First Week of Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Hebreo 3, 7-14 Pagbasa mula sa sulat sa mga Hebreo Mga kapatid, gaya ng sabi ng Espiritu

Read More »

Miyerkules, Enero 15, 2025

 1,254 total views

 1,254 total views Miyerkules ng Unang Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita kay San Arnold Jannsen, pari Hebreo 2, 14-18 Salmo 104, 1-2. 3-4. 6-7. 8-9 Nasa isip ng Maykapal ang tipan niya kailanman. Marcos 1, 29-39 Wednesday of the First Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of St. Arnold Janssen, Priest (White) UNANG PAGBASA Hebreo

Read More »

Biyernes, Nobyembre 15, 2024

 16,199 total views

 16,199 total views Biyernes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 2 Juan, 4-9 Salmo 118, 1. 2. 10. 11. 17. 18 Mapalad ang sumusunod sa utos ng Poong Diyos. Lucas 17, 26-37 Friday of the Thirty-second Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 2 Juan, 4-9 Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Juan Hirang

Read More »

Huwebes, Nobyembre 14, 2024

 16,345 total views

 16,345 total views Huwebes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filemon 7-20 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Mapalad ang kinukupkop ng Poong Diyos ni Jacob. Lucas 17, 20-25 Thursday of the Thirty-second Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Filemon 7-20 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo kay Filemon Pinakamamahal ko, ang iyong pag-ibig

Read More »

Miyerkules, Nobyembre 13, 2024

 16,951 total views

 16,951 total views Miyerkules ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Tito 3, 1-7 Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5. 6 Pastol ko’y Panginoong D’yos, hindi ako magdarahop. Lucas 17, 11-19 Memorial of Saint Martin of Tours, Bishop (White) Saturday of the Thirty-second Week in Ordinary Time (II) UNANG PAGBASA Tito 3, 1-7 Pagbasa mula sa sulat ni

Read More »

Martes, Nobyembre 12, 2024

 17,117 total views

 17,117 total views Paggunita kay San Josafat, obispo at martir Tito 2, 1-8. 11-14 Salmo 36, 3-4. 18 at 23. 27 at 29 Nasa D’yos ang kaligtasan ng mga mat’wid at banal. Lucas 17, 7-10 Memorial of St. Josaphat, Bishop and Martyr (Red) Mga Pagbasa mula sa Martes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA

Read More »

Lunes, Nobyembre 11, 2024

 17,436 total views

 17,436 total views Paggunita kay San Martin ng Tours, obispo Tito 1, 1-9 Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6 Panginoon, ang bayan mo ay dumudulog sa iyo. Lucas 17, 1-6 Memorial of St. Martin of Tours, Bishop (White) Mga Pagbasa mula sa Lunes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA Tito 1, 1-9 Ang simula ng

Read More »

Linggo, Nobyembre 10, 2024

 12,776 total views

 12,776 total views Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) 1 Hari 17, 10-16 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin. Hebreo 9, 24-28 Marcos 12, 38-44 o kaya Marcos 12, 41-44 Thirty-second Sunday in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 1 Hari 17, 10-16 Pagbasa mula sa unang aklat ng mga Hari Noong mga

Read More »

Sabado, Nobyembre 9, 2024

 13,171 total views

 13,171 total views Kapistahan ng Pagtatalaga sa Palasyong Simbahan sa Laterano, Roma Ezekiel 47, 1-2. 8-9. 12 Salmo 45, 2-3. 5-6. 8-9. Sa bayan ng Dakilang D’yos batis n’ya’y may tuwang dulot. 1 Corinto 3, 9k-11. 16-17 Juan 2, 13-22 Feast of the Dedication of the Lateran Basilica in Rome (White) UNANG PAGBASA Ezekiel 47, 1-2. 8-9.

Read More »
Scroll to Top