Protektahan ang mamamayan, tungkulin ng PNP at AFP kahit walang martial law.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 405 total views

Kayang protektahan ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines ang mga mamamayan
ng Mindanao laban sa banta ng terorismo kahit walang Martial law.

Ito ang paninindigan ni Fr. Jerome Secillano-executive secretary ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Permanent Committee on Public Affairs (CBCP-PCPA) kaugnay sa isang buwang pag-iral ng batas militar sa rehiyon.

Ang usapin ng martial law ay kasalukuyang dinidinig sa Mataas na Hukuman kaugnay na rin sa apela ng ilang grupo hingil sa legalidad nito.

“We have scant news about the impact of ML in Mindanao. What the military are doing, so far, can be done even without ML,” ayon sa mensahe ni Fr. Secillano.

Mungkahi rin ng pari ang patuloy na pagbabantay kung paano umiiral ang batas sa lugar kaugnay na rin sa pangunahing mandato nito na pagpapanatili ng peace and order.

Umaasa din si Father Secillano na magkaroon ng “self-censorship” ang gobyerno kaugnay sa pagpapatupad ng rule of law.

”I think, there ought to be a strong civil society group in Mindanao that should monitor how martial law is affecting the peace and order situation in the region. How human rights are impacted and how Minadanaoans view the whole process. More importantly, the government should exercise self-censorship with a view to upholding the rule
of law.”pahayag ni Father Secillano sa Radio Veritas

Sa loob ng isang buwang pag-iral ng martial law sa Mindanao, patuloy pa rin ang kaguluhan sa Marawi City sa pagitan ng Maute group at mga sundalo kung saan higit sa 300 libo ang naitalang evacuees habang mahigit sa
300 ang nasasawi sa digmaan.

Hindi pa nababawi ng gobyerno ang Marawi sa Maute, umatake naman ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Pigcawayan, North Cotabato kung saan 500 mula sa apat na Barangay ang lumikas.

Mariin namang itinanggi ng Armed Forces of the Philippines na ang nangyari sa Pigcawayan ay spill over
nang kaguluhan sa Marawi City.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang bayanihan

 185,522 total views

 185,522 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 207,632 total views

 207,632 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Isa pang state of emergency

 279,266 total views

 279,266 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 268,359 total views

 268,359 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top