Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Quiapo church, handa sa imbestigasyon kaugnay sa ‘Nazareno procession’

SHARE THE TRUTH

 489 total views

September 17, 2020-10:27am

Nakahanda ang pamunuan ng Minor Basilica of the Black Nazarene na harapin ang anumang imbestigasyon hinggil sa paglabag sa quarantine protocol.

Ayon kay Fr. Douglas Badong, parochial vicar ng Basilica, handa ring akuin ng Quiapo Church ang responsibilidad kung mapatutunayang may paglabag sa ginanap na prusisyon ng Mahal na Poong Nazareno nitong ika – 14 ng Setyembre.

“Haharapin namin at makikipagtulungan kami sa imbestigasyon na gagawin nila at handa kaming akuin ang buong responsibilidad kung sakaling mayron kaming nilabag sa quarantine protocols,” pahayag ni Fr. Badong sa Radio Veritas.

Ito ang tugon ng Basilica sa pahayag ng Manila Police District na mahaharap sa imbestigasyon ang pamunuan dahil lumabag ito sa protocol na ipinagbabawal ang mass gatherings sa ilalim ng general community quarantine.

Una ng ipinag-utos ni MPD director Brig. Gen. Rolando Miranda sa Quiapo Police station na makipagpulong sa pamunuan ng Basilica upang talakayin ang mga posibleng paglabag.

Matatandaang inilabas ang imahe ng Poong Hesus Nazareno sa Kapistahan ng Pagtatanghal sa Banal na Krus ni Hesus upang masilayan ng mga deboto at magbigay inpirasyon sa gitna ng paghihirap na dinaranas dulot ng coronavirus pandemic.

Nanindigan ang Quiapo Church na dumaan sa wastong proseso bago inilabas ang Poong Nazareno tulad ng paghingi ng permiso kay Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo, sa lokal na pamahalaan ng lungsod ng Maynila at maging ang paghingi ng tulong sa mga pulis na nakatalaga sa Quiapo upang mahigpit na maipatutupad ang physical distancing.

Inamin naman ni Fr. Badong na bagamat piling mga Hijos lamang ang sumali sa prusisyon, hindi napigilan ng ilang deboto na makiisa sa prusisyon nang makita ang imahe na inilabas at umikot sa lansangan sa paligid ng Basilica na tumagal ng tatlong oras.

Tiniyak ng pamunuan ng Basilica na makipagtulungan ito sa isasagawang imbestigasyon ng Joint Task Force COVID Shield.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GEN Z PROBLEM

 6,224 total views

 6,224 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 24,208 total views

 24,208 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 44,145 total views

 44,145 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 61,338 total views

 61,338 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 74,713 total views

 74,713 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Marian Pulgo

Juan, itinalagang chairperson ng ERC

 16,332 total views

 16,332 total views Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Atty. Francis Saturnino Juan bilang chairperson Energy Regulatory Commission (ERC), epektibo sa August 8, 2025. Si

Read More »

RELATED ARTICLES

Mga educator, kinilala ni Pope Leo XIV

 23,289 total views

 23,289 total views Kinilala at pinasalamatan ni Pope Leo XIV ang mga nagatatrabaho sa larangan ng edukasyon sa patuloy na pagsasabuhay ng misyong hubugin at linangin

Read More »
Scroll to Top