71,617 total views
Lagot tayo Kapanalig… Para sa kaalaman ng lahat na Pilipino, naitala sa record high ang utang ng pamahalaan ng Pilipinas nito lamang Enero 2025… Umabot na sa 16.31-trilyong piso ang foreign at domestic debt (utang) ng Philippine government makaraang umutang ang pamahalaan ng Pilipinas ng 261.5-bilyong noong January 2025.
Batay sa worldometer data ng United Nations nitong March 3, 2025… ang populasyon ng Pilipinas ay nasa 118,040,074…Ibig sabihin Kapanalig sa kabuuang 16.31-trilyong pisong utang ng gobyerno ., ang bawat Pilipino ay mayroong utang na 1.4-milyong piso. Ito ay babayaran ng bawat Pilipino sa pamamagitan ng tax (buwis) at government services.
Ipinaliwanag ng Bureau of Treasury na ang panibagong utang ng administrasyong Marcos ay gagamitin daw sa pagpapaunlad ng ekonomiya at tiyakin ang “fiscal sustainability”ng bansa…Sa nakaraang buwan ng Enero 2025, umabot sa 11.08-trilyong piso ang domestic debt kung saan tumaas ito sa 153.7-bilyong piso o 1.4-porsiyento mula December 2024… Kapanalig, ang foreign debt naman ng pamahalaang Pilipinas ay pumalo sa 5.23-trilyong piso na tumaas ng 107.8-bilyong piso mula December 2024. Ang pagtaas ay dahil sa 59.3-bilyong piso net foreign loan barrowings at karagdagang 48.5-bilyong piso bunsod naman ng mababang halaga ng piso kontra dolyar.. Saan kaya mapupunta ang inutang na pera?
Napag-alaman sa data ng Bureau of Treasury na ang 13.79-trilyong piso ay mula sa debt securities o commercial barrowings at ang 2.52-trilyong piso ay sa pamamagitan ng loans..Hindi pa natatapos ang pangungutang Kapanalig, base sa mga dokumento ng kinukuwestiyong General Appropriations Act of 2025 o 2025 national budget, ang outstanding debt(utang) ay papalo o aabot pa ng 17.35-trilyong piso bago matapos ang taong 2025…11.98-trilyong piso ay uutangin sa locally at natitirang 5.38-trilyong piso ay manggagaling sa external sources o sa mga dayuhang mamumuhunan.
Kapanalig, sa halos tatlong taong panunungkulan ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., may nakikita, may nararamdaman ba kayong makabuluhan at kapaki-pakinabang na proyekto at programa?Sa kasalukuyan, lahat ng pangunahing pangangailangan ng mga mahihirap ay napakamahal ang presyo..Dumarami ang mga Pilipinong nagdadarahop sa buhay habang nagtatamasa naman ang mga nasa kapangyarihan.
Bago magsimulang manungkulan si dating Pangulong Rodrigo Duterte ay foreign at domestic debt ng Pilipinas ay 6.6-trilyong piso lamang.. Ngunit matapos ang 6-taong termino ni Duterte, ang utang ng Pilipinas ay umabot sa 13.8-trilyong piso..Sa anim na taong panunungkulan, 7.2-trilyong piso ang napangutang ng dating pangulong duterte..Ang pangulong Marcos, mahigit 3-trilyong piso na ang utang sa loob ng tatlong taon. Makakaahon at makakabangon pa ba tayo Kapanalig? Napakalaki na ang utang ng pamahalaan ng Pilipinas, sabihin nating 30-percent dito ay napunta lamang sa corruption. Kaya tayong 99-percent ay lalong lubog na sa kahirapan, baon na sa utang.
Sa Pilipinas kakaiba ang paligsahan Kapanalig,… Ito ay paligsahan sa pagkamal ng salapi.
Pinapaalalahanan tayo sa Timothy 6:17-19 “Command those who are rich in this present world not to be arrogant nor to put their hope in wealth, which is so uncertain, but to put their hope in God, who richly provides us with everything for our enjoyment.”
Sana Kapanalig maging babala sa ating mga opisyal sa pamahalaan ang “Luke 12:15 –Then he said to them, “Watch out! Be on your guard against all kinds of greed; life does not consist in an abundance of possessions.”