Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Redeployment ng mga OFW sa Saudi Arabia, ipinagpapasalamat ng CBCP-ECMI

SHARE THE TRUTH

 609 total views

Ipinagpasalamat ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) ang muling pagpapahintulot ng pamahalaan sa mga migrant worker na magtungo sa Saudi Arabia.

Ayon kay Balanga Bataan Bishop Ruperto Santos – CBCP-ECMI Vice-Chairman, malaking tulong ang hakbang upang makabalik at makapagtrabaho sa Saudi Arabia ang mga Overseas Filipino Worker.

“That is a very inspiring news, a great help and immense relief to our OFWs. Let us be thankful for the valuable assistance and goodness of our DMW officials. They make things possible, working for well-being and welfare of migrant workers,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Ayon sa Obispo, hudyat ang nalalapit na redeployment ng mga OFW sa tiwala sa parehong panig ng Pilipinas at Kingdom of Saudi Arabia.

Ipinagdarasal ni Bishop Santos na magsilbi ring inspirasyon ang hakbang upang pag-ibayuhin ng mga OFW ang kanilang trabaho at higit pang ipakita ang mga mabubuting katangian ng mga Pilipino sa ibat-ibang bansa.

“Now, let this be our encouragement to work harder, with so much devotion and honesty, we are at cbcp ecmi pray and offer our Holy Masses for the safety, sound health and successes of our OFWs and their employers,” ayon pa sa mensahe ng Obispo.

Ang redeployment ng mga OFW sa Saudi Arabia na magsisimula sa November 07 2022 ay kinumpirma ni Department of Migrant Workers Secretary Susan Ople matapos ang kaniyang pakikipagdiyalogo sa mga opisyal ng pamahalaan sa bansa.

November 2021 ng magsimula ang deployment ban ng mga OFW sa Saudi Arabia matapos ang reklamo ng mga OFW hinggil sa hindi tamang pagpapa-suweldo ng ilang employers sa Saudi Arabia.

Sa talaan ng Philippines Statistics Authority (PSA) noong 2020, umaabot sa 420-libong mga OFW ang nagtatrabaho sa nasabing bansa.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 17,559 total views

 17,559 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 33,647 total views

 33,647 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 71,367 total views

 71,367 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 82,318 total views

 82,318 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Michael Añonuevo

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 25,917 total views

 25,917 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »

RELATED ARTICLES

Online gambling, kinundena ng CBCP

 24,893 total views

 24,893 total views Kinundena ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang paglaganap ng online gambling sa Pilipinas. Ayon sa kalipunan ng mga Obispo, salot

Read More »
Scroll to Top