Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

‘Requiem mass’ para kay Pope-emeritus Benedict XVI, gaganapin sa Manila Cathedral sa January 6 Marian

SHARE THE TRUTH

 1,921 total views

Itinakda ng Arkidiyosesis ng Maynila ang pagdiriwang ng misa na itinalaga kay Pope-emeritus Benedict XVI na pumanaw noong Sabado, December 31.

Ang misa ay gaganapin sa Minor Basilica of the Immaculate Conception, ika-lima ng hapon sa January 6 na pangungunahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula at Papal nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown.

Sa inilabas na liham sirkular, inaanyayahan ang mga pari, madre at mga layko ng arkidiyosesis sa pagdalo at pakikiisa sa panalangin sa pumanaw na dating pinuno ng simbahan.

Nawa ang bawat isa, kasama ang kawan ng mananampalataya ay makiisa sa pananalangin, gayundin ang pagpapasalamat sa paglilingkod ni Benedict XVI sa pamamagitan ng pagdalo sa misa.

Kalakip din ang isang panalangin para sa yumaong si Benedict XVI sa liham na nilagdaan ni Fr. Carmelo Arada Jr.-vice chancellor ng Archdiocese of Manila.

“O God, faithful rewarder of souls, grant that your departed servant BENEDICT, who governed your church with love, may happily enjoy forever in your presence in heaven the mysteries of your grace and compassion, which he faithfully ministered on earth. Through our Lord Jesus Christ, your Son, who lives and reigns with you in the unity of the Holy Spirit, God forever and ever”.

Gaganapin ang funeral mass, ika-siyam ng umaga oras sa Roma sa St. Peter’s square na pangungunahan ni Pope Francis

Ipinababatid naman ng Holy See na ilalagak ang labi ni Pope-emeritus Benedict XVI sa kripto sa ilalim ng St. Peters Basilica.

Ang dating santo papa ay namayapa sa edad na 95, ay kasalukuyang nakahimlay sa St. Peter’s Basilica simula ngayong araw at ihahatid sa kanyang huling hantungan sa January 5-araw ng Huwebes (oras sa Roma).

Ang Vatican Crypt ay nakalaan sa mga labi ng mga pumanaw na Santo Papa, kabilang na si San Pedro Apostol.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Witch hunt?

 15,446 total views

 15,446 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 29,406 total views

 29,406 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Bihag ng sugal

 46,558 total views

 46,558 total views Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan

Read More »

kabaliwan

 96,801 total views

 96,801 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 112,721 total views

 112,721 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Bank Secrecy Law, pina-aamyendahan

 8,304 total views

 8,304 total views Isinusulong ni Leyte 1st District Representative at dating House Speaker Martin Romualdez ang House Bill No. 7 na naglalayong amyendahan ang Bank Secrecy

Read More »

50-pesos na wage hike, binatikos

 27,638 total views

 27,638 total views Nilinaw ni Kamanggagawa Partylist Representative Elijah San Fernando na hindi dapat ikatwiran ang maliliit na negosyo upang hadlangan ang isinusulong na legislated wage

Read More »
Scroll to Top