VeritasPH

The Word, The Truth

Sa atin magsisimulang matapos ang karahasan

SHARE THE TRUTH

 233 total views

Mga Kapanalig, katulad noong mga nakaraang taon, balót pa rin ng karahasan ang ating bayan ngayong 2018. Walang araw na hindi tayo nakarinig ng balita tungkol sa mga alitan, sakitan, at maging patayan. Ganoon na nga ba ka-normal ang karahasan sa ating lipunan?

Tatlong araw bago ang Pasko, pinatay si Ako Bicol party-list representative Rodel Batocabe habang dumadalo sa isang gift-giving activity malapit sa isang paaralan sa Daraga, Albay. Nasawi rin ang kanyang security escort. Hanggang sa araw na isinusulat ang editoryal na ito, pinaghahanap pa rin ang mga nasa likod ng krimen.

Noong umaga ng araw kung kailan pinatay si Ginoong Batocabe, isang dating alkalde sa Bukidnon ang binaril din. Pinatay siya ng mga hindi pa nakikilalang salarin habang papasakay sa kanyang kotse. Sa Taysan, Batangas naman, sa araw ding iyon, isang kapitan ng barangay ang pinagbabaril ng tatlong suspek habang siya ay nasa kanilang garahe. Naganap ang lahat ng pagpatay na ito sa loob lamang ng isang araw. (Hindi pa natin pinag-uusapan ang libu-libong iba pang napatay sa patuloy na pagpapatupad ng pamahalaan ng marahas nitong kampanya kontra droga at kriminalidad.)

Winawasak ng karahasan ang ating pamilya at lipunan. Sinisira nito ang buhay at angking dignidad ng tao, gayundin ang mga pangarap ng mga napapatay at ng kanilang mga mahal sa buhay. Maging ang ating pananampalataya, maaaring subukin sa gitna ng karahasang nakapalibot sa atin. May mga pagkakataong tila ba napaparalisa tayo sa harap ng laganap na karahasan at pagpatay sa ating paligid. Kung minsan, may mga taong pabor sa paggamit sa karahasan upang solusyonan ang mga nakikita nilang mali, at nagiging dahilan ito ng pagkakawatak-watak sa ating pamayanan at maging sa ating pamilya.

Wala tayong magagawa kundi ang kaharapin ang problema ng karahasan at putulin ang mga ugat nito. Isa itong obligasyon ng sinumang Kristiyanong pinahahalagahan ang buhay at dignidad ng kanyang kapwa-tao. Gayunman, hindi ito madali, lalo na kung ang mga inaasahan nating magpapatupad ng batas at magpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa ating kapaligiran ay kumikiling din sa karahasan. Hindi rin ito madali dahil tila ba ipinagdiriwang pa ang karahasan sa mga pelikula at palabas sa TV, maging sa mga awitin at sa mga libangang katulad ng video games. Nanunuot sa diwa natin ang karahasan.

Ngunit nagsisimula ang pagbasag sa kultura ng karahasan sa ating mga sarili. Nag-uugat ang karahasan sa ating kaibuturan kung saan umuusbong ang galit, pagkamuhi, kawalan ng pag-asa, at pagkamanhid—mga damdamin at disposisyong nagtutulak sa sinumang maging marahas sa kanyang kapwa.

Kaya’t ang pagtahak tungo sa landas ng kapayapaan ay nagsisimula sa pagtuklas sa ating personal na tungkulin para sa kapayapaan, sa ating paggalang sa buhay at dignidad ng tao, at sa pagkilos para sa isang lipunang mapayapa dahil sa pag-iral ng katarungan. Kung makikita at aakuin natin ang ating personal na tungkulin sa pagtatatag ng ating lipunan, hindi tayo lalahok sa anumang makasisira rito katulad ng paggamit ng karahasan. Kung hindi man natin masasagot ang tanong na: kailan matatapos ang karahasan sa ating bayan, maaari nating sabihing sa ating sarili magsisimulang matapos ang karahasan. Magandang paalala ang sinabi ni St John XXIII sa Pacem in Terris: “The world will never be the dwelling place of peace, till peace has found a home in the heart of each and every man, till every man preserves in himself the order ordained by God to be preserved.”

Mga Kapanalig, ngayong bagong taon, nawa’y maging mas matapang tayo sa pagtutol sa karahasan sa ating bayan, pamayanan, pamilya, at mismong sarili natin, dahil sabi nga ni Hesus, “Mapapalad ang mga mapagpayapa, sapagkat sila’y tatawaging mga anak ng Diyos” (Mateo 5:9).

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Inclusive Education

 2,963 total views

 2,963 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 8,720 total views

 8,720 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 15,983 total views

 15,983 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 23,968 total views

 23,968 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 31,504 total views

 31,504 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 2,964 total views

 2,964 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 8,721 total views

 8,721 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 15,984 total views

 15,984 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 23,969 total views

 23,969 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 31,505 total views

 31,505 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 46,720 total views

 46,720 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 54,762 total views

 54,762 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 46,319 total views

 46,319 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 44,744 total views

 44,744 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 46,530 total views

 46,530 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 43,455 total views

 43,455 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 57,769 total views

 57,769 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 61,459 total views

 61,459 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 60,062 total views

 60,062 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 70,049 total views

 70,049 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top