Pagdiriwang ng Bagong Taon, gawing ligtas at eco-friendly

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 562 total views

Pinaalalahanan ng grupong Ecowaste Coalition ang mga mamamayan na ipagdiwang ng ligtas at panatilihin ang kalinisan sa darating na bagong taon.

Ayon kay Aileen Lucero, National Coordinator ng grupo, maaari pa rin na maipagdiwang ng masaya ang pagpasok ng bagong taon sa simple at hindi magastos na pamamaraan.

Inihalimbawa ni Lucero ang paggamit ng alternatibong mga pampaingay upang hindi na gumastos sa pagbili ng mga paputok at maging ligtas mula sa disgrasyang dinadala nito.

Dagdag pa ni Lucero, sa pamamagitan din ng pag-iwas sa mga paputok ay mababawasan ang kumakalat na usok sa paligid na nakasasama hindi lamang sa kalikasan kun’di maging sa katawan ng tao.

Ayon kay Lucero sa munting pamamaraan na ito ay nakapagbabahagi ang tao ng kan’yang ambag sa pangangalaga sa kalikasan.

“I-celebrate ito ng masaya, simple, hindi magastos at sama-sama yung buong pamilya na hindi nasusugatan o nagkakaron ng disgrasya. Para sa environment, sana magbigay din tayo ng share, at sana ito yung share natin, salubungin natin na malinis yung hangin, ang ating kapaligiran, at ligtas ang lahat,” bahagi ng pahayag ni Lucero sa Radyo Veritas.

Nagpaalala din si Lucero na bantayan ang mga anak sa paggamit ng mga alternatibong pampaingay na pito.

Ito ay matapos lumabas sa pagsisiyasat ng grupo na mayroon ng dalawang kaso sa bansa na nalunok ng bata ang ginagamit nitong pito bilang pampaingay.

“Tama naman ito ay isang form of alternative noise maker pero kailangan pa rin ng parental guidance ng paggamit nito kasi kailangang masigurado na walang magkakaroon ng choking hazzard, yung pito kasi ay nalulunok kapag sobrang ihip, [tapos] yung pagkuha ng hangin, So pakibantayan po ang inyong mga anak,” dagdag pa ni Lucero.

Una nang nagpaalala ang Simbahang Katolika na ang tunay na diwa ng pagdiriwang ng bagong taon ay makikita sa pag-ibig at pag-asang taglay ng bawat manwanampalataya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAG-ASA

 13,509 total views

 13,509 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More »

VP Sara

 35,514 total views

 35,514 total views Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag! Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na

Read More »

Itigil ang pagdanak ng dugo

 59,856 total views

 59,856 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 83,850 total views

 83,850 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 118,647 total views

 118,647 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 302,303 total views

 302,303 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top