Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 414 total views

Homiliya para sa Pagtatalaga ng Pambansang Dambana ni Papa San Juan Pablo II sa Culis, Hermosa, Bataan, 1 Abril 2023, Juan 11:45-66

February 21, 1981 noong tumapak si San Juan Pablo II sa probinsiya ng Bataan, sa bayan ng Morong, sa Philippine Refugee Center kung saan siya nagmisa para sa mga tinatawag noon na “boat people” galing sa Vietnam, Laos at Cambodia. Iyon ang mga panahon na maraming mga nanggagaling sa mga nasabing bansa ang nagsisitakas sa malagim na giyera ng IndoChina. Iyon ang mga panahon na mga buong mga pamilya at angkan ay lumilikas, sinusuong ang panganib ng pagtawid ng dagat sakay ng mga bangkang hindi talaga pandagat kaya marami sa kanila, lalo na sa mga bata at matatanda ang nasawi. Halos lahat ng mga bansa sa paligid natin itinataboy sila, pinagsasarhan ng pinto, mga undesirable aliens ang turing noon sa mga refugees. Bakit daw sila mag-aalaga ng mga palaboy gayong marami ding palaboy sa kanilang mga bansa?

Hindi makatao at hindi Kristiyanong ugali ang pagsarhan ng pinto ang iyong kapwa sa oras ng pangangailangan—ito ang panawagan ni San Juan Pablo II noong mga panahong iyon. Hindi ba iyon ang drama ng panunulutan ng Sagrada Pamilya sa Bethlehem? At pinakinggan siya ng mga Pilipino. Kaya Pilipinas ang pinakaunang bansa na nagbukas ng pinto, naglaan ng lugar sa mga palaboy na lulutang-lutang sa dagat, dito sa inyo sa Bataan nagbukas ng Morong Refugee Center.

Ang pagdalaw ni San Juan Pablo II ay pagpapahayag niya sa mga taga-Bataan ng kanyang pasasalamat. Na ipinagmalaki niya kayo, na ikinatuwa niya ang inyong makatao at maka-Kristiyanong pagtugon sa pangangailangan ng kapwa kahit sila’y dayuhan, kahit iba ang kanilang lahi o salita o kultura. Marami sa mga “boat people” ay napadpad ng Estados Unidos sa kalaunan, ngunit marami sa kanila, hanggang ngayon dumadalaw pa rin sa Pilipinas para balik-tanawin ang kanilang pinanggalingan at pasalamatan ang mga Taga—Bataan na nagbukas sa kanila ng pintuan at nagsilbing kanilang Bethlehem, kanilang sabsaban o bayan-panuluyan.

Ipinagdiwang ninyo ang 30th anniversary ng pagdalaw ni San Juan Pablo II noong 2011, at inilipat ninyo dito sa Culis, Hermosa noong 2021 mula nang maging bahagi ng Bataan Technology Park ang Morong. Dito ninyo minabuting itayo ang diocesan shrine ni San Juan Pablo II noong panahon ng pandemya bilang paggunita sa 40th anniversary ng pagdalaw niyang iyon. Dito sa Barangay Culis Hermosa, pinaka-bukana o entrada ng Bataan—na ngayon ay itinatalaga ng CBCP bilang isang National Shrine o Pambansang Dambana.

Maganda ang timing ng pagtatalagang ito, dahil bukas ay simula na ng Semana Santa. Simula na ng pagdiriwang natin sa pinakabanal na linggo ng buong taon: sa pagsasa-ngayon natin ng MISTERYO PASKWAL—sa pamamagitan ng ating paggunita sa pagdurusa, kamatayan, at muling pagkabuhay ng ating Panginoong HesuKristo, bilang Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan at katuparan ng Bagong Tipan na narinig natin sa pahayag ni Propeta Ezequiel sa ating Unang Pagbasa.

Sabi ni propeta Ezekiel sa chapter 37, verses 26-28: “Gagawa ako ng isang bagong kasunduan…ang kasunduang ito ay magpapatuloy magpakailanman. Patitirahin ko sila sa lupain nila at pararamihin ko sila. Itatayo ko ang templo ko sa kalagitnaan nila magpakailanman. Maninirahan akong kasama nila. Magiging Diyos nila ako, at sila ay magiging bayan ko. At kung mananatili na ang templo ko sa kalagitnaan nila magpakailanman, malalaman ng mga bansa na ako, ang Panginoon , ang humirang sa kanila upang maging bayan ko.”

Para sa mga Hudyo ang sagisag ng Tipan ay ang Templo ng Jerusalem, dahil sa kaloob-looban ng templong ito matatagpuan ang Kaban ng Tipan. Isang baul na binalutan ng ginto at may dalawang nakayukong anghel sa ibabaw nito. Ano ang laman sa loob? Dalawang tapyas ng bato kung saan nakatitik ang Sampung Utos ng Diyos. Kaya sila sumasamba sa loob ng templong ito, kumakatay ng mga hayop at nag-aalay ng biserong tupa o kordero sa paniwalang ito ang paraan para matupad ang tipanan o kasunduan sa pagitan ng Diyos at ng bayang Israel.

Nagkamali sila. Bakit? Naging paimbabaw ang kanilang pagsamba. Sabi nga ni propeta Isaias 1:11, Ito ang wika ng Panginoon:

“Balewala sa akin ang napakarami ninyong handog. Sawang-sawa na ako sa inyong mga handog na sinusunog – ang mga tupa at ang mga taba ng mga pinatabang hayop. Hindi ako nalulugod sa dugo ng mga toro, tupa at mga kambing.”

At sa verse 17, sabi pa niya, “Pag-aralan ninyong gumawa ng mabuti at pairalin ang katarungan. Sawayin ninyo ang mga nang-aapi at ipagtanggol ninyo ang karapatan ng mga maralita, mga balo at mga ulila.”

Ang lumang Tipan ay mabibigyan pala ng ganap na katuparan kay Kristo—ang sagisag ng Bagong Tipan. Hindi na dalawang tapyas ng bato o templong pag-aalayan ng sakripisyo ang sagisag, kundi si Hesukristo na mismo. Siya mismo ang ating tipan na magbubuklod sa Diyos at sangkatauhan? Bakit? Siya ay DIYOS NA TOTOO at TAONG TOTOO ngunit iisang persona. Kay Hesus hindi na mapaghihiwalay ang DiyoSA IYO LAMANG

Homiliya para sa Pagtatalaga ng Pambansang Dambana ni Papa San Juan Pablo II sa Culis, Hermosa, Bataan, 1 Abril 2023, Juan 11:45-66

February 21, 1981 noong tumapak si San Juan Pablo Segundo sa probinsiya ng Bataan, sa bayan ng Morong, sa Philippine Refugee Center kung saan siya nagmisa para sa mga tinatawag noon na “boat people” galing sa Vietnam, Laos at Cambodia. Iyon ang mga panahon na maraming mga nanggagaling sa mga nasabing bansa ang nagsisitakas sa malagim na giyera ng IndoChina. Iyon ang mga panahon na mga buong mga pamilya at angkan ay lumilikas, sinusuong ang panganib ng pagtawid ng dagat sakay ng mga bangkang hindi talaga pandagat kaya marami sa kanila, lalo na sa mga bata at matatanda ang nasawi. Halos lahat ng mga bansa sa paligid natin itinataboy sila, pinagsasarhan ng pinto, mga undesirable aliens ang turing noon sa mga refugees. Bakit daw sila mag-aalaga ng mga palaboy gayong marami ding palaboy sa kanilang mga bansa?

Hindi makatao at hindi Kristiyanong ugali ang pagsarhan ng pinto ang iyong kapwa sa oras ng pangangailangan—ito ang panawagan ni San Juan Pablo noong mga panahong iyon. Hindi ba iyon ang drama ng panunulutan ng Sagrada Pamilya sa Bethlehem? At pinakinggan siya ng mga Pilipino. Kaya Pilipinas ang pinakaunang bansa na nagbukas ng pinto, naglaan ng lugar sa mga palaboy na lulutang-lutang sa dagat, dito sa inyo sa Bataan nagbukas ng Morong Refugee Center.

Ang pagdalaw ni San Juan Pablo II ay pagpapahayag niya sa mga taga-Bataan ng kanyang pasasalamat. Na ipinagmalaki niya kayo, na ikinatuwa niya ang inyong makatao at maka-Kristiyanong pagtugon sa pangangailangan ng kapwa kahit sila’y dayuhan, kahit iba ang kanilang lahi o salita o kultura. Marami sa mga “boat people” ay napadpad ng Estados Unidos sa kalaunan, ngunit marami sa kanila, hanggang ngayon dumadalaw pa rin sa Pilipinas para balik-tanawin ang kanilang pinanggalingan at pasalamatan ang mga Taga—Bataan na nagbukas sa kanila ng pintuan at nagsilbing kanilang Bethlehem, kanilang sabsaban o bayan-panuluyan.

Ipinagdiwang ninyo ang 30th anniversary ng pagdalaw ni San Juan Pablo II noong 2011, at inilipat ninyo dito sa Culis, Hermosa noong 2021 mula nang maging bahagi ng Bataan Technology Park ang Morong. Dito ninyo minabuting itayo ang diocesan shrine ni San Juan Pablo II noong panahon ng pandemya bilang paggunita sa 40th anniversary ng pagdalaw niyang iyon. Dito sa Barangay Culis Hermosa, pinaka-bukana o entrada ng Bataan—na ngayon ay itinatalaga ng CBCP bilang isang National Shrine o Pambansang Dambana.

Maganda ang timing ng pagtatalagang ito, dahil bukas ay simula na ng Semana Santa. Simula na ng pagdiriwang natin sa pinakabanal na linggo ng buong taon: sa pagsasa-ngayon natin ng MISTERYO PASKWAL—sa pamamagitan ng ating paggunita sa pagdurusa, kamatayan, at muling pagkabuhay ng ating Panginoong HesuKristo, bilang Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan at katuparan ng Bagong Tipan na narinig natin sa pahayag ni Propeta Ezequiel sa ating Unang Pagbasa.
Sabi ni propeta Ezekiel sa chapter 37, verses 26-28: “Gagawa ako ng isang bagong kasunduan…ang kasunduang ito ay magpapatuloy magpakailanman. Patitirahin ko sila sa lupain nila at pararamihin ko sila. Itatayo ko ang templo ko sa kalagitnaan nila magpakailanman. Maninirahan akong kasama nila. Magiging Diyos nila ako, at sila ay magiging bayan ko. At kung mananatili na ang templo ko sa kalagitnaan nila magpakailanman, malalaman ng mga bansa na ako, ang Panginoon , ang humirang sa kanila upang maging bayan ko.”

Para sa mga Hudyo ang sagisag ng Tipan ay ang Templo ng Jerusalem, dahil sa kaloob-looban ng templong ito matatagpuan ang Kaban ng Tipan. Isang baul na binalutan ng ginto at may dalawang nakayukong anghel sa ibabaw nito. Ano ang laman sa loob? Dalawang tapyas ng bato kung saan nakatitik ang Sampung Utos ng Diyos. Kaya sila sumasamba sa loob ng templong ito, kumakatay ng mga hayop at nag-aalay ng biserong tupa o kordero sa paniwalang ito ang paraan para matupad ang tipanan o kasunduan sa pagitan ng Diyos at ng bayang Israel.

Nagkamali sila. Bakit? Naging paimbabaw ang kanilang pagsamba. Sabi nga ni propeta Isaias 1:11, Ito ang wika ng Panginoon:

“Balewala sa akin ang napakarami ninyong handog. Sawang-sawa na ako sa inyong mga handog na sinusunog – ang mga tupa at ang mga taba ng mga pinatabang hayop. Hindi ako nalulugod sa dugo ng mga toro, tupa at mga kambing.”

At sa verse 17, sabi pa niya, “Pag-aralan ninyong gumawa ng mabuti at pairalin ang katarungan. Sawayin ninyo ang mga nang-aapi at ipagtanggol ninyo ang karapatan ng mga maralita, mga balo at mga ulila.”

Ang lumang Tipan ay mabibigyan pala ng ganap na katuparan kay Kristo—ang sagisag ng Bagong Tipan. Hindi na dalawang tapyas ng bato o templong pag-aalayan ng sakripisyo ang sagisag, kundi si Hesukristo na mismo. Siya mismo ang ating tipan na magbubuklod sa Diyos at sangkatauhan? Bakit? Siya ay DIYOS NA TOTOO at TAONG TOTOO ngunit iisang persona. Kay Hesus hindi na mapaghihiwalay ang Diyos at Tao. May permanenteng koneksyon na ang Diyos sa tao at ang tao sa Diyos. Siya ang ating tulay, ang buklod o tagapag-ugnay sa langit at lupa. Mananatili na tayong nakaugnay sa Diyos sa pamamagitan niya. Di ba sinabi ito ni San Pablo sa Romans 8? “Sino ang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos? Wala… dahil kay Kristo Hesus na ating Panginoon!”

Kaya pala nasabi niya noong ipagtabuyan niya ang nangongomersyo sa templo: “Wasakin ninyo ang templong ito at itatayo ko siyang muli sa loob ng tatlong araw.” Kung ayaw ninyong maranasan ang pait ng pagkawasak ng dambanang ito, huwag na huwag ninyong gagawing komersyo ang relihiyon. Huwag ninyong gagawing kalakal ang pananampalataya na para bang kayang bilhin ito ng mga may pera at di ma-afford ng mga dukha.

Ang tunay na templo ay hindi naman ang gusaling ito kundi ang katawan ni Kristo, at tayong lahat ay tinawag na makilakbay sa landas ni Kristo bilang isang simbahang sinodal. Di ba bukambibig ito ni Papa Francisco? Paano ito mapangyayari? Una, sa pamamagitan ng COMMUNION, ibig sabihin pakikibuklod ng puso at diwa kay Kristo at sa isa’t isa sa pamamagitan ng iisang biyayang tinanggap nating lahat sa binyag, ang Espiritu Santo. Pangalawa, sa pamamagitan ng PARTICIPATION, ibig sabihin ang biyaya na makilahok sa buhay ni Kristo bilang kabahagi ng kanyang katawan. Sabi ni San Pablo ang maging Kristiyano ay magsabing “Ang buhay ko ay hindi na akin, ito ay kay Kristong nabubuhay sa akin. Nakikilahok lang ako sa buhay niya…” Pangatlo, MISSION, ibig sabihin—pakikilahok sa gawain ni Kristo bilang kanyang mga kinatawan sa daigdig, pakikilahok sa gawain niya ng pagtubos sa sangkatauhan, ang maging asin ng mundo at ilaw ng daigdig.

Ang simbahan, ang templo, ay hindi ang gusali kundi tayo na nagkakatipon sa ngalan ni Kristo. Di ba sinabi niya, “Where two or three are gathered together in my name, there I am in the midst of them?” Ang templo ay ang katawan ni Kristo at bawat isa sa atin ay bahagi ng katawan niya, kaya sagrado rin ang ating mga katawan, wika ni San Juan Pablo II. Ito ang pinasikat niyang “theology of the body.”

Ano ang katibayan na tayo ay tunay na nagiging templo ng Diyos? Ito naman ang narinig natin sa ikalawang pagbasa: kapag natututunan na nating ituring ang bawat kapwa bilang kabahagi ng iisang katawan. Di ba may kasabihan, “Ang sakit ng kalingkingan ay ramdam ng buong katawan.” Totoo ba ito? Depende. Kung malusog at buháy ang katawan ni Kristo. Kung dumadaloy sa ating kaluluwa ang iisang Espiritu Santo. Kapag natututo na tayong magmalasakit sa kapwa, pati sa ibang tao na para hindi na iba sa atin, tulad ng ginawa ng probinsiya ng Bataan 42 years ago sa Morong nang pagbuksan ninyo ng pinto ang mga taga-Laos, Cambodia at Vietnam na biktima ng giyera.

Sa ebanghelyo, ipinahahayag ni San Juan na nagbitiw ng salita ang saserdoteng si Caiphas na nagkatotoong parang hula ng propeta: “isasakripisyo ang isa para sa kaligtasan ng marami.” Sanay naman kasi talaga siya bilang saserdote na magsakripisyo ng mga korderong kinakatay para sa kapatawaran ng mga kasalanan. Pero kay Kristo, hindi na kailangan ulit-ulitin ang sakripisyo—ito’y minsan lang para sa lahat. Kakaiba ang sakripisyong iaalay niya. Kakaiba at bukod-tangi. Hindi na katulad ng walang-kuwentang sakripisyo ng mga pari ng Lumang Tipan sa templo na kailangan pa nilang ulit-ulitin dahil nauuwi sa paimbabaw na ritwal. Bakit? Dahil sa sakripisyong isinasaritwal nila ang nasasaktan ay hindi naman ang nagkasala o ang paring nag-aalay, kundi ang korderong isinasakripisyo.

Sa bagong tipan, ang paring nag-aalay at ang korderong iniaalay ay nagiging iisa kay Kristo. Siya ang pari, siya rin ang biktima. Siya ang nag-aalay pero siya rin ang korderong iniaalay. Hindi niya sasabihing tulad ng mga pari ng lumang tipan: “ipag-aalay kita ng kordero. “ Sa bagong tipan, ang mensahe niya ay “ako ang kordero. Wala akong ibang alay na isasakripisyo sa iyong katubusan kundi buhay ko, sarili ko. “ At lahat tayo, hindi lang ang mga naordenahan, lahat tayong mga binyagan ay nakikiisa sa pagkaparing ito ni Kristo.

Palagay ko ito ang dahilan kung bakit napili ni San Juan Pablo II bilang motto ng kanyang pagka-obispo ang TOTUS TUUS. Siyanga pala, wala hong kinalaman ito sa pagtutuos. Ito ay Latin: TOTUS—ibig sabihin LAHAT, at TUUS, ibig sabihin IYO.

Di ba kayong mga taga-Culis Hermosa, dahil boundary kayo ng Pampanga, nakakaintindi kayo ng Kapampangan? Ano ba ang Kapampangan ng “Ikaw ay Akin?” KAKU KA. Baligtarin mo iyon at kuha mo na ang Kapampangan ng AKO AY IYO: KEKA KU. KAKU KA, KEKA KU. Ako ay Iyo, KEKA KU, ito ang katumbas ng TOTUS TUUS ni San Juan Pablo II.

Ito ang panalanging nais niyang ituro sa lahat ng dadalaw sa dambanang ito. Na ang kaganapan ng pagiging Kristiyano ay pakikilakbay, pakikibuklod, pakikilahok, pakikibahagi sa buhay at misyon ng simbahan bilang katawan ni Kristo. Ito ang sandali na ating nasasabi sa Diyos: Panginoon, ako ay iyo (keka ku) buong buhay ko, puso at kaluluwa, buong pagkatao ko ay laan sa iyo.

Hindi ba napakaganda kung gagawa ng isang ruta ng pilgrimage ang diocese of Balanga para sa mga kabataan na naghahanap o nagnanais tumuklas ng misyon nila sa buhay, pwede silang sumakay ng ferry mula Maynila at dumaong sa baybay ng Morong. Mula doon maglakad hanggang dito Culis, upang dito nila mabigkas ang motto ni San Juan Pablo na isang panalangin? Totus tuus: KEKA KU, kasama ni Maria, ito Panginoon ang aking pahayag: Sa iyo lamang ang puso ko, sa iyo lamang ang buhay ko. AMEN.

s at Tao. May permanenteng koneksyon na ang Diyos sa tao at ang tao sa Diyos. Siya ang ating tulay, ang buklod o tagapag-ugnay sa langit at lupa. Mananatili na tayong nakaugnay sa Diyos sa pamamagitan niya. Di ba sinabi ito ni San Pablo sa Romans 8? “Sino ang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos? Wala… dahil kay Kristo Hesus na ating Panginoon!”

Kaya pala nasabi niya noong ipagtabuyan niya ang nangongomersyo sa templo: “Wasakin ninyo ang templong ito at itatayo ko siyang muli sa loob ng tatlong araw.” Kung ayaw ninyong maranasan ang pait ng pagkawasak ng dambanang ito, huwag na huwag ninyong gagawing komersyo ang relihiyon. Huwag ninyong gagawing kalakal ang pananampalataya na para bang kayang bilhin ito ng mga may pera at di ma-afford ng mga dukha.

Ang tunay na templo ay hindi naman ang gusaling ito kundi ang katawan ni Kristo, at tayong lahat ay tinawag na makilakbay sa landas ni Kristo bilang isang simbahang sinodal. Di ba bukambibig ito ni Papa Francisco? Paano ito mapangyayari? Una, sa pamamagitan ng COMMUNION, ibig sabihin pakikibuklod ng puso at diwa kay Kristo at sa isa’t isa sa pamamagitan ng iisang biyayang tinanggap nating lahat sa binyag, ang Espiritu Santo. Pangalawa, sa pamamagitan ng PARTICIPATION, ibig sabihin ang biyaya na makilahok sa buhay ni Kristo bilang kabahagi ng kanyang katawan. Sabi ni San Pablo ang maging Kristiyano ay magsabing “Ang buhay ko ay hindi na akin, ito ay kay Kristong nabubuhay sa akin. Nakikilahok lang ako sa buhay niya…” Pangatlo, MISSION, ibig sabihin—pakikilahok sa gawain ni Kristo bilang kanyang mga kinatawan sa daigdig, pakikilahok sa gawain niya ng pagtubos sa sangkatauhan, ang maging asin ng mundo at ilaw ng daigdig.

Ang simbahan, ang templo, ay hindi ang gusali kundi tayo na nagkakatipon sa ngalan ni Kristo. Di ba sinabi niya, “Where two or three are gathered together in my name, there I am in the midst of them?” Ang templo ay ang katawan ni Kristo at bawat isa sa atin ay bahagi ng katawan niya, kaya sagrado rin ang ating mga katawan, wika ni San Juan Pablo II. Ito ang pinasikat niyang “theology of the body.”

Ano ang katibayan na tayo ay tunay na nagiging templo ng Diyos? Ito naman ang narinig natin sa ikalawang pagbasa: kapag natututunan na nating ituring ang bawat kapwa bilang kabahagi ng iisang katawan. Di ba may kasabihan, “Ang sakit ng kalingkingan ay ramdam ng buong katawan.” Totoo ba ito? Depende. Kung malusog at buháy ang katawan ni Kristo. Kung dumadaloy sa ating kaluluwa ang iisang Espiritu Santo. Kapag natututo na tayong magmalasakit sa kapwa, pati sa ibang tao na para hindi na iba sa atin, tulad ng ginawa ng probinsiya ng Bataan 42 years ago sa Morong nang pagbuksan ninyo ng pinto ang mga taga-Laos, Cambodia at Vietnam na biktima ng giyera.

Sa ebanghelyo, ipinahahayag ni San Juan na nagbitiw ng salita ang saserdoteng si Caiphas na nagkatotoong parang hula ng propeta: “isasakripisyo ang isa para sa kaligtasan ng marami.” Sanay naman kasi talaga siya bilang saserdote na magsakripisyo ng mga korderong kinakatay para sa kapatawaran ng mga kasalanan. Pero kay Kristo, hindi na kailangan ulit-ulitin ang sakripisyo—ito’y minsan lang para sa lahat. Kakaiba ang sakripisyong iaalay niya. Kakaiba at bukod-tangi. Hindi na katulad ng walang-kuwentang sakripisyo ng mga pari ng Lumang Tipan sa templo na kailangan pa nilang ulit-ulitin dahil nauuwi sa paimbabaw na ritwal. Bakit? Dahil sa sakripisyong isinasaritwal nila ang nasasaktan ay hindi naman ang nagkasala o ang paring nag-aalay, kundi ang korderong isinasakripisyo.

Sa bagong tipan, ang paring nag-aalay at ang korderong iniaalay ay nagiging iisa kay Kristo. Siya ang pari, siya rin ang biktima. Siya ang nag-aalay pero siya rin ang korderong iniaalay. Hindi niya sasabihing tulad ng mga pari ng lumang tipan: “ipag-aalay kita ng kordero. “ Sa bagong tipan, ang mensahe niya ay “ako ang kordero. Wala akong ibang alay na isasakripisyo sa iyong katubusan kundi buhay ko, sarili ko. “ At lahat tayo, hindi lang ang mga naordenahan, lahat tayong mga binyagan ay nakikiisa sa pagkaparing ito ni Kristo.

Palagay ko ito ang dahilan kung bakit napili ni San Juan Pablo II bilang motto ng kanyang pagka-obispo ang TOTUS TUUS. Siyanga pala, wala hong kinalaman ito sa pagtutuos. Ito ay Latin: TOTUS—ibig sabihin LAHAT, at TUUS, ibig sabihin IYO.

Di ba kayong mga taga-Culis Hermosa, dahil boundary kayo ng Pampanga, nakakaintindi kayo ng Kapampangan? Ano ba ang Kapampangan ng “Ikaw ay Akin?” KAKU KA. Baligtarin mo iyon at kuha mo na ang Kapampangan ng AKO AY IYO: KEKA KU. KAKU KA, KEKA KU. Ako ay Iyo, KEKA KU, ito ang katumbas ng TOTUS TUUS ni San Juan Pablo II.

Ito ang panalanging nais niyang ituro sa lahat ng dadalaw sa dambanang ito. Na ang kaganapan ng pagiging Kristiyano ay pakikilakbay, pakikibuklod, pakikilahok, pakikibahagi sa buhay at misyon ng simbahan bilang katawan ni Kristo. Ito ang sandali na ating nasasabi sa Diyos: Panginoon, ako ay iyo (keka ku) buong buhay ko, puso at kaluluwa, buong pagkatao ko ay laan sa iyo.

Hindi ba napakaganda kung gagawa ng isang ruta ng pilgrimage ang diocese of Balanga para sa mga kabataan na naghahanap o nagnanais tumuklas ng misyon nila sa buhay, pwede silang sumakay ng ferry mula Maynila at dumaong sa baybay ng Morong. Mula doon maglakad hanggang dito Culis, upang dito nila mabigkas ang motto ni San Juan Pablo na isang panalangin? Totus tuus: KEKA KU, kasama ni Maria, ito Panginoon ang aking pahayag: Sa iyo lamang ang puso ko, sa iyo lamang ang buhay ko.

ads
2
3
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Iba’t ibang paraan ng pabahay

 29,620 total views

 29,620 total views Mga Kapanalig, sa isang pahayag noong 1988 ng Pontifical Commission Justice and Peace, may ganitong paalala ang ating Simbahan: “Any person or family that, without any direct fault on his or her own, does not have suitable housing is the victim of an injustice.” Totoo pa rin ito hanggang ngayon. Marami pa ring

Read More »

Dugo sa kamay ng mga pulis

 35,844 total views

 35,844 total views Mga Kapanalig, may pagkakataon pa raw si PNP Lieutenant Coronel Jovie Espenido na bigyang-katarungan ang mga biktima ng madugong giyera kontra droga ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Iyan ang paniniwala ni Fr Flavie Villanueva, SVD, kung isisiwalat ng kontrobersyal na pulis ang lahat ng maling ginawa niya bilang pagsunod sa kagustuhan

Read More »

“Same pattern” kapag may kalamidad

 44,537 total views

 44,537 total views Mga Kapanalig, ulan at baha ang sumalubong sa atin sa pagpasok ng buwan ng Setyembre. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, labinlimang kababayan natin ang iniwang patay ng Bagyong Enteng. Marami sa kanila ay namatay sa landslide o nalunod sa rumaragasang baha. Hindi bababà sa 20 ang patuloy pa ring hinahanap. Tinahak

Read More »

Moral conscience

 59,305 total views

 59,305 total views Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang “moral conscience”? Sa ginagawang “budget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang “moral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal na representante nating

Read More »

Pagpa-parking/budget insertions

 66,426 total views

 66,426 total views Kapanalig, sa “laymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area. Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAPAPANAHON

 710 total views

 710 total views Homily for the 23rd Sunday in Ordinary Time, 08 September 2024, Mark 7:31-37 Isang kasabihan sa Bibliya, ang chapter 3 ng Ecclesiastes ang pagkukuhanan natin ng inspirasyon para sa ating pagninilay sa ebanghelyo ngayon. “May tamang panahon para sa lahat ng bagay, panahon para sa bawat gawain sa mundong ibabaw…May panahon daw para

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PANININDIGAN

 2,913 total views

 2,913 total views Homiliya para sa Ika-21 Linggo ng Karaniwang Panahon, 25 Agosto 2024, Juan 6: 60-69 Sa Misang ito ng ating Paggunita kay Santa Clara ng Assisi pagninilayan ang pagiging huwaran niya sa SAMA-SAMANG PAGLALAKBAY TUNGO SA KAGANAPAN NG BUHAY. Isa siya sa mga unang nagpahayag ng suporta kay Saint Francis nang talikuran nito ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKITA KITA

 2,947 total views

 2,947 total views Homiliya para sa Kapistahan ni San Bartolome, 24 Agosto 2024, Jn 1:45–51 “Bago ka tinawag ni Felipe NAKITA KITA sa ilalim ng puno ng igos.” Iyun lang ang sinabi ni Hesus. Hanggang ngayon hinuhulaan pa ng mga Bible scholars kung bakit napakatindi ng epekto ng sinabing iyon ni Hesus kay Nataniel o Bartolome.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

DAMAY-DAMAY

 4,300 total views

 4,300 total views Homily for the Feast of the Queenship of Mary, 22 August 2024, Lk 1,26-38 Isa sa paborito kong kanta sa blockbuster comedy film “Sister Act” ni Whoopi Goldberg ay ang “Hail Holy Queen Enthroned Above”. Hindi alam ng marami na ang kantang iyon ay isa sa pinakamatandang panalangin tungkol kay Mama Mary. Kilala

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BAON SA BIYAHE

 5,397 total views

 5,397 total views Homily for the 20th Sunday in Ordinary Time, 18 August 2024, John 6: 51-58 Sa ating mga Katoliko, ang huling basbas sa mga malapit nang pumanaw ay hindi lamang sinasamahan ng kumpisal at pagpapahid ng langis. Kapag kaya pa ng maysakit, binibigyan siya ng komunyon at ang tawag dito sa wikang Latin ay

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MALASAKIT

 9,619 total views

 9,619 total views Homiliya sa Pyestang San Roque, 16 Agosto 2924, Mateo 25: 31-40 Isang art work ang tumawag-pansin sa akin minsan. Gawa ito sa brass o tanso, hugis-taong nakaupo sa isang park bench, dinadaan-daanan ng mga tao. Minsan tinatabihan siya ng mga gustong magselfie kasama siya. Malungkot ang dating ng sculpture na ito—anyo ng isang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PAGKAIN NG BUHAY

 5,343 total views

 5,343 total views Homily for the 19th Sunday in Ordinary Time, 11 August 2024, John 6:41-51 Kung minsan, may mga taong ayaw kumain, hindi dahil hindi sila nagugutom o wala silang ganang kumain kundi dahil wala na silang ganang mabuhay. Ganito ang sitwasyon ng propeta sa ating unang pagbasa ngayon. Nawalan na ng ganang mabuhay si

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

HANAPBUHAY

 6,713 total views

 6,713 total views Homiliya para sa ika-18 Linggo ng Karaniwang Panahon, 4 Agosto 2024, Juan 6:24-35 Sa Tagalog, “hanapbuhay” ang tawag natin sa trabahong pinagkakakitaan ng pera. Pero kung pera pala ang hinahanap, bakit hindi na lang tinawag na “hanap-pera” ang trabaho? Narinig ko ang sagot sa isang kargador sa palengke. Kaya daw hanapbuhay ang tawag

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MISSIONARY

 6,974 total views

 6,974 total views Homily for the Ordination of Hien Van Do, MJ and Dao Minh Pham MJ to the Presbyteral Ministry, 03 August 2024, Jn 15:9-17 87 MJ is your nomenclature for your identity as consecrated persons. Missionaries of Jesus. Let me share some thoughts on what, basically it means to be Missionaries of Jesus. It

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKATATANDA

 15,667 total views

 15,667 total views Homiliya para sa World Day for Grandparents, 27 Hulyo 2024, Ika-17 Linggo ng Karaniwang Panahon, Juan 6:1-15 Ipinagdiriwang natin ngayon ang World Day for Grandparents and the Elderly. Ano sa Tagalog ang ELDERLY? NAKATATANDA. Kaya nagtataka ako kung bakit ina-associate ang pagiging matanda sa pagiging ulyanin o makakalimutin, gayong eksaktong kabaligtaran ang ibig

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

RICH SOIL

 8,379 total views

 8,379 total views Homily for the feast of Sts. Joachim and Anne, 26 July 2024, Mt 13:18-23 An elderly couple like Abraham and Sarah, that’s the kind of image that Christian tradition gives us of Joachim and Anne. They were a couple already resigned to their infertility, but were eventually blessed with a child in their

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG PEREGRINO

 8,511 total views

 8,511 total views Homiliya para sa Kapistahan ni Santiago Mayor, 25 Hulyo 2024, Mt. 20:20-28 Pyesta ngayon sa aking hometown sa Betis, Guagua Pampanga, dahil patron ng aming parokya doon si Santiago Mayor. Dalawa ang larawan ni Santiago Apostol ang ipinuprusisyon doon sa amin sa Betis: ang Santiagong sundalo, may dalang espada, nakasakay sa kabayong puti

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

REVELATION TO THE CHILDLIKE

 9,498 total views

 9,498 total views Homily for Wed of the 15th Wk in OT, 17 July 2024, Isa 10:5-7, 13b-16; Mt 11:25-27 Our first reading today is a grim warning to modern-day world powers who bully their neighbors. It is a good reminder for nations that have become economically prosperous and militarily powerful to the point of throwing

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

APOSTOL, SUGO, KINATAWAN

 9,499 total views

 9,499 total views Homiliya Para sa Ika-15 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hulyo 2024, Markos 6:7-13 Nais ko sana na itutok natin ang ating pagninilay sa araw na ito sa kahulugan ng pagiging “apostol”. Alam ko na ang karaniwang iniuugnay natin sa salitang “apostol” ay ang 12 lalaki na pinili ni Hesus mula sa kanyang mga

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BUEN CAMINO

 12,253 total views

 12,253 total views Homiliya para sa Huwebes, 11 Hulyo 2024, Paggunita kay San Benito, Mt 10:7-15 Noong nakaraang Martes, nag-bonding kami ng kapatid kong panganay. Umabot ng tatlong oras ang tanghalian namin dahil nagkuwento siya tungkol sa naranasan niyang paglalakad sa camino ng Compostela nitong nakaraang buwan. Biro niyo, sa edad na 78 ay naglakad siya

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top