Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 438 total views

Homiliya Para sa Huwebes sa Ika-27 Linggo ng Karaniwang Panahon, 06 Oktubre 2022, Luk 11:5-13

Isang eksena sa pelikulang Tanging Yaman ang bumalik sa isip ko habang binabasa ko ang ebanghelyo natin ngayon. Iyung eksena tungkol sa pag-uusap sa loob ng simbahan nina Gloria Romero, na gumanap bilang lola, at ni Shaina Magdayao, na gumanap bilang apo.

Nagmamasid pala ang bata sa mga nagdadasal sa simbahan—may paluhod na lumalakad patungong altar habang nagrorosaryo, nagdarasal para sa anak niyang addict. May isang amang nakatingala at mukhang problemado sa hanapbuhay, may dalagitang nabuntis sa pagkadalaga at umiiyak dahil hindi alam ang sasabihin sa parents niya. May babaeng nasa may pintuan at parang nahihiyang pumasok dahil nakikiapid sa isang may-asawa.

Tinanong ng bata ang lola niya:

“Lola, hindi ho ba siya nalilito?”

“Hmm, sino?” (Sabi ng lola.)

“Ang Diyos po.” (Sagot ng apo.)

“Nalilito saan?” (Tanong ng matanda.)

“Pag sabay-sabay pong nagdarasal ang mga tao, tapos iba-iba pa po ang hinihingi natin. Lahat po ba tayo naririnig niya?” (Tanong ulit ng bata.)

Hinarap ng lola ang apo at nakangiti niyang sinabi:

“Kahit iyung hindi binibigkas ng ating bibig, at iyung lihim na idinadaing ng ating mga puso naririnig din niya iyon. Kunwari, ikaw, alam ko paglabas natin dito sa simbahan mamaya… gusto mo, ibili kita ng lobo?”

Surprised ang bata, excited na sinabi, “Po? Pano po ninyo nalaman?”

Sagot ni lola: “Kasi mahal kita e. Kahit hindi mo sabihin sa akin, alam ko kung ano ang nakapagpapasaya sa iyo. Ganyan din ang Diyos, alam niya kung ano ang nakapagpapasaya sa atin dahil mahal niya tayo.”

Ngingiti si apo, follow-up question siya ulit:

“Kahit ano pong hingin ko sa kanya ibibigay niya sa akin?”

Serious face si lola. Sabi niya, “Kung ito ay makakabuti sa iyo. Pero kung hindi, bakit niya ibibigay? Alam mo, kung minsan dahil sobra tayong apurado, akala natin binabalewala niya tayo. Pero ang totoo naghihintay lang siya ng tamang panahon.”

May kakulitan ang bata, pero pinakinggan siya at sinagot ng lola niya. Parang tayo rin sa harapan ng Diyos, sabi ni Hesus sa ebanghelyo. Pwede natin siyang kulitin, pwedeng maglambing sa kanya, ok lang, kasi mahal niya tayo. Alam niya ang hinihiling natin bago pa natin sabihin sa kanya.

Minsan, tulad ni St. Paul sa unang pagbasa, sasagot siya pero masakit ang salita niya. Pati ang galit niya ay hindi pagkamuhi ang pinanggagalingan kundi malasakit. Parang galit ng magulang sa anak kapag matigas ang ulo, kapag pasaway ang dating o ayaw makinig o hindi mapagsabihan. Ibang klaseng galit iyon. Pinagagalitan ka dahil minamahal ka.

Minsan naman, tahimik lang siya. Parang ibig tuloy nating magtampo dahil akala natin wala siyang pakialam sa pinagdaraanan natin. Iyun pala, naghihintay lang siya ng tamang panahon.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 77,848 total views

 77,848 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 85,623 total views

 85,623 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 93,803 total views

 93,803 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 109,368 total views

 109,368 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 113,311 total views

 113,311 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

“HUDYO” AT “ROMANO”

 1,256 total views

 1,256 total views Homiliya para sa Huwebes sa Panlimang Linggo ng Kuwaresma, 10 Abril 2025, Jn 8:51-59 Sa kadahilanang hindi sinasadya, alam n’yo ba na naging

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

PAGSAMBANG NAGPAPALAYA

 1,258 total views

 1,258 total views Homiliya para sa Miyerkules ng Ika-5 Linggo ng Kuwaresma 9 Abril 2025 | Dn 2:14–20, 91–92, 95; Jn 8:31–42 Sapat na sana para

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

IPAMUKHA

 1,425 total views

 1,425 total views Homiliya para sa Martes sa Panlimang Linggo ng Kuwaresma, Bilang 21:4-9; Juan 8:21-30 Mula sa krus, isa daw sa mga huling salita na

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

AT YUMUKO SIYA

 1,974 total views

 1,974 total views Homiliya para sa Ikalimang Linggo ng Kuwaresma, Ika-6 ng Abril 2025, Juan 8:1-11 Dalawang beses daw yumuko si Hesus. Una, nang iharap ang

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

PAKIUSAP

 2,624 total views

 2,624 total views Homiliya Para sa Huwebes sa Pang-Apat na Linggo ng Kuwaresma, 3 Abril 2025, Eksodo 32:7-14; Juan 5:31-37 Kung masakdal sa Korte ang isang

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

THE FATHER WHO GOES OUT

 9,809 total views

 9,809 total views A Laetare Sunday Reflection on the Parable of the Prodigal Son (longer version)   Introduction: Rejoice, Return Home! Laetare Sunday – the Fourth

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

AS YOURSELF

 4,517 total views

 4,517 total views Homily for Fri of the 3rd Wk of Lent, 28 Mar 2025, Mk 12:28-34 Love your neighbor AS YOURSELF. We often misread this

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

MATINIK

 8,270 total views

 8,270 total views Homiliya para sa Unang Linggo ng Kuwaresma, 9 Marso 2025, Lk 4:1-13 Pumasok na tayo sa panahon ng kuwaresma noong nakaraang Miyerkoles ng

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

PAGLULUKSA AT PAG-AAYUNO

 7,401 total views

 7,401 total views Homiliya para sa Biyernes matapos ang Miyerkoles ng Abo, 7 Marso 20245, Mt 9:14-15 “Pwede bang MAGLUKSA ang mga bisita sa kasalan habang

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

PAKITANG-DIYOS

 7,239 total views

 7,239 total views Homiliya para sa Miyerkoles ng Abo, 5 Marso 2025, Mt. 6:1-6, 16-18. Para hindi tayo maligaw tungkol sa sinasabi ni Hesus sa binasa

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

WATCH YOUR WORDS

 8,652 total views

 8,652 total views Homily for the 8th Sunday in OT, 2 Mar 2025, Lk 6:39-42 I woke up this morning wondering why the sound track of

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

PUTULIN?

 10,648 total views

 10,648 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikapitong Linggo ng Karaniwang Panahon, 27 Pebrero 2025, Mk 9:41-50 Ang pinaka-susi para maintindihan ang ipinupunto ng ating

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

PAGPAPAKITA NG MGA BANAL

 7,887 total views

 7,887 total views Homiliya para sa Pyesta ng Birhen ng Kapayapaan Mission Station, Letre, Malabon city, Pebrero 25, 2025, Roma 8:28-30; Lucas 1, 26-38 Sana merong

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

IRONY

 9,212 total views

 9,212 total views Homily for Friday of the 6th Wk in OT, 21 Feb 2025, Gen 11:1-9 & Mk 8:34-9:1 “What profit is there to gain

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top