Sacred music, mahalaga sa liturgy

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 28,174 total reads

Binigyang-diin ni Pope Leo XIV ang mahalagang papel ng sacred music sa liturhiya, partikular sa Banal na Misa, bilang tulong upang higit na mapalapit ang mga mananampalataya sa Diyos.

Ayon kay Radio Veritas Vatican Correspondent, Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma, tinalakay ng Santo Papa sa kanyang Wednesday Audience ang tungkol sa liturhiya at ang Sacrosanctum Concilium ng Second Vatican Council, partikular ang papel ng banal na musika.

Ipinaliwanag ni Fr. Gaston na hindi dapat ituring na entertainment o performance ang musika sa loob ng Misa.

“Napag-usapan niya this time ay ang sacred music na makakatulong sa ating pagdasal. Sacred music na nagdadala sa atin sa Panginoon, na nagpapalapit sa atin sa Panginoon. Ang music sa loob ng liturgy, lalo na sa Misa, ay hindi ‘yan entertainment.” Bahagi ng ulat ni Fr. Gaston sa Radyo Veritas.

Pagbabahagi ni Fr. Gaston, ibinahagi ng Santo Papa na layunin ng musika at mga awit sa Misa na tulungan ang mga mananampalataya na manalangin at mapalapit sa Panginoon, kung saan bahagi rin ng panalangin ang mga sandali ng katahimikan sa loob ng liturhiya.

“Dasal po yung music. Kaya may part ng music, may part din ng silence. Sa liturgy, sa Misa, may parts na tahimik na yung lahat kasi nagdadasal tayo. Kasama ‘yan sa dasal. Kaya hindi po show ang Misa.” Dagdag pa ni Fr. Gaston.

Binigyang-diin din ng Pari ang mahalagang papel ng mga choir at music ministry, ngunit sinabi niyang kailangang makasabay din ang buong sambayanan sa pag-awit.

Ayon kay Fr. Gaston, kung magiging masyadong komplikado ang mga awit at hindi na ito masundan ng mga tao, maaaring maging tila palabas na lamang Misa sa halip na isang sama-samang pananalangin.

“Sana napalapit tayo sa Panginoon. At kaya napakalaking tulong ang mga choir, napakalaking tulong ang mga nagsi-serve sa simbahan kasi napapalapit na tayo sa Panginoon. Minsan, kaya part din ng Misa yung kanta. Yung kanta ay hindi ‘yan, kumbaga, hindi ‘yan para ma-entertain tayo, kundi para magdasal tayo. At minsan, ang Misa, ang kanta sa Misa, sana ay lagi, laging nakakasabay ang tao. Sana nakakakanta din yung tao. Kasi kung masyadong complicated naman yung kanta na hindi naman alam ng mga tao.” Ayon pa kay Fr. Gaston.

Para kay Fr. Gaston, mahalagang tandaan na ang Misa ay hindi isang konsiyerto o pagtatanghal kundi isang pagdiriwang ng pananampalataya kung saan ang buong sambayanan ay tinatawag na makibahagi sa pananalangin.

Paliwanag ng Pari, sa pamamagitan ng tamang paggamit ng sacred music, katahimikan at mga tugon ng sambayanan, ay higit na nagiging daan ang liturhiya upang mapalapit ang puso ng bawat mananampalataya sa Panginoon.

Samantala, ibinahagi rin ni Fr. Gaston na patuloy ang mga gawain ni Pope Leo XIV sa Vatican, kabilang ang kanyang mga mensahe sa iba’t ibang grupo at ang nakatakdang pagbisita sa Republic of San Marino at Rimini.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 220,865 total reads

 220,865 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 252,596 total reads

 252,596 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 354,420 total reads

 354,420 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 394,981 total reads

 394,981 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 406,817 total reads

 406,817 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top