Sakripisyo ng mga Ina, hindi matutumbasan.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,597 total views

Hindi matutumbasan ang pag-ibig at mga sakripisyo ng isang Ina para sa kanilang mga Anak.

Ayon kay Ozamis Archbishop Martin Jumoad sa pagdiriwang ng Mother’s Day, nawa ay gamitin natin itong pagkakataon para ipakita sa ating mga Ina ang ating pagmamahal at pasasalamat.

Paliwanag ng arsobispo, walang katumbas ang mga naging paghihirap ng bawat Ina sa pag-aaruga ng kanilang mga anak kundi ang pagpapakita ng pagkilala sa kanilang sakripisyo.

“I think that can never be repaid. Because it is only through love that we can show to them and for them when we tell them I love you, then that will be enough for them,” ayon kay Archbishop Jumoad. Tagubilin pa ni Archbishop Jumoad sa bawat anak na kalingain din ang kanilang mga nanay at tuwinang ipakita ang ating pagmamahal. “Please take care of your mothers and always whisper to their ears, ‘Inay kayo po ay mahal ko’ and that will be enough to a mother,” ayon pa sa Arsobispo.

Hinikayat naman ni San Jose, Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari ang bawat anak na pasalamatan ang Panginoon sa pagkakaroon ng mga Inang mapagmahal at pasamalatan din sila sa kanilang mga pagpapakasakit.

“Happy Mother’s day. Let us thank the Lord for our Mothers. Let us thank all our Mothers alam natin ang sakripisyo nila para sa atin unang-una na ang pagsilang sa atin. Alam natin ang sakripisyo nila habang lumalaki tayo. Despite their weaknesses, hindi matutumbasan ng kahinaan nila at kakulangan nila sa pagmamahal na naranasan natin sa kanila. Hingin natin ang lahat ng mga biyaya at pagbabasbas na kailangan nila. Sana patuloy silang maging Nanay at patuloy silang magbuhos ng buhay para sa kanilang mga anak,” ayon kay Bishop Mallari.

Ngayong Linggo, bukod sa pagdiriwang ng Mother’s day, ipinagdiriwang din ng Simbahan ang ‘Ascension Sunday’ at ang kapistahan ng Our Lady of Fatima.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang bayanihan

 62,609 total views

 62,609 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 84,719 total views

 84,719 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Isa pang state of emergency

 160,450 total views

 160,450 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 159,888 total views

 159,888 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top