Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Saan tayo patutungo?

SHARE THE TRUTH

 312 total views

Mga Kapanalig, namatay noong Biyernes, Mayo 11, ang demokrasya sa Pilipinas.

Ganito inilarawan ng marami ang nangyaring pagpapatalsik kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno ng kapwa niya mahistrado sa Korte Suprema. Walong mahistrado ang pinagbigyan ang quo warranto petition na kumuwestyon sa pagkakatalaga kay CJ Sereno. Hindi raw kuwalipikado si CJ Sereno na maging punong mahistrado dahil hindi raw kumpleto ang kaniyang statement of assets, liabilities, and net worth o SALN. Matatandaang lima sa walong mahistrado ang dumalo sa ginawang pagdinig sa Kongreso bilang tugon sa isang impeachment complaint. Kaya naman, marami ang nagsasabing hindi patas at hindi katanggap-tanggap ang naging pasya ng Korte Suprema dahil hindi nag-inhibit o bumoto pa rin ang mga hukom na may personal na isyu at sama ng loob kay CJ Sereno.

Mahalagang makita rin ang “kuwento” sa likod ng bilang ng boto. Sa walong pumabor na patalsikin si CJ Sereno, apat ay itinalaga o in-appoint ni Pangulong Duterte. At hindi katakataka kung kikiling ang mga ito sa mga nais mangyari ng taong naglagay sa kanila sa posisyon. At ang taong nagtalaga sa kanila, si Pangulong Duterte, ay hindi kailanman naging bukás sa mga naging puna ni CJ Sereno sa mga patakaran ng administrasyon katulad ng marahas na giyera kontra droga. Itinalaga naman ni dating Pangulong Arroyo, na kaalyado ngayon ng pangulo, ang tatlong bumoto pabor sa quo warranto petition.

Higit sa naging epekto nito kay CJ Sereno, ang nangyaring pagpapatalsik sa punong mahistrado sa isang paraang hindi nakasaad sa Saligang Batas ay nagpakita kung gaano kahina ang ating mga institusyon laban sa pamumulitika. Sa isang ideyal na sitwasyon, magkakahiwalay, magkakapantay, at malaya o independyente ang tatlong sangay ng pamahalaan—ang ehekutibo, na pinangungunahan ng pangulo; ang lehislatura, na pinamumunuan ng House Speaker at Senate President; at ang hudikatura, na nasa ilalim naman ng isang Chief Justice. Sa ilalim ng ating Konstitusyon, may mandato ang bawat sangay na bantayan ang ginagawa ng iba upang wala sa kanilang aabuso sa kapangyarihan. Checks and balances ang tawag sa mekanismong ito.

Ngunit kung nagagawa ng isang sangay na maging mas makapangyarihan sa iba at kung nakokontrol nito ang pagpapasya ng ibang sangay, nawawalan ng saysay ang checks and balances. At kapag wala nang checks and balances, kapag ang gusto lamang ng isang tao ang mananaig at iisang interes lamang ang nasusunod, diktadura ang mangingibabaw.

Para sa Simbahan, ayon na rin sa mga panlipunang katuruan nito, hindi isang tunguhin (o end) ang demokrasya kundi isa sa maraming paraan upang makamit ng lipunan ang kagalingan ng lahat o common good. Gayunman, kinikilala natin ang mga mabubuting dulot ng demokrasya gaya ng pagtiyak na nakalalahok ang mga tao sa pamamahala, napananagot nila ang kanilang mga pinuno, at napapalitan ang mga lider sa mapayapaang paraan kung kinakailangan. Ngunit dagdag pa ni St John Paul II, ang tunay na demokrasya o authentic democracy ay posible lamang sa isang estadong nananaig ang batas at nakasandig sa tamang pag-unawa sa pagiging tao. Samakatuwid, huwad ang demokrasyang isinasantabi ang batas at pinamumunuan ng mga lider na nagsusulong ng mga patakarang lumalabag sa dangal ng tao.

Kaya, mga Kapanalig, sa bawat nangyayari sa ating lipunan, gaya ng nangyaring pagpapatalsik kay CJ Sereno, tanungin natin ang ating mga sarili: Isinusulong ba nito ang kagalingan ng lahat? Iginagalang ba nito ang proseso ng batas? Kinikilala ba nito ang tamang pag-unawa sa angking dangal ng tao? Kung “hindi” ang sagot ninyo sa mga tanong na ito, baka hindi sapat na manatili lamang tayo sa komportable nating kinalalagyan.

Manatili tayong maging mapagbantay, mga Kapanalig, dahil baka bukas-makalawa, hindi na natin alam kung saan tayo patutungo bilang isang bayan.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 9,805 total views

 9,805 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 17,286 total views

 17,286 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 30,426 total views

 30,426 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 36,399 total views

 36,399 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 42,153 total views

 42,153 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 9,806 total views

 9,806 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 17,287 total views

 17,287 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 30,427 total views

 30,427 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 36,400 total views

 36,400 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 42,154 total views

 42,154 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 40,781 total views

 40,781 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 41,865 total views

 41,865 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 37,246 total views

 37,246 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 49,250 total views

 49,250 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 57,292 total views

 57,292 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 48,849 total views

 48,849 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 47,274 total views

 47,274 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 49,060 total views

 49,060 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 45,985 total views

 45,985 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 60,299 total views

 60,299 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top