Sakripisyo ng mga Ina, hindi matutumbasan.

SHARE THE TRUTH

 1,309 total views

Hindi matutumbasan ang pag-ibig at mga sakripisyo ng isang Ina para sa kanilang mga Anak.

Ayon kay Ozamis Archbishop Martin Jumoad sa pagdiriwang ng Mother’s Day, nawa ay gamitin natin itong pagkakataon para ipakita sa ating mga Ina ang ating pagmamahal at pasasalamat.

Paliwanag ng arsobispo, walang katumbas ang mga naging paghihirap ng bawat Ina sa pag-aaruga ng kanilang mga anak kundi ang pagpapakita ng pagkilala sa kanilang sakripisyo.

“I think that can never be repaid. Because it is only through love that we can show to them and for them when we tell them I love you, then that will be enough for them,” ayon kay Archbishop Jumoad. Tagubilin pa ni Archbishop Jumoad sa bawat anak na kalingain din ang kanilang mga nanay at tuwinang ipakita ang ating pagmamahal. “Please take care of your mothers and always whisper to their ears, ‘Inay kayo po ay mahal ko’ and that will be enough to a mother,” ayon pa sa Arsobispo.

Hinikayat naman ni San Jose, Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari ang bawat anak na pasalamatan ang Panginoon sa pagkakaroon ng mga Inang mapagmahal at pasamalatan din sila sa kanilang mga pagpapakasakit.

“Happy Mother’s day. Let us thank the Lord for our Mothers. Let us thank all our Mothers alam natin ang sakripisyo nila para sa atin unang-una na ang pagsilang sa atin. Alam natin ang sakripisyo nila habang lumalaki tayo. Despite their weaknesses, hindi matutumbasan ng kahinaan nila at kakulangan nila sa pagmamahal na naranasan natin sa kanila. Hingin natin ang lahat ng mga biyaya at pagbabasbas na kailangan nila. Sana patuloy silang maging Nanay at patuloy silang magbuhos ng buhay para sa kanilang mga anak,” ayon kay Bishop Mallari.

Ngayong Linggo, bukod sa pagdiriwang ng Mother’s day, ipinagdiriwang din ng Simbahan ang ‘Ascension Sunday’ at ang kapistahan ng Our Lady of Fatima.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 3,350 total views

 3,350 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 28,711 total views

 28,711 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 39,339 total views

 39,339 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 60,315 total views

 60,315 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 79,020 total views

 79,020 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

50-pesos na wage hike, binatikos

 19,179 total views

 19,179 total views Nilinaw ni Kamanggagawa Partylist Representative Elijah San Fernando na hindi dapat ikatwiran ang maliliit na negosyo upang hadlangan ang isinusulong na legislated wage

Read More »
Scroll to Top