Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Sambayanang Filipino, Hinimok na manindigan sa mga maling Polisiya ng Administrasyong Duterte

SHARE THE TRUTH

 215 total views

Ayon kay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, mahalaga ang papel na ginagampanan ng bawat Filipino tungo sa pagkakaisa at pag-unlad ng Pilipinas.

“Sana maging interesado tayo sa kalagayan ng ating bayan para lahat tayo maka-contribute sa kabutihan ng bawat mamamayan.” pahayag ni Bishop Pabillo sa Radio Veritas.

Hinimok ng Obispo ang mamamayan na huwag manahimik sa mga maling Polisiya at gawain ng kasalukuyang Administrasyon na nakakaapekto sa buhay ng tao partikular ang mga maliliit na Sektor ng lipunan.

“Ipakita natin na tayo ay bahagi ng bayang Pilipinas na nakikibaka sa kabutihan.” dagdag ng Obispo.

Noong ika – 23 ng Hulyo 2018, pinangunahan ni Bishop Pabillo ang Misa sa St. Peter’s Parish Shrine sa Commonwealth Avenue bilang panimula sa isinagawang United People SONA kasabay ng ikatlong State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kabilang sa mga natalakay ng mga nagsalita sa pagtitipon ang usapin ng kawalang katarungan sa bansa dahil sa extra judicial killings, pagdami ng mahihirap sa lipunan, pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at ang pagtutol ng karamihan sa isinusulong na pagpapalit ng Konstitusyon mula Unitary Form of Government patungong federal Form of Government.

Binigyang diin ng Obispo na mahalaga rin ang pananalangin para sa ikatatagumpay ng Pilipinas at makamit ang tunay na pagkakaisa ng mga mamamayan.

“Ipagdasal ang ating Bayan at sa pamamagitan ng ating Pagmamalasakit, Pang-uunawa at Pagdadasal maka-contribute tayo sa kabutihan.” ani ng Obispo.

Sa mensahe noon ng Kaniyang Kabanalang Francisco hinimok nito ang bawat pinuno ng mga bansa na isulong ang pagkakaisa at pagkakasundo upang makamit ang kapayapaan sa mundo.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GEN Z PROBLEM

 28,748 total views

 28,748 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 46,732 total views

 46,732 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 66,669 total views

 66,669 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 83,577 total views

 83,577 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 96,952 total views

 96,952 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Mga educator, kinilala ni Pope Leo XIV

 26,112 total views

 26,112 total views Kinilala at pinasalamatan ni Pope Leo XIV ang mga nagatatrabaho sa larangan ng edukasyon sa patuloy na pagsasabuhay ng misyong hubugin at linangin

Read More »
Scroll to Top